Chapter 13

2152 Words
“Ha?” Kailangan ko pang kumpirmahin sa kanya kung tama ba ang narinig ko. Gusto niya raw magtrabaho kung saan ako nagtatrabaho? “I know you heard it right.” seryosong sabi niya. “S-Sorry, sigurado ka? Magtatrabaho ka?” agad na bumusangot ang mukha niya sa sinabi ko. Para bang nainsulto ko siya. “When did I not get serious?” inis na tanong niya. “Biglaan kasi ang pagkakasabi mo,” sagot ko. Humalukipkip siya habang nakasandal pa rin sa railings. “Kailangan ba dahan-dahan?” pambabara niya. Ako naman ang nakaramdam ng inis ngayon. Umirap ako sa kanya at lumapit sa pinto ng aking apartment. Nilabas ko ang susi at binuksan ‘yon. Kung magiging salbahe lang din naman siya, kausapin niya sarili niya. “Mag-isa ka d’yan,” wika ko at isasara na sana ang pinto nang bigla niyang tinulak pabukas ang pinto. Halos mapaatras ako dahil sa lakas niya kahit mahinang tulak lang naman iyon. “Tsk, I’m asking for help,” aniya habang nakahawak pa rin ang kamay sa pinto. Kaunti lang ang awang ng pinto dahil pilit ko pa ring sinasarado iyon. “Asking for help daw pero ang salbahe mo,” inis na sagot ko. “What? Saang part ako naging salbahe?” tanong niya na parang wala siyang alam. Hindi ako sumagot at masama siyang tinignan. Tinanggal niya ang kamay sa pinto kaya tuluyan ko iyong naisara. Narinig ko ang pagsasalita niya sa kabila. “Okay, fine. P-Please.” Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ko ang pinto at tiningala siya. Narinig ko ang pagsasabi niya ng ‘Please’ at gusto kong kumpirmahan na sinabi ga niya ‘yon. “What?” tinaas niya ang kanyang kilay. “Anong sinabi mo?” tanong ko. Kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin. “Nothing,” maikling sagot niya at umatras. Ako naman ay lumapit ng kaunti. “May sinabi ka e,” pagdidiin ko. “I said nothing, wala akong sinabi.” pilit niyang tanggi. Seryoso ko siyang tinignan pero hindi siya natinag. “Okay,” sambit ko at muling pumasok sa apartment ko. Malakas kong sinarado ang pinto. “Please,” Muli kong binuksan ang pinto para harapin siya. Nakatitig na siya sa mga mata ko at hindi na mailap. Parang bigla akong natauhan. Ang mga mata kong nakatitig din sa kanyang mga mata ay unti-unting napapaso. Hindi ako makapaniwala na kaya niya palang magsabi ng ‘Please’. Naalala ko noong una kaming nagkakilala, kahit kailan ay hindi niya mabigkas ang mga salitang ‘Sorry’ at ‘Thank you’. Akala ko ay kaya kong matagalan ang titig niya pero hindi pala. Ako ang unang nagbawi ng tingin. “O-Okay,” tanging sambit ko. Huminga siya ng malalim at hinagod palikod ang kanyang buhok. “As I said earlier, I want to work.” aniya. “Sa pinagtatrabahuhan ko?” muling kumpirma ko at tumango siya bilang pagsagot. Hindi ako makapaniwala na desidido nga siya na magtrabaho. Ilang araw lang siyang hindi umuwi at ngayon ay buong-buo ang loob na magtrabaho. “Cashier din ba gaya ko?” tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong klaseng trabaho ba ang gusto niya. “No, I want the one that packs groceries.” mabilis na sagot niya. Kita ko sa mukha niya na hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakasabi niya. “Bagger,” tumango ako. “Pero kailangan doon ng requirements at saka kahit konting experience.” dugtong ko. “Just let me talk to your manager,” aniya. Kakausapin niya lang ang manager? Nalilito akong tumingin sa kanya pero tumango rin kalaunan. “Sige, after school ay diretso ako sa trabaho kaya sumabay ka na lang din sa’kin.” wika ko at tumango siya bilang sagot. Mukhang iyon lang naman ang pag-uusapan namin kaya papasok na sana ako sa loob nang may bigla akong naalala na sasabihin. “Bukas, hindi ako makakasabay sa’yo.” sambit ko. Awtomatikong kumunot ang noo niya sa pagtataka. “Why?” “Papasok ako ng mas maaga kesa sa usual, may activity kami sa Philippine History at kailangan gawin ‘yon with partner. Gagawin namin sa library dahil may wifi doon. Ang tanging oras lang na makakagawa kami ay sa umaga dahil may trabaho ako hanggang gabi,” paliwanag ko. Noong una ay bakas sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon pero tumango rin. “Okay,” sagot niya. Pumasok na ako sa apartment ko, kumain at saka natulog. Binago ko ang alarm sa cellphone ko. Mas lalo akong kukulangin sa tulog pero titiisin ko nalang dahil para naman ‘yon sa grades. Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Kagaya pa rin naman ng dati ang routine ko pero mas maaga ngayon. Ni-lock ko ang pinto ng aking apartment at saka naglakad pababa sa ground floor ng building. Busy ako sa pagtingin ng bag ko para malaman ko kung may naiwan ba ako. Nang masigurong wala ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Muntik pa akong mapasigaw dahil may natanaw akong pigura ng tao sa gilid ko. Hindi natuloy dahil lumapit sa akin ang tao. “Ssshhh,” Kumalma ako nang makita ko ang gwapong mukha ni Atlas. Kalaunan ay naguguluhang tumitig sa kanya. Nakasuot din siya ng uniform gaya ko at base sa pagkakakita ko sa kanya ay matagal na siyang naghihintay doon. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Isn't it obvious? Papasok,” aniya. Kahit medyo madilim pa ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang antok. “Oo nga, pero bakit ang aga mo?” tanong ko ulit. “It’s always better to be early than late.” sagot niya. Nauna na siyang maglakad sa akin at ako naman ay nakatanaw sa kanya. Lumingon siya sa akin at inis na nagsalita. “What? You’re just gonna stand there?” Bigla akong natauhan kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Patingin-tingin ako kay Atlas dahil hindi makapaniwalang kasabay ko pa rin siya ngayon. Malakas ang kutob ko na maaga talaga siyang papasok ngayon dahil sinabi kong hindi ako makakasabay. “Kanina ka pa ba roon?” tanong ko. Tinutukoy ko kung saan ko siya nakitang naghihintay. “Yeah, I didn’t know what time you’ll go to school so I woke up early in advance,” sagot niya nang hindi nakatingin sa akin. Naalala kong hindi ko nga pala nasabi sa kanya kung anong oras ako papasok ngayon? “May gagawin ka ba sa school?” tanong ko. Tinignan niya ako ng tingin na para bang ang tanga ko sa tanong ko. “Mag-aral?” patanong na sagot niya. Ngumuso ako. Nagiging salbahe na naman siya. “No, I mean, may gagawin ka ba ngayon para pumasok ng mas maaga?” muling tanong ko. “Wala,” maikling sagot niya. “Then why—-” “Para makasabay ka.” sagot niya. Natahimik ako dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay naririnig din ni Atlas ang pagtibok noon. “Why?” tanong ko ulit. Kapag talaga kasama ko siya, gamit na gamit ang mga salitang ‘Why’ at ‘Ha?’ sa bibig ko. Hindi siya sumagot at patuloy lang na naglakad. Hindi na rin ako nagpumilit dahil sa kaba sa maaaring isagot niya sa akin. Natatakot akong malaman ang sagot at hindi ko alam kung bakit. Nakarating kami sa school nang matiwasay. As expected ay wala pang makikitang estudyante doon. Tanging guard at mga prof lang na maaga talagang pumapasok. Naghiwalay na kami ng daan ni Atlas dahil magkaibang department kami. Ano kayang gagawin niya ngayong sobrang aga niyang pumasok? Iniisip ko pa lang na maaga siyang pumasok para lang…makasabay ako ay nag-iinit ang buong mukha ko. Naglakad ako papuntang Library. Nakatanggap ako ng text galing kay Jerald na naroon na daw siya. Mabuti na lang at maaga ring pumapasok ang librarian kaya hindi na namin kailangan maghintay. “Kanina ka pa?” mahinang tanong ko nang makalapit kay Jerald. Kami pa lang ang tao dito maliban sa librarian. “Hindi naman, kakarating lang din.” sagot niya. Napansin ko ang laptop niya sa ibabaw ng table. Wala naman akong laptop kaya yung kanya na lang ang gagamitin. Pumili muna kami ng topic bago namin iyon ni-discuss. Mahina lang ang boses namin dahil kahit kami lang ang tao dito ay kailangan pa rin naming hindi mag-ingay. Nagjo-jotdown ako ng mga notes habang si Jerald naman ay kino-compile ang mga naisulat ko. Matapos ay nagsimula na kaming gumawa ng powerpoint presentation. Kalahati pa lang ang nagagawa namin at mukhang hindi matatapos dahil malapit na ring magsimula ang klase. Nagdesisyon agad kaming dalawa na ituloy na lang sa susunod na araw. Habang nagsusulat ay nahagip ng mga mata ko ang pigura ng isang taong umupo sa kanan ko. Hindi napigilan ng sarili ko na lumingon. Nabigla ako dahil si Atlas iyon. Sukbit ang bag at saka may hawak na libro. Halos tatlong lamesa ang layo niya sa amin. Alam kong nakita niya kami dahil kami pa lang naman ang tao dito. Kahit gano’n ay hindi siya lumingon sa banda namin. “Ayos na ba ito, Cali?” tanong ni Jerald at pinakita sa akin ang design ng powerpoint na ginawa niya. “Ah, oo. Okay na ‘yan. Maganda,” komento ko. Lumingon ulit ako kay Atlas at nagtama ang paningin namin. Nagawa kong tanungin kung anong ginagawa niya rito sa pamamagitan lang ng mga mata ko. Umirap siya sa akin at tinaas ang librong hawak niya. Parang pinaparating na naman niya na ang tanga ko. “Si Atlas Jimenez ‘yan diba?” bulong ni Jerald. Nahiya naman ako dahil nakita niya sigurong hindi ako naka-focus sa ginagawa at nakatingin kay Atlas. “Ah, siguro?” walang kwenta kong sagot. “Bakit ang aga niya ring pumasok?” tanong ulit ni Jerald. “Ewan ko, heto na ang kasunod.” binigay ko kay Jerald ang sunod na ilalagay sa slide. Hindi na siya nang-usisa at tinuloy na lang din ang gagawin. Tinapos na namin ang kalahati ng presentation at saka nagpasyang magtungo na sa classroom dahil malapit nang magsimula ang klase. Sabay na kaming nagpunta doon dahil magkaklase namin kami. Nilingon ko ulit ang lamesa kung saan nakaupo si Atlas pero wala na siya roon. Nagsimula ang klase at nagkaroon ng mga quizzes sa iilang subject. Nakapagsagot naman ako ng maayos dahil kadalasan ay nagbabasa ako ng notes kapag vacant. Natapos ang klase sa araw na iyon. Inisip ko agad kung saan ba kami magkikita ni Atlas. Hindi namin napag-usapan. Iniisip ko rin kung paano siya maga-apply ng trabaho, hindi ko sigurado kung may dala siyang requirements. At sa experience naman? Sigurado akong wala siyang experience sa bagger. Though, hindi naman talaga masyadong mahirap ang trabaho ng bagger. Kailangan ay marunong ka lang talagang mag-organize ng mga pinamili ng customer. Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Nagtext doon si Atlas at sinabing magkita kami sa exit ng school. Kinabahan ako dahil siguradong maraming makakakita. Wala naman talaga sa akin kahit may makakita sa amin pero sa panahon ngayon hindi talaga pwedeng walang malisya ang iisipin ng tao kapag may nakita silang hindi usual. Lumabas ako sa exit ng school at agad nakita si Atlas. Hindi niya agad ako nakita dahil nakatingin siya sa mga nagtitinda ng street foods. Lumapit ako sa kanya. “Gusto mo ba no’n?” turo ko sa nagtitinda ng fishballs. Nakita ko ang pag-asim ng mukha niya at mabilis na umiling. “It looks…..dirty,” aniya. “Hindi ah, mukha lang madumi pero malinis naman ‘yan saka masarap. At sa tingin mo ba may bibili pa niyan kung madumi talaga?” tanong ko. Hindi siya nakasagot. Mukhang ayaw niya talagang bumili kaya umalis na kami doon. Sinabi ko sa kanya na uuwi muna kami sa apartment dahil magpapalit pa ako ng damit at kakain. “Where do you usually get your food?” tanong niya. “Minsan nagluluto ako, minsan naman bumibili na lang sa mga karinderya o fast food kapag tinatamad.” sagot ko. “You know how to cook?” hindi siya makapaniwala. “Oo naman,” hindi ko naitago ang yabang sa tono ng boses ko. Sa reaksyon niya palang, alam ko na agad na hindi siya marunong magluto. “You’re 17 and you already know how to cook,” sambit niya. Nakanganga akong napalingon sa kanya. 17? Ako? “Sinong may sabing 17 ako?” histerikal na tanong ko. Nasabi ko na ba sa kanya kung anong age ko? “You. You’re 17 right?” naguguluhan din siya. “18 na ako,” sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. “What?!” bulaslas niya. “Sinong may sabi sa’yo na 17 ako?” tanong ko. “The landlady,” tukoy niya kay Aling Ida. Magre-react na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Vincent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD