KABANATA 31 PAGKATAPOS ng araw na iyon ay tuluyan na ngang nagbago ang lahat. "Hindi ko naiintindihan!" Singhal ni Marceline matapos kong sabihin ang kaunti at pahapyaw sa mga pinayagan kong plano ng Senyorito Raphael. "Ako rin hindi ko naiintindihan." Segunda ni Teresa saka kumain ng chicharon na kanina pa binili at hawak. "Pero kahit ganoon, botong boto ako sa inyong dalawa!" Narito kami ngayon sa farm dahil tapos na ang ilang araw na trabaho namin sa mansyon, break time na at nakatambay kaming magkakaibigan sa palagi naming inuupuan kapag kakain, dito sa ilalim ng malaking puno sa likod ng pinaka Site 3, wala gaanong tao dahil na rin sa ingay ng mga alagang hayop 'di kalayuan dito. "Nako, Angeline, hindi ka naman ba inuuto lang niyan?" Sita sa 'kin ni Jappa na kasama rin namin,

