Chapter 17

2411 Words
“Ayoko.” matigas ang tono ng aking boses at hinila sa kanya ang braso ko. Hindi siya nagpatinag. “Why not?” kunot noong tanong niya. “E, ayoko nga. Bitawan mo ako.”sambit ko. “Why are you being stubborn?” Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Ako pa talaga ang stubborn? Hindi ko naman siya iiwasan kung hindi niya ako hinalikan. “Bitawan mo sabi ako, Atlas.” may pagbabanta sa tono ng aking boses. Mukhang napansin niya iyon kaya dahan-dahan niya akong binitawan. Pagkabitaw niya sa akin ay agad akong tumalikod at umalis. May pagmamadali sa kilos ko. Akala ko ay hindi na niya ako kukulitin pero mali. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. “Huwag mo akong sundan!” sabi ko nang hindi siya nililingon. “I’m not,” wika niya. “We both live on the same street and building.” Hindi na ako umangal dahil tama nga naman siya. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko para makauwi na. Gustong-gusto ko nang makalayo sa kanya. Ramdam kong binilisan niya rin ang paglalakad niya. Ano pa ba ang kailangan ng lalaking ito? Sa wakas ay nakarating ako sa APRT building. Umakyat ako sa 2nd floor at dire-diretso sa apartment ko. “Caroline—---” Hindi ko na pinatapos si Atlas at pabalya kong isinarado ang pinto. Nang magawa iyon ay napasandal na lamang ako sa may pinto. Napakalakas ng t***k ng puso ko. Parang gustong kumawala. Nang mahimasmasan ay agad akong nagbihis ng damit at kumain ng hapunan. Napatingin ako sa bintana nang marinig ang malakas na pagbuhos ng ulan. Huminga ako nang malalim nang maramdaman ang paglamig ng kapaligiran. Humiga ako sa aking kama at inisip ang mga nangyari ngayong araw. Napakagat ako sa aking labi nang maalala ang mga inasta ko. Ngayon lang ako nagkaganito. Mahinahon akong tao pero ngayong araw ay hindi ko mapatunayan iyon. Mahina kong tinampal ang aking pisngi, nagbabaka-sakaling magising sa pag-iisip. Nagtalukbong ako ng kumot at umayos na ng higa dahil dinadalaw na ako ng antok. Ang plano kong pagtulog ay hanggang plano lang dahil nag-ring ang phone ko. Sa isiping si Vincent iyon ay agad kong kinuha ang phone. Pipindutin ko na sana ang ‘answer’ button nang makita ko kung sino ang caller. Atlas calling…. Matagal kong tinignan iyon. Hindi ko sinagot o pinatay ang tawag. Hinayaan ko lang iyong mag-ring hanggang sa magsawa siya. Nakatatlong tawag siguro siya bago siya tuluyang tumigil. Muli akong nagtalukbong ng kumot at pinikit ang mga mata. Naramdaman kong lumundo ang aking kama at nakitang tumabi sa akin si Thor. Ngumiti ako at saka niyakap siya. Mukhang ayaw niyang niyayakap siya dahil bigla siyang umalis. Muli kong pinikit ang aking mga mata. At sa mga oras na dinadalaw na ako ng antok ay saka naman may sunod-sunod na kumatok sa pinto. Nagtaklob ako ng unan sa mukha para hindi na marinig ang pagkatok pero tuloy-tuloy pa rin. Sa huli ay wala akong choice kung hindi tingnan kung sino ang kumakatok. Antok na antok na ako kaya hindi na ako nagdalawang-isip na buksan ang pinto. Nawala ang antok ko nang makita kung sino ang nasa harap ko. Si Atlas lang naman na basang-basa at tumutulo ang tubig galing sa katawan niya. Nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at pants. “A-Anong ginagawa mo?” naguguluhan kong tanong. Huwag niyang sabihin na lasing na naman siya at maling apartment na naman ang napuntahan niya. “I’m cold,” aniya. “Oh, tapos?” hindi ko pa rin magets kung bakit niya sinasabi sa akin iyon. “I can’t get inside my apartment. Naiwan ko ang susi sa loob,” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Unti-unti ay naintindihan ko kung bakit siya ngayon nasa harap ko. “Hindi pwede!” sambit ko kahit wala pa siyang sinasabi. “Please, wala akong mapupuntahan.” hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa tono ng boses niya. May pagsusumamo roon. “Hindi pwede, Atlas. Maghanap ka ng hotel na matutuluyan mo.” galit ako sa kanya pero hindi naman ako masama para sungitan pa siya ngayong wala siyang matutuluyan. “I can’t. Kung pwede lang ay baka kanina pa ako nasa hotel. Hindi sapat ang savings ko,” sagot niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Nagtatrabaho na nga pala siya ngayon at hindi na umaasa sa Daddy niya. Kung magho-hotel nga siya ay matinding gastos iyon. Bigla-bigla ay parang naging problema ko na rin ang problema niya. Bigla akong nakaisip ng ideya. “May mga spare key ng apartment si Aling Ida!” nabuhayan ako sa aking sinabi. Kumunot naman ang kanyang noo. “It’s already past 9, Caroline. You’ll disturb her sleep?” Napagtanto ko ang sinabi niya. Malamang nga ay tulog na ngayon si Aling Ida. Tulog na nga yata ang lahat ng nakatira dito maliban lang sa amin na namomroblema. “Pero wala kang choice,” mahina kong sabi. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Fine, I’m sorry for the trouble. I’ll just find a nearby hotel here, but I guess I won’t eat dinner tonight. ” wika niya at tumalikod na sa akin. Nagulat pa ako dahil nagsalita siya ng ‘sorry’. First time ko siyang marinig na magsalita ng ganoon. Nakagat ko ang aking labi dahil parang bigla akong na-guilty. Nagtatalo ang isip ko. Ang pangit naman tingnan kung dito siya matutulog sa apartment ko. Kung si Vincent nga na bestfriend at matagal ko nang kilala ay hindi ko mapatulog dito, siya pa kaya? Kaya lang ay naaawa ako. Kung hindi ko siya patutuluyin ay ako pa ang makonsensya kapag nagkasakit siya. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga bago lumabas at tinawag siya. “Atlas!” Agad siyang lumingon at nagtataka ang tingin. “It’s okay, Caroline. You don’t have to force yourself to let me stay for the night. I understand,” ngumiti siya ngunit halatang pekeng ngiti. “Ayaw mo bang patuluyin kita?” pinal kong tanong. Dahil kung oo ang sagot niya ay hindi ko talaga siya patutuluyin. “You’re just forcing yourself. You don’t have to do that. Magho-hotel nalang ako.” aniya. “Hindi ko pinipilit ang sarili ko, okay?” pagkumpirma ko. “But I can see that—----” “Tutuloy ka ba o hindi?!” naubos na ang pasensya ko. Si Atlas lang talaga ang kayang makapagpagalit sa akin nang ganito. Noong bago ko palang siyang nakikilala ay hindi naman siya ganito pero ngayon ay parang laging napakarami niyang dahilan at sagot. “I want to stay,” nag-iwas siya ng tingin. Gusto naman pala niya pero ang dami pang sinabi. Dahan-dahan kong nilakihan ang pagbukas ng aking pinto para papasukin siya. Ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-angat ng labi niya nang dumaan siya sa harap ko. “Bakit ka nakangiti?” nanliit ang mga mata ko. “Huh?” nagtataka siyang lumingon sa akin. Mas pinakatitigan ko pa siya para makita kung may kakaiba ba sa kanya ngunit wala naman. Siguro ay namalikmata lang ako. Nang makapasok siya sa loob ay agad na nagkalat ang basa sa sahig dahil sa mga tulo ng tubig mula sa kanya. “Sorry,” wika niya nang makita ito. “Ako na ang magpupunas, paano ka magpapalit niyan? Wala akong damit panlalaki.” sabi ko. Isa pang problema iyon. Sigurado ako na walang kakasyang damit ko sa kanya. Bukod sa pambabae ay maliliit. “Oh, damn!” mura niya nang ma-realize ang sinabi ko. Napakamot ako sa aking ulo. Ang masarap ko sanang tulog ngayon ay napalitan ng problema. “I’ll buy, maybe there’s still an open store outside.” Hindi ako tumutol nang muli siyang lumabas para bumili ng damit niya. Wala naman na kasing ibang choice kung hindi bumili para magkaroon siya ng damit pampalit. Bumuntong hininga ako at sinimulang punasan ang mga nagkalat na basa sa sahig. Nagpadala ako ng payong kay Atlas para naman hindi ulit siya basang-basa kapag bumalik. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at mukha may paparating na bagyo. Nakabalik si Atlas na may dalang isang paper bag. Hindi ko na inusisa kung ano ang laman no’n dahil alam kong damit lang naman. Pumasok siya sa aking banyo at naligo. Binigyan ko siya ng panibagong tuwalya at hinayaan lang siyang maligo. Lumabas siya sa banyo nang nakabihis na. White T-shirt at pajama ang suot niya. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at napansin kong nakatingin siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng sapin sa kama. Noong kausap ko siya sa labas kanina ay wala naman akong naramdaman na awkwardness pero ngayon ay ramdam na ramdam ko iyon. Natigilan ako sa pag-aayos nang may mapagtanto ulit. “Saan ka matutulog?” tanong ko. Natigilan rin siya at nilibot ang tingin sa buong bahay ko. “Sofa,” sagot niya. Nilingon ko ang aking sofa at napangiwi dahil maliit iyon sa kanya. Masyado siyang malaki at matangkad para magkasya sa sofa ko. “Hindi ka yata kasya,” sinabi ko parin kahit alam kong halata naman na niya. “It’s fine with me, I’ll live.” sagot niya. Tumango lang ako at nagtungo sa aking orocan. Kumuha ako roon ng kumot. Kinuha ko naman ang isang unan sa kama ko at parehong ibinigay sa kanya ang dalawa. “Thank you,” ngumiti siya ng konti at tinanggap iyon. Nagtama ang kamay naming dalawa at naramdaman ko na naman ang kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Agad kong binawi ang kamay at tumalikod. Umupo ako sa aking kama. “Kumain kana ba?” tanong ko. “Nope, but I’m fine. I’m not hungry,” aniya. Taliwas sa sinabi niya ang dinaing ng kanyang tiyan. Kitang-kita ko kung paano siya nahiya at tumalikod. Hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga na ako ngayong gabi pero napabuntong hininga ulit ako. Tumayo ako at nagtungo sa cupboard. Naglabas ako ng luncheon meat at nilapag sa mesa. “Kung gusto mong kumain ay pwede kang magluto. Gamitin mo ang kusina,” sambit ko. Akala ko ay tatanggi siya dahil mataas ang pride niya pero lumapit siya sa akin. Para akong napapaso na umiwas sa kanya at nagtungo sa kama ko. Parang nahiya ako sa sarili kong bahay. Nagluto nga siya sa kusina. Mabuti at may natira akong kanin sa rice cooker. Hinyaan ko lang siyang magluto at ako naman ay kinuha ang phone at nagsimulang magtingin ng kung anu-ano doon. Masabi lang na may ginagawa ako. Gusto kong mag-f*******: pero wala naman akong load. Kakamustahin ko sana sina Jessica at Irene dahil hindi na kami nakakapag-usap. Sobrang busy na namin ngayon dahil malapit na ang finals. Nagtingin ako ng mga photos ko. Naroon ang iilang pictures ni Thor natutulog. Mga lugar na napuntahan ko kasama sina Tita Clay at mga dating kaibigan ko noong senior high. Na-realize kong sobrang tagal na rin pala sa akin ng cellphone na ito. Hindi mabilis kagaya ng mga mamahaling cellphone pero magagamit pa naman. “Let’s eat,” Nilapag ni Atlas sa lamesa ang plato na naglalaman ng prinitong luncheon meat. “Kumain na ako, salamat.” sagot ko. “If you say so,” aniya. Nagsimula siyang kumain at ako naman ay nakatitig lang sa aking cellphone. Wala akong games kaya wala akong may pagka abalahan. Naiilang ako dahil pasulyap-sulyap sa akin si Atlas. Sa halip na kumain ay nagagawa niya pang sumulyap sa akin. Nang matapos siyang kumain ay hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at nagtungo sa sofa. Hindi nga siya kasya at maling galaw niya lang ay mahuhulog na siya. This time ay wala na talaga siyang choice dahil wala na siyang ibang tutulugan. Natigilan siya nang mapadako ang tingin niya sa table na naroon. “This is you?” turo niya sa kaisa-isang picture frame na naroon. “No,” maikling sagot ko. Tiningnan niya ako na parang nagtatanong kung niloloko ko ba siya. “As far as I remember, you’re the only child. Wala kang kambal.” seryosong sambit niya. “Tama ka,” sagot ko. Nakakagulat dahil natatandaan niya pa pala ang mga sinabi ko noon. Though, madali lang naman talaga tandaan na only child ako. “Then who’s this?” tanong niya ulit. “My mom,” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sagot ko. Ngayon ko lang nakita ang sobrang pagkagulat sa kanyang mukha. Halatang hindi siya makapaniwala. “Are you kidding me?” gulat pa rin siya. “Hindi naman ako mukhang nagbibiro,” “You are very much alike,” aniya. Nakatingin pa rin siya sa larawan. “I asked if it’s you because the dress you are wearing here is a bit…weird.” “That’s my mom in her teenage days,” sabi ko. “Your father didn’t seem to contribute when you were formed.” Muntik pa akong matawa sa sinabi niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nahiga na sa sofa si Atlas at ako naman ay binaba ang aking phone at tumalikod sa gawi ni Atlas. Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukang ibalik ang antok kanina ngunit wala. Mulat na mulat pa rin ako. Hindi ko alam kung tulog na ba si Atlas. Umuulan pa rin pero hindi na gaanong malakas. “Caroline,” biglang tawag ni Atlas. Kumabog ang aking dibdib dahil seryoso ang kanyang boses. “Bakit?” himala na hindi ako nautal. “Gaano na kayo katagal magkakilala ni Vincent?” tanong niya. Naitanong na niya ito sa akin at hindi maganda ang kinalabasan noong sumagot ako. Siguro naman ay hindi na niya ako hahalikan dahil malayo siya sa akin. “Since elementary,” maikling sagot ko. Hindi siya nagsalita. Akala ko ay nakatulog na pero nagsalita ulit siya. “Caroline, I want us to talk about—----” “Ayoko, please.” putol ko sa sasabihin niya. “Okay, but I want to say thank you for guiding me when I was drunk on our first encounter. I also want to say sorry for treating you badly before……..” Hindi ko inaasahan ang sasabihin nya. Noon ay hirap na hirap siyang sabihin ang mga salitang iyon pero ngayon ay nasasabi na niya nang walang pag-aalinlangan. Kahit na late na ang pagsasabi niya ay mahalaga pa rin iyon. “I forgive you, at saka walang anuman.” sabi ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nasabi niya iyon. “But I won’t say sorry for kissing you,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD