Napakurap si Kaisha nang pisilin ni Skyler ang kanyang kamay. Doon siya natauhan. Mabilis siyang umiwas ng tingin at binawi ang kamay. “Y-yung pagkain. Uubusin ko lang, Sir. Tapos sasayaw pa kami ni Celeste,” palusot niya at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga. Kunot-noong tumingin si Celeste sa kanya. “Sasayaw? Akala ko ba ayaw mo?” Palihim niyang kinurot ang kaibigan sa hita at binigyan ito ng makahulugang tingin. “Ininvite mo 'ko kanina, 'di ba?” Malokong ngumiti si Celeste at bahagyang tumango. “Eh ‘di kayo na lang ni Sir ang sumayaw? Invite mo rin siya—aw! Kaisha naman! Ba’t namamalo? Sir, oh!” Aba, nagsumbong pa talaga! Pinandilatan niya ito ng mata. “Sabi mo tayo lang. Bawal si Sir. Hindi siya marunong sumayaw.” Pareho silang napatigil nang marinig nilang mahin

