Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto. Lalabas lang ako kapag kakain na at babalik din agad pagkatapos. Minsan, hinahatiran ako ni Tiffany ng pagkain kapag ayokong lumabas ng kwarto. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas. Wala ring sinasabi sa akin ang kapatid ko. Tahimik lang siya na para bang hinihintay lang ako na magsalita o maglabas ng saloobin sa kanya. Hindi ko naman magawang magsabi sa kanya dahil pakiramdam ko ubos na ubos ako. Blanko ang isip ko. Nangangapa ako ng tamang sasabihin sa kanya. Gustuhin ko mang magbahagi rito, tingin ko magb-breakdown lang ako at ayokong makita niya akong nasa gano'ng kalagayan. Tungkol kay Skyler, lagi ko siyang naririnig na kausap ang kapatid ko. Kinukumusta ako, kung anong kalagayan ko at kung anu-ano pa. Pero sa tuwing naririnig

