Chapter 19

2428 Words
“Vincent!” sigaw ko nang makita ang pagsuntok niya kay Atlas. Malakas ang impact ng suntok ni Vincent ngunit hindi sapat para mapatumba si Atlas. Napaatras lang siya ng kaunti at saka hinawakan ang pumutok na labi. Akala ko ay titigil na si Vincent nang masuntok niya si Atlas ngunit hindi pa pala. Lumapit pa siya at saka kinuwelyuhan si Atlas. “Gago ka!” nanggagalaiting sambit ni Vincent. Walang reaksyon si Atlas at nakatitig lamang dito. “Tama na, Vincent!” wika ko na umaasang makikinig siya sa akin. Hindi ako pinansin ni Vincent. “Kilala ko ang ugali mong, gago ka! You kissed her without her consent, right?!” tanong ni Vincent habang nakahawak parin sa kwelyo ni Atlas. Matagal bago sumagot si Atlas. Unti-unting sumilay sa kanyang labi ang isang mapang-asar na ngiti. “You’re absolutely right,” Pagkatapos iyong sabihin ni Atlas ay isang malakas na suntok na naman ang ibinigay sa kanya ni Vincent. Napatakip ako sa aking labi at tuluyang lumapit sa kanila para awatin. “Tigilan mo na sabi, Vincent! Tama na!” sigaw ko. “Tangina mo, Atlas! Kung gagawa ka na naman ng kalokohan mo, huwag mong idamay si Caroline!” galit na sigaw ni Vincent. Habang si Vincent ay galit na galit, si Atlas naman ay kalmado lang ngunit may diin sa mga titig. “Don’t tell me what to f*****g do.” mariing wika ni Atlas. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin doon ni Atlas. Nang makita kong mas hinigpitan ni Vincent ang kapit sa kwelyo ni Atlas ay lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Please, Vincent. Tama na,” mahinang sambit ko. Pareho silang napatingin sa akin. Akala ko ay tatanggalin ni Vincent ang kamay niya ngunit si Atlas ang marahas na umalis sa kamay niya. Dahil sa ingay ay unti-unting naglalabasan ang mga kapitbahay. Nakakahiya dahil gumawa pa kami ng gulo. Nang tuluyan silang maghiwalay ay hinila ako ni Vincent sa gawi niya. Malakas ang pagkakahila niya kaya muntik na akong matumba. Nang makita iyon ni Atlas ay siya naman ang sumugod. Umamba siya ng suntok kay Vincent ngunit nang makita ako ay nahinto sa ere ang kanyang kamay. “Akala ko ay matino kana, hindi pala. At hanggang ngayon ay nandadamay ka parin ng ibang tao.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Vincent. Alam kong ang tinutukoy niya ay yung mga ginawang hindi maganda ni Atlas noon dahil nakwento na niya sa akin ‘yon. Nandadamay ng ibang tao? “Don’t act like you’re so clean, Arthur.” sagot ni Atlas. Hindi agad nakapagsalita si Vincent sa sinabi nito. “Stay away from, Caroline.” wika ni Vincent. Nagdilim ang paningin ni Atlas dahil sa sinabi niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “Why would I take orders from you? You have no right to command me.” “And you don’t have the right to kissed her,” Nagtagisan ang kanilang mga titig. Napapikit ako dahil mas lalong dumarami ang nakikiusyoso sa nangyayari. Mukhang napansin din naman iyon ng dalawa. Humarap sa akin si Vincent. “Get your keys, then lock your doors.” seryosong utos niya. “W-Why?” naguguluhan kong tanong. “Just do it, Caroline.” Dahan-dahan akong umalis sa kanyang likuran para magtungo sa apartment ko. Hindi ako natuloy dahil hinarangan ako ni Atlas. “You’ll just let him order you around?” nakatitig sa akin ang kanyang mga mata. Tutol siya sa ginawang pag-uutos sa akin ni Vincent. “Atlas, umalis ka sa daraanan ko.” wika ko sa seryosong tono. Susunod ako kay Vincent dahil ayokong may gulo pang mangyari. “You heard her, umalis ka—---” Hindi natuloy ni Vincent ang sasabihin dahil sumugod sa kanya si Atlas at saka siya sinuntok. Napasigaw ako nang makita na natumba si Vincent kaya mabilis ko siyang dinaluhan. “Atlas, ano ba!?” sigaw ko. Hindi sumagot si Atlas. Akmang susugudin niya ulit si Vincent ngunit tumayo ako at saka ako ang humarap sa kanya. “Tigilan mo na!” mariing sabi ko. Natigilan siya nang makita ang galit sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang umatras. Nang makatayo si Vincent ay mabilis akong pumasok sa aking apartment. Kinuha ang cellphone at susi ng bahay. Lumabas agad ako dahil baka mamaya ay magsuntukan na naman sila. Nang makita akong lumabas ni Vincent ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako paalis doon. Nakayuko ako dahil ayokong salubungin ang tingin ng mga kapitbahay ko. “Caroline,” rinig kong tawag ni Atlas. Hindi ko siya nilingon. “Don’t go with him.” Nanginig ang aking kamay sa huling sinabi niya. Bumigat ang pakiramdam ko at mukhang napansin iyon ni Vincent. Nang makarating kami sa ground floor ng building ay dire-diretso kami sa kanyang sasakyan. Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta. Hinayaan ko nalang siyang mag-drive. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Wala akong lakas para magsalita o magtanong. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari ngayong araw. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nakita ang paglubog ng araw. Unti-unting kinakain ng dilim ang kalangitan. “Is that the reason why you’re avoiding him? Because he kissed you?” Napapikit ako nang biglang magtanong si Vincent. Alam kong magtatanong at magtatanong siya. “Yes,” sagot ko. Ayokong magsalita pero kailangan kong sagutin ang mga tanong niya. “You let him kiss you?” may pagdududa sa tono ng kanyang boses. “Of course not! Bakit ko siya hahayaang halikan ako? Ni hindi nga kami magkaibigan o ano,” sagot ko. Bumuntong hininga si Vincent. “Then he really forced you?” “No, hindi niya ako pinwersa. Biglaan niyang ginawa iyon kaya hindi ako nakapag-react agad.” paliwanag ko. “Please, tell me you slapped him right after he kissed you.” Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko ginawa. Nang hindi niya ako narinig sumagot ay marahas siyang napabuntong hininga. “Why did he kiss you?” Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Ako ba talaga ang tinatanong niya? Hanggang ngayon nga ay hindi ko mahanap ang sagot sa tanong na iyon. “H-Hindi ko alam,” kinakabahang sagot ko. “Did he confess to you?” “Confess?” pagkumpirma ko. “Oo, sinabi ba niyang gusto ka niya?” seryosong tanong niya. Napakurap ako at umiling. “Hindi, bakit siya magco-confess? Hindi naman niya ako gusto,” siguradong-sigurado ako sa sinabi ko. Napaka-imposible na magugustuhan ako ni Atlas. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay na nakahawak sa manibela. “Gusto kong bumalik at suntukin pa ang gagong ‘yon.” galit na wika niya. “Tama na, hindi pa ba sapat na nasaktan niyo na ang isa’t-isa? Nakakahiya dahil nakita pa iyon ng mga kapitbahay.” sambit ko. “Hindi ba pwedeng umalis ka nalang doon at maghanap ng ibang titirahan?” tanong niya. “Hindi,” mabilis kong sagot. Gustuhin ko man ay hindi pwede. Unang-una, magtataka si Tita Clay kung bakit ako lilipat ng ibang apartment. Pangalawa, malapit ang apartment ko sa eskwelahan at trabaho ko. Pangatlo, mahirap makahanap ng apartment kagaya sa tinitirahan ko ngayon. Mababa ang monthly payment at kahit papaano ay hindi magulo o maingay. “Alam kong sasabihin mo ‘yan.” aniya. Katahimikan muli ang nangibabaw sa amin. Wala na ulit nagsalita. Nakatingin lang ako sa labas at hindi iniintindi kung saan ba kami pupunta. Ang dami kong iniisip. Namalayan kong huminto ang sasakyan. Tumingin ako sa labas sa gawi niya at nakitang nasa tapat kami ng isang mamahaling restaurant. “Anong gagawin natin?” nagtanong pa rin ako kahit nahuhulaan ko na. “We’ll eat.” maikling sagot niya. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at akmang lalabas ngunit pinigilan ko. “Sigurado ka? Dito tayo kakain?” muling tanong ko. “Yes,” “Ayoko!” tanggi ko. “What? Why?” kunot noong tanong niya. “Tingnan mo naman ang suot at itsura ko.” sagot ko. Hinagod niya ng tingin ang suot kong puting t-shirt at pulang pajama. Nakasuot din ako ng pambahay na tsinelas. “So? Kakain lang naman tayo. Hindi tayo rarampa.” pangungulit niya. Muntik ko pa siyang makutusan sa huling sinabi niya. Palibhasa ang suot niya ay pang-formal. “Kahit na! Ayoko pa rin. Kung gusto mong kumain diyan ay iuwi mo muna ako. Kumain kang mag-isa mo.” pinal na sabi ko at saka humalukipkip. Sinuot ulit ni Vincent ang kanyang seatbelt at saka nag-drive paalis doon. Na-guilty ako dahil parang sobrang arte ko naman. Nakakahiya lang kasi dahil ang fancy ng restaurant na kakainan namin tapos ganito ang itsura ko. Ilang beses na akong nakapunta sa mga mamahaling restaurant dahil sinasama ako ni Tita Clay kapag may mga formal dinner. “Ang sarap mong gawing keychain, Caroline.” Pinigilan ko ang pagtawa sa sinabi ni Vincent. Huminto ulit ang sasakyan at ngayon ay nasa tapat na kami ng Mcdo. Hindi na ako nagreklamo dahil mukhang gutom na talaga si Vincent. Bumaba kaming dalawa sa sasakyan. Bago pumasok ay pinasuot niya sa akin ang kanyang jacket. Siya na raw ang o-order kaya ako nalang ang humanap ng table. Habang naghihintay ay kinalikot ko ang aking cellphone. Nagbukas ako ng data at nag-browse sa f*******: pampalipas oras. Nagtingin ako ng mga post ng iilang kakilala at nanood ng mga videos na lumalabas sa newsfeed ko. Habang ganoon ang ginagawa ko ay isang mensahe ang pumasok. Text message galing kay….Atlas. Nanginginig ang aking mga kamay na binuksan ang mensahe. From: Atlas Where are you? Matagal kong tinitigan ang kanyang mensahe. Nagdadalawang-isip akong magreply pero sa huli ay hindi ko ginawa. Binaba ko ang cellphone at nag-isip. Wala pang dalawang minuto ay tumunog na naman ang cellphone ko. Binuksan ko ang message at halos manlaki ang mga mata ko sa nabasa. ‘1000 regular load was loaded to your mobile number 09—----’ Isang mensahe ulit ang pumasok. From: Atlas Now, you’ll be able to reply Nang mabasa iyon ay mabilis akong nagtipa ng reply para sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil wala pa si Vincent dahil pag nalaman niyang kausap ko si Atlas sa cellphone ay susugudin na naman niya si Atlas. To: Atlas Ikaw ang nag-load sa akin? Malakas ang kutob ko na siya nga pero gusto kong kumpirmahin. Mabilis ang reply niya sa text ko. From: Atlas Yeah, good thing you replied. From: Atlas Where are you? Pagkabasa ko sa huling text niya ay mabilis kong pinatay ang aking phone dahil dumating na si Vincent. Hindi ko nakalimutang i-silent iyon. “Ang dami ng in-order mo,” komento ko dahil kumpleto yata ang binili niya. Burger, fries, chicken, sundae, rice, and spaghetti. “Gutom ako,” maikling sagot niya. Totoo nga dahil nilantakan niya agad ang mga pagkain. Ako naman ay nagsimula na ring kumain. “Vincent,” tawag ko. “Hmm?” sagot niya sa tawag ko habang patuloy parin sa pagkain. May gusto akong itanong at matagal ko nang gustong itanong. Tinanong ko na ito kay Atlas noon pero hindi niya sinagot nang maayos. “Bakit parang ang laki ng galit niyo sa isa’t-isa ni Atlas?” Natigilan siya sa tanong ko. Matagal siyang nag-isip. Akala ko ay hindi na niya sasagutin. Rerespetuhin ko naman kung ayaw niyang sagutin dahil ibig sabihin no’n ay masyadong personal ang dahilan. “We just hate each other,” maikling sagot niya. Sumimangot ako dahil ganoon din ang sagot ni Atlas noon. “Bakit nga?” pangungulit ko. “Sinagot na kita. Ayaw namin sa isa’t-isa kahit noong mga bata palang kami. May pagkakapareho kami ng ugali at ‘yon ay ang pagiging territorial at selsoso, kaya kahit noon pa man, never kaming nagkasundo.Kilala mo naman ako, never akong nagpapatalo kahit pa mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.” paliwanag niya. Tumango ako. Vincent’s age is the same as mine while Atlas is 20. “Hanggang ngayon ay walang pagbabago?” “Nakita mo naman ang nangyari kanina. Kung wala ka doon ay baka nagrambulan na talaga kami.” aniya. Tinutukoy niya ang suntukan na nangyari sa pagitan nila. “Never talaga kayong nagkasundo kahit sa anong bagay?” “Never,” ismid na sagot niya. Napabuntong-hininga nalang ako. “Hindi yata ‘yong kanina ay unang beses na nagsuntukan kayo.” wala sa sariling nasabi ko. Ngumisi si Vincent. “You’re right, ang pinagkaiba namin ay mas batak sa suntukan si Atlas kaysa sa akin.” Sa sinabi ni Vincent ay naalala ko ang unang beses na nakita ko si Atlas. May mga pasa siya noon at halatang badtrip. Hindi na ulit ako nagtanong pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. “Pagkatapos nating kumain ay bumili tayo ng bulak at alcohol, gagamutin natin ‘yang sugat mo.” wika ko. Hindi masyadong halata ang sugat niya sa labi pero siguradong magpapasa iyon bukas. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at ang pagnguso niya. “Alcohol talaga? Bawal betadine?” histerikal na tanong niya. “Bawal,” pang-aasar ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. “Napakasadista mo!” tinuro niya pa ako. Mahina akong tumawa dahil sa reaksyon niya. Binibiro ko lang naman siya pero siya itong patola. “Ako na ang gagamot nito sa condo, iuuwi na kita dahil gabi na.” Aasarin ko sana siya na ayaw niya lang magpagamot gamit ang alcohol pero pinigilan ko dahil nakita kong seryoso ang kanyang mukha at may malalim na iniisip. Ganoon nga ang nangyari. Pagkatapos kumain ay hinatid niya ako sa apartment ko. Balak niya pa akong ihatid hanggang sa 2nd floor pero tumanggi na ako. Mamaya ay magpang-abot pa sila doon ni Atlas at magsuntukan na naman. ‘Pag nangyari pa ‘yon ay hindi ko na sila aawatin. “Mag-ingat ka,” paalala ko, tinutukoy ang pagda-drive niya. Halatang hindi siya mapakali at gusto niya talagang ihatid ako hanggang 2nd floor. “Fine, huwag ka nang lalabas.” tumango ako sa sinabi niya at ngumiti para ipakitang ayos lang. Akmang aalis na ako nang bigla niya ulit akong tinawag. “Caroline, I know I have told you this before, but I will say it again.” Hinintay ko ang idudugtong niya. “Stay away from him. Huwag kang maa-attach sa kanya,” Dahan-dahan akong tumango. “Alam ko—” “I don’t want to jump to conclusions, but I think he kissed you because he thought you were easy to get. That’s the only reason I could think of why he kissed you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD