Chapter 18

2348 Words
Hindi ako nagsalita. Ayokong sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot. Bakit niya pa kailangan sabihin ‘yon? Mas lalong gumugulo ang isipan ko. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako hinalikan. Ngayon ay mas dinagdagan niya pa ang mga tanong ko. Katahimikan ang muling nangibabaw sa pagitan naming dalawa. Pinagdarasal ko na huwag na siyang magsalita o magtanong pa. Hindi na kaya ng dibdib ko dahil parang kakawala na ito sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Lumipas ang segundo, minuto, at oras. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Paano ako makakatulog kung ang taong iniiwasan ko ay sobrang lapit lang sa akin ngayon? Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Masarap matulog dahil malamig pero hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung tulog na ba si Atlas. Gusto kong i-check kung tulog na siya pero ayoko namang humarap sa gawi niya. Baka mamaya ay gising pa siya at mahuli akong tinitingnan siya. Kasabay nang paghinga ko ng malalim ay humataw naman ang isang pinagsamang kulog at kidlat. “Ay—” tinakpan ko agad ang bibig ko. Sobrang lakas noon kaya gulat na gulat ako. “Are you okay?” Hindi ko inaasahan ang pagtatanong ni Atlas. Wala naman akong ideya kung tulog na ba siya o hindi kaya nagulat din ako nang magtanong siya. “A-Ayos lang,” sagot ko. “Are you…afraid?” tanong ulit niya. Kumunot ang noo ko. Inakala niya sigurong takot ako sa kulog at kidlat. “Hindi ako takot,” sagot ko. Hindi naman talaga ako takot. Nagulat lang dahil hindi ko inaasahan. Hindi ko na siya narinig sumagot pagkatapos noon. Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog. Napadilat ako nang muling magtanong si Atlas. “Can’t sleep?” maaligasgas ang kanyang boses. “Oo,” maikling sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Me too,” aniya. “Bakit?” nakagat ko ang labi ko dahil sa biglang pagtatanong. Hindi ko naiwasan. “Can’t sleep with the lights off,” sagot niya. Napa-’o’ ang aking mga labi sa sagot niya. Hindi naman niya nakikita ang reaksyon ko dahil nakatalikod ako sa gawi niya. Hindi ko naman alam na ayaw niya pala ng nakapatay ang ilaw kapag natutulog. Kabaligtaran ako. “I can’t sleep with the lights on,” sambit ko. “It’s okay.” wika niya. Bigla na namang kumulog at kasabay na noon ang pagkamatay ng electric fan. Walang kuryente. Bumaba ako sa aking kama at hinugot ang saksak ng electric fan. Ni-off ko rin ang refrigerator. Hindi ako nag-react dahil normal lang naman mawalan ng kuryente lalo at may bagyo. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang oras. 2:23 am. Ito na yata ang pinakamalalang pagpupuyat ko. Usually kasi 9pm tulog na ako. Ibababa ko na sana ang aking cellphone nang bigla iyong mag-ring sa isang tawag. Kumunot ang noo ko nang makitang unknown number ang tumatawag. Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras? Sinagot ko ang caller para malaman kung sino ang tumatawag. “Hello?” Walang sumagot sa kabilang linya. “Hello po? Sino po ito?” magalang na tanong ko. Wala pa ring sumagot. Nilayo ko ang phone sa tenga ko para tingnan kung naputol ba ang tawag pero hindi naman. Nag-hello ulit ako at nang wala paring sumagot ay pinutol ko na ang tawag. Siguro ay walang signal dahil sa bagyo. “Who’s the caller?” tanong ni Atlas. Binaba ko ang aking cellphone bago sumagot. “Hindi ko alam. Unknown caller,” kaswal na sagot ko. “Maybe you gave someone your number.” hindi tunog patanong ang sinabi niya. “Bakit naman ako magbibigay ng number ko sa taong hindi ko kilala?” tanong ko. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak niya. “I don’t know, you answer.” Pinigilan ko ang sarili kong humarap sa kanya para singhalan siya. Iniisip niya ba talagang nagbibigay ako ng number ko kung kani-kanino? “Hindi ako nagbibigay ng contact number ko kung kanino lang okay?” madiin na sabi ko. Bakit parang sa simpleng unknown caller ay mag-aaway pa kami? “Okay,” sagot niya. “Matulog kana,” sambit ko. “I can’t.” “Wala kang choice. Walang kuryente.” sabi ko. “I know,” mahinang sagot niya. “Nasaan nga pala si Thor?” Napaisip ako sa tanong niya. Napabalikwas ako ng bangon dahil magmula nang dumating si Atlas ay hindi ko pa nakikita ang kuting. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko siya sa mga sulok-sulok dahil mahilig siyang sumiksik kung saan-saan. Kinakabahan dahil baka mamaya ay nakalabas pala siya. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbangon din ni Atlas. Nagbukas din siya ng flashlight at naghanap. Maliit lang ang apartment ko kaya dapat ay mabilis lang siyang makita. Mas lalo akong kinabahan nang hindi pa rin siya mahanap. “He’s here,” Mabilis akong lumingon kay Atlas. Nakatutok ang kanyang flashlight sa sulok ng sofa. Lumapit ako roon para tingnan kung nandoon nga si Thor. Nasa sulok nga ang kuting at natutulog. Cats like warm places. Kaya siguro siya naroon ay dahil malamig. Lumapit ako sa kanya at saka binuhat. Hindi ko na pinansin si Atlas at nagtungo ako sa aking kama. Nilapag ko ang nagising na kuting sa kama. Sinubukan ko siyang kumutan para hindi lamigin. Hindi pa nakakailang minuto ay umalis na sa kama ang pusa. Ngumuso ako nang makitang kay Atlas siya lumapit at tumabi. Mas gusto niya yata si Atlas kaysa sa’kin. Hindi ko na sila pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot. Buong akala ko ay magdamag na akong gising ngunit kalaunan ay dinalaw rin ako ng antok. Kinabukasan, paggising ko ay wala na si Atlas. Maayos na nakatupi ang kumot at unan sa sofa. Inayos ko muna ang aking kama bago lumapit sa sofa kung saan siya natulog. May maliit na papel na nakapatong sa unan kaya kinuha ko iyon. Thank you for letting me stay. Sorry for the trouble. -Atlas Ilang beses ko pang binasa ang sulat bago iyon nilapag sa table. Lumapit ako sa bintana at dahan-dahang binuksan. Sinilip ko ang labas at nakita ang mga sanga at dahon na nagkalat sa daan. Umuulan pa rin ngunit hindi na gaanong malakas. Sinarado ko ang bintana at naghanda na sa pagpasok. Nagluto ako ng agahan at kumain. Antok na antok pa rin ako pero kailangan kong pumasok. Nang matapos kumain ay naghugas ako ng pinagkainan at naghanda na sa pagligo. Bago ko pa magawa iyon ay tumunog ang aking phone para sa isang text message. Galing kay Atlas. From: Atlas No classes today. Napanganga ako sa text niya. Alam niyang walang pasok ngayon pero ako ay hindi ko alam. Hindi ko ine-expect na walang pasok dahil mahina lang naman ang ulan ngayon. Nakatanggap rin ako ng text galing kay Ate Dianne na sarado daw muna ang Premier Mart. Tinabi ko ang mga damit ko at tuwalya saka muling nahiga sa aking kama. Mabuti na rin at walang pasok dahil gusto ko pang matulog. May dagdag oras din ako para makapag-review sa finals. Tumunog ulit ang phone ko at sa pag-aakalang si Atlas ulit iyon ay mabilis kong kinuha. Natigilan pa ako nang ma-realize na masyado akong nagmamadali. Kinalma ko ang sarili ko at saka binuksan ang mensahe na galing kay….Vincent. From: Vincent Hindi ako nakapunta d’yan kagabi. Ang lakas ng ulan. :( Hindi ko alam kung bakit ako nanghinayang nang makita na si Vincent ang nag-text. Agad kong pinalis ang panghihinayang na naramdaman ko. Magre-reply sana ako kaya lang naalala ko na wala pala akong load. Muling pumasok ang isang mensahe at nanlaki ang mga mata ko dahil load ang pumasok sa akin. Hindi lang basta load dahil isang libo ang halaga! From: Vincent Na-receive mo na? Kay Vincent galing ang load. Gusto kong ibalik sa kanya ang load ngunit hindi ko alam kung paano. Agad akong tumawag kay Vincent. Dalawang ring lang ay sinagot niya agad. “Napaka-aksayado mo!” bungad ko sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Wala man lang ‘hello’? Ang sungit mo.” sagot niya. “Bakit mo ako niloadan?” tanong ko. “E, wala kang load e. Hindi ka nagrereply kaya alam kong wala kang load.” aniya. May pang-aasar pa sa tono ng boses niya. “Pero bakit isang libo?! Sampung piso ay ayos na sa’kin.” sambit ko. Hinilot ko ang aking sentido dahil sa stress sa lalaking ito. “Para may pang-internet ka. ‘Wag kanang magalit. Wala ka nang magagawa dahil na-load ko na,” aniya sa tonong mayabang. “Alam mo bang ‘yong isang libo na ‘yon ay pagkain ko na sa isang linggo? Pambayad ko na rin yun ng tubig,” sabi ko. Natahimik sa kabilang linya si Vincent. Akala ko ay napagtanto niya ang sinabi ko. “Luh, e at least may load kana ng isang buwan.” Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Alam kong kahit anong sabihin ko ay ipipilit niya pa rin yung kanya. “Kailan ka uuwi sa inyo?” pag-iiba ko ng usapan. “Ayaw mo na ba ako dito?” ginawa niyang kaawa-awa ang boses niya. “Hindi, pero ang tagal mo nang absent! Wala ka naman ginagawa dito.” sagot ko. “Hindi ako absent, Caroline. Bakasyon nga namin.” aniya. “O, edi bakasyon. Kailan mo nga balak umuwi?” “E, baka next week.” halatang hindi nga siya sigurado sa sagot niya. “Siguraduhin mo lang, Arthur Vincent! Kung hindi ay tatawagan ko ang mommy mo at ipapasundo kita dito sa Pasay.” banta ko. Hindi ko naman kayang gawin ‘yon. Tinatakot ko lang siya. “Salbahe,” bulong niya. Nang matapos ang tawag ay napagdesisyonan kong matulog ulit. Hindi ko na kailangan magpa-antok dahil kusa na akong hinila ng antok. Hapon na nang magising ako. Hindi na ako nakakain ng tanghalian. Bumango ako sa kama at nagluto nalang ng meryenda. Nagluto ako ng pancake at mabuti na may stock ako. Habang kumakain ay nagbukas ako ng f*******:. Sunod-sunod ang tunog ng messenger galing sa gc namin. Nagbasa ako ng ilan sa mga mensahe. Nakita ko sa newsfeed ko ang announcement na wala ngang pasok ngayon. Galing ‘yon sa page ng WSU. Hanggang ngayon lang walang pasok at kinabukasan ay mayroon na. Matapos kumain ay binuksan ko ang pinto ng aking apartment para makita ang labas. Hindi na umuulan at medyo may araw na. Biglang bumukas ang katabing pinto at lumabas doon si Atlas. Bagong ligo at amoy na amoy ang bango niya. Nagtama ang paningin naming dalawa. Ako ang unang nagbawi ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa magaganda niyang mata. Siguro ay nakatanggap din siya ng text na walang pasok ngayon sa trabaho. Ang tanong, sino ang ang nagtext sa kanya? “Did you sleep?” hindi ko inaasahan ang tanong niya. “Ah, o-oo.” sagot ko. “Bakit mo alam?” tanong ko naman. Tinuro niya ang pisngi ko. Dahil hindi ko naman makikita ang pisngi ko ay hinawakan ko nalang iyon. Nahawakan ko ang bakas ng higaan sa aking pisngi kaya agad akong nahiya. “P-Pasok na ako sa loob,” sambit ko. Hindi ko siya hinintay na makasagot at diretsong pumasok na sa loob. Mabilis na naman ang kabog ng dibdib ko. Nang kumalma ay napagpasyahan kong maligo. Mas lalo akong nahiya dahil baka napansin ni Atlas na hindi man lang ako nagpalit ng damit. Maghapong pantulog ang suot ko. Samantalang siya ay fresh. Matapos maligo at magbihis ay lumabas ako ng apartment para linisin ang harap. Madumi at maputik dahil sa tubig. Kumuha ako ng walang tingting at winalis iyon pababa para humupa ang tubig. Dahan-dahan ang pagwawalis ko dahil baka may mabasa sa ground floor. “Huwag kang lalabas! Basa, madudumihan ka.” bulaslas ko nang makita si Thor na nakasilip at pinapanood ang ginagawa ko. “Meow,” aniya na parang naiintindihan ang sinabi ko. “Bawal lumabas,” sambit ko. Hindi nga siya lumabas at naupo lang at muling pinanood ang ginawa ko. Napangiti ako dahil sa ka-cutan niya. Hindi ko napigilan na himasin siya. Akala ko ay natuwa siya sa paghimas ko dahil bigla siyang tumayo. “Meow,” huni niya. Hindi siya sa akin nakatingin kung hindi sa nasa likod ko. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon at nagulat nang makita si Atlas. Umalis siguro siya dahil iyon pa rin ang suot niya. Umalis ako sa daan para makadaan siya. Hindi siya dumaan na ipinagtaka ko. “I ate outside,” aniya. Tumaas ang kilay ko. “Uhh..hindi ko naman tinatanong.” sabi ko. “I know, I just thought you wanted to know.” sagot niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Though, may parte nga sa akin na gustong malaman kung saan siya nagpunta. “Caroline,” Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa tono ng pagtawag niya sa akin. Napakaseryoso. “B-Bakit?” hindi ko na naitago ang kaba at pagkautal. “I’ve always wanted to ask this question ever since I kissed you,” Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Pinaalala na naman niya ang bagay na iyon. Gusto ko nang kalimutan pero pinaalala na naman niya. Handa ko na sana siyang pigilan sa kung ano mang itatanong niya pero naunahan niya ako. “How did you feel when I kissed you?” Para akong nabingi sa tanong niya. Palakas ng palakas ang t***k ng puso ko at para bang ‘yon nalang ang tanging naririnig ko. Seryoso ba siyang tinatanong niya ako tungkol doon? Sasagot na sana ako nang may biglang nagsalita sa likod ni Atlas. “He kissed you?!” Umawang ang aking labi nang makita si Vincent. Punong-puno ng pagtataka at pagtatanong ang kanyang mga mata. Lumingon si Atlas sa kanya. Handa na sana akong tumanggi ngunit naunahan na naman ako ni Atlas. “Yes,” Nang mabilis marinig iyon ni Vincent ay para siyang kidlat na sumugod kay Atlas. Napasigaw na lamang ako nang bigla niya itong sinuntok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD