KABANATA 35 SA SOBRANG kaba, hiya at pagkataranta na pinaghalu-halo na sa loob-loob ko ay hindi ko mapigilang iayos nang ilang ulit ang suot kong salamin sa mga mata. Nakatayo ako ngayon sa bungad ng pintuan ng bahay namin habang nakatanaw sa loob ng maliit na bahay namin, may bula-bula pa ng dishwashing liquid ang kaliwang kamay ko habang ang kanan naman ay may hawak pang sponge mula sa pinagkakaabalahan ko kanina na paghuhugas ng pinggan. “Senyorito! Upo ka! Pasensya ka na ha, medyo luma na rin ‘tong upuan namin, hindi na nga pantay. Wala rin kasi kaming pambili ng bago kaya pinagtyatyagaan na lang ‘to.” Chika ni Nanay kay Senyorito Raphael habang nauupo ito sa pinaggiyaan niyang upuan sa sala na parte ng maliit namin na bahay. Parang halos kulang na lang ay alalayan pa yata ni Nanay

