Chapter 8

2244 Words
Nakatingin ako sa harap ng aking salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Malalim ang eyebags ko dahil ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos. Iniisip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Maayos naman ang pamumuhay ko kahit mag-isa pero sadyang may mga bagay talaga na hindi maiiwasan. Nasa akin pa rin ang takot sa nangyari noong Sabado. Natatakot pa rin ako dahil baka maulit ‘yon. Sa buong buhay ko ay ngayon lang nangyari sa akin ang ganoon. Dumagdag pa sa mga iniisip ko si Atlas. Simula nang makilala ko siya ay may kaunting pagbabago sa sarili ko. Hindi ko matukoy kung ano pero alam kong may nag-iba. Noong gabi ng Sabado ay nag-ring ang phone ko bago matulog. Sasagutin ko na sana ‘yon pero namatay din ang tawag. Unknown number ang nakalagay kaya inisip ko na si Atlas ‘yon. Ni-save ko ang number niya sa contacts ko. Monday morning at papasok na ako sa eskwelahan. Kinakabahan ako dahil baka totohanin nga ni Atlas na sa kanya ako sasabay sa pagpasok at pag-uwi. Sana naman ay nakalimutan niya. Magdamag kong inisip kung bakit niya sasabihin na sa kanya na ako sasabay. Napakalapit lang ng eskwelahan sa tinitirhan ko kaya hindi na kailangan ng sasakyan. Wala na akong balak sabihin pa kahit kanino ang nangyari noong Sabado. Tama nang si Atlas at ako lang ang nakakaalam. Ayokong mag-alala sa akin ang mga taong nasa paligid ko. Lalo na si Tita Clay. Kapag sinabi ko sa kanya ay susugod siya rito sa Pasay at iuuwi ako nang Batangas. Nagpaalam ako kay Thor bago lumabas ng bahay. Bibilhan ko siya ng treats mamaya bilang pambawi sa pangako ko sa kanya. Inaasahan kong nasa labas ng pinto si Atlas pero wala siya roon. Ibig sabihin ay nakalimutan na niya ang sinabi niya sa akin. May kaunting panghihinayang sa loob ko. Agad kong inalis ‘yon dahil hindi dapat ako nakakaramdam ng ganoon. Bumaba ako mula 2nd floor ng building nang mapahinto dahil mali ang akala ko. Nakasandal si Atlas sa kotse niya habang sukbit ang bag niya. Nakaayos ang buhok at suot ang school uniform. Diretso ang tingin niya sa akin at para bang kanina pa siya naghihintay doon. “Uhmm…” wala akong masabi. Sumimangot siya at pumasok sa driver’s seat. “Let’s go,” aniya. Natataranta akong lumapit sa sasakyan. Hindi ko alam kung sa likod ba ako uupo o sa shotgun seat. “Dito kana umupo, magmumukha akong driver mo ‘pag diyan ka umupo.” minuwestra niya ang shotgun seat kaya nagpunta ako roon. Napanguso pa ako dahil hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. Hindi naman sa maarte ako pero hindi ba dapat ganoon kapag gentleman ka? Mukhang wala naman sa vocabulary niya ang pagiging gentleman o baka masyado ko lang iniisip na may lalaki pang ganoon. Narealize ko na ito ang pangalawang beses na sasakay ako sa sasakyan niya. Yung unang beses ay hindi maganda ang nangyari. Nakakasindak ang presensya niya kanina nung nakasandal siya sa kotse niya kaya nawalan ako ng lakas na tumanggi. “Uh… salamat,” basag ko sa katahimikan. Hindi siya sumagot. Diretso lang ang tingin sa kalsada. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang mag-ring ang phone ko. Agad kong pinatay ang tawag nang makitang si Vincent ang caller. Ni-mute ko rin ang phone ko. Nakakahiyang sagutin sa harap niya. “Why didn’t you answer it?” kunot ang noo ni Atlas pero hindi siya nakatingin sa akin. “Ah, hindi naman importante,” bahagya akong ngumiti para mawala ang tensyon. Hindi na siya ulit nagsalita. Umilaw ang aking phone at nakitang nag-text naman ngayon si Vincent. From: Vincent Baka sa Saturday or Sunday makapunta ako sa Pasay :> see you! Nagtype ako ng reply. To: Vincent Are u sure? Saan ka tutuloy? From: Vincent Awwts :reserved parking’ na agad din namang inalis ng guard nang makapasok kami. Naka-reserved para sa kanya ang parking. Tinanggal ko ang aking seatbelt at ganoon rin siya. “Salamat uli…kahit mamayang uwian huwag mo na akong—--” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinamaan niya ako ng tingin. Automatic na nagsarado ang bibig ko dahil sa sindak. Isang tingin niya lang ay napapatahimik agad ako. Lumabas ako ng sasakyan at umalis na roon. Mabuti at walang estudyante sa parking lot. Karamihan naman kasi sa mga sasakyan dito ay sa mga instructors. Matiwasay na nag-umpisa ang klase. Umakto ako na parang walang nangyari sa akin dahil ayaw ko nang maalala pa ‘yon. Sa pangatlong subject namin ay wala kaming instructor. Mayroong faculty meeting dahil sa gaganapin na event this Wednesday. Mahaba ang bakante namin dahil kasunod ang lunch break. Last week, pinagpasa kami ni Mrs. Avida ng suggestion paper para sa gaganaping event. Namili siya ng ilan sa papel para makasali sa mga organizer ng event. Napili kami ni Irene. Si Jessica ay hindi na nagpasa dahil kasama siya sa isang grupo ng mga performer. Dance competition ang napili ng karamihan para sa event. “Kinakabahan ako,” ani Jessica. Papunta kaming cafeteria since wala namang klase. “Ikaw pa, gamitin mo lang ‘yang kakapalan ng mukha mo.” tawa ni Irene. Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Jessica. “Bakit hindi ka sumali, Caroline?” Jessica asked. “Uh..hindi ako mahilig sumayaw e,” sagot ko. Marunong akong sumayaw pero hindi ko hilig. Mas gusto ko ang kumanta. “Sayang! Sa ibang group kasi si Jerald, wala tuloy akong kasama.” Pagpasok sa Cafeteria, konti lamang ang estudyante. Hindi pa naman kasi talaga break time. Um-order kami ng pagkain at saka naghanap ng lamesa. Umilaw ang phone ko. Nagtext na naman si Vincent. From: Vincent Reply beh :> Natawa ako dahil sa dinugtong niya. Hindi ko pa pala siya narereplyan dahil nawala sa isip ko. “Ay boyfriend!” pang-aasar ni Jessica. Bumaling ako sa kanila at parehas silang nakangiti. “Hindi, bestfriend ko ‘to.” sambit ko. “Wala ka pang boyfriend?” tanong ni Jessica. Umiling agad ako dahil ‘yon ang totoo. Hindi ko naman kailangan no’n. “Bakit, ikaw? Meron ba?” tanong ni Irene sa kanya. Tumaas ang kilay ni Jessica. “Soon,” maikling sagot niya. “Sus! Hindi ka naman nililigawan ni Marcus.” ani Irene. “Tangang ‘to! Hindi naman ako nagpapaligaw sa gagong ‘yon.” tunog defensive si Jessica. Tumawa ako dahil nagbangayan na naman sila. Kinuha ko ang phone ko at nireplyan si Vincent. To: Vincent Mas lamang ang pagod mo kesa sa stay mo dito sa Manila. Mabilis ang reply niya. From: Vincent Hindi naman. May academic break kami kaya pwede akong magtagal diyan. Academic break na sa kanila dahil mas nauna naman ang pasok nila kaysa sa amin. “Caroline Therese!” napabaling ako kay Jessica dahil sa pagtawag ng dalawang pangalan ko. Nakanguso si Jessica sa likod ko at si Irene naman ay nakatingala. Naguguluhan akong lumingon sa likod ko at namilog ang mga mata nang makita si Atlas. Nakasukbit ang kanyang bag. Cutting ba siya? Bakit siya nandito? Nakakunot na naman ang kanyang noo at mukhang badtrip. Kailan ko kaya makikitang hindi kunot ang kanyang noo? Bumaling ako kina Jessica dahil baka sila ang pakay ni Atlas. “Caroline,” napatuwid ako sa pagkakaupo dahil sa pagtawag ni Atlas sa akin. “Huh?” lumingon ako sa kanya. “Wait for me in the parking lot after class,” aniya at hindi na ako hinintay na sumagot. Umalis na siya roon. Nakanganga akong bumaling kina Irene at Jessica. Pati sila ay nagulat sa sinabi ni Atlas. Bakit kailangan niya pang sabihin ‘yon dito? “I-chika mo ‘yan” ngisi ni Jessica. “Mahaba ang lunch break,” segunda ni Irene habang nakangiti rin. Sa wakas ay natapos ang klase. Sinagot ko ang lahat ng tanong ng dalawa. Hindi ko sinabi ang insidente noong Sabado. Dinahilan ko na magkatabi ang apartment na tinutuluyan namin ni Atlas kaya kami magkasabay uuwi. Nang sinabi ko ‘yon ay hindi makapaniwala si Irene na nangungupahan si Atlas. Alam niya kasi na mayaman si Atlas kaya hindi siya agad naniwala nang sabihin ko. Si Jessica naman hindi matigil ang pagtatanong at sa bawat tanong niya ay mukhang kinikilig pa siya. “Girlfriend niya ba ‘yong kasama niya sa MOA last time?” Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong ni Jessica o si Irene. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam. “Maybe? Pero bakit niya isasabay si Caroline kung may girlfriend siya?” ani Irene. “Baka fling!” Hindi ako nakisali sa usapan nila. Hindi pa rin mawala ang ngiti ni Jessica. “Update mo’ko ha!” aniya bago kami naghiwalay para umuwi. Umingos ako dahil para saan ang update na sinasabi niya? Walang ka-update update sa pagsasabay umuwi. Pwede kong i-text si Atlas na hindi na ako sasabay sa kanya pag-uwi pero hindi ko magawa. Sa huli ay dumiretso ako sa parking lot. Hindi ko siya hinintay dahil siya pala ang naghihintay sa akin. Lumapit ako sa sasakyan. “Sorry, natagalan.” sambit ko. Hindi siya sumagot. Sumakay na kami sa loob at pinaandar na niya iyon. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan. “You have work?” “Oo,” maikling sagot ko. Tahimik ulit siya pero nagtanong ulit kalaunan. “Why do you need to work?” Napakurap ako. Hindi ba at nasabi ko na sa kanya ang dahilan? “Para mabuhay,” maikling sagot ko. Lumingon siya sa akin pero binaling ulit sa daan ang tingin. “No. I mean, why do you need to work for yourself? Why don’t you ask for money from your relatives?” “Nasagot ko na ‘yan sayo diba?” tanong ko. Umiling siya. Parang may hindi siya naiintindihan sa sinabi ko. “I still don’t understand why,” mahinang sabi niya. Bumuntong hininga ako. “Asking for help is okay pero para kasi sa akin, mas masarap gastusin ang perang pinaghirapan mo kaysa sa perang hiningi mo,” paliwanag ko. Nakita ko ang pag-awang ng labi niya sa sinabi ko. “Hindi naman ako nagtatrabaho dahil lang gusto kong kumita ng pera. Nagtatrabaho ako dahil gusto kong matuto. Gusto kong matutunan ang maka-survive kahit mag-isa lang ako dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may malalapitan ako.” pagpapatuloy ko. Katahimikan ang namagitan sa amin. Bigla akong nahiya sa mga sinabi ko pero hindi naman ako nagsisi. I hope he’ll realize something. “Isn’t it hard?” he asked again. “Mahirap, of course. Kasama naman ang pagod at hirap sa buhay. Maswerte pa nga ako dahil nagtatrabaho lang ako para sa sarili ko. Yung iba, kahit gusto nang sumuko, hindi nila magawa dahil may mga umaasa sa kanila. Nagtatrabaho pa rin sila dahil may umaasa sa kanilang pamilya, anak, kapatid na pinag-aaral. I really salute those people who work really hard for their dreams and family.” Bigla ay parang nawala ang hiya ko. Ang gaan ng pag-uusap namin. May kinuha siya sa dashboard ng sasakyan at ibinigay sa akin. Matagal kong tiningnan ‘yon bago kinuha. Nasa black rectangle box ito. “A-Ano ‘to?” kabado kong tanong. “Open it,” aniya. Dahan-dahan kong binuksan ang box at nakita ang isang….. “Ah…flashlight?” naguguluhan kong tanong. Why would he give me a flashlight? Mayroon naman ako sa apartment ko. “It’s not just some basic flashlight.” “Ha?” Kinuha niya sa akin ang box. Nagtama ang kamay namin at para bang bigla akong napaso roon. Parang wala lang sa kanya ang pagtatama ng kamay namin. Ako naman ay halos mag-init ang buong mukha. May pinindot siya sa flashlight at nagulat ako nang mag-produce iyon ng electric shock. Nanlaki ang mga mata ko. May pinindot pa ulit siyang isang button at may tumunog naman doon na alarm. “Be careful if you use this,” sabi niya at ibinigay ulit sa akin. “B-Bakit mo ako binigyan nito?” tanong ko. “Use that for emergency purposes. If some bastards are following you or did something bad to you, don’t hesitate to use it but be careful.” Parang may kung anong humaplos sa dibdib ko sa sinabi niya. Malakas din ang t***k ng puso ko. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na bibigyan niya ako ng isang bagay na makakatulong sa akin. “Thank you,” I smiled at him. Umiwas siya ng tingin. “Don’t you ever get yourself into trouble or do something stupid or else I’ll get mad.” seryosong wika niya. “At me?” lakas loob na tanong ko. “No, but to someone who caused harm to you.” Why? Bakit niya ito sinasabi sa akin? “Paano kung ako pala ang nagpasok sa sarili ko sa gulo? Magagalit ka s-sa akin?” Hindi ko alam kung bakit ko pa nakuhang itanong ‘yon sa kabila ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako kinakabahan o natatakot. It’s something else I couldn’t figure out. “I don’t know.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD