Chapter 4

2217 Words
“Good evening,” bati ko sa kanya pabalik. Hindi ko alam kung kukunin ko na ba ang kuting o magbibihis na muna ako. Naiilang din ako dahil wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos bumati. Sa huli ay napagdesisyonan kong magbihis muna dahil nakahiga pa rin sa mat ang pusa ko. Nakakahiya naman na bigla ko siyang kunin. Pumasok ako sa apartment at saka naglinis ng katawan. Sabi ko ay magbibihis lang ako pero naglinis narin dahil pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko. Nagdadalawang-isip ako kung lalabas ako o hindi. Iniisip ko kung naroon pa ba si Atlas o wala na. Dapat nga ay magpasalamat ako sa kanya dahil binantayan nga niya ang pusa. Nakasimpleng pantulog lang ako at nakalugay ang mahabang buhok. Lumabas ako ng apartment at agad na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Bahagyang tinangay ng hangin ang aking buhok. Nasa labas pa rin si Atlas. Naupo siya sa sahig na katabi ng pusa. Nakita niya ako at hinagod ng tingin ang suot ko. Umiwas ako ng tingin dahil bigla akong na-conscious. Paano ko kukunin ang pusa kung hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ito? “Salamat sa pagbabantay sa kanya,” panimula ko. Muli niyang hinawakan ang kuting na natutulog. “No problem,” sagot niya. Ilang minutong katahimikan ang namagitan bago siya nagsalita ulit. “What’s his name?” tanong niya na hindi nakatingin sa akin. Ngumuso ako nang maalala ang binigay kong pangalan sa kuting. “Thor,” mahinang sagot ko pero alam kong narinig niya. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Ang gwapo. “Avengers, huh?” komento niya. Mas lalo akong ngumuso. Nahihiya ako dahil feeling ko weird ang binigay kong pangalan pero cute naman. “Para unique,” sabi ko. Mahina siyang tumawa. Akala ko ay mali lang ang narinig ko pero totoo ngang tumawa siya. Parang ang sarap no’n sa tenga. Hindi ko inaasahan na magkakaroon kami ng conversation na magaan lang. Pangit ang unang encounter namin at ine-expect ko na talaga na hindi kami magkakasundo. Naisip kong pwede naman pala siyang makausap ng mahinahon lang. Hindi yung para siyang laging galit. Kung ganito siya nung unang pagkakakilala namin ay baka naging magkaibigan pa kami. Who knows? “I’m Atlas Jimenez, I just realized that we’re neighbors and we still don’t know each other’s name,” wika niya. Napakagat ako ng aking labi. Alam ko ang pangalan niya pero hindi niya alam ang akin. “Caroline Therese Aranza, Cali nalang,” sabi ko. Akala ko ay hindi na siya magtatanong pero mali ako. “You’re working, right?” tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya at kinabahan. Baka mamaya ay insultuhin na naman niya ako. Hindi ko na yata kayang maulit ang pag-iyak ko sa harapan niya. “Oo, bakit?” “Why? Hindi ba’t nag-aaral ka pa?” binalingan niya ako at nakita ko ang malalim niyang pagtitig. Hindi pang-iinsulto ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon kung ‘di kuryosidad. “Working student, part time ko ang pagiging cashier sa Premier Mart.” sagot ko. Nangunot ang kanyang noo na parang may hindi naiintindihan. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang na-curious. “Don’t you have parents to support you? And why are you living alone? Why do you have to work for yourself?” sunod-sunod na tanong niya. Napaawang ang labi ko dahil doon. Napansin niya yatang masyado siyang maraming tanong kaya nag-iwas siya ng tingin. “Oh, fuck.” dinig kong bulong niya. Hinagod niya ang kanyang buhok na para bang nafu-frustrate siya. Ang hilig niyang magmura. “May mga magulang ako pero wala sila sa tabi ko ngayon,” sabi ko. Seryoso siyang tumitig sa akin. Mas lalo akong nailang. Para bang hinuhukay niya ang buong buhay ko sa pamamagitan ng titig para makakuha ng sagot. “Yeah, I can see that.” aniya. “I mean…m-my mother is deceased and I don’t know who my father is,” sagot ko. Pwede ko namang hindi sagutin ang mga tanong niya pero mas pinili kong magbigay ng sagot dahil wala naman dahilan para hindi sagutin. Hindi ko rin naman tinagago na wala na akong mga magulang. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Siguro iniisip niya kung paano ko nakayang mabuhay ng walang mga magulang. “And your sibilings?” I smiled. “Only child.” sagot ko. Mas lalo siya ngayong nagulat pero maya maya lang natawa siya. Kumunot ang aking noo. “I’m the only child too,” aniya. “And my mother is also dead,” Nanlaki ang mga mata ko. Kaya pala parang gulat na gulat siya kanina. “Your father?” nahihiya kong tanong. Dumilim ang kanyang mukha sa tanong ko. Galit na naman ang gwapo niyang mukha. “I don’t want to talk about it,” sabi niya. Sumimangot ako. Kapag siya ang nagtanong, sumasagot ako pero pag siya ang tinanong ayaw niyang pag-usapan. Hindi ako nagpumilit dahil baka nga ayaw niyang pag-usapan. Sandaling katahimikan ulit ang namagitan. Masarap sa pakiramdam ang hangin kaya naman napapapikit ako. Sumandal ako sa railings at tiningnan ang kalangitan. Walang masyadong bituin, hindi ko rin matanaw ang buwan. “Isn’t that hard?” napalingon ako kay Atlas. Nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala siya. Dahil sa lapit ay naamoy ko ang bango niya. Perfume ba ‘yon o sabon? Ang bango at bagay sa kanya. Napasinghap siya kaya umiwas ako ng tingin. Parang nag-iinit ang buong mukha ko. “Living alone?” tanong ko. Tumango siya. “Hindi naman. Kaya ko,” maikling sagot ko. “Why don’t you ask your relatives for help?” tanong ulit niya. Napakamot ako sa tungki ng aking ilong. Ayan na naman siya at tanong ng tanong pero pag ako naman, ayaw niya. “Gaya ng sabi ko, kaya ko naman kaya hangga’t maaari ay ayokong humingi ng tulong.” sagot ko. “But you’re naive,” biglang sabi ni Atlas kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kumunot ang kanyang noo, parang tinatanong kung anong problema. Feeling ko nga lahat ng sinasabi ko sa kanya ay parang kontra siya o may gusto pa siyang sabihin. Parang hindi siya makapaniwala na mag-isa nga lang ako. Lumayo ako sa kanya at pinuntahan si Thor (the cat). Binuhat ko na siya dahil hindi naman na siya nakahiga. Hindi pa ako inaantok pero gusto ko nang humiga. Walang pasok bukas kaya okay susulitin ko ang aking tulog. “Matutulog na kami, goodnight.” sabi ko at nilampasan siya. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya at nakitang naroon pa rin. Nakatingin siya sa amin. Pumasok na ako sa apartment ko. Binaba ko si Thor at hinayaang pumunta sa kainan niya. Nahiga ako sa aking kama at inisip ang napag-usapan namin ni Atlas. Hindi siya humingi ng sorry sa akin about last week pero pinatawad ko na siya. Ayokong magtanim ng sama ng loob. Nakatulugan ko ang pag-iisip. Kinabukasan, kuntento at sapat ang tulog ko. Ang sarap sa pakiramdam dahil mukhang nabawi ko ang isang linggong kulang ako sa tulog.. Ganado akong maglinis at maglaba ngayon. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras. 1:17 pm Hindi ako makapaniwala na nakatulog ako ng gano’ng katagal. “Good afternoon,” maligayang bati ko kay Thor. “Meow,” napangiti ako dahil mukhang binati rin niya ako. Bumangon ako sa aking kama at saka inayos ang higaan. Uunahin ko ngayon ang paglalaba bago ang paglilinis. Wala pa akong washing machine kaya kusot-kusot muna. Konting tiis lang at makakabili din ako. Konting damit lang naman ang lalabhan ko dahil madalas naman ay school uniform at pang trabaho ang suot ko. Sa gabi lang ako nakakapagbihis ng pambahay. Masakit sa kamay ang pagkukusot pero sanay naman ako. Sinimulan ko ang paglalaba hanggang sa matapos. Saka ko lang naisip kung saan magsasampay. May sampayan sa labas pero nasa baba pa. Parang nakakahiya naman magsampay ng underwear doon. Sa huli ay puro damit lang ang sinampay ko sa labas. Ang mga underwear ko ay nasa loob. Sana naman ay hindi mag-amoy kulob. Napansin kong wala ang sasakyan ni Atlas na nakapark lang dito sa tapat. Ibig sabihin ay umalis siya. Nagkibit-balikat ako at hindi na inisip kung saan siya nagpunta. Malay ko ba. Sinimulan ko naman ang paglilinis. Nakakapagod ang paglilinis pero nakakawala naman ng stress kapag nakita mong malinis at nakaayos ang mga gamit mo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto kong bumukod. Walang mangingialam ng mga gamit ko. May sarili rin akong oras kung kailan ako dapat maglinis. Matapos maglinis ay nagpahinga lang ako saglit at saka naligo. 6 na ng gabi nang matapos ako sa lahat ng gawain. Bukas naman ay gagawin ko ang mga schoolworks ko. Isang linggo na simula nang bumukod ako pero ngayon ko lang na-realize na nakakabagot pala dahil walang TV at internet. Wala akong ibang magawa kung hindi laruin lang si Thor. Tumayo ako at napagpasyahang pumunta sa tindahan na malapit para magpa-load. Balak ko ring tumawag kay Tita Clay para mangamusta. Nagsuot ako ng jacket dahil malamig sa labas. “Dyan ka lang ha, mabilis lang ako.” sabi ko kay Thor. Hindi na siya sumunod sa akin dahil nakahiga na siya ngayon sa kama ko. Binuksan ko ang pinto at napasinghap nang madatnan ko si Atlas sa harap ko. Pati siya ay mukhang nagulat dahil namimilog ang kanyang mga mata. Nasa harap talaga siya ng pinto ko na parang kanina pa siya naroon. “M-May kailangan ka?” tanong ko sa kabila ng pagkagulat. Para bang bigla siyang nataranta o ano. Binuka niya ang labi para magsalita pero agad iyong tinikom. Ginulo niya ang buhok at saka umalis sa harap ko. Nalaglag naman ang panga ko. Anong nangyari doon? Pumasok si Atlas sa kanyang apartment at saka sinara ‘yon. Ilang minuto akong naroon bago lumabas. Gulong-gulo parin ang isip ko habang naglalakad papuntang tindahan. Nang makarating doon ay agad akong nagpa-load ng 100 pesos. Naka-register na ‘yon para makapag-internet. Paulit-ulit ako tinitignan ng tindera. “Ikaw ba ‘yong nobyo ni Atlas?” tanong ng tindera. Nagulat ako sa biglaang tanong niya. “Hindi po!” mabilis kong sagot. Bakit ba iniisip nila na boyfriend ko si Atlas? “Huwag mo nang itanggi, hindi naman ako makiki-chismis. Tinanong ko lang.” paliwanag ng tindera. Sa tingin ko ay magkasing-edad sila ni Aling Ida. Hilaw akong ngumiti. “Hindi ko po talaga siya boyfriend.” pinal ang tono ng aking boses. “Salamat po,” sabi ko nang matanggap ang sukli sa 200. Iniisip ko na baka sinabi ni Aling Ida na nakita niya ako sa apartment ni Atlas last week pero ayoko naman siyang pag-isipan ng masama. Napabuntong hininga ako. Bumalik na ako sa aking apartment at kinalikot ang cellphone ko para tingnan kung pumasok na ba ang load. May f*******: account ako pero hindi active. Binisita ko parin para makita kung may mga nag-message ba roon. Wala namang bago, puro mga notifications na galing sa mga friends. May mga nag-add friend sa akin na hindi ko kilala kaya hindi ko ina-accept. Nakita ko sa list sina Irene J. Climaco at Jessica M. Rosales kaya pinindot ko ang accept. Nasa 150 lang ang friends ko at ang ilan pa ay hindi ko kilala. Ie-exit ko nasa ang app nang may biglang nag-pop up na message galing sa messenger. Walang profile picture ang nag-chat. Ni-stalk ko muna sa f*******:. ‘Waylen Hidalgo’ Nakita kong hindi ko siya friend at wala siyang request sa akin. 3 days ago pa nang magawa ang account niya. Meron siyang cover photo pero plain black lang ‘yon. Ang weird. Binuksan ko ang mensahe. ‘Hello’ ‘Yon ang chat sa akin. Hindi ko nireplyan dahil hindi ko naman siya kilala. Ni-open ko ang youtube at nanood ng vlogs ng mga sikat na vloggers at artista. Nanood din ako ng mga recipes sa pagluluto, kung paano mag-apply ng make-up, room makeover at kung anu-ano pa. Maya maya lang ay huminto rin ako para magluto ng kakainin ko. Gusto ko sanang gawin yung recipe na napanood ko sa youtube pero kulang ang sangkap ko. Habang kumakain ay tumunog ulit ang cellphone ko. Hindi ko pala napatay ang data. Nakitang kong galing ‘yon sa messenger. Galing na naman kay Waylen Hidalgo. ‘I said hello.” Kumunot ang noo ko dahil para bang galit pa siya sa chat niya. Hindi ko ulit ‘yon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at bumalik sa kama. Tumunog ulit ang messenger. ‘Why aren’t you replying?’ Pinigilan ko ang sarili kong magtipa ng reply para sa kanya. Hindi ko siya kilala kaya hindi dapat siya replyan. Kaya lang parang bossy ang stranger na’to. Tumunog ulit ang messenger kaya tiningnan ko ang mensahe. ‘Damot sa reply.’ Sumimangot ako bago nag-type ng reply para sa kanya. ‘Hindi kita kilala kaya bakit kita rereplyan?’ Pinindot ko ang send at agad niyang ni-seen ‘yon. ‘You just did.’ Balak ko sanang hindi na mag-reply pero nag-chat ulit siya. ‘Goodnight.’ Umiling ako dahil sobrang weird ng message niya. Pinatay ko ang data ng aking phone at saka nahiga para matulog na. Pati sa social media may mga weird at pa-mysterious na tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD