Chapter 15

2302 Words
Mabilis kong inagaw sa kanya ang kanyang cellphone. Nakita ko ang gulat at pagkamangha sa kanyang mukha. Muntik pang mahulog ang cellphone pero mabilis ko itong nasambot “What the?” pagtataka niya. “Bakit mo pa ise-search?” tanong ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi maintindihan ang nararamdaman dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. “Why not? Hindi ko nga alam ang ibig sabihin ng ‘syota’ .” aniya. Pinigilan ko ang ang nagbabadyang pagtawa dahil inulit na naman niyang sabihin. “Huwag na,” ang tanging nasabi ko. Nangunot ang kanyang noo at sinamaan ako ng tingin. “Give me back my phone,” utos niya. Mabilis akong umiling. “E, yung ‘jowa’? Alam mo ba ang ibig sabihin no’n?” tanong ko. Napangiwi ako dahil pati ang ilong niya ay nagugusot na dahil sa inis. “Where did you learn those freaky words?” galit na tanong niya. “Maririnig mo naman ‘yon kahit saan, o kaya mababasa sa internet.” sabi ko. Umirap siya sa sagot ko at saka namaywang. “That’s the reason why I don’t have any interest in social media. The only time that I got interested is when you stalked my account,” ngumisi siya sa huling sinabi. Nanlaki naman ang mga mata ko at parang nangapal ang mukha ko sa hiya. Mabilis kong binalik sa kanya ang phone at nagsimula ulit maglakad. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko na parang lalabas na. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin iyon?! “Hindi ko sinasadya ‘yon!” sabi ko. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. “Okay,” may bahid ng pang-iinis ang tono ng kanyang boses. Mas lalo pa akong nahiya nang marinig ko ang pagsipol niya sa likod. Alam kong nang-iinis siya. Hindi ako makapaniwala na may ganitong ugali si Atlas. Ang hirap niya talagang basahin dahil pabago-bago siya ng mood. Ni hindi ko nga ine-expect na mangyayari ang lahat ng ito. Ang pagsasabay namin papuntang school, trabaho, at sa pag-uwi. Pati ang pagtatrabaho niya kung saan ako nagtatrabaho. Atlas is a really unpredictable person. “Why did you like my profile—” “Hindi ko nga sinasadya!” sigaw ko. Akala ko ay magagalit siya pero maliit na ngiti lang isinagot niya. Muntik pa akong matulala sa ngiti niya. Gusto ko nang maiyak dahil sa kahihiyan. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam nang sobra-sobrang pagkapahiya. “A-Ano nga palang sinabi mo sa Manager?” pag-iiba ko ng topic. Sana lang ay kumagat siya. “He interviewed me, that’s all.” sagot niya. “Hindi ka pinagpasa ng requirements?” “Pinagpasa. How the hell will I be hired if I don’t pass my requirements?” aniya. Umawang ang labi ko ang tumango. Hindi ko naman kasi nakita na may requirements siyang dala. “E, sa experience?” alam kong alam naman niya ang tinutukoy ko. “What kind of experience?” tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pakiramdam ko ang nag-init na naman ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. “Malay ko,” mahinang sabi ko at mas binilisan ang paglalakad. Nakapasok na kami sa street at konting lakad na lang. “May tanong ako,” naramdaman kong binilisan niya rin ang paglalakad niya. “Ano?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. “How do you feel every time….I cuss?” Hindi ko inaasahan ang tanong niyang ‘yon. Matagal bago ako nakasagot dahil iniisip ko kung bakit biglaan niyang naitanong iyon. “W-Wala, ano ba dapat ang maramdaman ko?” I said. “Do…..y-you feel uncomfortable?” nag-iwas siya ng tingin. Kung kanina hindi ako makatingin sa kanya, ngayon ay baliktad dahil siya naman ngayon ang hindi makatingin. “Why would I be uncomfy?” nagkibit balikat ako. Naging interesado ako sa topic na ito dahil gusto kong malaman kung bakit niya naitanong. “I don’t know, malay ko ba kung ayaw mo sa….mga nagmumura,” sabi niya. “Hindi naman, bakit naman ako hindi magiging komportable kung sa pagmumura mo nailalabas ang expressions mo? Though, cursing is bad but I have no right to stop you from saying cuss words. Sarili mo lang ang makakapigil sa pagmumura mo.” mahabang sagot ko. Nakita ko ang unti-unti niyang paglingon sa akin. Parang hindi niya inaasahan ang isasagot ko. Ngumiti ako para ipakita sa kanya na totoo at sincere ang sinabi ko. Nakatitig lang siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mga mata niya. Parang ngayon ko lang mas napagmasdan ang mukha niya. His lashes are long and thick compared to mine. He has a pointed nose and pinkish lips. His face is flawless. Kaya hindi ko masisis ang mga katrabaho kong babae na nahuhumaling sa kanya. “Caroline,” Naputol ang pagtitigan namin nang may tumawag sa akin. Lumingon ako para makita kung sino iyon. Namilog ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. “Vincent,” mahinang sabi ko. Hindi pa ma-process ng utak ko na narito siya. Mukhang hindi siya nakinig at tumakas nga talaga. Ngumiti siya sa akin at lumapit ngunit napahinto nang makita kung sino ang nasa likod ko. Bakas sa kanyang mukha ang gulat at pagtataka. Nilingon ko si Atlas at ganoon rin ang kanyang reaksyon. Naguguluhan akong tumingin sa kanila. “Uhh..si Atlas, Vincent.” pagpapakilala ko kay Atlas dahil siguro ay nagtataka siya. “Yeah, I know,” walang emosyong wika ni Vincent. Nilingon ko muli si Atlas at wala na rin siyang emosyon ngayon. “Y-You know? Magkakilala kayo?” pagkumpirma ko. “Of course, he’s my cousin,” ngumisi si Vincent pero walang bakas nang kasiyahan. “Sinasabi ko na nga ba at tatakas ka,” wika ko. Nasa loob na ako ngayon ng apartment ko at pinatuloy ko si Vincent. Hindi ko sinarado ang pinto at hinayaan lang na bukas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magpinsan sila ni Atlas. Napakalaki ng mundo para mangyari ‘yon ngunit totoo nga dahil maging si Atlas ay inamin na magpinsan sila. Kaya lang, hindi ko maintindihan kung bakit parang galit sila sa isa’t isa. “Hindi ako tumakas, niloloko lang kita kanina noong tumawag ako. Nandito na talaga ako sa Pasay no’n.” sagot niya. Ngumiti si Vincent ngunit hindi iyon umabot sa kanyang mga mata. Kitang-kita mo ang pagod sa kanyang mukha. “Bakit hindi mo sinabi agad?” reklamo ko. “Surprise,” ngisi niya. Napailing nalang ako. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin na si Arthur Vincent Hidalgo ang katapat ko ngayon. Hindi naman nagbago ang mukha niya, mas nagmature nga lang pati ang kanyang katawan. Noong elementary kami, halos magkasing tangkad lang kami, ngayon ay di hamak na mas matangkad na siya. Medyo chubby siya noon pero ngayon ay pansin kong mas lumaki ang katawan niya. “Kailan kayo nagkakilala ni Atlas?” biglang tanong niya. Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging topic namin ngayong nagkita na ulit kami. “Noong bagong lipat pa lang ako dito,” kaswal na sagot ko. Dahan-dahan siyang tumango at parang may malalim na iniisip. “Kumain kana ba?” tanong ko. Nagtungo ako sa kusina para makita kung may pwede ba akong iluto para sa kanya. “Hindi pa! Ang tagal kitang hinintay doon sa tapat ng building!” pagrereklamo niya. “Hindi ko naman po kasi alam!” depensa ko. Naisipan kong magluto nalang ng Tocino. Nakabili na ako ng maliit na ref kaya pwede na akong mag-stock ng mga frozen foods. Kaya lang ay madadagdagan ang bill ko sa kuryente. Lumapit sa akin si Vincent at pinanood ako sa pagluluto. Nagsalang narin ako ng kanin sa rice cooker. Hinayaan ko lang manood si Vincent dahil hindi naman ako naiilang. “Saan ka tutuloy ngayon?” tanong ko. “Syempre dito, saan pa?” aniya. Hinarap ko siya at dinuro ng sandok na hawak ko. “Hoy! Anong dito?! Pumayag ba ako? Hindi ka dito matutulog,” banta ko. Humagalpak siya ng tawa at saka binaba ang sandok na hawak ko. Muli akong bumalik sa pagluluto. “Joke lang! Napaka-patola mo pa rin hanggang ngayon,” wika niya. “Tigilan mo ako, Arthur Vincent.” “Nakapag-book na ako sa hotel, doon ako tutuloy.” sambit niya at pinisil ang pisngi ko. Tinabig ko ang kanyang kamay dahil kukuha ako ng plato na paglalagyan ng ulam. Mabuti at mabilis lang din naluto ang kanin. Naghain na ako para makakain na kami. “Hindi ko naitanong, bakit nga pala kayo magkasama ni Atlas kanina. Pareho pa kayo ng damit na suot, bakit kayo naka-couple shirt?” Muntik ko nang maipukpok sa ulo ni Vincent ang kutsarang hawak ko. “Anong couple shirt? Uniform ‘yon sa trabaho!” sabi ko. Hindi niya ba napansin ang logo ng Premier Mart sa mga damit namin? “Trabaho? Nagtatrabaho si Atlas?” wala sa sariling tanong niya. “Oo, kanina lang siya nag-start.” sagot ko. Napahinto siya sa pagkain dahil parang sobrang lalim na naman ng iniisip niya. “Weird, since when did he get interested in working?” umismid si Vincent. “B-Bakit?” “Alam mo naman siguro ngayon na mayaman siya diba?” tumango ako sa tanong niya. “Nakakapagtaka lang na gusto niyang magtrabaho, samantalang sobrang spoiled siya noon.” “Ang sabi niya ay gusto niyang maging independent, saka malay mo naman totoo ‘yon,” sambit ko. Mahinang tumawa si Vincent. “I doubt that, knowing him? Probably he’ll just do something terrible again,” “Vincent!” Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Hindi magandang nagsasalita siya ng masama sa tungkol sa ibang tao. At bakit ba parang sobrang laki naman ng galit niya kay Atlas? “I’m sorry—-” “Look who’s talking,” Sabay kaming napalingon ni Vincent sa nagsalita. Nasa pinto si Atlas at buhat-buhat si Thor. Napatayo ako mula sa upuan at ganoon din si Vincent. “Atlas, g-good evening.” bati ko. Hindi siya bumati pabalik. Ibinaba niya si Thor na agad namang nagpunta sa kainan niya. “What?” seryosong tanong ni Vincent. “Yes, I had some trouble in the past but at least I’m not a coward unlike you.” ngumisi si Atlas pagkatapos sabihin iyon. Nilingon ko si Vincent at nakita ko ang galit sa mukha niya. “Okay stop this, hindi ko alam kung bakit may galit kayo sa isa’t isa pero ‘wag niyo akong idamay. Ikaw,” tinuro ko si Vincent. “ Pagkatapos mong kumain at magpahinga ay umalis kana, bukas na tayo mag-usap.” gustong magprotesta ni Vincent pero pinanlakihan ko siya ng mata. “At ikaw naman,” sunod kong tinuro si Atlas. “ Thank you sa paghatid kay Thor, umuwi kana rin.” sambit ko. Awtomatikong sumimangot ang kanyang mukha. “You won’t ask me to stay for dinner?” he asked. “Kumain kana ba?” tanong ko. “Yes,” aniya at saka tumalikod para umalis. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Nai-stress ako sa dalawang ‘to. Pagkaalis ni Atlas ay nagpatuloy kaming kumain ni Vincent. Gusto niyang magsalita pero mukhang napansin niyang masama ang mood ko. Matapos kumain ay ganoon nga ang nangyari. Nagpahinga lang si Vincent at hinatid ko na siya pababa sa ground floor ng building. Pinatunog niya ang kanyang kotse. Hindi pa siya tuluyang sumakay at hinarap ako. “Are you…..friends with Atlas?” tanong niya. Ramdam ko sa tono ng kanyang boses ang pagkabagabag. “No,” walang pagdadalawang-isip kong sagot. Hindi naman talaga. “E, bakit parang close kayo?” napakamot siya sa kanyang ulo. “Hindi kami close, g-ganoon lang talaga kami mag-usap.” nakagat ko ang aking labi dahil sa pagkautal. “I hope that’s true, I know this is bad to say but I hope you’ll not be friends with him, or be more than friends.” “Huh?!” “Just be careful when you’re around him,” tanging sinabi niya at pumasok na sa kotse at pinaadar paalis. Gusto kong kumaway pero hindi ko magawa dahil nag-iisip pa ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa sobrang gulo at pagtataka. Ang daming nangyari sa araw na ito. Ang tanging gusto ko nalang mangyari ay mahiga sa kama ko at matulog. Doon lang matatahimik ang utak ko. “I bet he did tell you to stay away from me,” Hindi ko na kailangan alamin kung sino ang nagsalita. “Hindi naman, mag-ingat lang daw ako sayo.” sagot ko. “Tss..” “Bakit ba kasi galit kayo sa isa’t-isa?” humarap ako sa kanya. “I hate him,” he casually said. “Hate is a big word,” sambit ko. “I know,” aniya. “Why do you hate him?” tanong ko ulit. “No reason,” maikling sagot niya. Tinignan ko siya ng malalim sa mga mata. Kapag ayaw niya talagang sabihin ang isang bagay ay iiklian niya ang sagot. “Then I hate you,” humalukipkip ako. Hinahamon siya. “Why?” “No reason,” I mocked him. Akala ko ay maiinis siya dahil inasar ko siya pero hindi. Umiling lang siya at saka unti-unting lumapit sa akin. Gusto kong umatras dahil sa kaba pero hindi ko iyon pinahalata. “I have no idea that he’s the ‘Vincent’ who always calls you.” aniya. “Gaano na kayo katagal magkakilala?” tanong niya. “Mag-bestfriend kami since elementary.” sagot ko. Napalunok ako nang mas lalo siyang lumapit sa akin. Sinubukan kong pantayan ang tingin niya. “Bestfriend my ass,” Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay ginawa niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan na gagawin niya. He kissed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD