Chapter 6

2033 Words
Hindi ko alam kung bakit siya galit. Days had passed pero hanggang ngayon ay binabagabag parin ako ng tanong kung bakit galit si Atlas noong huli kaming nag-usap. Nakakaramdam ako ng konsensya kahit alam kong wala naman akong maling ginawa para magalit siya. ‘Yon ang kadalasang problema sa akin. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko alam ang dahilan ng isang bagay o sitwasyon. Sinubukan kong kausapin si Atlas pero dinadaanan niya lang ako na para bang isa lang akong hangin. Mas lalo akong nalito dahil nakumpirma kong galit nga siya. One time, galing ako sa trabaho at nakasalubong ko si Aling Ida sa labas. Hindi raw niya mahagilap si Atlas kaya ako nalang daw ang magpaalala sa bayad niya sa renta. Gusto kong tumanggi pero naisip ko na opportunity narin ‘yon para makausap ko siya. Sakto naman na pag-akyat ko ng 2nd floor ay nakasalubong ko naman siya. Bagong ligo at nakaporma. Mukhang aalis. Kahit malayo palang ay amoy ko na agad ang bango niya. Simula nung unang beses na naamoy ko kung gaano siya kabango ay hindi na mawala sa isip ko ‘yon. “Uhm…pinapasabi ni Aling Ida…y-yung bayad mo raw sa—-” “I know,” malamig na sabi niya at tuluyan na akong nilagpasan. Sobrang pagkapahiya ang naramdaman ko no’n. Simula noon ay hindi na ulit ako nagtangkang kausapin ulit siya. Galit siya kaya ayaw niya akong kausapin. Hindi nalang ako nagpumilit. Noon naman okay lang sa akin kahit hindi kami mag-usap dahil nga ayoko sa ugali niya. Iba ngayon dahil pinaparamdam niya na may kasalanan ako sa kanya. Mas dumadami na ang activities at schoolworks namin. Malapit na rin ang event namin at ang alam ko ay kasabay namin ang mga archi students. Madalas kong nakakausap si Vincent sa phone. Kinuwento ko sa kanya na lumipat na ako ng Pasay. Pati school at work ko ay sinabi ko rin sa kanya. Hindi rin naman niya ako titigilan hangga’t hindi ko sinasabi. Ngayon ay nasa Cebu siya, doon siya nag-aaral at pansamantalang nakatira. Sabi niya ay one of these days daw ay pupuntahan niya ako. Sinabi ko na huwag na dahil malayo. Hindi nagpumilit ang lalaki pero alam kong gagawin nga niya. Tungkol naman sa hangout namin, sa isang araw na ‘yon kaya wala na talaga akong choice para hindi sumama. Isa pa, magtatampo raw silang lahat kapag hindi ako kasama. Honestly, it warms my heart knowing na hindi sila papayag ‘pag hindi ako kasama. Ibig sabihin lang no’n ay pinapahalagahan nila ang presensya ko. Kakauwi ko lang galing trabaho at nakahiga ako ngayon sa aking kama. Katabi ko si Thor na nakahiga rin at tulog na. Hawak ko ang cellphone ko habang nags-scroll sa f*******:. Na-accept ko na ang friend request nina Jerald at Marcus. Gumawa pa sila ng GC. ‘Mga Delikado sa First Sem’ ang pangalan ng group. Si Jessica ang gumawa. Hindi ako madalas mag-chat pero nagbabasa ako ng mga message nila. Jessica: excited ako sa event, marami daw pogi sa architecture department :> Marcus: ako lang ‘to Jessica: tanga, hindi ka kasama Irene: magsitigil nga kayong dalawa, dito pa kayo naglandian Kadalasan ay sina Jessica at Marcus lang ang madalas mag-chat sa gc na ‘to. Dito sila nag-aaway. Jerald: basta sa saturday ha, g tayong lahat Jessica: hindi raw sasama si Caroline Jerald: totoo ba? @Caroline Therese Aranza akala ko kasama kana? Natawa ako dahil pinagtitripan lang talaga siya ni Jessica. Irene: tanga Mas lalo akong natawa sa chat ni Irene. Magtitipa na sana ako ng reply nang biglang tumunog ang phone ko at lumabas ang pangalan ni Vincent an caller. Inaraw-araw na yata ng lalaking ito ang pagtawag. “Hello,” pagsagot ko sa tawag. May narinig akong tunog sa kabilang linya bago siya sumagot. “Hello pi,”sagot niya sabay tawa. Kumunot ang noo ko dahil madalas kong makita sa internet ang word na ‘pi’ which actually means ‘po’. “Ano na namang problema mo?” tanong ko. “Wala, masama bang tumawag?” “Hindi naman, ang masama ay yung inaraw-araw mo na. Hindi ka yata nauubusan ng load ah.” sagot ko. Nalaman ko na kay Tita Clay niya nakuha ang number ko. Business partner nina Tita Clay ang parents ni Vincent. Nauna kaming naging magkaibigan bago namin nalaman na magkakakilala ang Tita ko at ang parents niya. Bestfriends kami nung elementary. Magkaklase kami since Grade 3 hanggang 6 pero lumipat na siya ng school dahil lumipat narin sila ng bahay. Nagkakausap pa kami nung highschool pero madalang. Nawalan na kami ng connection sa isa’t-isa simula nang tumuntong ako ng Senior Highschool. “Mabubulok na nga yung sim ko kung hindi ko lang naalala na hingin ang number mo kay Tita Clay.” wika niya. “Nasasayangan ka ng pera, may f*******: at internet naman.” sabi ko. “Mas gusto ko call and text kasi—---” Nagpuputol-putol na ang sinasabi niya kaya hindi ko na maintindihan. Nagsasalita parin siya pero puro blurred sound ang nangingibabaw. “Hindi kita maintindihan,” sabi ko. Nagsalita ulit siya pero wala talaga akong maintindihan. Tinignan ko ang signal bar ng phone ko at nakitang isa lang ‘yon. Bumangon ako sa aking kama. Hindi na ako nag-isip pa at lumabas na ng apartment. Sumandal ako sa railings at tinaas ang aking phone para makakuha ng signal. “Hello?” pagtawag ko pero wala parin. Tinaas ko ulit ang aking phone nang makitang nadadagdagan na ang signal. “Seriously?” Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat. Lumingon ako sa kaliwa at nadatnan si Atlas. Kunot na kunot ang noo at madilim ang aura. Umalis siya kanina at hindi ko ine-expect na nakauwi na siya agad. “H-Huh?” wika ka. Nakabusangot na naman ang gwapo niyang mukha. “Lumalabas ka nang ganyan ang suot mo?” madiin na tanong niya. Napanganga ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Nakasuot ako ng manipis na sando at pajamas. Bakat ang pula kong bra. Umakyat lahat ng dugo ko dahil sa kahihiyan. Mabilis pa sa alas kwatrong pumasok ako sa apartment ko. Pinatay ko ang tawag at naupo sa aking kama. Napasabunot ako sa aking buhok. Gusto kong sumigaw para mailabas ang kahihiyan pero hindi ko magawa. Baka magising pa ang ilang kapitbahay ko na natutulog na. Tumayo ako at nagpalit ng oversized shirt. Mabuti at wala nang tao sa labas. Nakahanda na sana akong matulog kanina kaya ito ang suot ko. Nag-open lang ako ng f*******: para magpa-antok at hindi ko naman inaasahan na mapapalabas ako ng biglaan. Napahilamos ako sa aking mukha. Kulang nalang ay iuntog ko na ang ulo ko sa pader. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na si Atlas pa talaga ang nakakita sa akin. Siguro ay kung anu-ano na ang iniisip niya ngayon dahil nakita niya akong lumabas nang ganoon ang suot. Tumunog ang messenger sa aking phone at nakitang nag-chat si Arthur Vincent. Arthur: bakit mo pinatay? Nag-type ako ng reply. Caroline: Sorry, bukas nalang ulit. Walang signal e. Arthur: Oh, okay. Goodnight. Caroline: Goodnight. Nahiga ako sa aking kama at pinilit ang sarili na matulog. Pinilit ko ring kalimutan ang nangyari kanina pero patuloy paring nagre-replay sa utak ko. 1:00 am ay gising pa rin ako. Hindi ako dinadalaw ng antok sa halip ay gutom ang naramdaman ko. Bumangon ako sa aking kama at saka pumunta sa kusina. Kumuha ako ng pancit canton sa cupboard at saka sinimulan iyong lutuin. Nagtimpla rin ako ng orange juice. Umupo ako sa lamesa at nagsimulang kumain. Hindi ko alam na nakakagutom pala kapag napahiya ka. Tumunog ulit ang messenger sa cellphone ko. Iniisip kong si Vincent na naman ‘yon. Dinampot ko ang phone at tiningnan kung sino ang nagchat. Nag-pop ang name na ‘Waylen Hidalgo’ Waylen: you’re annoying. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ano na naman kayang problema ng estrangherong ito? Caroline: sino ka ba? Waylen’s typing… Waylen: i said you’re annoying Caroline: hindi ako si ‘annoying’ Waylen: you are Caroline: ok Papatayin ko na sana ang data ng phone ko nang mag-message ulit siya. Waylen: i don’t like you Nauubusan na ako ng pasensya sa lalaking ito. Hindi ko naman siya kilala pero siya ‘yong chat nang chat sa’kin. Hindi raw ako gusto pero kinakausap ako. Nagtype ako ng reply sa kanya at ni-send iyon pero hindi nag-send dahil ni-block niya ako! Nakakainis ‘yon ah! Siya pa talaga ang nam-block sa akin. Hindi ko nalang pinansin at ni-delete na ang conversation namin. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at pumunta na ulit sa kama ko. Akala ko ay dadalawin na ako ng antok dahil busog na ako pero hindi parin. May pasok pa ako bukas at siguradong antok na antok na naman ako sa klase dahil hindi sapat ang tulog ko. Mabuti pa si Thor at mahimbing na ang tulog. Alas tres ng madaling araw ay unti-unti na akong dinadalaw ng antok. Inayos ko ang aking kumot at naghanda na sa pagtulog nang mabulabog ako sa sunod-sunod na pagkatok. Pumipintig na ang ugat ko sa ulo dahil sa antok. Bumangon ako sa aking kama at tinungo ang pintuan. Walang pagdadalawang isip na binuksan ko ‘yon kahit hindi pa alam kung sino ang kumakatok. Nawala ang antok ko nang makita sa harap si Atlas. Nakasuot siya ng itim na jacket at pantalon. Nakasuot din siya ng rubber shoes. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa lapit niya. “Anong kailangan mo?” naguguluhan kong tanong. Bakit ba ang hilig niyang mangatok ng pinto tuwing alas tres ng madaling araw? “You’re a witch,” mahinang bulong niya. Tumalim ang titig ko sa kanya. Talaga bang kumatok siya ng madaling araw para lang sabihin na witch ako. “Utang na loob, Atlas. Antok na antok na ako, ano ba kasing kailangan mo?” inis na tanong ko. Napakamot pa ako sa aking leeg. I don’t want to sound rude pero sinong hindi maiinis kung may nangatok sayo nang madaling araw at antok na antok ka? Naamoy ko sa kanya ang kaunting amoy ng alak. Napatakip ako ng ilong dahil ayoko nga ng amoy. Napangiwi ako dahil lasing na naman pala ang isang ‘to kaya kumakatok sa akin. “You’re a witch or maybe a magician,” ngising sabi niya. Sinisinok pa siya habang nagsasalita. “Umuwi kana, ang baho mo.” sabi ko. Hindi naman siya mabaho. Amoy ko pa rin ang perfume niya pero nahahaluan ng amoy ng alak. “Ginayuma mo ako.” natatawang sabi niya at itinuro pa ako. Hindi ko na inintindi ang mga sinabi niya dahil alam kong lasing lang siya. “Umuwi kana nga,” sabi ko, hinihiling na sana ay sumunod siya. “Ayoko sayo,” aniya. Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi na alam ang gagawin. “Oo na, sige na. Ayaw mo na sa’kin. Umuwi kana,” sagot ko nalang. Ngumiti siya at mas lalong lumapit. Umatras ako dahil sa kaba. “Okay, now remove the love spell you casted on me.” “Hindi kita ginayuma,” sagot ko. “You liar!” malakas ang boses na sabi niya. Nataranta ako dahil baka biglang may lumabas na kapitbahay at magreklamo dahil sa ingay niya. “Tumahimik ka.” gigil na sabi ko. Kapag talaga siya ang kausap ko ay parang nauubos lagi ang pasensya ko. “Ayoko, I won’t leave unless you remove the—---” “Hindi nga kita ginayuma—” “Liar! Tell me what’s this you are making me feel?” Natahimik ako sa sinabi niya. Maging siya ay mukhang natauhan. “What?” tanong ko. Hindi siya sumagot o gumalaw. Nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso. Halos mapahiyaw nalang ako nang bigla siyang bumagsak sa harap ko. Natataranta naman akong tinulungan siyang makatayo. Mabigat siya kaya hirap na hirap akong itayo siya. Nilagay ko ang kanang kamay niya sa balikat ko para sa suporta pero nagulat ako dahil inalis niya ‘yon. “Don’t touch me,” nakanguso siya na parang bata. Nanlaki ang mga mata ko nang tuwid siyang tumayo at naglakad papuntang apartment niya. Naiwan ako roon na nakatulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD