Chapter 9

2121 Words
Maghapon gaganapin ang event kaya naman nagpaalam na ako sa manager ng pinagtatrabahuhan ko na hindi ako makakapasok ngayong araw. Pumayag naman ang manager pero ang kapalit ay wala akong off sa Sunday. Nagkadikit ang mga poster ng event sa mga walls ng bawat classrooms. Iniimbitahan na manood ang ibang department pero pwede lang ito kung wala silang klase. Nakasuot lamang ako ng white t-shirt at highwaist pants. Since organizer naman kami ng event ay okay lang kahit hindi na mag-uniform. “Sabay kayo ulit ni Atlas?” tanong ni Irene. Pareho kaming may hawak na papel. Naglalaman ‘yon ng details about sa event. “Uh…oo.” nag-iwas ako ng tingin. Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang makahulugan niyang pagtitig. Sabay ulit kami ni Atlas kahapon at ngayon. Hindi na kami masyadong nag-usap dahil parang ang awkward na naman ng atmosphere sa pagitan namin. Hindi ko maitanong sa kanya kung bakit niya pa ako kailangan isabay. Baka mamaya ay galit na naman siya kapag tinanong ko. Mabuti na lamang at hindi na siya nag-insist na ihatid ako sa trabaho. Ang kapal naman ng mukha ko para i-assume na magi-insist siya. Napansin ko rin ang pagbabago ng aura niya these fast few days. Naroon pa rin ang masungit na mukha pero magaan na ang aura niya. “Umamin ka nga,” hinarap ako ni Irene. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. “Nanliligaw na ba sayo?” she asked. Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong umiling. “Hindi ah! Bakit naman manliligaw?” tanong ko. Mainit ang mukha ko at hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ako. “Okay, pero umamin sa’yo na gusto ka?” Umiling ulit ako. Matatanggal na yata ang ulo ko sa tindi ng pag-iling ko. Bakit niya ba ito tinatanong? “Hindi, at hindi siya aamin kasi wala naman siyang gusto sa akin.” paliwanag ko. Maling ideya talaga na sabay kaming pumapasok at umuuwi. Sooner or later ay baka kumalat pa at pag-isipan pa ng iba na may malisya. “E, bakit nga kayo sabay—--” “Kasi nga magkapitbahay kami, yun lang ‘yon. Please, ‘wag kana magtanong.” Hindi na nga nagtanong pa si Irene pero nakataas pa rin ang kanyang kilay. Huminga ako ng malalim at tiningnan nalang ulit ang papel na hawak ko. 20 competitors ang kasali sa event. Ang iba ay solo, duo, at mas marami ang grupo. Hindi na ulit kami nag-usap ni Irene dahil inasikaso namin ang mga numbers ng mga contestants. Natapat ako sa grupo nina Jerald. Pare-pareho sila ng suot ng mga kagrupo niya. Nakaayos din ang kanilang mga buhok ang mga babae ay may make-up. “Heto ang number niyo. Number 11 kayo,” binigay ko sa kanila ang number nila. Si Jerald ang tumanggap. “Kamusta?” ngiting tanong ni Jerald. Ngumiti ako pabalik. Ilang araw din kaming hindi nagkita dahil nagpa-practice sila. “Okay lang, galingan niyo ah.” sambit ko. “Oo naman, tatalunin namin sina Jessica.” ngisi niya. Tumawa ako at tumango. “Ah….by the way,” nag-aalinlangan siyang ituloy ang sunod na sasabihin. “Ano ‘yon? May problema ba sa music na gagamitin niyo? Pwede kong tawagin ang instructor—---” pinutol niya ako. “Hindi ‘yon, uh, totoo bang may kasabay kang umuwi at pumasok?” tanong niya. Nawindang ako sa tanong niya. Paano niya nalaman? Mukhang nakita niya ang pagtataka sa mga mata ko kaya nagsalita ulit siya. “Sinabi ni Jessica,” kinamot niya ang kanyang batok at umiwas ng tingin. Ngumiti ako na parang normal lang. “Ah, oo. Kapitbahay ko lang ‘yon.” tinapik ko ang kanyang balikat. Tumango siya at halatang may gusto pang itanong pero tinawag na ako ng instructor namin dahil may iba pang competitors ang hindi pa nabibigyan ng number. Nagsimula na ang event at sinimulan na ang pagtatawag ng numero kung sino ang unang magpe-perform. Nag-enjoy din ako sa panonood dahil sa iba’t ibang types ng sayaw gaya ng contemporary, hiphop, jazz, at marami pang iba. Puno ang auditorium. May mga estudyanteng nagchi-cheer sa mga pambato nilang contestants. Nahinto ako sa panonood dahil tumunog ang phone ko. Alam ko na agad kung sino ‘yon dahil isa lang naman ang taong madalas na nagte-text sa akin. From: Vincent Sa Saturday ha! Nandiyan ako sa Pasay. Paulit-ulit siya sa text niyang ganito. Minsan ay hindi ko na nirereplyan dahil alam kong nangungulit lang siya. May pumasok ulit na mensahe. Akala ko ay kay Vincent ulit galing pero hindi, dahil galing kay Atlas. From: Atlas Wait for me at the parking lot later. Isa pa ang lalaking ito. Ganyan din ang mga text niya sa akin. Hindi ko alam kung pinapaalalahan niya ba ako o ano. Hindi ko sila nireplyang dalawa at tinago na ang phone ko. Nagpatuloy ang mga performance hanggang sa nagkaroon ng break. Lunch break kaya naman umalis ang mga tao sa auditorium pero ire-resume ang event pagkatapos ng 1 hour break. Puno ang Cafeteria kaya nag-order nalang ako ng pagkain at doon na lang kumain sa outdoor bench ng school. Hindi ko kasama si Irene at Jessica. Ang grupo ni Jessica ang susunod na magpe-perform kaya naghahanda sila. Si Irene naman ay nasa auditorium pa rin. Doon na lang daw siya kakain dahil may baon siyang lunch. Tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok kaya sinikop ko iyon at saka inipit. Mahigit dalawang taon na rin simula nung pinagupitan ko ang buhok ko. Baka sa next off ko ay magpabawas na ako ng buhok. Saktong natapos akong kumain nang may biglang umupo sa kaharap kong upuan. Si Atlas na may sukbit na bag. “B-Bakit ka nandito?” tanong ko. “Because I saw you here,” he casually said. “Dito ako kumain dahil puno sa Cafeteria.” wika ko. Tumango siya. Heto na naman ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung saan babaling ng tingin. “Where are your friends?” napatingin ako sa kanya nang magtanong siya. “Busy sila, ikaw? Nasaan ang friends mo?” tinutukoy ko ang dalawang lalaking madalas kong makitang kasama niya. “Friends?” patanong na sabi niya. “Oo, yung lagi mong kasama.” sagot ko. His forehead furrowed. “They’re not my friends, and why are you looking for them?” nagdilim ang kanyang mga mukha. “Nagtataka lang ako na hindi mo sila kasama, saka you don’t treat them as your friends?” “Is that necessary?” bagot na tanong niya. “Of course, kung hindi mo naman pala sila kaibigan, then bakit mo sila kasama?” tanong ko. “They’re just fun to be with, that’s all.” Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. “Ayaw mo silang maging friends?” tanong ko ulit. “I don’t like friends,” “Malungkot ka sigurong tao?” “What?” kunot ang noo niya. “Masayang magkaroon ng kaibigan,” “And?” “Edi hindi pala tayo pwedeng maging friends dahil ayaw mong magkaroon ng kaibigan.” sambit ko. Nakita ko ang pag-iisip niya sa sinabi ko. Pagkatapos ay bumusangot ang kanyang mukha. “I don’t want you to be my friend,” aniya at saka umalis na sa harap ko. Nilayasan na naman ako. May konting sakit na dumaloy sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Akala ko ay nagbabago na ang ugali niya pero hindi pala. Hindi ko na inintindi ang pag-uusap namin at bumalik na sa auditorium. Unti-unting bumalik ang mga estudyante at nagsimula na ulit ang event. Nang matapos magperform ang lahat ay in-announce rin kaagad kung sino ang winner. Ang grupo nila Jerald ‘yon. 1st place ang grupo ni Jessica. 4:00 pm nang matapos ang event. Naglakad ako papuntang parking lot. Natanaw ko mula sa malayo si Atlas na nakasandal ulit sa kotse niya. Mukhang nakita niya rin ako dahil umayos siya ng tayo. Pumasok kami sa loob ng sasakyan. “Ayaw mo bang maglakad?” tanong ko bigla. “Bakit pa naimbento ang sasakyan?” pamimilosopo niya. Ngumuso ako. “Malapit lang naman ang eskwelahan dito, mas makakatipid ka ng gas kung maglalakad.” sabi ko. Hindi siya sumagot. Namalikmata yata ako dahil nakita kong bahagya siyang ngumiti. Pagdating sa building ay una akong bumaba. Nagpasalamat ako sa kanya at umakyat na sa 2nd floor. Napansin ko ang isang SUV sa tapat. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ko rito. “Faye,” tawag ko sa babae. Mabilis siyang lumingon at nagtaas ng kilay nang makita ako. “Bakit ka nandito?” lumapit ako sa kanya. “Naggala kami ng friends ko rito sa Manila, Mommy said I should check on you. Mukhang maayos ka naman kaya hindi rin ako magtatagal.” mataray sa sabi niya. Faye is my cousin on my mother's side. Bunsong anak siya ni Tita Clay. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon. I know she doesn’t like me and I don’t know the reason why. Ibang-iba ang ugali niya kay Ate Farrah. “Ayaw mo bang pumasok sa apartment ko?” tanong ko. Siguro ay kanina pa siya naghihintay sa labas ng apartment ko. “No, thanks. Sa labas pa nga lang nakakairita na,” umirap siya. Bumuntong hininga ako. Hindi ko na siya pinatulan dahil noon pa man ay ganito na ang ugali niya. Tumagos ang titig niya sa likod ko kaya lumingon ko kung sino ang tinitingnan niya. Si Atlas na nakatingin din sa amin. Nagtagal ang titig ni Faye kay Atlas bago tuluyang umalis.Sinundan lang siya ng tingin ni Atlas hanggang sa makaalis. Pumasok na ako sa apartment ko. Mabuti nalang talaga at nag-leave muna ako sa trabaho. Kung pumasok pa ako ay sobra na ang pagod ko. Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. Matutulog lang ako saglit bago magluto ng dinner. 7:30 pm nang magising ako. Ang plano kong saglit na pagtulog ay inabot ng tatlong oras. Tinamad na akong lumabas kaya kung ano na lang ang stock na meron ako ang siyang iluluto ko. Hindi ako makapag-stock ng frozen food dahil wala pa akong ref. Konting tiis nalang at makakabili din ako. Matapos kumain ay nag-open ako ng data sa phone at nag-browse sa f*******:. Nag-aacept ako ng ilang mga kakilala at nagreply sa mga chats. Nakita ko sa friends suggestion ang account ni Atlas. Ayaw ko sanang tingnan ang account niya pero nadala ako ng kuryosidad. Ni-click ko ang profile niya at walang ibang bumungad kung hindi ang display picture niya lang. Walang cover photo, bio, o kahit anong post. Pinindot ko ang profile picture niya. Nasa loob siya ng sasakyan at nakaupo sa driver’s seat. Seryoso siyang nakatingin sa camera. Kitang-kita sa picture kung gaano siya kagwapo. Hindi nakakasawang tingnan. Mahigit 1000 ang likes at nasa 200 ang comments. Iba-back ko na sana nang bigla kong mapindot ang like button. “Hala!” taranta kong sabi. Mabilis kong binawi ang like at binaba ang phone ko. Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa kaba. Kinuha ko ulit ang phone ko at inalis na sa account niya dahil baka kung ano pa ang mapindot ko. Ititigil ko na sana ang pagba-browse nang biglang may lumabas na notification. ‘Atlas Jimenez sent you a friend request.’ Nabitawan ko ang aking phone sa gulat. Mabuti at sa malambot na kama bumagsak. “Hala! Hala!” kinagat ko ang mga kuko ko. Pinagpawisan ako ng matindi. Ilang minuto bago ko kinuha ulit ang cellphone at ni-click ang ‘accept’ sa request niya. ‘You and Atlas Jimenez are now friends.’ Nanginginig ang mga kamay kong nag-scroll. Inaasahan kong may makikita akong post niya since friends na kami pero wala. Hindi ko na siya ni-stalk ulit dahil sa pagkadala. Tumunog ang messenger. Atlas: I add you so you can stalk me well Hiyang-hiya ako habang paulit-ulit na binabasa ang message niya. Dapat pala ay hindi ko ‘yon ni-seen, ngayon ay kailangan ko tuloy mag-reply. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nagta-type ng reply sa kanya. Caroline: Sorry, lumabas sa suggestion ko. Mabilis niyang ni-seen ang message ko at nagreply. Atlas: hmm.. Hindi na ako nagreply sa kanya dahil hindi ko na alam ang irereply. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya bukas. Bakit ba kasi naisipan ko pa siyang i-stalk? Ito na yata ang pinaka nakakahiyang ginawa ko sa buong buhay ko. Bakit ganito ang epekto sa akin ng lalaking ‘yon? Kung ibang tao siguro ‘yon ay baka hindi ganito ang reaksyon ko. Tumunog ulit ang messenger. Atlas: See you tomorrow, Caroline. Tuluyan nang nag-init ang buong mukha ko sa chat niya. Hinihiling ko na ngayon na kainin na ako ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD