Buong pagkakataon naman na gumagala kami nina Merlion at Caen ay maiiksi lang ang naging usapan namin ni Caen, hindi ko rin matanong si Merlion kung bakit dinala niya rito ang lalaki.
Siguro ay sa 'contaminated' na ata ang utak ko sa ibang bagay, hindi ko gaanong naging isyu ang biglaang pagpapakita sa akin ni Caen.
Ngunit bumalik din silang madaling araw pa lamang ng Lunes.
Tanghali ng lunes at sa kalagitnaan ng klase ko ay nagkagulo nang sa mismong klase ko ay biglang nahirapang huminga ang estudyante kong si Tisha.
Ang sabi ay may hika raw ito.
Nang-utos agad ako ng tutulong, nang tignan ko siya ay hindi na normal ang paghinga niya at nilalakumos niya ang parte ng dibdib niyang parang may masakit talaga doon.
Binuhat ito ni Gendron para dalhin sa clinic, sinimulan na rin itong pagpawisan. Habang inaapatan ng unang panlunas ito ay nagtawag na kami ng tricyle upang ihatid sa port at itawid ito sa Guimaras, hindi lang pala hika ang sakit nito kung hindi ay sakit sa puso.
Halos hindi na naging maayos ang klase ko noon dahil kasama ako sa pag-aasikaso. Itinawag na rin ito sa mga magulang niya, nagpadala na rin kami ng ibang kasama, si Sir Makoy ang isa sa naghatid kay Tisha.
Hindi natapos doon ang gulo dahil agad na sinugod ni Gendron si Axis.
Nakakabaliw ang init ng ulo ng mga batang ito.
Doon ako unang nakasaksi ng isang taong sinuntok. Nang mapaatras si Axis sa suntok ni Gendron ay hindi ito gumalaw, hindi pumatol si Axis. Si Caspian ang naglayo kay Gendron kay Axis na nagsisimula ng maglakad palabas ng silid.
May mga teachers na rin na nag-awat sa galit na galit na si Gendron.
"Sige umalis ka! Ikaw ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Tisha! Palibhasa kasi mayaman ka kaya kung umasta ka para kang hari! Akala mo kung sino ka! Eh anak ka lang naman ng kabit—!"
Napatakip na ako sa aking bibig nang mabilis na binalikan ni Axis si Gendron at doon ay hindi na naawat si Axis para sikmuraan si Gendron, at sinuntok pa sa balikat, kahit inawat na ni Caspian ay nagawa pang makatakas ang pinakawalan niyang upper cut kay Gendron.
"Say that again, asshole." Kumakawala pa si Axis sa hawak ni Caspian at dalawa pang lalaking estudyante umaawat sa kanya.
"Sa tingin mo natatakot ako sayo, de puta ka!" sigaw pabalik ni Gendron na ngayon ay may dugo na sa gilid ng labi.
Ang gulo-gulo ng klaseng napuntahan ko, para akong tatanda ng maaga.
Hindi ko na napigilang ikwento ang nangyari kay ate Marciana nang tawagan niya ako, but of course... I did not include this particular student's confession.
Nakikinig at minsan ay nagkokomento lang naman siya, wala naman siyang masamang sinabi.
"Ayaw niya sigurong tawaging kabit ang ina niya at kahit sinong anak naman makarinig na ganyanin ang ina, magagalit talaga," sabi nito.
Natahimik ako sa sinabi ni Ate, si ma'am Axana, kabit siya?
"Sinong anak ba ang matutuwang sabihan ang ina niyang kabit?" muling dugtong nito.
Kahit papaano ay gumagaan ang mabibigat kong araw kapag nakakausap ang aking mga kapatid.
Kinabukasan ay nalaman kong hindi na pumasok si Axis. Ang sabi ng iba ay baka lilipat na ng school o magda-drop out na lang daw ito.
Agusto pa lang, at sayang naman dahil grade 12 na siya, huling taon niya ito sa high school. Wala man lang bang kumausap at kumumbinsi sa kanyang tapusin na lang ang school year?
Wala akong alam sa kwento ng mga Jalandon, wala ring alam iyong mga close kong co-teachers dahil baguhan lang naman sila.
Si Sir Salvadico naman ay ang alam lang naman ay naging kabit nga itong ina ni Axis, bukod doon walang malinaw na istorya pero ayaw daw talaga ni Axis na pag-usapan o maliitin ang pamilya niya, lalo na ang ina nito.
"Ang pagkakaalam ko kasi childhood sweetheart yang ina niya at ang mayor, ang kaso nag-break daw tapos nagpakasal sa iba si Mayor, ang kaso noong nakadalawang anak na biglang kumalat na may ibang babae raw ang mayor, tas ayon, iyon ang chismis, ewan ko lang kung totoo... pero baka..." Nag-aayos ng mga libro ang isang matandang TLE teacher, nakikisali rin sa usapan ng ibang teachers.
Baka raw kaya rin dito nag-aral si Axis sa isla ay dahil hindi siya gusto ng lolo at lola niyang nakatira sa Guimaras, ngunit lahat ng iyon ay haka-haka lamang.
Sinubukan kong makipag-ugnayan sa butler nila pero walang itong sinabi kung nandoon pa si Axis, hindi ko naman na dapat na problema ito kung tutuusin, dahil kinompirma na ng adviser ni Axis na aalis na nga raw ito.
Pero itong sarili ko iyong... sarili kong walang ibang nakadugtong na titulo kasunod ng kanyang pangalan bukod sa pagiging Marionelia Shian Denieste niya, walang kaakibat na ibang titulo ngunit gustong malaman kung maayos lang ba si Axis, kung ano ang kalagayan niya, bakit naman biglaan ang pag-alis nito?
Hindi ba siya magpapaalam sa akin?
Ngunit anong karapatan kong mag-demand nang ganoon kung basura nga lang ang turing ko sa feelings niya?
Pero may iba ba akong dapat na gawin sa feelings na iyon bukod sa tanggihan?
I'm his teacher, period.
Huling school year niya na sayang naman kung aalis agad siya... pero, iyon lang ba talaga ang dahilan ko? Nag-aalala lang ba talaga ako sa pag-aaral ng isang estudyante o may iba pa? Bakit namam ang bilis kong mabihag?
Bakit naman ganoon?
"Sayang naman at aalis na si Axis, ni hindi nagpaalam sa atin." Bumungad sa akin sina Cathy at Caspian ngayon na nag-uusap, hindi ko rin talaga maintindihan ang babaeng ito, naiinis magpatambay ng babaeng estudyante pero pag lalaki ay ayos lang.
"Ayon ang sabi sa akin ni Axis, ma'am e," sabi ni Caspian, "Good noon, po ma'am," bati niya sa akin at ngumiti.
Tinanguan ko lamang siya. Lunch time na pero ito sila at nag-uusap at mukhang wala namang sakit si Caspian.
"Masakit po ang puso ko ma'am e," sabi nito, at sa akin nakatingin na para bang itatanong ko na. Hindi ko naman tinanong pero sinabi nito.
"Bakit?" walang ganang tanong ko.
"Aalis na kasi ngayon ang kaibgan ko."
Ito ang ikatlong araw na hindi pumasok si Axis.
Pinilit kong hindi magkaroon ng interes kaya ibinaling ko sa mga papel ang aking mata.
"Ang alam ko mamayang alas dos ang alis non eh. Kaya ang sakit ng puso ko, kung kailan close na kami." Hinawakan niya pa ang dibdib niyang parang ang sakit talaga.
Umiling na lang ako bilang sagot sa biro niya.
Pero ang totoo parang may mababawas sa isa sa dahilan kung bakit nagugustuhan ko ang eskwelahan at ang isla na ito.
Mali.
Pero sana ito ang tama sa kabila ng kamalian.
"Axis!" Humihingal ako nang tumigil sa dalampasigan.
Pasakay na siya ng center console boat, nasa dalampasigan sa ibaba ng Vista siya aalis mula rito imbes sa port.
I am insane!
I feel like I've lost my mind. I don't even know why I rushed here. I didn't even wait to find out if someone could take over my afternoon classes. I just went straight to the MAPEH department head, asked for permission, and somehow made it here in record time
Nanlaki ang mata niya.
Kung gulat siya, sa tingin niya siya lang ba ang gulat? Ako rin kaya!
Nakakabaliw isiping ganito pala ako kauhaw sa isang bagay na pilit kong itinatapon. Hindi ko alam kung mahihiya, maawa o matatawa ako sa sarili ko.
Napatakbo siya upang salubungin ako.
No, I can't cry. I don't want to cry... not now. And yet, the tears threaten to betray me, especially when I catch him, hesitating, caught between the pull of coming closer and the weight of restraint.
I want him near, just a little closer, but I step back, still tethered to the fragile threads of my ethics. They let me feel, truly, achingly, but not completely. Not enough to let our hands meet, not enough to cross the line that might consume me. Strange, that a single step toward him could feel like stepping into fire.
There's a strange kind of liberation in facing him here, a quiet thrill in the closeness, yet never close enough. And still, the weight of our limits presses in, reminding me we shouldn't be acting this way, enclosing me in a gentle, constricting cage.
Yet even so, just this... our eyes meeting, unflinching... loosens the tight coil of my anxiety. That first gaze, held without avoidance, feels unexpectedly cathartic, like exhaling a breath I hadn't realized I'd been holding all along.
"How dare you show up here?" Mas humina pang lalo ang boses niya, kabaliktaran sa tanong niya ay naririning ko ang mumunting tawa niya. "How could you make me change my mind this instant when I've already made up my mind to leave?" bulong niya.
Mabilis niyang hinubad ang cap niya at isinuot sa ulo ko.
"Mainit..." anas niya. Marahang idinampi ang likuran ng kamay niya upang punasan ang pawis sa aking leeg, pero nag-iwas ako. Natigil siya sa dapat niyang gawin.
I must still draw a line between us, he needs to know the boundary he can approach and the one he must never cross.
"Why are you crying?" tanong niya, kitang-kita ang pagtataka roon.
"Th-then don't... just stay," mahinang saad kong nakayuko. Imbes na sagutin ang tanong niya ay mas pinili kong sabihin iyon.
Mabilis akong suminghot at mabilis na nagpunas ng luha. Talaga? Bakit ba ako umiiyak? Ano bang ginagawa ko rito?
"Miss," tawag niyang muli.
Ngunit hindi ako makasagot.
"Should I stay, then?"
Hindi ko alam paano sasagutin iyon muli samantalang kakasabi ko lang.
Isang mahinang tili ang kumawala sa bibig ko nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa may lilim, nakalayo kami ng tuluyan sa bangka, tumigil siya sa paglalakad nang makatayo na kami sa ilalim ng mga puno.
Iniharang niya ang kanyang katawan nang may mga taong dumaan sa di kalayuan namin. Sa ginawa niyang iyon ay napahupa ko ang aking nararamdaman kanina na sobrang kabado at lungkot, ngayon naman purong kaba na lamang iyon.
"Mainit tapos pumunta ka rito." Inalis hibla ng buhok kong dumampi sa aking noo.
Muli akong umatras, narinig ko ang buntong hininga niya.
"Sorry..." anas niya.
Hindi naman talaga ganoon kainit dahil malakas ang hanging probinsiya, takbo lakad lang ang ginawa ko kanina kaya ako pinagpawisan.
Being near him makes the age gap fade, if only for a moment. By the worried crease of his brow, it's clear I am the youngest, the most vulnerable here and yet, I find comfort in the way he reaches for me, his touch carrying the weight and care of someone older, steadier, protective.
Nailakumos ko ang hem ng jacket ko na siyang itinakip sa aking uniporme. Naghahanap ako ng maayos na sasabihin o itatanong.
"A-aalis ka?" mahina at nakayuko kong tanong.
"Hmm..." Isang napapaos na ungol ang ginawa niya bilang pagsnag-ayon, napalunok ako nang makompirma pang lalo na aalis talaga siya at mukhang wala na siyang balak pa na bumalik.
"D-di ka na babalik?" Nauutal kong tanong.
"I intend to return here to see you from time to time."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Pero iba pa rin iyong nakikita ko siya araw-araw, nakagat ko ang mga labi ko nang maisip kung gaano nga ako kabilis natupok sa liwanag na iyon, ang bilis kong natupok sa liwanag na ipinagbabawal ko sa aking sarili.
Naglibot ang mga mata niya mula sa labi at mga mata ko, paulit-ulit iyon. I can't help but admire the way his eyes glitter, as if I, too, were catching their spark. Sometimes he feels like a ball of fire... dazzling, irresistible and yet, dangerously untouchable.
"Dito ka na magtatapos dito?" tanong ko sa pinakamahinang boses,
I adored his expectant stare the moment he said, "Will the day ever come when you see me as more than a child, when you stop discarding me as if I were nothing?"
My heart began to pound in an unfamiliar rhythm, not that it usually raced when we were this close, when even our whispers could be caught but this time, it waged a battle deep within my ribcage.
"Did I... I'm sorry, if I made you feel that way, Axis. I just can't welcome your feelings, knowing where we stand."
"I understand." Tumawa ito. "Sometimes, it's just painful." Mas lumakas pa ang tawa niya.
He seems to be laughing away his shame and discomfort.
"Don't go, just... stay, Axis."
Maling-mali na bumigay kaagad ako, hindi ko alam na may taong may kakayahang sirain ang aking prinsipyo pagdating sa mga moral na bagay.
Bakit naman pagdating sa batang ito, napakabilis, parang hindi kapani-paniwala, napakaimposible naman ata non? Totoo ba talagang nagawa kong maghabol sa kanya para lang mapigilan siya?