Tiffany’s POV “Kuya Sky…” halos pabulong kong sambit sa pangalan niya at malungkot itong tiningnan. Masakit makitang pareho silang nasasaktan dahil sa nangyari. I was there, all ears when Reina revealed everything. Hindi ko masisi si Ate Kaisha kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon niya. Kahit saan tingnan, valid ang nararamdaman niya. But to Kuya Kap? I don’t know why I can’t hate him. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Parang may bumubulong sa akin na may mali pero hindi ko alam kung ano. Gusto kong tanungin si Kuya Sky tungkol isyu na ‘yon pero may pumipigil sa akin na hayaan ko muna at maghintay. But I can’t stand seeing my sister hurt, enduring all the heartaches. Nasasaktan din ako na wala man lang akong magawa to comfort her. Ilang araw na siyang nagkukulong sa kwarto

