Kung maraming pagbabago man ang napansin ko kay Axis noong Pambansang Palaro, mas marami pa akong napapansing pagbabago niya ngayong estudyante ko siya subject na PE and Health. Mas naging palakaibigan na ito, halos lahat na ata ng estudyanteng babae sa buong grade 11 at 12 level ay nakakasama niya.
Whenever we run into each other, he always has a female classmate with him. I tell myself that's all it is... just normal company, because I honestly have no idea whether he's in a serious relationship or simply fooling around. Either way, I suppose it's better than him spending all his time with me or Cathy. We're older, and that would be inappropriate.
Kinukumbinsi ko ang sarili kong tama naman ang ginagawa niya, una sa lahat iyon din naman ang suhestiyon ko sa kanya. At mas maigi na makihalubilo siya sa kaedaran niya kaysa makipagharutan kay Cathy.
Cathy should know her boundaries and limitations, knowing she's a professional.
I know my dislike and the anger that flares up whenever she makes those peculiar comments about Axis isn't just because it's unethical. There's something else in me that twists whenever Cathy says things I know I could never say myself. Of course, why would I? I still have the decency to keep things in their proper place.
Mali naman talaga kung itutuloy ko iyon at basta ko nalang hayaan ang nahihibang kong isip at patulan ang estudyante ko, pero sana kahit papaano magawa ko iyon.
Madalas ulit siyang pumupunta ng clinic, kahit na hindi na ako roon napapadalas pag lunch break.
Isang weekend ay ginulantang ako sa pagpapakita ni Merlion sa labas ng inuupuhan ko kaya halos hindi ako magkamayaw sa una kong gagawin basta ay niyakap ko siya at napakawit pa ako.
Pero mas nagulantang ako dahil sa likuran niya ng napaka... bait kong ex habang mayroong malawak na ngiti. Hindi ko alam kung anong mayroon at pumunta siya rito.
Napataas ang aking kilay ngunit binati ko pa rin siya. Mananatili raw sila hanggang Lunes kaya't pinaunlakan ko na lamang ang nais nilang gawin sa isla.
Ipapasyal ko sila sa dalampasigan, kung saan nakalagak sa gilid ng malawak na lupain ng mga Montecarlo, nalaman kong hindi raw pagmamay-ari ng Jalandon ang Vista at lupain nito kung hindi sa mga Montecarlo.
"What's that small castle out there, ate?" tanong ni Merlion, habang tinatahak namin pababa ang dalampasigan.
Makikita kasi ang dinadaanan namin papuntang dagat ang malawak na lupain ng mga Montecarlo.
"They call it, Vista," sabi ko, "the wife of the mayor of Guimaras owns that," patuloy ko.
"Nakapasok ka na ba diyan, ate? Di ba kasi nasa likod lang ng apartment mo?" tanong nitong muli.
I know that the question at hand may appear simple, yet I am having trouble coming up with a response.
Sa pananahimik ko ay nalingunan ko ang paninitig ni Caen, nag-iwas lang ito ng tingin nang yukuin ang dinadaanan namin.
Hagdang bato at may kahoy na hawakan ang aming dinadaanan pababa.
"Once," I answered, but it took me a minute to answer it. "The mayor's son is my student."
"Really? Woah! He's studying in a public school? Aren't they rich?" komento ng kapatid ko.
"Rich people don't always choose to live in comfort. Look at your siblings, Mer," sabat naman ni Caen.
"Sabagay," pag-sang ayon naman ng kapatid ko.
Nagpatuloy ang kwentuhan hanggang sa makarating kami sa dalampasigan.
Dinaanan namin ang shortcut na itinuro sa akin ni Axis noon, iyong liblib na nasa pinakagilid ng malalaking bato kung saan parte pa rin ng lupain nila, imbes na umakyat pa kami sa kabila kung saan may malalaking bato, sadyang ginawan man ng hagdan ay kailangang akyatin at babain pa iyon.
Aabot ng sampung minuto iyon samantalang ang shortcut ay mga apat na minuto lang.
"This is so beautiful," anas ng aking kapatid nang matanaw ang dalampasigan.
Nilingon ko ang malalaking bato kung saan ako tumatambay kapag may oras akong magmunimuni.
Inilibot ko ang aking paningin at dumako iyon sa Vista na lumiit na sa paningin ko. Sa malalaking bato, nagmukha itong nakapatong doon.
I'm curious why they chose a castle house instead of a lighthouse in this setting. But why would they construct a lighthouse if the location was never intended to be one?
And here I am again, asking and answering myself.
Pwedeng gawin itong hotel resort ito, gawan lang nila ng hagdan mula sa malalaking bato pababang dalampasigan, siguradong patok ito sa mga turista. Ngunit mas maganda kung itatago ang gandang ito. Selfish indeed.
"Hindi ka maliligo?" tanong ni Caen, nagsisimula na itong maghubad ng damit.
Umiling ako bilang sagot.
"Why? Let's enjoy, minsan lang kami rito." Natanggal niya ang ang kanyang gray t-shirt.
It's funny, I can tell he's trying to impress me, yet looking at him, at his body, doesn't stir a single emotion in me.
After dumping me like a hot potato and moving on to someone else just two weeks after we broke up... are we really going to act like nothing happened? He didn't even bother to give himself a month to pretend he'd moved on. We had been together since our third year of high school.
Is it because he wanted to sleep with me but couldn't?
My parents made me promise that I wouldn't date until I turned 18, but I disobeyed that rule. Although they are often overprotective, my parents will allow me to date if I am of legal age, as long as I have a chaperone.
"Ate! Sumama ka naman, ang kj nito!" sigaw ni Merlion kaya't hindi ko nasabi ang nais kong sabihin kay Caen.
I'm wearing a rashguard and cycling shorts underneath my chiffon long-sleeved coverup. Kaya't wala akong karapatang tumanggi lalo na't handa ako upang maligo.
We were enjoying the pristine waters, looking for some sea clams and stones for a souvenir.
"Ate, look at this, it looks like a d**k!" Tumatawang ipinakita sa akin ni Merlion ang isang bato.
Kung si Ate Marciana magagalit sa kapilyuhan ng kapatid namin, ako ay mapapahiya sa ginagawa niya pero sa oras na ito natawa ako ng malakas.
Mukha talaga siyang... p***s, a little one.
Tinampal ko ang braso niya nang inabot niya sa akin iyon.
"No!" tanggi ko, "you keep that one instead," pangangasar ko.
"What's that?" Lumapit sa amin si Caen.
Nahihiya ako kaya't mabilis kong hinablot ang bato kay Merlion bago niya pa sabihin sa isa.
Pinilit pa ni Caen na tignan ang bato, itinago ko sa aking likuran habang pinilipit ako ni Merlion na ipakita iyon, si Caen naman ay halos yakapin na ako makuha lang ang bato sa aking likuran.
"Ma'am Denieste!"
Isang sigaw ang nagpatigil sa ingay naming tatlo. I saw a fancy white center console boat, at dumaong sa dalampasigan, bumaba ang mga lulan doon.
It was Nethry who called me.
The familiar faces of Axis Dimitrius friends were there. Agad kong iginala ang mata ko upang hanapin siya. I was about to get disappointed when, he, was the one who found my eyes. His cynical eyes were evaluating me as if I were a sinner.
"Are they your students, ate?" Merlion asked as he watched the boys coming closer to us.
"I only have one student among them, the rest were students in Guimaras," I answered. Handa na akong yayain sila na umalis na ngunit nakalapit na si Nethry at ang iba.
"Naku, ma'am, galing kami sa isang isla malapit dito, ang ganda ron, sayang, di ko po kasi alam sino sasabihan ko para ayain kayo." Nakangiting sabi ni Nethry.
"Isama na lang natin sila ulit."
"Kukuha lang kaming pagkain, nagkaubusan e, pero babalik po kami don,"
Sunod-sunod na sabi ng iba.
Tatanggi na sana ako nang mabilis pa sa alas cuatro na sumang-ayon si Merlion. Ipinakilala ko sila sa mga kaibigan ni Axis, sila na mismo nagpakilala sa sarili nila, at hindi ko maalala ang mga pangalan ng iba.
Sa huli, lulan na kaming labing-apat na pasahero ng center console boat at papunta na sa isa pang isla.
Isang maliit na islang berde ang natatanaw ko. Ang mahabang sandbar agad ang bumungad sa amin nang ihinto ang bangka sa di kalayuan ng sandbar.
Ginanahan akong bumaba agad nang makita ang magandang isla.
Pati ang aking kapatid at si Caen ay napasinghap. Unang nagsibabaan sina Axis.
Pababa ako ng hagdan at nakaabot ang kamay ni Caen sa aking kaliwang parte, sa huling baitang ay hindi ko napansing mayroon pa palang baitang dahil nasa ilalim na ng tubig kaya't nawala ako ng balanse.
Mabilis akong napayakap sa taong nasa harapan kong nakaharap sa akin upang umalalay rin. Ngunit dahil marahil sa bigla at hanggang tuhod pala sa amin ang lalim ng tubig tapos ay sinabayan pa ng malakas na alon kaya't natumba ito kasama ako.
Mabilis akong inahaon ni Caen, at napaupo naman si Axis.
Si Axis ang sumalo sa akin.
It was our first hug.
And even though I kept my thoughts to myself, I appeared to be an idiot getting ecstatic over an unintentional hug. However, it was our first!
Marionelia, what's the big deal about this? Do you have feelings for him?
"Are you okay?" tanong ni Caen.
"He's fine, Caen, she's as tough as limestone, she just doesn't look like one, but she is." Tumatawang sabi ni Merlion, sinamaan ko siya ng tingin.
"S-sorry," sabi ko kay Axis at inabot ang kamay ko ngunit ito na ang tumayo.
Because of the warm undertones of his skin, I find it endearing when he gets a blush on his cheeks.
At parang gusto kong sampalin ang sarili sa aking naisip.
Ilang minuto kaming nagtatampisaw sa dagat at kuhaan ng litrato nang pakiramdam ko'y parang masusunog na ang balat ko sa init ay sumilong ako sa mga puno.
Napaagat ako ng tingin nang mayroong nag-abot sa akin ng isang tumbler.
"Water?"
"Thanks." Kinuha ko iyon.
Sumandal ito sa punong sinisilungan ko. Nilingon ko siya, nagkaroon ako ng oras na titigan siya dahil abala ang tingin niya sa nagkukulitang kapatid ko at si Caen, kasama ang ibang mga kaibigan niya.
"You and your brother are the exact opposite," saad niya sa mahinang paraan.
"Just like your brothers, one of them is probably the sunshine and the aloof one," sabi ko, pero pakiramdam ko siya iyong aloof.
"So, what am I, since sunshine and aloof were taken." Nilingon niya akong nakataas ang kilay.
"Probably the annoying one?" patanong kong sabi.
Imbes na mainis ay malakas itong tumawa.
"I couldn't agree more," sabi nito.
Tinitigan niya ako, iyong klase ng titig na sagad hanggang buto, tipo ng titig na ikinatuwa ko, hindi ko na kasi naranasan ito ng isang school year.
"I miss you so much, miss," saad niya.
My heart began pounding like someone was constructing a wooden cage to the sound of his raspy and calm voice.
His hazel green eyes are so magnificent, looking at them was like looking at the deepest part of the ocean, they were immeasurably amazing and tempting, like I wanted to plunge into it.
"How can you be that straightforward?" Pilit akong tumawa.
'I miss you, too, Axis.'
In a sad tone, he remarked, "might as well say it than never, one day, you'll leave, and I don't know when that would be."
And while I wanted to console him, I couldn't because of our disposition.
Nahihiya akong umamin kahit sa sarili ko na minsan hinahanap ko siya, na mayroong pangungulila akong naramdaman ngunit hindi ko lamang maamin.
"How are you?" tanong niyang muli.
Hindi naman nakakalungkot ang tanong na iyon, ngunit hindi ko namalayan na mayroong nag-iisang butil ng luha na tumakas sa aking mata. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya at palihim na pinunasan iyon.
Kahit pala determinado ako sa aking desisyon, nandoon pa rin pala ang mga katanungang 'Paano kung', paano kung hindi ganito ang sitwasyon namin, pagbibigyan ko rin ba ang sarili kong lumaya at sagutin ang tanong niya?
'I'm glad you're here, but I'm also a little sad because you're here with me, but you seem so far away.'
I have admitted to myself, that I have never felt this extreme that even his simple words were like a safe haven and an eternal damnation at the same time.
"Hey, what are you doing here, ayaw mo na bang maligo?" Nakangiting naglalakad palapit sa amin si Caen.
Mabilis niyang tinapunan ng tingin si Axis.
They appear different when compared. I'm certain Axis was taller. Axis could have toned his muscles over the years, but Caen is bigger than him. Axis has the appearance of a western youngster, while Caen is a combination of Asian and Western with his monolid eyes. Caen has a honey-colored complexion, whereas Axis has warm undertones.
Sa kaibuturan ko ay mas kakausapin ko si Axis, ngunit mas nanaig ang kaisipan kong propesyunal ako, kaya't mas pinili kong kausapin si Caen, tumayo ako at nagpaalam kay Axis.
Naglakad na kami pabalik ng dalampasigan nang lingunin ko si Axis.
'I'm sorry, Axis.'