Chapter 10

2330 Words
“Badtrip!” Kausap ko sa phone si Vincent. Ang aga niyang tumawag ngayon. Mabuti nalang at nakaligo na ako nang tumawag siya. “Bakit?” tanong ko habang sinusuklay ang aking buhok. “Mukhang hindi ako matutuloy diyan sa Sabado,” sagot niya. “May nangyari ba?” “Pinapauwi ako ng Palawan ni Mommy,” mahinang sagot niya. Tumawa ako at alam kong narinig niya ‘yon. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya makapalag sa Mommy niya. Basta Mommy niya ang nagsabi, wala siyang magagawa kung hindi sumunod. “Caroline,” banta niya. “Okay…sorry,” pigil ko pa rin ang pagtawa. “Marami pa namang pagkakataon,” sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Tsk! Sayang, excited pa naman akong makita ka. Ano na kayang itsura mo ngayon?” “Hindi ko alam,” walang kwenta kong sagot. Humalakhak siya mula sa kabilang linya. Tinapos ko na ang tawag dahil aalis na ako para pumasok. Bigla akong kinabahan dahil makikita ko ngayong umaga si Atlas. Kung pwede lang na maging invisible ako ay gagawin ko. Pagbaba ko galing 2nd floor ng building ay nasa baba na nga si Atlas. “Let’s go,” aniya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Naglakad ako palapit. Naamoy ko agad ang pamilyar na amoy niya. “H-Hindi ako sasabay,” sambit ko pero sa iba nakatingin. “What? Why?” nag-iba agad ang tono ng kanyang boses. Kinagat ko ang aking labi. Bagong ligo rin ako pero parang pinagpapawisan kaagad ako. “A-Ano….may dadaanan pa ako bago pumuntang school.” palusot ko. Ayoko siyang makasabay dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako. Dapat ay okay na dahil hindi ko naman talaga sinasadyang ma-like ang profile picture. Hindi dapat big deal ‘yon pero bakit parang ang laking bagay noon sa akin? “Then let’s go,” aniya. “Huh?” naguguluhan kong tanong. “We’ll not use my car, let’s just walk.” Nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang dinig ko? Maglalakad siya at sasabay siya sa akin? “S-Sigurado ka?” hindi pa rin ako tumitingin sa kanya o partikular sa mga mata niya. Hindi ko kaya, pakiramdam ko ay mapapaso ako. “Of course, and why aren’t you looking at me?” naglakad siya papalapit sa akin kaya nataranta akong umatras. “T-Tara na,” sambit ko at nilagpasan siya. Hindi ako tuluyang nakalagpas dahil nahawakan niya ang kanang braso ko. Parang may kung anong elektrisidad na naman ang dumaloy sa buong katawan ko. “Look at me,” utos niya. Mas lalo kong iniwas ang aking mukha dahil sa lapit niya. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Seryoso siya sa lahat ng oras pero ngayon ay makulit siya. “Male-late na tayo,” tanging sambit ko. Nakayuko ako at hindi sinunod ang utos niyang tumingin sa kanya. “We’ll not go unless you look at me.” madiin na sabi niya. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya. Umawang ang labi ko nang makita ko ang buong mukha niya. Mas lalo siyang gumwapo sa itsura niya ngayon. Kaya pala gusto niyang tingnan ko siya ay dahil bagong gupit siya ngayon. Ang gwapo niyang tingnan dahil malinis ang gupit niya. Hindi ko agad ‘yon napansin noong una dahil busy ako sa pag-iwas ng tingin sa kanya. The look of satisfaction was evident in his eyes after I looked at him. “B-Bagay sayo,” komento ko. Umawang ang labi niya sa sinabi ko. Kinuha ko na ang aking braso sa kanyang kamay at naglakad na paalis. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at nagdesisyon siya na maglakad kami ngayon. Sanay ba siyang maglakad? I mean, mayaman siya kaya nga may sasakyan siya at sa tingin ko ay mas gugustuhin niyang magmaneho kesa maglakad. Habang naglalakad ay dinig ko ang pagsipol ni Atlas. Pakiramdam ko naman ay namumula ang buong mukha ko. Why does it feel like he’s teasing me? Mas binilisan ko ang lakad kumpara kanina. “Are you in a hurry?” ang tono ng kanyang boses ay mapang-asar. Anong nangyari sa lalaking ito at ganito siya? “M-May bibilhin pa kasi ako.” dahilan ko. “Ano? Saan?” tanong niya ulit. Wala naman talaga akong bibilhin dahil palusot ko lang ‘yon kanina para hindi siya makasabay. Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko siyang sumunod sa akin. Sakto naman na may nadaanan kaming pet shop. Lumiko ako at pumasok sa shop. Nakasunod pa rin siya sa akin. Nagpunta ako sa pet accessories at saka nagtingin ng mga collars doon. “For Thor?” tanong ni Atlas sa likod ko. Tumango lang ako at saka pumili kung anong collar ang bagay kay Thor. “I think this one suits him,” ani ni Atlas at saka pinakita sa akin ang collar na hawak niya. Kulay blue na may paw print at saka bells. Kinuha ko sa kanya para tingnan. Nagtama ang mga kamay namin at agad kaming nagkatinginan. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil sa pagkapaso. “Uh..sige eto na lang.” sabi ko para mawala ang tensyon. Binayaran ko ang collar at saka nilagay ‘yon sa bag ko. Lumabas na kami ng pet shop. Konting lakad na lang at nakarating din kami sa school. “Mauna na ako,” sabi ko kay Atlas. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at tumakbo na ako sa entrance ng school. Ni-check ng guard ang ID ko at pumasok na ako sa loob. Narinig ko ang tawag sa akin ni Atlas pero hindi ko na siya nilingon. Pagkarating sa classroom ay sakto namang pumasok ang instructor. Nakinig ako sa pagsisimula ng klase. “For the next week's activity, I want you to choose a partner then choose a topic about Philippine History that we discussed today. You need to make a powerpoint presentation then your group will present it to me at the end of the week.” Umingay ang buong classroom sa anunsyo ni Mrs. Jing, instructor namin sa Philippine History. Ang mga kaklase ko ay kanya-kanyang hanap ng kanilang partner. “Hi partner!” ngiting wika ni Jerald. Ngumiti rin ako at tumango sa kanya bilang pagsang-ayon na partners kami. Si Irene at Jessica naman ang mag-partner. Before lunch ay nag-usap na kami ni Jerald para sa topic at powerpoint presentation na gagawin namin. Nag-decide kami na sa library gumawa tuwing bago magsimula ang klase. Sinabi ko sa kanya na may trabaho ako after class kaya hindi pwedeng gumawa. Pumayag naman siya at sinabing okay lang daw iyon. Sumunod na klase namin ang Fundamentals of Music. Kailangan namin magpunta sa music room dahil naroon ang mga music instruments. Ni-discuss sa amin ni Mr. Canlas ang mga music instruments na hindi masyadong pamilyar sa amin. Nagpunta si Sir sa piano at saka pinindot ang mga keyboard doon. Kaagad kong nalaman ang kung anong musika ang pinapatugtog niya. Clair de Lune by Claude Debussy! Nasubukan ko nang tumugtog ng piano. May piano sa bahay ni Tita Clay noon at ako lang ang nakakagamit dahil hindi naman mahilig sa piano si Ate Farrah at Faye. “Who wants to try?” tanong ni Mr. Canlas. Walang nagtaas ng kamay at tahimik ang lahat. Gusto kong subukan pero nahihiya ako. Hindi ko rin sigurado kung marunong pa ba akong mag-piano dahil matagal na noong huli akong tumugtog. “Si Caroline po!” biglang sigaw ni Jessica. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. Ngumiti siya sa akin at kumindat. Aapela na sana ako pero nag-cheer na ang mga kaklase ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hilaw akong ngumiti kay Mr. Canlas. Sinenyasan niya akong lumapit sa unahan. Lumapit ako. Kinakabahan akong tumingin sa mga kaklase ko. “Wooohh! Go, Cali!” cheer ni Jessica at tinaas pa ang kamay niya. Naupo ako sa upuan at nanginginig ang mga kamay nilapit ang kamay sa keyboard. Ganoon pa man ay alam ko kung ano ang kantang patutugtugin ko. Natahimik ang lahat nang mag-umpisa akong pumindot sa keyboard. Unti-unting nawala ang kaba ko. Mukhang nakuha ng mga kaklase ko ang kantang nilalapatan ko ng tunog dahil nag-umpisa silang kumanta. A Thousand Years by Christina Perri Buong klase na ang kumakanta ngayon. Ngumiti ako dahil kahit papaano ay saulado ko pa rin ang keyboard notes ng kantang ito. “I'll love you for a thousand more,” “And all along I believed I would find you Time has brought your heart to me I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more.” Nagpalakpakan ang aking mga kaklase nang matapos ang kanta. Bumalik bigla ang aking hiya pero ngumiti ako sa kanilang lahat. Tumayo ako mula sa upuan at babalik na sana sa aking pwesto nang mahagip ng paningin ko si Atlas. Nasa labas siya ng pinto. May glass panel ang pinto kaya naman nakikita ang nasa loob at labas ng room. Nagtama ang paningin namin. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Binawi ko ang aking tingin at saka bumalik sa pwesto ko. Nag-init na naman ang buo kong mukha. Nakita niya akong tumutugtog? Ano naman? Wala namang nakakahiya doon. Hindi ko talaga alam. Basta pagdating sa kanya ay parang big deal lahat. Bumalik na kami sa classroom para sa susunod na klase. Maraming papuri ang natanggap ko galing sa mga kaklase ko. Hiyang-hiya ako pero nagpasalamat ako sa kanilang lahat. Lumapit sa akin si Irene dahil wala pa ang instructor namin sa next subject. “Nakita ko si Atlas sa labas ng music room kanina,” aniya. Ngumuso ako at kunwaring normal lang ‘yon. “Ah..oo. Nakita ko din siya,” sabi ko. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong may iniisip na naman siyang kakaiba. “Pinanood ka yata,” wika niya. Hindi ako nagbigay ng reaksyon. Posibleng nanood nga si Atlas dahil naroon siya pero ano naman? “O-Okay lang,” casual na sabi ko. Tumawa si Irene at hindi ko alam ang dahilan. “Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit siya nangungupahan ngayon. Ang alam ko ay may sarili siyang condo dito sa Manila, naitanong mo ba sa kanya?” mabilis akong umiling sa tanong niya. “Hindi, bakit ko naman itatanong?” pakiramdam ko ay nagtunog defensive ako. “Baka lang alam mo since magkaibigan kayo?” “Hindi kami magkaibigan. Ayaw niya raw akong maging kaibigan.” sambit ko. Nanlaki ang mga mata ni Irene. “Ayaw niya ng friends? Gusto lover?” bungisngis ni Irene. Nagusot ang mukha ko dahil sa mga iniisip niya. “E, bakit ikaw? Mayaman ka rin pero dito ka sa walang tuition nag-aaral.” natahimik siya sa sinabi ko. “Hindi naman porket mayaman ay kailangan sa may tuition na mag-aral.” depensa niya. “See, siguro ay baka ganoon din ang rason kung bakit siya nangungupahan.” sabi ko. “Imposible,” tanging sagot niya. “Don’t judge the book by its cover, sabi nga nila.” “Sus! Pinagtatanggol mo lang ang—-” hindi niya natuloy ang sasabihin dahil bumusangot ako. Humalakhak siya at bumalik na sa upuan. Dumating na ang instructor namin at nagturo. Sa kalagitnaan ng klase ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko. Naka-silent lang ‘yon sa tuwing nasa klase ko pero naka-on ang vibrate para alam ko kung may natawag o nag-text. Galing kay Atlas. From: Atlas We’ll meet at the parking lot later. Nang matapos ay kaklase ay nagtungo nga ako sa parking lot. Mas okay na dito kami magkita dahil walang masyadong estudyante. Natanaw ko agad si Atlas kaya lumapit ako. Sabay kaming naglakad at walang nagsalita sa amin. Mas awkward pala kapag hindi nagsasalita habang naglalakad kumpara kapag nasa sasakyan. “Uhh.. nasa music room ka kanina?” casual na tanong ko. “Yes,” maikling sagot niya. “Pwede ba akong magtanong?” tanong ko. “Nagtatanong kana,” aniya. Kumunot ang noo ko dahil sa pamimilosopo niya. Bakit parang ang sungit niya ngayon kumpara kaninang umaga? Pabago-bago ang mood niya. “Kung pwede nga?” pangungulit ko. “Yes,” maikling sagot niya ulit. Bumuntong hininga ako bago magsalita. “Diba mayaman ka?” napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko. Seryoso ang kanyang gwapong mukha at parang nagtatanong kung bakit bigla ko siyang tinanong ng ganoon. “And?” masungit na tanong niya. “Kung mayaman ka, b-bakit ka nangungupahan?” Hindi siya agad nakasagot. Akala ko nga ay wala siyang balak sumagot. “It’s my punishment,” sagot niya. “Huh?” Punishment daw? “I’ve caused so many troubles in the past months that’s why my Dad decided to revoke my condominium.” Naunawaan ko ang sinabi niya. Punishment niya iyon dahil sa mga kalokohang ginawa niya noon. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang pag-usapan ang Daddy niya. “Do you take it as a punishment?” tanong ko. Kumunot ang noo niya. “Of course, who would want to live in such a small place?” angal niya. “Ako,” napatingin siya sa akin dahil sa sagot ko. Natigilan siya na para bang may napagtanto. Hindi na siya nagsalita at maging ako ay ganoon din. Nakarating na kami sa street. Walang tao na ipinagtaka ko dahil tanghali pa lang ngayon kaya dapat ay may tao rito. Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko ang tatlong kalalakihan na nakaabang sa di kalayuan. Nakita nila kami ni Atlas at unti-unti silang tumayo. Hindi na maganda ang kutob ko. Hinawakan ko sa uniform sa Atlas kaya napahinto din siya sa paglalakad. “Atlas,” nanginig ang aking boses. Tinignan niya ako at saka bumaling kung nasaan ang tingin ko. Unti-unti nang lumalapit sa amin ang mga kalalakihan. Mukhang nakuha agad ni Atlas ang nangyayari dahil hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa likod niya. “Stay behind me,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD