Hindi pumasok si Atlas noong Friday. Hindi rin siya umuwi ng apartment niya. Magdamag akong hindi nakatulog dahil hinihintay ko siya. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa mga lalaking nagtangka sa amin.
Hindi siya umuwi pero nagtext siya sa akin. Sinabi niyang nakakulong na ang mga lalaki. Hindi na nakuha ang statement ko dahil si Atlas na ang nag-asikaso sa lahat. Nalaman ko rin na pati ang pamilya o kamag-anak ng mga lalaki ay pinalayas na sa kabilang street.
Sa tingin ko ay sobra na ‘yon. Hindi dapat nadamay ang pamilya nila dahil wala naman silang kasalanan. Sinabi ko ‘yon kay Atlas pero hindi na siya nag-reply.
Ang inaalala ko naman ay ang dahilan kung bakit hindi siya umuwi noong Friday. Nag-aalala ako dahil matindi rin ang sugat na natamo niya.
Nang malaman ni Aling Ida ang nangyari ay inulan niya ako ng tanong. Pati ang mga kapitbahay ko ay gustong malaman ang nangyari. Pinaikli ko na lang ang kwento dahil ayoko nang maalala pa.
Sabado ngayon at hindi pa rin umuuwi si Atlas. Tapos na akong maglaba. Nakabili na ako ng washing machine. Walang dryer pero okay na rin dahil hindi na mabubugbog ang kamay ko sa kusot. Nakapagbayad na rin ako ng rent para sa susunod na buwan.
“Meow,” napalingon ako kay Thor at nakitang nakalapit na siya sa akin. Nakasandal ako sa railings at tinatanaw ang labas. Ang totoo ay hinihintay ko talaga si Atlas.
Napangiti ako dahil bumagay sa kanya ang binili kong collar. Bumuntong hininga ako at tinanaw muli ang labas. Hindi ko na naitanong kay Atlas kung bakit hindi siya umuwi sa apartment niya. Nahihiya akong magtanong dahil baka isipin niya na masyado akong nakikialam.
Tumunog ang aking phone mula sa loob. Mabilis akong pumasok sa loob at dinampot ang cellphone. Ang nasa isip kong tumatawag ay si Atlas ngunit nanghinayang nang makitang si Tita Clay iyon.
Sinagot ko ang tawag.
“Hello, Tita.”
“Cali, kamusta ka?” she asked. Pinigilan kong mapabuntong hininga.
“Maayos po ako, kayo po? Kamusta kayo? Sina Tito, Ate Farrah, at Faye?” tanong ko pabalik.
“We’re good, Hija. Ang Tito Francis mo ay busy sa farm habang ang Ate Farrah mo naman ay nagtatrabaho. Si Faye, nag-aaral pero madalas ang gala.” sagot niya.
“Nagpunta nga po si Faye dito last time,” sambit ko.
“Yes,hindi ko mapigilan sa paggala ang batang iyon kaya pinagayan ko pero binilinan ko na daanan ka…and she told me something,” natigilan ako sa huling sinabi ni Tita. Bigla akong kinabahan. May sinabi si Faye?
“Ano po ‘yon?” pinilit kong gawing normal ang aking pagsasalita sa kabila ng kaba.
“Uh…is there a guy living near you?” tanong niya. Unang pumasok sa isip ko si Atlas. Naalala kong nakita nga pala ni Faye si Atlas last time.
“Yes po, Tita. Nangungupahan din po sa katabi kong bahay.” kunwari ay wala lang sa akin ang pagsasabi no’n.
“Do you trust him? I mean, if he lives beside you, then you guys are interacting, am I right?”
“Opo Tita pero hindi naman po kami c-close,” napapikit ako dahil sa pagkautal. Hindi nga ba kami close ni Atlas? Halos araw-araw kaming magkita at mag-usap. At nitong nakaraang araw nga lamang ay sabay pa kaming muntik na mapahamak.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita Clay sa kabilang linya.
“I trust you, if you trust him then that’s fine with me.” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
“Thank you, Tita.” sagot ko.
“Bibisitahin kita kapag hindi na busy sa farm, hindi ko maiwan ang Tito mo dahil kailangan niya ng katulong,” sambit niya.
“Okay lang po, naiintindihan ko po. “ sabi ko.
“I’ll hang up now, call me if you need anything. Mag-ingat ka, don’t put yourself into trouble, Caroline Therese. Kapag may hindi magandang nangyari sa’yo ay pupunta ako d’yan at iuuwi kitang Batangas.”
Kumalabog ang dibdib ko sa banta ni Tita Clay. Kapag nalaman niya ang nangyari nitong nakaraang araw ay katapusan ko na.
“O-Opo,”
Nang matapos ang tawag ay napaupo ako sa aking kama. Napagdesisyonan kong magluto na ng tanghalian at kumain. Matapos kumain ay kinuha ko namana ng mga sinampay ko sa sampayan at tinupi saka inilagay sa orocan.
Sunday bukas at may pasok ako. Mas okay na rin ‘yon kesa naman mabagot ako kakaisip dito sa apartment ko. Matapos kong maligo ay muling tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakalang si Vincent iyon ay hindi ko na tinignan ang caller.
“Oy, bakit?” tanong ko habang nagsusuklay ng buhok. Hindi sumagot si Vincent at tanging paghinga niya lang ang naririnig ko. Kumunot ang noo ko at inisip kung ano na naman ang pakulo niya.
“Hello, Vincent?” muling tawag ko. Wala pa ring sumagot. Nilayo ko ang aking phone sa tenga at tinignan kung naputol ba ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi si Vincent ang caller….kung hindi si Atlas.
“H-Hello, Atlas.” sabi ko nang maibalik ang phone sa tenga. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Binaba ko ang suklay dahil sa panginginig ng kamay.
“I’m not Vincent,” malamig na sabi niya. Napangiwi ako dahil doon.
“Sorry, akala ko lang si Vin—-”
“Tsk. Anyway, how are you?” may bahid ng inis ang kanyang tono.
“A-Ayos naman, “ ‘yon lang ang sinabi ko dahil wala na akong ibang maisip na sasabihin. Narinig ko ang kanyang paghinga sa kabilang linya at mas lalong kumabog ang dibdib ko.
“I’ll be there on Monday, I just had to…..something.” mahinang sabi niya pero sapat para marinig ko.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaunting saya dahil sinabi niya sa akin na uuwi siya this Monday.
“Uh…o-okay. Mag-ingat ka,” kumuyom ang aking kamay dahil pakiramdam ko ay napaka-awkward ng sinabi ko. Matagal bago siya sumagot.
“O-Okay, see you.” sagot niya.
“S-See you,” nahihiyang sabi ko. Gusto kong itanong kung bakit hindi siya nakauwi pero pinigilan ko ang sarili ko.
“By the way, about the favor I asked you,”
Dahan-dahan akong napatayo dahil sa kaba. Sasabihin na ba niya kung ano ‘yong favor na hinihingi niya? Kakaligo ko palang pero pinagpapawisan na naman ako.
“I’ll tell you when I get home,” pinutol niya ang tawag. Napanganga naman ako sa gulat. Kalaunan ay natabunan ng inis ang gulat ko. Buong akala ko ay sasabihin na niya. Ngayon ay kailangan ko pang maghintay hanggang Monday para malaman.
Maghapon akong walang gana dahil sa inis. Kaya naman nang tumuntong ang Linggo ay ganado na ako dahil papasok ako sa trabaho.
Nagtataka ako dahil pa tumatawag si Vincent. Halos araw-araw tumatawag ang isang ‘yon kaya nakakapagtaka na hindi siya tumawag kahapon. Siguro ay nasa Palawan na kasama ang Mommy niya.
“Aalis na ako,” paalam ko kay Thor. Nagpaalam pa rin ako kahit tulog siya sa aking kama. Hindi na ako nangangamba na iwan siya sa loob ng apartment dahil hindi naman siya nagkakalat.
Lumabas na ako at naglakad papuntang trabaho. Kinakabahan ako dahil baka maulit na naman ang nangyari pero isinantabi ko ‘yon at nagdasal na sana ay makapunta ako at makauwi galing trabaho nang matiwasay.
Nakarating ako sa Premier Mart at sinimulan ang pagtatrabaho. Hindi ko alam kung paano nakarating sa mga tao dito ang nangyari sa amin ni Atlas. Inuulan nila ako ng tanong kahit pa may customer. Hindi nila kilala ang mukha ni Atlas kaya hindi nila ako tinanong tungkol sa kanya.
Sinagot ko ang ilang mga tanong nila para hindi mahinto na sila. Mabuti at hindi na sila muling nagtanong dahil napapagod na ako kakasagot. Isa pa, nakakahiya sa mga customers na nakakarinig.
“Deserved.” ani ni Kate nang dumaan siya sa harap ko. Binalewala ko ‘yon pero hindi matahimik si Ate Dianne na nasa kanan ko. Narinig niya rin pala ang sinabi ni Kate.
“Bwisit talaga ‘yang babaeng ‘yan.” wika ni Ate Dianne.
“Hayaan mo na Ate, ‘wag mo nang patulan.” sabi ko. Hindi na nga nagsalita si Ate Dianne pero nakita ko ang pag-irap niya kay Kate.
Patapos na ako sa pag-aasikaso sa mga pinamili ng isang customer nang lumapit sa akin si Mark. Siya ang nagpa-pack ng mga groceries ng customer. Kumunot ang noo ko at hinanap ang bagger na naka-asigned sa akin. Nakita ko itong umiinom ng tubig. Siguro nanghingi ng break.
“Okay ka lang?” tanong ni Mark habang busy sa ginagawa.
“Ayos lang,” maikling sagot ko. Mamaya ay masama na naman ang tingin sa akin ni Kate.
“Dapat ay hindi ka muna pumasok ngayon para makapagpahinga ka,” aniya. Hilaw akong ngumiti bago sumagot.
“Hindi na ako pwedeng mag-request ng off dahil nag-off na ako ng Wednesday, isa pa ayos lang ako.” sabi ko at ngumiti ng kaunti.
Gwapo naman si Mark at moreno ang kutis. Sa lahat ng bagger dito ay siya siguro ang pinakamatangkad. Kaya lang, kung totoo nga ang sinasabi nila na may gusto siya sa akin at manligaw ay kailangan kong linawin na hindi pa ako ready sa mga ganoon bagay.
Umalis na roon si Mark dahil bumalik na ang bagger ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kung magtatagal pa siya ay baka sugudin na ako ni Kate.
Tapos na ang trabaho at nagsarado na ang store. Inayos ko ang pagkasukbit ng aking bag at naglakad na paalis. Napahinto ako nang may tumawag sa akin.
“Caroline!” nakita kong si Mark iyon at tumakbo palapit sa akin. Luminga ako sa paligid dahil baka nasa paligid lang si Kate pero wala.
“Bakit?” tanong ko nang makalapit siya.
“Uhm… sabay na tayo.” napakamot siya sa kanyang batok at namumula ang tenga.
“Hindi na, kaya ko, saka malapit lang dito ang tinutuluyan ko.” sagot ko.
“Sabay na tayo, walking distance lang din dito ang bahay namin.” aniya at nagsimula nang maglakad. Wala na akong choice dahil nauuna na siya sa akin.
Sumabay ako sa kanyang paglalakad at hindi na nagsalita.
“N-Nag-aaral ka pa ‘no?” tanong niya pero hindi sa akin nakatingin.
“Oo, first year college.” sagot ko.
“Anong course mo?”
“BS in Ed Major in Filipino,”
“Uyy teacher!” bulaslas niya kaya mahina akong natawa.
“Hindi pa, nag-aaral pa lang.” nakangiti kong sabi.
“Ay, oo nga.” aniya at tumahimik. Ilang sandali siyang hindi nagsalita.
“Alam mo, tuwing dadaan ka sa madidilim na lugar, dapat may dala kang flashlight, pepper spray or anything na protection mo.” seryosong sabi niya.
“Meron ako,” sabi ko at binuksan ang aking bag. Kinuha ko doon ang flashlight na ibinigay sa akin ni Atlas.
“Flashlight lang?” tanong niya. Hindi ako sumagot at pinindot ang button sa ibaba. Agad na nag-produce iyon ng electric shock sa palibot nito. Nagulat pa si Mark at lumayo.
Gusto ko din sanang ipakita na may alarm sound din ‘yon kaya lang ay baka magsilabasan ang mga tao at akalain na may sunog o ano. Ngayon ko lang din napagtanto kung gaano ako katanga na hindi ginamit ang flashlight na ito noong nasa kapahamakan kami ni Atlas.
Napahamak ko na nga siya’t lahat, hindi pa ako nakatulong.
“Delikado ‘yan ah!” wika ni Mark nang mailagay ko na sa aking bag ang flashlight.
“Oo pero mag-iingat naman ako,”
“Sinong nagbigay sa’yo niyan?” tanong niya. Hindi ko masabing kaibigan ko dahil hindi ko naman kaibigan si Atlas. Ayaw nga daw akong maging kaibigan.
“Kakilala,” simpleng sagot ko.
Hinatid pa ako ni Mark hanggang sa APRT building kahit sinabi kong hindi na kailangan. Nag-insist pa rin siya kaya wala na akong nagawa. Pagkarating doon ay nagpaalam na siya.
“Ingat! Salamat sa paghatid!” sabi ko nang makalayo na siya. Kumaway siya sa akin hanggang sa tuluyan na siyang lumiko palabas ng street.
Umakyat na ako sa 2nd floor at natigilan nang makita si Atlas na nakapamulsa habang nakasandal sa railings. Hindi ko siya napansin kanina dahil nagpaalam ako kay Mark. Diretso siyang nakatingin sa akin. Bakas na bakas ngayon sa mukha ko ang gulat.
Nakasuot siya ng hoodie at sweatpants.
“A-Akala ko sa Monday pa ang uwi mo?” tanong ko. Hindi siya nagsalita at ang mas nakapagpagulat pa sa akin ay bigla niya akong inirapan.
“You are really naive,” aniya.
“Ha?” unti-unti akong lumapit. Ano na naman ang problema ng lalaking ito?
“You let someone accompany you until here, now they know where you live.” sagot niya at saka umirap ulit. Ibig sabihin ay nakita niya pala akong hinatid ni Mark.
“Nag-insist siya na ihatid ako dahil walking distance lang din—---”
“I don’t care,” inis na sabi niya at ginulo ang buhok. Hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita.
“E, ikaw naman sinungaling. Sabi mo sa Monday ka uuwi, bakit nandito ka ngayon?” depensa ko. Nalukot ang kanyang mukha.
“Don’t you know the word surprise?” inis na sabi niya. Surprise? Ibig sabihin ay ngayon talaga siya uuwi pero sinabi niyang sa Monday para i-surprise ako? Nagulat naman nga ako.
“Sabihin mo na ‘yung favor mo.” nakangusong sabi ko para maiwasan ang topic na ‘yon. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
“I want to work where you work.”