Chapter 11

2355 Words
“Atlas,” muling tawag ko sa kanya habang nakahawak sa kanyang uniform. Luminga ako sa paligid at nagbakasaling may tao ngunit wala. Patuloy ang paglapit sa amin ng mga kalalakihan. Napansin kong ang dalawang kasama niya ay may hawak na kahoy. Mas lalo akong kinabahan at natakot. Tahimik akong nagdasal na sana ay may makakita sa amin. “Umalis na lang tayo, Atlas. P-Please,” sambit ko habang nangingilid ang luha. Hindi tumitingin sa akin si Atlas dahil nasa harap ko siya. “You call for help,” mahinahong sabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging mahinahon sa mga oras na ito habang ako ay natataranta na. “Paano ka? Umalis na tayo,” humigpit ang hawak ko sa kanyang uniform. Lukot na lukot na iyon dahil sa hawak ko. “Tumakbo kana, Caroline. I’ll distract them, then you call for help.” sambit niya. Umiling ako bilang sagot kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga lalaking ito kaya alam kong hindi sila taga-rito sa street namin. Sa mga itsura pa lang nila ay alam kong may hindi sila magandang balak sa amin. “A-Ayoko, sumama ka na kasi,” wika ko. Natatakot ako pero hinding-hindi ko gagawin na iwan siya rito. “Tsk. This is not the right time to be hardheaded, go!” pagpupumilit niya sa akin. Madiin akong umiling kaya lumingon siya sa akin. Seryoso ang kanyang mukha ngunit may bakas ng galit at pag-aalala. “Go, Caroline.” madiin na sabi niya. Umiling ulit ako sa pangatlong beses. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa uniform niya. “Eto ba ‘yong sumapak kay Tupe?” sabay kaming napalingon dahil nagsalita ang lalaking nasa gitna. Mas matangkad siya kumpara sa mga kasama niya. “Oo, yan ‘yon. Matangkad na maputi raw e,” sagot noong nasa kanan. Lumunok ako ng isang beses bago nagsalita. “M-Mali po k-kayo. Hindi po kami yung tinutukoy niyo. Dadaan lang ho kami,” wika ko. Napatingin sa akin ang tatlong lalaki kaya nagtago ulit ako sa likod ni Atlas. “Siya nga ‘yon, Boss! ‘Yan ang babaeng sinusundan ni Tupe noong nakaraang linggo e!” segunda ng lalaking nasa kaliwa. Ako? Sinusundan nung Tupe? Sino ‘yon? Nabuo ang aking pagtataka nang maalala ang muntik ko nang pagkapahamak last week. May sumusunod sa akin at nabunggo ko si Atlas. Sinuntok niya ang lalaki at pinahuli sa mga Barangay tanod. Mahinang napamura si Atlas. “I punched him because he deserved it.” seryosong sabi ni Atlas. Nagalit ang mukha noong nasa gitna. “Putanginamo! Ang yabang mong hayop ka! Pa-ingles ingles ka pa! Sige, palibutan niyo ‘yang dalawang ‘yan!” Agad na sumunod ang dalawang kasama niya. Nagpunta sa kaliwa at kanan namin ang dalawang lalaking may hawak na kahoy. Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil sa takot. “P-Pakiusap ho, baka po pwedeng pag-usapan na lang.” wika ko. “Manahimik ka!” sigaw ng nasa gitna. “Kaya pala sinundan ni Tupe e, ang ganda pala saka….ang kinis at puti!” tumawa ang nasa kanan namin. Kinilabutan ako sa sinabi niya. Dalawang kamay ko na ang nakahawak sa uniform ni Atlas. “f**k you!” galit na sabi ni Atlas. “Gago ka! Sinundan lang naman ng pinsan namin yang syota mo kasi nga maganda tapos sinuntok mo!” sigaw ng lalaki. “Magpasalamat pa kayo at hindi ko binugbog ang pinsan niyong m******s. Kung hindi dumating ang mga tanod ay baka kung ano pa ang nagawa ko sa kanya,” mayabang na sagot ni Atlas. Namula sa galit ang lalaki at pati ang dalawang kasama niya ay napamura. “Mayabang ka talagang hayop ka! Tuturuan kita ngayon ng leksyon!” Mabilis na sumugod ang lalaki. Napansin kong may suot itong metal rings sa kamay. Napabitaw ako ng hawak kay Atlas dahil umiwas siya sa suntok ng lalaki. Sinuntok niya sa panga ang lalaki dahilan para mapaatras ito. Napasigaw ako nang may humawak sa magkabilang braso ko. Agad na tinakpan ng lalaki ang aking bibig para matigil ang pagsigaw ko. Narinig ‘yon ni Atlas kaya sumugod siya sa amin. Hindi siya tuluyang nakalapit dahil hinarangan siya noong dalawang lalaki. “Sige, subukan mong lumaban. Masasaktan ‘yang syota mo,” banta ng lider nila. Mahigpit ang hawak ng lalaki sa akin kaya hindi ako makawala. Umambang lalapit si Atlas ngunit hinigit ng lalaki ang buhok ko dahilan para mapatili ako sa sakit. Huminto si Atlas at galit na tinignan ang lalaking may hawak sa akin. “Lumuhod ka!” utos ng lider. Hindi sumunod si Atlas kaya muli akong sinabunutan ng lalaki. “f**k! Fine!” wika ni Atlas at agad na lumuhod. Ngumiti ang kanilang lider dahil sa pagsunod ni Atlas. Kinuha niya ang kahoy sa kasamahan at saka lumapit kay Atlas. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hampasin ng kahoy sa likod si Atlas. Napasigaw ako dahil halos humiga na sa kalsada si Atlas. “T-Tama na po,” hagulgol ko. Bumangon si Atlas at akmang susugudin ang lalaki nang bigla akong tutukan ng kutsilyo ng lider nila. Nanginig ako sa takot dahil halos dumampi na sa leeg ko ang dulo ng kutsilyo. Nag-igting ang panga ni Atlas dahil sa galit. Tumawa ang lalaki. “Hindi ka makapalag ngayon ‘no?” pang-aasar ng lalaki. “Nawala angas mo ah!” sambit naman ng nasa kanan. Lumapit ulit ang kanilang lider kay Atlas at saka ito buong lakas na sinuntok. Napapikit ako dahil natumba si Atlas. Wala akong ibang sinisisi ngayon kung hindi ang sarili ko. Hindi siya makalaban dahil sa akin. Muling susuntukin ng lalaki si Atlas ngunit natigil dahil sa isang pito. Mabilis akong binitawan ng lalaki at tumakbo kasama ang dalawa pa niyang kasamahan. Napaupo ako dahil sa panghihina. May mga kalalakihan na humabol sa tatlong lalaki. Tumayo ako at saka dinaluhan si Atlas na ngayon ay dumudura ng dugo. May lumapit sa aming dalawang lalaki at tinulungang makatayo si Atlas. Pareho silang nakasuot ng uniporme na animo’y bodyguard. “Sir, kaya mo bang tumayo?” tanong ng lalaki kay Atlas. Hindi nakasagot si Atlas. May humintong SUV sa tapat namin at binuksan ng isa pang lalaki ang pinto ng kotse. Sinakay nila roon si Atlas at ako naman at ako naman ay hindi alam ang gagawin. “Get in, Miss. Kayo po ang kasama ni Sir Atlas,” sabi ng lalaki kaya mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan. Katabi ko si Atlas na ngayon ay pinupunasan ang kanyang bibig. Dumudugo ang kanyang pisngi at may pasa agad doon. “I’m fine. Stop the car,” utos ni Atlas sa mga lalaki. “I’m sorry, Sir. We need to bring you to the hospital.” sagot ng driver. May suot itong earpiece. “I said I’m fine! Now, stop the car and let us out!” galit na sigaw ulit ni Atlas. “We can’t do that, Sir. We need to bring you—---” lumingon si Atlas sa lalaki at akmang sisinghalan na ito ngunit hindi natuloy dahil hinawakan ko si Atlas sa braso. “A-Atlas, k-kailangang magamot ang sugat mo.” mahinahong sabi ko. Lumingon sa akin si Atlas at matagal na tumitig hanggang sa unti-unti siyang huminahon. Nakarating kami sa pinakamalapit na ospital ay agad kaming dinaluhan ng mga nurse. “Maupo po kayo, Sir. Gagamutin ko ang sugat niyo,” sabi ng babaeng nurse kay Atlas. Hindi sumunod si Atlas at tumingin siya sa akin. “Nevermind me, treat her first.” wika ni Atlas at lumapit sa akin. Umiling ako. “Okay lang ako, Atlas. Ipagamot mo ang sugat mo—-” “No, I said treat her first.” matigas na utos niya. May lumapit na isang lalaking nurse at agad akong dinaluhan. “Ako na ang bahala sa kanya, gamutin mo na ang sugat ng pasyente.” utos ng nurse sa kasamahan na agad namang tumango. Dumilim ang anyo ni Atlas at agad na lumapit sa lalaking nurse. Nataranta ako dahil sa galit niya. “Not you, I want a girl to treat her,” masama ang tingin niya sa lalaki. Natatarantang nagtawag ng babaeng nurse ang lalaki at umalis doon. Nang lumapit ang babaeng nurse sa akin ay saka lamang kumalma si Atlas. Pinaupo ako ng babae sa kama at ni-examine kung may sugat ba ako. Wala naman akong sugat maliban lang sa palapulsuhan ko na namumula dahil sa hawak sa akin ng lalaki kanina. Nang masiguro ng Nurse na maayos ako ay hinabilin niya ako sa kasamahang nurse dahil may mga pasyente siyang kailangan daluhan. Nasa tapat na kama ko si Atlas at tapos na siyang gamutin. Tumayo ako at lumapit sa kanila. “Miss, pwede po kaya siyang ipa-xray? Natamaan po siya ng—--” “I’m fine,” putol sa akin ni Atlas. Kahit na tumanggi siya ay nag-insist pa rin ako na ipa-xray siya. Laking pasalamat na lamang dahil walang nakitang komplikasyon sa likod ni Atlas ngunit sabi ng nurse ay mukhang magpapasa ito. Umalis na ang nurse at sinabing tawagin siya kung may kailangan pa. Naiwan kami ni Atlas at ng dalawang bodyguard. “Lumabas muna kayo,” utos ni Atlas sa dalawang bodyguard. Yumuko ang dalawang bodyguard bilang pagsang-ayon at lumabas ng kwarto. Kaming dalawa na lamang ang natira ni Atlas. Nilaro ko ang aking daliri dahil sa kaba. “K-Kilala mo sila?” tukoy ko sa mga bodyguards na lumabas. Tinanong ko pa kahit obvious naman na bodyguard ni Atlas ang mga ‘yon dahil tinawag siyang ‘Sir’ at napasunod niya. “Don’t mind them, come here.” tinapik niya ang kanyang tabi. Ayokong lumapit pero gusto ko ring makita ang mga sugat niya kung nagamot ba ng maayos. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Hindi ako dumikit sa kanya. Inangat ko ang aking tingin sa kanyang mukha at malinaw na nakita ang mga pasa at sugat niya. Nangilid ang aking luha. “What?” tanong ni Atlas. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Tinakpan ko ang aking mukha para hindi niya ako makita. Akala ko ay naiiyak ko na kanina ang lahat pero hindi pa pala. “Tsk,” palatak ni Atlas. Ramdam kong bahagya siyang lumapit sa akin pero hindi tuluyang dumikit. “Why are you crying?” tanong niya. Pinunasan ko ang aking luha at hinarap siya. “I’m sorry, I’m sorry! Sorry! Sorry, Sorry!” sunod-sunod na sabi ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. “What the f**k are you sorry for?” kunot noong tanong niya. Inangat niya ang kanyang kamay at akmang pupunasan ang luha ko pero hindi niya ginawa. “D-dapat pala hindi na lang talaga tayo naglakad. Dapat hindi kana talaga sumabay sa akin—---” “What?!” galit na bulaslas niya. “I’m sorry,” hingi ko ulit ng tawad at umiyak na ulit sa palad ko. Narinig ko na muli siyang pumalatak at mas lalong lumapit sa akin. “Stop crying,” utos niya pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko. “Are you worried about me? Or you’re just guilty because you caused me trouble?” tanong niya. Inangat ko ulit ang aking mukha bago sumagot. “Pareho,” bumuntong hininga siya sa sagot ko. “It’s not your fault. You don’t have to be guilty or what. It’s my choice to accompany you.” paliwanag niya pero hindi ko pa rin matanggap. “Pero kung hindi ko ni-suggest na maglakad na lang tayo at ginamit na lang ang kotse mo ay baka hindi ganito ang mangyari.” sagot ko habang umiiyak. “No, you see, they’re waiting for us. That means even if we use my car, they will still block us. No difference,” sagot naman niya. Umiling ulit ako. “Kung ginamit natin ang sasakyan mo, hindi ka masasaktan……” depensa ko. Kumibot ang kanyang kilay bilang tanda na naiinis na siya sa akin. “Nangyari na. Let’s move on.” inis na sabi niya. Hindi na ako sumagot at umiyak na lang ulit. Bumuntong hininga siya at naramdaman ko na lang ang unti-unti niyang pagyakap sa akin. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko nang maramdaman ko ang katawan niya. Naamoy ko rin ang pamilyar niyang amoy. Hinaplos niya ang likod ko na para bang inaalo ako. Unti-unti akong kumalma at huminto sa pag-iyak. Nag-iinit ang buong mukha ko at hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa pag-iyak ko. Ako ang unang kumalas sa yakap. “Bakit hindi mo pinagtanggol ang sarili mo?” tanong ko. Tumaas ang kanyang kilay at umirap. “Do you think I have a choice?” tanong niya pabalik. “Kaya ko naman ang sarili ko.” sambit ko na ikinataas ulit ng kilay niya. “Kaya mo?” balik na tanong niya sa’kin. Napayuko ako at umiling dahil hindi sigurado. “That’s the reason why I gave you the flashlight. So you can use it if I’m not…..around.” aniya. Tumango ako. “Salamat, Atlas.” sambit ko. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. “I will not accept gratitude. You have to do me a favor.” seryosong sabi niya. “Huh?” “I’ll tell you later,” aniya. Iniisip ko kung anong klaseng pabor ang hinihingi niya. May kumatok sa pinto at pumasok doon ang isa sa mga bodyguards niya. “Sir, nahuli na po ang tatlong lalaki. As of now, nasa presinto na po sila.” wika ng bodyguard. Sumeryoso ang mukha ni Atlas sa sinabi nito at tumango. “We’ll go there, let’s take Caroline to her apartment first,” ani Atlas. “Sasama ako sa presinto—--” “No, ako na ang bahala. You rest and then I’ll just give you an update regarding those bastards.” Gusto kong umangal pero mukhang buo na ang desisyon niya. Hinatid nga nila ako sa apartment ko at nagpuntang presinto. Bago sila umalis ay nagbilin sa akin si Atlas. “Huwag ka nang aalis, lock your door.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD