Chapter 14

2439 Words
Nakatitig ako sa aking cellphone na patuloy pa rin ang pagri-ring dahil sa tawag ni Vincent. Natahimik si Atlas kaya alam kong nakita at narinig niya ang pagtawag. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag pero wala namang masama kung oo. Gusto ko rin malaman kung bakit hindi na tumawag si Vincent noong nakaraang araw. “Uh, sagutin ko lang ‘to,” sambit ko, tumango si Atlas at nauna nang maglakad. Pinindot ko ang phone at sinagot. “Hello?” sagot ko. “Caroline,” wika ni Vincent sa kabilang linya. “Kamusta? Nasa Palawan ka pa?” hinanaan ko ang aking boses. “Yes, matagal pa bago ako makakapunta d’yan,” aniya. Ramdam ako ang pagod niya sa tono ng kanyang boses. “Okay lang, kahit pag-uwi mo ay magpahinga ka muna.” wika ko. Para kasing minamadali niya ang pagpunta dito. “Tsk. Balak kong tumakas, may pupuntahan sina Mommy na meeting—--” “Hoy! Ano ka ba?!” napalakas ang pagkakasabi ko kaya napalingon si Atlas. As usual ay nakakunot na naman ang noo niya. Hilaw akong ngumiti sa kanya at mahinang nag-sorry. “Bakit?!” tanong ni Vincent. “Bakit ka tatakas? Magagalit Mommy mo!” sagot ko. Narinig ko ang pagpalatak niya. “Boring! Puro meeting sila,” aniya. “E, ganoon talaga. Huwag ka nang tumakas ah!” nagbabanta kong sinabi. Nagbabaka-sakali akong makikinig sa akin ang isang ‘to. “Fine, pero nasaan ka ba? Parang ang ingay?” tanong niya. “Ah, papunta sa apartment tapos puntang trabaho,” sagot ko. Nakatitig ako sa likuran ni Atlas habang naglalakad. Hindi ko sigurado kung naririnig niya ba ako pero hindi naman niya siguro naiintindihan. “Oh, okay.” sambit ni Vincent. Naningkit ang aking mga mata dahil sa tono ng kanyang boses. Para bang may binabalak siya. “Huwag kang tatakas ha,” banta ko. Narinig ko ang paghagikgik niya sa kabilang linya. “Yes, promise.” sagot niya. Tinapos ko na ang tawag dahil nakarating na kami sa APRT building. Hindi na ako kinausap ni Atlas. Nagpunta siya sa apartment niya at nagpunta rin ako sa apartment ko. Pumasok ako at saka nagbihis. May pagmamadali sa kilos ko dahil baka mamaya ay maghintay na naman si Atlas. Mabilis lang ang pagluluto ko at saka pagkain. Matapos ay lumabas ako ng bahay, nagulat pa ako dahil saktong kalalabas lang din ni Atlas. Wala siyang reaksiyon. “Tara na?” aya ko. Medyo nakangiti ako iba ang atmosphere, parang lumamig. Tumango lang siya bilang sagot. Napawi ang ngiti ko dahil doon. Dapat ay nasasanay na ako sa ganitong ugali ni Atlas pero hindi pa rin pala. Ang hirap niya kasing basahin. Tahimik kaming naglakad papuntang Premier Mart. Hindi ako mapakali kaya nagtanong ako. “Nasaan nga pala ang sasakyan mo? Parang hindi ko na nakikita,” hindi ko na kasi nakikitang naka-park iyon sa labas kaya nagtaka ako. “Binawi na ni Daddy,” maikling sagot niya. Hindi ko maitago ang kuryosidad. “Bakit?” tanong ko. Huminga siya ng malalim bago sumagot. “I-I need to..be independent.” nag-iwas siya ng tingin at napakamot siya sa kanyang batok. Napanganga ako dahil sa sagot niya. Gusto kong ipaulit ang sinabi niya pero baka magalit. “Uhmm…punishment mo pa rin ba?” tanong ko. Hindi niya ako tinitignan sa mata at diretso lang ang tingin. Matagal bago siya nakasagot. “Maybe,” maikling sagot niya. Ramdam kong ayaw niyang sabihin kaya hindi na ako nagtanong. Katahimikan ulit ang namagitan sa amin. Nahihiya na ako dahil baka iniisip niya na masyado akong matanong sa buhay niya. “I really thought you’re seventeen,” he suddenly said. Napalingon ako sa kanya. “Naniwala ka kay Aling Ida?” tanong ko. Pinipigilan ko ang pagngiti dahil hindi ko alam kung bakit ako nangingiti. “Of course, as if she would lie about your age.” kunot-noong sagot niya. “And you look like 17,” mahina niyang sabi. Natahimik ako. Hindi ko alam kung compliment ba ‘yon o ano. “Pero 18 na ako, turning 19 na.” sabi ko nalang. “Yeah, akala ko magkakasala na ako.” Mabilis akong napalingon sa kanya. “Huh?!” hindi na maitago sa mukha ko ang gulat, pagtataka at kaba. Sa halip na sagutin niya ako ay irap mula sa kanya ang natanggap ko. Parang ako pa ang nahiya sa sinabi niya. Hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa makarating sa Premier Mart. Kinakabahan ako dahil baka hindi siya matanggap. Hindi ko sigurado kung may dala ba siyang requirements. Lumapit ako kay Ate Dianne dahil siya ang magu-guide kay Atlas sa manager. Nakita ko ang makahulugang tingin niya sa akin at ang pagkamangha kay Atlas. Pangisi-ngising umalis si Ate Dianne kasama si Atlas. Ako naman ay nagtungo na sa counter ko at nagsimulang magtrabaho. “Hoy! Hala! Diba yun yung gwapong nakapila sa’yo dati?” Napalingon ako kay Sheila. Nanlalaki ang mga mata niya habang naghihintay ng sagot sa akin. “Uhh,oo.” maikling sagot ko. Mas lalong lumaki ang ngisi niya sa sagot ko. “Anong pangalan?” atat na tanong niya. “Atlas. Atlas Jimenez,” habang nagsasalita ay patuloy ako sa pag-assist sa customer. Namilog ang mga mata ni Shiela. “Siya ba ‘yong kasama mo noong—--” “Oo,” putol ko sa maaari niyang sabihin. Ang tinutukoy niya ay ‘yong muntik nang pagkapahamak namin ni Atlas. “Don’t tell me—---” “Hindi!” agap ko. Parang na-predict na ng utak ko kung ano ang gusto niyang sabihin. “Hindi ko siya boyfriend,” pagtatapos ko. “Sinong boyfriend?” hindi ko napansin ang paglapit ni Mark. “Wala,” sagot ko. “Pakilala mo ‘ko ha,” pinanlakihan ako ng mata ni Sheila, ngumisi lang ako at tumango para hindi na siya mangulit. Patapos na ako sa pagpu-punch in ng mga groceries nang mapansin kong wala ang bagger na naka-assign sa akin. Luminga ako sa paligid para hanapin si Xian, siya ‘yong bagger ko. “Sheila, nasaan si Xian?” tanong ko nang hindi ito mahanap. “Ah, ayun oh!” nginuso niya si Xian na ngayon ay nagpa-pack ng groceries sa kabilang counter. Nagtataka akong lumingon kay Sheila. “Bakit naroon siya?” tanong ko. Walang bagger sa akin at nakakhiya dahil naghihintay ang mga customer. “Hindi ko alam, doon na yata siya naka-assign.” aniya. “Huh?!” “Ako na,” Biglang sumulpot si Atlas na ngayon ay inaayos ang unipormeng pang trabaho. Nakagat ko ang loob ng aking pisngi. Hindi man lang nakabawas sa kagwapuhan niya ang suot na uniform. Nakaayos ang kanyang buhok at amoy na amoy ang kanyang perfume. Hindi lang ako ang nakatingin sa kanya. Lahat yata ng tao dito ay nakuha niya ang atensyon. Paanong hindi? Matangkad, mestizo, gwapo, at halatang mayaman. “B-Bakit ka nandito?” tanong ko nang makabawi. Bumusangot ang itsura niya. “To work,” umirap siya. “Oo nga pero..d-dito ka ba naka-assign?” hindi ko alam kung bakit ako nauutal. May kumakalabit sa dibdib at tiyan ko na hindi ko maintindihan kung ano ‘yon. “Yeah, ako na ang bagger mo.” sagot niya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil kumuha na siya ng paper bag para i-pack ang mga pinamili ng customer. Suminghap ako at nagpatuloy na sa pagtatrabaho kahit pa naguguluhan pa rin. Paanong nangyari na siya na ang bagger ko at nalipat sa ibang counter si Xian? Isa lang ang sigurado kung ganoon, dapat na akong masanay na narito siya. Seryoso siyang naglalagay ng mga groceries sa paper bag habang nakakunot ang noo. Gusto kong matawa dahil para siyang galit. Napansin kong nahihirapan siya minsan sa paglalagay pero nagagawan naman niya ng paraan. Ano kaya ang pinag-usapan nila ni Mr. Cruz at hinayaan agad siyang makapasok? “Psst,” napalingon ako kay Sheila dahil sa pagsitsit niya. Tinaasan ko siya ng kilay biglang pagtatanong. Sinenyasan niya ako na ipakilala siya kay Atlas. Sumenyas naman ako ng ‘mamaya na’ dahil nasa trabaho kami. Sinikap kong magtrabaho ng maayos kahit pa nadi-distract ako kay Atlas. Nararamdaman ko kasing nakatingin siya sa akin o baka guni-guni ko lang ‘yon? Nagkaroon kami ng 10-minute break kaya nagpunta muna ako sa comfort room. Paglabas ko ng CR ay saktong nakasalubong ko si Kate. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. “Hi, Caroline.” maligayang bati niya. Gusto kong magtaas ng kilay dahil sa inaasta niya ngayon pero pinigilan ko. Nagtataka ako dahil hindi siya mataray ngayon. “Bakit?” tanong ko. “Gusto ko lang mag-sorry sa mga inasta ko sa’yo noon,” aniya. Dahan-dahan akong tumango kahit pa parang hindi siya sincere sa paghingi niya ng tawad. “Hayaan mo na ‘yon,” sambit ko. Ngumiti ulit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. “Thank you! Ang bait mo pala! Nagawa ko lang naman ‘yon kasi akala ko may something kayo ni Mark, alam mo naman, crush ko siya.” “Uhm..you don’t have to be mad. Wala kaming something dahil mag-coworker lang kami,” paliwanag ko. Tumango siya. Hindi ko inalis ang kamay ko kahit naiilang ako. “I know that by now, saka…..hindi ko na crush si Mark.” “Ha?” “Pwede mo ba akong ipakilala doon sa kasama mo kanina? Iyong bagong hired?” kumikislap ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa kanya. “Pwede ka namang magpakilala sa kanya kahit wala ako,”sambit ko. “Yeah, pero nahihiya ako at pansin ko na, medyo close kayo.” aniya. Mabilis akong umiling. “Hindi kami close, magkakilala lang.” sabi ko. “Okay, but please?” kita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata. Napabuntong-hininga ako saka tumango. Mahina siyang napairit dahil sa tuwa. Pagkatapos naming mag-usap nagtrabaho na ulit ako. Malalim ang iniisip ko. “So slow,” bulong ni Atlas nang makalapit ako. This time ay ako naman ang bumusangot. “Nag-CR ako,” sabi ko. Hindi na siya nagsalita at pareho na kaming nagpatuloy sa pagtatrabaho. Nang nagsimula nang magsara ang store ay agad na lumapit sa akin ang mga kapwa ko cashier. Nagulat pa ako dahil sa dami nila. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang kailangang magpakilala sa kanila kay Atlas. Pwede naman silang lumapit kay Atlas at kausapin siya. May kaunting inis akong naramdaman dahil doon. Lumapit sa akin si Atlas. Isa-isa kong ipinakilala ang mga katrabaho ko sa kanya. Tango lang ang sagot ni Atlas at hindi man lang ngumingiti. “Hi! I’m Kate!” naunahan na ako ni Kate sa pagpapakilala sa kanya. Walang reaksyon si Atlas at tumango lang ulit. “Anong course mo?” excited na tanong ni Kate. “Engineering,” maikling sagot ni Atlas. “Ah, engineering! Ako kasi BS in Entrepreneurship ang kurso ko,” ani Kate at humagikgik. Lumapit siya kay Atlas at napatuwid ako sa pagtayo nang hawakan niya sa braso si Atlas. “I don’t care, don’t touch me,” may pagbabanta sa tono ng kanyang boses kaya mabilis na inalis ni Kate ang kamay niya. Nagsinghapan ang mga kasama ko nang marinig ang kanyang sinabi. “S-Sorry.” ani Kate. Yumuko ito at unti-unting umatras. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya. Lumingon sa akin si Atlas. “Let’s go,” seryosong wika niya. Hindi ko alam kung tatango ba ako. “Sabay kayong uuwi?” tanong ng isang saleslady. Nanlaki ang mga mata ko. “Uh…. ano, magkalapit lang ang tinutuluyan namin kaya, p-parang ganoon na nga.” hilaw akong ngumiti. “Caroline!” Napalingon ako kay Mark na ngayon ay tumatakbo palapit sa akin. “Sabay ulit tayo,” nakangiting sabi niya nang makalapit. “Uhh…” nag-iisip ako kung anong isasagot. “Ako ang kasabay niya,” matigas na wika ni Atlas. Napatingin si Mark sa kanya at kumunot ang noo. “Pwede naman akong sumabay—-” “Mark! A-Ano…..” Pinutol ko talaga ang sasabihin niya dahil nakita ko ang pagdilim ng mga mata ni Atlas. “Sa susunod na lang siguro,” sabi ko. Hindi niya siguro inaasahan ang sasabihin ko pero tumango rin siya kalaunan. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Nang magsara ang store ay sabay kaming naglakad pauwi. Tahimik na naman ang paligid dahil walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil seryoso lang ang kanyang mukha. “Badtrip,” bulong niya. “Bakit?” tanong ko. Tumingin siya sa akin. “Bakit?” He mocked me. Sa halip na mainis ay namangha pa ako. Para siyang bata na hindi napagbigyan sa gusto. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya badtrip. HIndi ko alam na may ganito siyang side. Bumagal ang paglalakad ko dahil biglang may naalala na gustong itanong sa kanya. Matagal ko nang gustong itanong sa kanya ito. “M-May girlfriend ka ba?” tanong ko. Tumaas ang kanyang kilay sa tanong ko. Hindi ako nagpatinag at sinalubong ang titig niya. “Why’d you ask?” tanong niya pabalik. “Confusion, nagtataka ako kung wala ka bang girlfriend at…..at sinasabayan mo ako?” sabi ko. “I don’t have a girlfriend,” maikling sagot niya. Naghihintay pa ako ng sasabihin niya pero wala na. “Kaya ba…..hindi mo tinanggi nung sinabi ng lalaki na ‘syota’ mo ako?” kahit nahihiya ay tinanong ko pa rin. Hindi mawala sa isip ko ‘yon kaya mas mabuting itanong ko na. “What?” napahinto siya sa paglalakad. “Ang sabi ko, kaya ba hindi mo tinanggi noong sinabi ng lalaki na….’syota’ mo ako?” napapikit ako dahil mas nakakahiya pala dahil inulit ko pa. “Those bastards who—---” “O-Oo,” “Tsk, you’re asking me that right now?” hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. “Why not?” “I don’t even know what ‘syota’ is,” aniya. “HA?!” malakas na tanong ko. Narinig ko ang sinabi niya pero hindi ako makapaniwala na hindi niya alam ang ibig sabihin no’n. “What is ‘syota’?” he asked. Hindi ko na napagilan ang sarili ko at bumunghalit na ako ng tawa. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha kung bakit ako natawa. Nakakatawa dahil hirap na hirap siyang sabihin ang salitang ‘syota’. Napahinto ako sa pagtawa nang bigla siyang maglabas ng cellphone. “Anong gagawin mo?” tanong ko. “I will search what’s the meaning of that damn word,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD