Chapter 7

2375 Words
Jessica: Caroline, san kana? Nagsusuklay pa ako ng buhok nang ma-receive ko ang chat ni Jessica sa GC. Today is Saturday. Ngayon ang hangout namin at kanina pa sila nagchachat sa group chat. Kakatapos ko lang maligo at ngayon ay nagpapatuyo ng buhok. Nakasuot lang ako ng high waisted skinny jeans at floral blouse. Ang jeans ay kakabili ko lang last week at ang blouse naman ay regalo pa sa akin ni Tita Clay last christmas. Nagtype ako ng reply sa kanila. Caroline: Papunta na ako. Kinuha ko ang aking sling bag. Sinigurado ko muna na naroon ang susi ng apartment saka ang wallet ko. Nilapitan ko si Thor na nakatingin lang sa akin. “Aalis na ako, hintayin mo ’ko ha?” hinawakan ko siya sa katawan. “Meow,” “May pasalubong ako sa’yo pagbalik ko.” sabi ko. Tumayo na ako at saka lumabas ng apartment. Napagdesisyonan kong iwan na lang siya sa loob ng apartment ko. Baka mamaya ay kung saan na naman siya magpunta. Naisip kong baka galit si Atlas dahil kay Thor. Siguro ay nakukulitan siya sa alaga ko dahil sunod nang sunod sa kanya. Kahapon ko lang ‘yon naisip. Wala na kasi akong ibang maisip na dahilan kung bakit siya galit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa utak ko ang nangyari nung isang araw. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi na witch daw ako at ginayuma ko siya. Sa tuwing naalala ko ‘yon ay hindi ko maiwasang hindi matawa. Sa tingin ko kasi, wala sa vocabulary ni Atlas ang mga salitang ‘yon. Lagi siyang seryoso at parang galit. Pagkatapos noon ay hindi na ulit kami nag-usap. Hindi ko alam kung natatandaan niya ba ang nangyari o hindi. Sumakay ako ng jeep papuntang MOA. Wala na akong data kaya hindi ko na macheck ang gc. Mabuti na lamang at medyo maluwag ang traffic kaya mukhang hindi matagal ang byahe. Magkikita-kita kami sa isang open parking. Ang usapan namin ay 9:00 am kami magkikita. Mahigit sampung minuto bago ako nakarating. Pagkababa sa jeep ay natanaw ko agad sila. Kumaway ako ng makita nila ako. Napangiwi pa ako dahil mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Nakakahiya dahil late na nga, ako na lang din pala ang hinihintay. “‘Kala ko scam ka e,” nakangiting wika ni Jessica nang makalapit ako. “Hindi ah, medyo natagalan lang sa pag-aayos.” sagot ko. Namamangha ako dahil ang daming pwedeng puntahan.Kahit nga siguro wala kang gawin at tingnan lang ang mga taong dumaraan ay okay na sa akin. Magandang ideya rin na sumama ako. Noon kasi, hindi naman ako nakakagala kung saan-saan. Nagtatalo pa sila kung saan kami unang pupunta. Sa huli ay napagdesisyonan na pumunta muna sa Lakbay Museo. Si Marcus ang nag-suggest noon dahil nakapunta na raw siya doon. Sorang makulay at napakaganda. Tungkol ang Lakbay Museo sa mga Filipino foods, Philippine attractions, at local culture. Nangulit pa si Jessica na mag-picture raw kami dahil ipo-post niya sa i********:. Sunod na pinuntahan namin ang Blue Bay Walk. Maraming tao, ang sabi ni Marcus ay mas marami raw tao dito kapag gabi dahil sa mga ilaw. Nag-picture ulit kami. Ayaw na ni Marcus at Jerald pero mapilit si Jessica. Wala namang problema sa amin ni Irene. “Ayusin mo mukha mo Marcus!” sabi ni Jessica. “Nakaayos mukha ko,” ani Marcus pero nakabusangot naman. Nakangiti ako sa camera nang may biglang mahagip ang paningin ko. Buong akala ko ay namamalikmata lang ako pero nang tingnan ko ulit ay tama nga ako. Si Atlas nga at ….babaeng hindi ko kilala. Malayo sila pero kita naman ng mga mata ko. Girlfriend niya ba ‘yon? Hindi ko maalis ang paningin sa kanila dahil hindi ako makapaniwala na makikita ko siya dito..na may kasama. “Cali, tara na!” lumingon ako kina Irene dahil kanina pa pala ako tinatawag. Ngumiti ako at tumango. Sumunod ako sa kanila. Lumingon ulit ako kina Atlas, nagulat ako dahil nakatingin na rin siya sa gawi ko. Umiwas na ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Nagpunta kami sa isang Thai Restaurant. Masarap daw ang mga thai food doon kaya pumayag kami. Treat na raw ‘yon ni Irene. Halos magtatalon naman sa tuwa ang tatlo. “Sabi sa’yo mayaman ‘yan e.” bulong ni Jessica kay Marcus. Bulong ba o hindi? Rinig kasi naming tatlo. “Bibilhan ba ako niyan ng house and lot?” bulong na tanong ni Marcus. “Asa ka naman. Ako lang bibilhan niyan. Ako bestfriend niya e.” tawa ni Jessica. Umaktong hindi nakikinig si Irene. Totoong mayaman siya pero pakiramdam ko ay ayaw niyang i-open ang topic about doon. Si Jessica lang talaga ang may lakas ng loob na asarin si Irene. Nag-beep ang phone ko at agad na tiningnan kung sino ang nag-text. From: Vincent What are u doing rn? Gusto kong magtipa ng reply pero naalalang wala na pala akong load. Tinago ko na ang aking phone nang dumating na ang pagkain. Ngayon lang ako makakakain ng thai food. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan. Nagtatawanan kami dahil sa mga kwentong highschool life nina Marcus at Jerald. “Ayaw mo ba nito?” tinuro ni Jerald ang beef salad. “Natikman ko na ‘yan,” sagot ko. Nilagyan niya ako ng seafood curry sa plato at sinabing tikman ko dahil masarap daw. Nang matikman ay agad akong sumang-ayon. “Diba? Diba? Sabi sa’yo masarap e,” ngiting wika ni Jerald. Ngumiti ako pabalik. “Si Atlas ba ‘yon?” Nawala agad ang atensyon ko sa sinabi ni Jessica. Sinundan ko ng tingin ang kanilang tinitingnan at mula sa sa entrance ng restaurant ay pumasok doon si Atlas kasama ang babae. Nag-iwasan kami ng tingin dahil halatang-halata na nakatingin kami. Nagkunwari akong busy sa pagkain at hindi na muling bumaling sa gawi nina Atlas. Parang awkward bigla ng atmosphere. “Sa Engineering department yan,” ani Marcus. “Kilala mo?” tanong ni Irene. “Oo, halos lahat ng babae kong kaklase siya ang bukambibig.” iling na sagot ni Marcus. “Syempre pogi,” irap sa sabi ni Jessica. Tahimik lang kami ni Jerald. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-upo ni Atlas at ng kasama niya sa katabing table namin. Sa dami ng table ay doon nila napiling umupo. Naging tipid ang mga galaw ko dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya. Bakit hindi nalang siya magkunwari na hindi kami magkakilala? “Mayaman yan, his parents are the owners of the biggest electric car manufacturer here in the Philippines..” mahinang bulong ni Irene. Hindi na ako nagulat na mayaman siya. Halata naman sa kilos at pagsasalita niya. Mukha rin siyang mayaman. Naalala ko na naman ang unang beses na nagkausap kami. ‘Yon ang araw na binabayaran niya ako dahil sa pagtulong ko sa kanya. Narinig ko ang paghagikgik ng babae sa table nila. Tanging boses lang ng babae ang naririnig ko at wala kay Atlas. Bahagya akong lumingon para makita sila. Napagmasdan ko ang itsura ng babae. Kasingtangkad ko siguro siya. Maputi at makinis ang kutis. Mas payat siya sa akin ng konti. Mestiza at natural ang pagkulot ng kanyang buhok. Para siyang celebrity kung titingnan mo nang mabuti. Siguro ay girlfriend niya nga ito. Hindi naman niya kapatid dahil only child daw siya at hindi naman niya kamukha. Nagtama ang paningin namin ni Atlas nang lumingon siya. Hindi ko agad nabawi ang mga mata ko kaya saglit kaming nagkatinginan. Seryoso ang kanyang mukha at mga mata. Ang gwapo niya sa suot na denim jacket, white shirt at black pants. Nagtaasan ang mga balahibo ko nang tumaas ang sulok ng kanyang labi. Binawi ko agad ang tingin ko. Mabuti na lamang at tapos na kaming kumain kaya umalis na kami roon. Hindi na ulit ako lumingon sa restaurant dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Maraming destinasyon pa kaming pinuntahan gaya ng Exploreum, Bay Amusement park, at IMAX theater. Nahihiya ako dahil karamihan ay libre nila. 6:00 pm na ng gabi nang mapagpasyahan naming umuwi. Balak pa sana akong ihatid ni Marcus dahil may dala siyang sasakyan pero tumanggi agad ako dahil mapapalayo pa sila. “Bye Caroline! Ingat!” sigaw ni Irene at kumaway sa akin. Kumaway ako pabalik. “Salamat! Ingat rin kayo!” sabi ko at tinanaw sila hanggang sa makalayo na sila. Sumakay ulit ako ng jeep pauwi. Nakakapagod pero masaya naman. Nang makarating sa kanto ng street ay bumaba na ako at nilakad na lamang papuntang APRT building. Habang naglalakad ay naalala ko ang pangako ko kay Thor. Napatampal ako sa aking noo dahil nakalimutan ko. Magagalit kaya ang kuting kapag sinabi kong nakalimutan ko ang pasalubong ko? Nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa dinaanan ko at walang ibang nakita kung hindi ang medyo madilim na daan. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa tuwing maglalakad ako rito. Nagpatuloy ako sa paglalakad at medyo binilisan. Ngayon ay nakumpirma kong may nakasunod nga sa akin. Rinig na rinig ko ang mga yabag kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko. Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Mabilis kong hinalungkat ang bag ko at hinanap ang cellphone. Balak kong tumawag ng tulong pero naalala kong wala nga pala akong load. Nangingilid na ang luha ko sa takot. Ramdam ko na maaabutan na ako ng kung sino mang sumusunod sa akin. Lumiko ako sa kaliwang kanto at bumunggo sa kung saan. Muntik na akong matumba pero nahawakan ako sa braso. Inangat ko ang tingin at nakita ang mukha ni Atlas. Kunot ang kanyang noo habang tinitingnan ako. “Atlas,” sambit ko. Tuluyan nang bumuhos ang luha ko nang makita ko siya. Wala na akong pakialam dahil sobra na ang takot ko. Nang makita ko siya ay para bang nakahanap ako ng kakampi. “What the f**k happened?” galit na tanong niya nang makitang umiiyak ako. Hindi agad ako nakasagot agad. Sakto naman na lumiko ang sumusunod sa akin at nakita kami. Bumaling ang tingin ni Atlas sa tao o sa lalaking nakasumbrero. Parang nakuha ni Atlas kung ano ang nangyayari dahil agad siyang sumugod sa lalaki. Nagtangka pang tumakbo ang lalaki pero naabutan na siya ni Atlas. Hinawakan niya sa kwelyo ang lalaki at saka sinuntok. Mas lalo akong humagulgol sa pag-iyak. May mga nagrorondang tanod na nakita kami at agad na lumapit. Sinabi ni Atlas ang sitwasyon kaya mabilis na hinuli ng mga tanod ang lalaki. Pinapasunod kami sa Barangay hall para sa katanungan. Sinabi ni Atlas na susunod kami at lumapit sa akin. Galit pa rin ang kanyang mukha. Lumapit siya kaya umatras ako. Nahuli niya ang kanang braso ko para hindi ako makalayo. “Don’t cry,” mahinahon ang kanyang boses kahit mukhang galit. Tumutulo pa rin ang luha ko at hindi ko ‘yon mapigilan. Iniisip ko kung paano na ako kung hindi ko siya nakasalubong. Marahas siyang huminga ng malalim. “Oh f**k! I will kill that bastard,” mura niya. Unti-unti ay huminahon ako. Pinunasan ko ang aking luha. “Salamat,” mahinang sabi ko. “ Why didn’t your friends accompany you?” galit na tanong niya. Akala ko ay humupa na ang galit niya pero hindi pa pala. “Nag-offer sila pero tumanggi na ako—” “Tangina,” Nagulat ako sa pagmumura niya kaya napahinto ako. Hindi ko alam kung ako ba ang minumura niya o ano. “N-Nang makapasok na ako ng street ay saka ko lang naramdaman na m-may sumusunod sa akin,” sambit ko. Hindi na siya nagsalita pero naroon pa rin ang galit at pagtitimpi sa mukha niya. Pumunta kami sa Barangay Hall. Tinanong ako ng Barangay Captain at sumagot naman ako. Naroon ang lalaking sumunod sa akin. Payat at medyo matangkad. Malalim ang ilalim ng mata at may kulay ang buhok. Masamang-masama ang tingin ni Atlas sa lalaki. Sinabi ng Barangay Captain na ang lalaki ay may sakit sa pag-iisip. Nakatira ito sa kabilang street. Noon pa man daw ay nakasanayan na nitong sumunod sa mga taong naglalakad sa street na dinadaanan ko. Hindi na sasampahan ng reklamo ang lalaki pero hindi na siya pwedeng tumuntong sa street namin. Ayaw pumayag ni Atlas na hindi sasampahan ng reklamo kaya hinawakan ko siya sa kamay para huminto siya. ‘Yon lang ang tanging paraan na naiisip ko para pahintuin siya. Napatingin siya sa kamay ko kaya agad kong binawi. Sabay kaming umuwi nang gabing ‘yon. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nang makarating sa building at tapat ng apartment ko ay nagsalita na ako. “Salamat ulit,” sabi ko. Tumango lang siya sa akin. “Uh.. goodnight.” sabi ko at papasok na sana sa loob nang pinigilan niya ako. “Wait,” hinintay ko ang sasabihin niya. Hindi siya nagsalita, sa halip ay inilabas ang kanyang cellphone at binigay sa akin. Nalilito kong tiningnan ang phone niya. “Bakit?” “Put your number in my contacts,” utos niya. Nabingin na yata ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko. “Huh?! B-Bakit?” tarantang tanong ko. “Just put it, Caroline.” maotoridad na sagot niya. Ito ang unang pagkakataon na sinabi niya ang pangalan ko. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang phone at nilagay nga ang number ko. Binalik ko ‘yon sa kanya. “Nailagay ko na, sagutin mo naman ang tanong ko. Bakit mo kailangan ang number ko?” “So you can call me if anything happens.” mabilis na sagot niya. Bumagsak ang panga ko dahil doon. Malakas ang kabog ng dibdib ko at halos naririnig ko na ang t***k ng puso ko. Wala akong maisagot sa kanya. Binulsa niya ang phone bago nagsalita. “Rest now, goodnight.” Binuksan niya ang pinto ng kanyang apartment at akmang papasok nang bigla siyang bumalik. “By the way, starting this monday, sasabay ka na sa akin on and off school. You can’t change my mind.” Tuluyan na siyang pumasok pagkasabi noon. Naiwan akong tulala. Hindi pa nga ako nakakamove-on sa pagkuha niya ng number ko at ngayon naman ay sasabay na raw ako sa kanya papuntang school at pauwi! Wait! Diba may girlfriend siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD