Hindi pinansin ni Kaisha ang paniniko sa kanya ng kaibigan, bagkus, nanatili siyang nakatitig sa lalaki, tinitimbang kung nakikilala ba siya nito o hindi. But the way he stared at her—his eyes were full of curiosity. She couldn't read him. Masyadong malalim na tao ang nasa harapan niya ngayon, kumpara no'ng sila pa—vulnerable, easy to read. "Kaisha, tinatanong ka. Your name daw, gagâ. Boss natin 'yan. Makisama ka naman," bulong ni Celeste. "Pag ikaw tinanggal sa trabaho, problema mo rin 'yan. Isipin mo rin ang anak niyo—este, ang future ng anak mo." Doon siya natauhan. Napakurap siya ng ilang beses bago nagbawi ng tingin sa kanilang boss. Suko na siya. Hindi siya makatagal. Nakakalunod ito kung manitig. Hindi rin naman niya mabasa. Hindi tulad noon—madali lang. Sa sobrang dali, nalalam

