KABANATA 34 PAGKATAPOS ng eksena na ‘yon ay sinubukan ko pang maghanap ng pagkakataon para makausap ulit si Senyorito Presley patungkol sa sinasabi niyang pageant ng pamilya Portugal para sa iba’t-ibang bayan na kasama rin ang La Hermosa, ang kaso naman hindi ko na siya nahanap, pagkatapos yata nilang mag-usap ni Kapitana at ng mga kasama nito ay dire-diretso siyang umalis ng farm. Nangingiwing napakamot ako ng batok habang naglalakad pabalik ng Site 2 kung saan ko balak magtrabaho ulit, hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ni Senyorito Presley para ako ang isali roon eh. Hindi niya ba nakikita? Wala akong talent sa mga ganoon! Ni wala nga akong naisuot na magarang damit mula noong nag-umpisa akong magdalaga, ano kaya ang nagtulak sa kaniya para ako ang piliin para roon? “

