Chapter 16

2352 Words
“Ang aga mo ulit,” 1 week. Isang linggo na ang nakalipas. Wala akong ibang ginawa sa buong linggo kung hindi ang iwasan si Atlas. “Napaaga lang,” sagot ko kay Irene. Tumango lang siya dahil iyon naman lagi ang sagot ko tuwing nakikita niyang maaga akong pumapasok. Sinanay ko ang sarili ko na pumasok nang maaga kesa sa usual. Kahit tapos na ang paggawa namin ni Jerald ng activity at nai-present na ay patuloy pa rin ako sa pagpasok ng maaga. Hindi ko kayang makasabay at makasama si Atlas. Pagkatapos ng ginawa niya noong nakaraang linggo ay hindi ko na alam kung paano siya kakausapin o pakikitunguhan. Napakaraming tanong sa isip ko. Kahit paulit-ulit kong itanong sa sarili ko, wala pa rin akong mahanap na sagot. Isa lang ang tanong na paulit-ulit pumapasok sa utak ko. Bakit niya ako hinalikan? Tuwing naalala ko iyon ay nag-iinit ang buong mukha ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na nangyari nga iyon. Nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Parang bigla akong nabingi at wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na t***k ng puso ko. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sobrang gulat. Wala na sa akin ang unang halik ko dahil kinuha na niya. Kinuha na ni Atlas. Iyon ang tumatak sa isip ko. Unti-unti niyang hiniwalay ang kanyang labi sa akin at saka ako tinignan. Kita ko sa kanyang mukha ang pangamba, takot, at kaunting…tuwa. Habang ako naman ay hindi na alam ang gagawin pagkatapos ng halik. Tinulak ko siya at lumayo sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Nakita kong gusto niya akong hawakan pero hindi niya tinuloy. Hindi ako nagsalita at mabilis na tumakbo patungo sa apartment ko. Nakatakip ang isang kamay ko sa aking labi. Napasandal ako sa likod ng pinto pagkapasok. Nangilid ang aking mga luha dahil halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Tinapik ko ang aking dibdib dahil hindi pa rin tumitigil sa malakas na pag kabog. Simula noon ay iniwasan ko na si Atlas. Inagahan ko ang pagpasok at lagi akong nagmamadali sa pag-uwi, h’wag lang siyang makasabay. At sa trabaho, hindi ko siya pinapansin o kahit tignan man lang. Mukhang alam niyang umiiwas ako dahil hindi na niya ako kinakausap o nagpupumilit na sabay kami. Hindi narin namin naabutan ang isa’t-isa sa building. Kung iniiwasan ko siya ay parang iniiwasan niya rin ako. Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. From: Vincent I’ll fetch you again later. :) Si Vincent naman ay sinusundo ako pauwi galing school pati sa trabaho. Sinabi ko sa kanya na huwag nang gawin ‘yon pero mapilit talaga siya. Kesyo wala naman daw siyang gagawin. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya umuuwi at kung wala ba siyang pasok. Wala daw silang pasok at ayaw niya pa raw umuwi. Hindi ko na nireplyan si Vincent dahil wala akong load. Nang matapos ang klase ay dumiretso na ako palabas ng school. Sa harap ako ng entrance ng school sinusundo ni Vincent kaya naman madalas kaming pagtinginan. Nang makasakay sa koste niya ay pinaandar niya agad ito. “Kamusta?” tanong niya. “Okay, lang. Busy, malapit nang matapos ang first sem.” sagot ko. “Oo nga no, ang bilis ng panahon.” aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong oo nga? E, ikaw? Wala kana bang balak pumasok?” tanong ko. Ngumuso siya dahil tinanong ko na naman ang tungkol sa bagay na iyon. “Wala pa, bakasyon pa namin.” ang laging sagot niya. “Ang haba naman ng bakasyon mo! At saka balita ko, pinagalitan ka ni Tita Arianne dahil tumakas ka sa Palawan,” sambit ko. “Sa una lang galit ‘yon, noong sinabi ko naman sa kanya na pupuntahan ka ay okay lang naman daw.” “Kita mo, ginamit mo pa ‘ko.” mapait na sabi ko. Agad siyang tumawa at mabilis na pinisil ang pisngi ko. Hinawi ko ang kamay niya dahil sa inis. “Ihahatid kita sa trabaho mo,” aniya. Umiling agad ako. “Huwag na, malapit lang ‘yon. Sayang ang gas.” sabi ko. Hindi ko na namalayan kung sumagot pa ba si Vincent dahil naagaw na ng atensyon ko si Atlas na nakatayo sa tabi ng waiting shed. Sukbit niya ang bag at parang may hinihintay. Hinihintay niya ba ako? Dahil hindi naman tinted ang sasakyan ni Vincent ay agad na nagtama ang mata namin nang dumaan ang sasakyan sa harap niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya nang makita kami. Bahagya pa siyang ngumisi at umiling saka umalis doon. “Iniiwasan mo siya?” biglang tanong ni Vincent. Bumaling ako sa kanya at tumango bilang sagot. Hindi ko na kailangan itanggi dahil alam kong nahahalata naman niya nitong mga nakaraang araw. “Dahil ba sa sinabi kong mag-ingat ka sa kanya?” tanong niya ulit. “Hindi,” maagap kong sagot. Agad na kumunot ang noo niya. “May iba pang dahilan?” “Oo, basta.” sagot ko dahil ayaw kong pag-usapan. “May ginawa ba siya sayo, Caroline?” seryosong tanong niya. “W-Wala, ‘wag mo nang itanong.” Napalunok ako dahil sumagi na naman sa utak ko ang paghalik niya sa akin. “Then why are you avoiding him?” “Basta, hindi naman kami close kaya dapat lang na iwasan ko siya.” diretso lang ang titig ko sa daan. Ayaw kong tumingin kay Vincent dahil pakiramdam ko ay malalaman niya kapag tumingin ako sa kanya. “Fine,” Hindi siya naniniwala sa palusot ko. Mas okay na ‘yon kesa kulitin niya ako kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ko iniiwasan si Atlas. At saka alam ko naman na gagawa at gagawa ng paraan si Vincent para malaman kung ano ‘yon. Pagkahatid sa akin ni Vincent sa APRT building ay agad din siyang umalis. May pinapadaan daw ang Mommy niya at hindi na niya sinabi kung saan iyon. Matapos kumain at magbihis ay nakahanda na akong pumasok sa trabaho. Hinimas ko si Thor at sinabi aalis na ako. Ngumiyaw pa siya na parang ayaw akong paalisin. Nakakatuwa dahil sobrang laki na ng pinagbago niya mula noong napulot ko siya. Mas lumaki na siya ngayon at mas lalong gumanda ang balahibo. Nalulungkot ako sa tuwing naiiwan ko siya pero wala naman akong choice. Lumabas ako ng apartment at naglakad pababa ng building. Napatuwid ako sa paglalakad nang mapansin na makakasalubong ko si Atlas.Nakasuot pa rin siya ng school uniform at mukhang kakauwi lang. Kunwari ay wala lang sa akin na magkakasalubong kami pero malakas na talaga ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Nang tuluyan kaming magkaharap ay bahagyang nasagi niya ang balikat ko. Nasagi ba o sinagi talaga? “You’re on my way,” matigas ang tono ng kanyang boses. “Malaki yung daan,” hindi ko napigilang sumagot. “Edi lumayo ka,” Natagis ang mga ngipin ko dahil sa inis. Sa huli ay hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Iniiwasan ko siya kaya hindi siya dapat kausapin. Bakit ba parang mas galit pa siya kaysa sa akin? Diba dapat ako ang magalit dahil hinalikan niya ako ng walang permission ko? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa Premier Mart. Hindi na ako masyadong kinukulit ng mga katrabaho ko tungkol kay Atlas dahil malaya naman silang nakakalapit sa kanya. “Sabay ulit kayo?” tanong ni Shiela nang makalapit ako sa counter ko. “Sabay? Nino?” naguguluhan kong tanong. Nginuso niya ang nasa likuran ko kaya lumingon ako. Si Atlas lang naman na nasa likod ko na pala. Ang bilis naman yata niya. “Hindi ah,” sagot ko nang makaharap kay Shiela. Ni hindi ko man lang naramdaman na nakasunod pala sa akin si Atlas. Kagaya ng dati ay mas naging seryoso ako sa trabaho ko. Nginingitian ko ang mga customers na nakapila sa akin habang inaayos ang kanilang mga pinamili. Paminsan-minsan kong nararamdaman ang pagtitig ni Atlas sa akin pero hindi ko na lang pinapansin. Kapag pinansin ko siya ay tuluyan lang akong madi-distract. Habang busy ako sa pagpu-punch in ng mga pinamili ng isang customer sa harap ko ay bahagyang naririnig ko ang usapan nina Shiela at Ate Dianne. “Umuwi galing States yung Tita ko, ang daming uwing chocolates!” ani Shiela. “Oh? Ba’t di ka nagdala? Ang damot mo,” sambit naman ni Ate Dainne. “Hoy gaga! Nagdala ako, baka inubusan ka nila.” sagot ni Shiela. Nagbigay ng pambayad ang customer kaya agad akong kumuha ng sukli. “Ano bang chocolate? Toblerone?” “Hindi, kisses.” “Ay kiss!” Natataranta kong pinulot ang mga barya na nagkahulog sa sahig. Mariin akong napapikit dahil ramdam ko ang mga mata sa akin ng karamihan. May ilan na tumulong sa akin magpulot. Hiyang-hiya ako dahil napalakas pa yata ang sigaw ko kanina. Kung pwede ko lang pabilisin ang oras para makauwi na ako ay ginawa ko na. “Salamat,” sambit ko sa isang bagger na tumulong magpulot ng barya. Mabilis kong sinuklian ang customer sa harap ko. Hilaw ang ngiti ko nang makaalis ito. Kabado kong inasikaso ang susunod na customer. “Huy hala! Anong kiss, Caroline? Kisses! Yung chocolate.” tawa ni Shiela. Mas lalo akong pinamulahan dahil nakitawa din si Ate Dianne. “Nagulat lang ako,” depensa ko. Patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawa. “Sino ba kasi ni-kiss mo?” Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway dahil sa tanong ni Shiela. Hindi ko siya sinagot at kinagat lang ang loob ng pisngi. Hindi ako makatingin sa customer sa harap ko dahil nahihiya ako. Nang mabaling naman ang paningin ko kay Atlas ay nakita kong umiinom siya ng tubig pero nakangisi ang mga labi. Mas lalo akong nilukob ng hiya. Nang magkaroon kami ng 10 minute break ay agad kong kinuha ang bote ng tubig na dala ko at uminom. Para akong nai-stress. Bakit ba kasi iyon pa ang sigaw ko? Siguradong narinig ‘yon ni Atlas dahil sa sobrang lakas. “Caroline,” Lumingon ako sa tumawag at nakitang si Kate iyon. Nakataas na agad ang kilay niya sa akin. “Bakit?” tanong ko matapos uminom. “Hindi ba talaga kayo ni Atlas?” seryoso ang pagkakasabi niya ngunit may pagbabanta. “Hindi, ilang beses ko nang sinabi ‘yon ah?” parang nagtunog mataray ang tono ng boses ko. Paulit-ulit kasi ang tanong niya. Ilang beses na niya akong tinanong tungkol doon. “E, bakit palagi kayong magkasabay pumasok?” tanong niya. “Hindi kami nagsabay kanina,” sagot ko. “Kanina lang?” “Pati nitong mga nakaraang araw, napapansin mo naman siguro ‘yon.” “Okay,” aniya at tumalikod. Hindi niya nakalimutan ang pag-irap bago umalis. Napailing nalang ako at bumalik na sa counter ko. Hindi pa ako nagsisimula ay lumapit na sa akin si Mark. “Kasabay mo ba si Atlas mamaya?” tanong niya. Pinigilan ko ang sariling mapabuntong-hininga. “Hindi, bakit ko siya kasabay?” “Huy, sorry, galit ka ba?” nanlalaki ang kanyang mga mata. “Sorry, hindi ako galit.” ngumiti ako ng kaunti. “Okay, pero kung wala kang kasabay mamaya, pwedeng sabay tayo?” kumislap ang kanyang mata. Handa na sana akong tumanggi pero naisip kong wala namang masama kung magsasabay kami. Dahan-dahan akong tumango bilang pagsagot. Kitang-kita ko ang tuwa sa kanya dahil sa pagpayag ko. Nang matapos ang trabaho at nagsara ang Premier Mart ay ganoon nga ang nangyari. Hanggang sa pag-alis ko ay inaasar ako ni Shiela at Ate Dianne. Nang makita nilang nakasimangot ako ay agad din silang huminto. Napangiwi ako dahil na-guilty. Baka isipin nila na pikon ako at hindi mabiro. Hindi ko na nakita si Atlas. Hindi ko alam kung nakaalis na ba siya o ano. “Medyo masama yata ang mood mo ngayon?” tanong ni Mark habang naglalakad. “Hindi naman, marami lang iniisip.” sagot ko. “Gaya ng?” “Malapit na ang assessment namin dahil matatapos na ang first sem.” sagot ko. “Oh, okay. Kaya mo ‘yan,” “Salamat,” maikling sagot ko. Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa pagkatapos noon. Hindi ko rin talaga alam kung bakit wala ako sa mood makipag-usap ngayon. “Akala ko hindi kayo sabay?” biglang tanong ni Mark. “Nino?” tanong ko pabalik. “Ni Atlas.” “Hindi nga, ikaw nga kasabay ko ngayon.” sagot ko. Tinuro niya ang tindahan sa kanto bago papasok sa street na daraanan ko. Nakatayo sa tabi si Atlas at nakasandal. “Hindi ko siya kasabay,” mahinang sabi ko. “Pero mukhang hinihintay ka niya,” aniya. Umiling agad ako. “Hindi ‘yan,” “Ah okay, dito na ako Caroline, sa kabilang street pa ako.” napakamot siya sa kanyang batok. “Huh?” nagulat ako. Parang bigla kong gusto na ihatid niya ako hanggang apartment ko dahil ayokong makasalubong si Atlas. “Hinihintay ito ni Mama e,” tinaas niya ang paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman. “Pero kung gusto mo ihahatid—--” “Hindi na! Okay lang, malapit lang naman ako.” sabi ko dahil bigla na naman akong tinablan ng hiya. “Sigurado ka?” tanong niya at tumango ako. Kumaway siya sa akin pag-alis at ganoon din ang ginawa ko. Huminga ako nang malalim at naglakad na papasok ng street. Hindi na masyadong madilim sa street namin dahil naayos at nadagdagan na ang mga street lights. Madali lang naman ang gagawin ko. Maglakad ng diretso at umuwi. Hindi ko kailangan pansinin si Atlas. Nagsimula na akong maglakad at buong akala ko ay gan’on nga ang mangyayari gaya ng iniisip ko pero hindi. Dahil nang makalampas ako kay Atlas ay hinila niya ang braso ko. Galit akong lumingon sa kanya. “I already gave you one week to think and breathe. Now, let’s talk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD