Chapter 25: Best Remedy

1704 Words
Arshen's PoV: "Yana, what's wrong?" But she just frowned at itinuon na ang atensyon sa iba. I heaved a sigh. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Hay nako. Ano bang kailangan kong gawin ha? Well, nandito kami ngayon sa isang coffee shop na kalimitang dinadayo rin ng mga kapwa namin students. Actually, marami nga akong nakikita rito na familiar eh. So that means, iisa lang kami ng pinapasukang school. Yana said a while ago na dito nya gustong pumunta. And of course dahil isa akong mabait na nilalang, sinunod ko sya. We ordered our drinks na may kasamang cake dahil mas bet namin ang ganong combination. After that, hindi nya na ako pinansin. Or to be exact, hindi na sya nagsalita. I heaved a sigh again. A deep one. "Pansinin mo naman ako, uy." Nakanguso kong turan sa kanya. I slowly placed my hands on her. "Tsk. Ano ba? Wag ka nga." Masungit nitong turan. Parang nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi nito tinabig o inalis man lang ang aking kamay sa kanya. "Sabihin mo na kasi. Hindi ako sanay ng ganto ka eh." Pangungulit ko pa. It's true. Nakakapanibago kasi na tahimik lang sya. Dati-rati naman ay hindi sya ganto. Alam mo talagang may mali eh. Nakita kong naningkit ang kanyang mata at pagak na napatawa. "You're really asking me that huh?" Alanganing napatango naman ako. Gosh. Hindi ba 'yun obvious ha? Nagbago bigla ang kanyang expression. She's intently eyeing me now. Ang intense. I gulped at mabilis na napaayos ng upo. Hindi ko mabasa kung anong ipinapahiwatig nya. But one thing is for sure, Yana is pissed right now. "After what you did a while ago? For pete's sake, you're asking that girl for a date, Arshen!" Matalim nitong turan sa akin. "Nakalimutan mo na bang in a relationship tayo ngayon?" I shivered in fear. Nakakatakot sya. Ramdam na ramdam ko ang t***k ng puso ko ngayon. "P-Pero diba h——" "No buts! Paano natin sila mapapaniwala huh?" Yeah, right. Ayun nga pala 'yun. I should put that in my mind. Pero bakit parang iba ang dating non sa akin? Parang may something. I shooked my head. "Yana, inaya ko lang si Hone—— err... sya kasi nga I accidentally bumped into her a while ago. Sorry ko na rin 'yun sa kanya." Muntik ko nang makalimutan na ayaw nya pa lang binabanggit ko ang name ni Honey sa harapan nya. Until now, hindi ko pa rin alam kung bakit. Nakita kong napataas ang isa nyang kilay at nagcross-arms pa. "May ganon? Porket nabangga lang, aayain na agad ng date?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Eh kung banggain din kaya kita, Arshen? Yayayain mo rin ba ako ng date?" Dagdag pa nito. Napahilot na lang ako sa aking sentido. Hay nako. Sumasakit ang ulo ko kay Yana. Gosh. "Hindi 'yun ganon." I said in a calm tone. I heard she hissed. "Then what is it? Tsk. Mas nauna mo pa syang yayain kaysa sa akin?" I know by now, napapatingin na sa amin ang ilan sa mga ka schoolmates namin. Well, I used my peripheral vision that's why. Tumataas na rin kasi ang tono ng boses ni Yana. And it looks like, nag-aaway kaming dalawa. Alam ko namang hindi ako mapride na tao kaya ako na ang magpapakumbaba. Tutal, sa akin naman sya naiinis. "Sorry na, Yana. Wag ka nang mainis." I said at pinalambing ko pa ang aking boses. Dahan-dahan kong pinagsaklop ang aming kamay at marahang pinisil ito. I felt that she's stunned at mukhang hindi nya ineexpect ang ginawa ko. "No. Ayoko. That's not enough." She said ngunit ngayon ay parang kumalma na sya. Napakagat-labi naman ako. "Then what should I do, Yana?" Medyo desperada na talaga ako ngayon. "Kiss me." Automatic na nanlaki ang aking mata dahil doon. Hindi ko maiwasang mapanganga. Damn. Did I heard it right? O baka naman namali lang ako? Hindi ko maiexplain kung anong nararamdaman ko ngayon. Nang makabawi-bawi na, hindi makapaniwalang tinapunan ko sya ng timgin. Tinatantya ko kung nagbibiro lang ba si Yana pero hindi, nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "Seryoso ka ba riyan?" I asked ngunit inismidad lang ako nito. I gulped. Never have I ever imagined myself na gagawin 'yun. Mygoodness. Ang magpublic display of affection o PDA. Kiss pa talaga ang hinihingi nya ha. Mabilis na napalinga-linga ako sa paligid at hindi nga ako nagkakamali. Nasa amin na nga ang atensyon ng iba. Mygoodness. Anong gagawin ko? Of course, kung anong sinabi ni Yana. Atsaka, wala naman syang sinabi kung saan diba? So pwedeng sa cheeks lang. I composed myself and gathered all my strength and courage. I slowly leaned closer to her at mabilis na dinampian ng halik ang kanyang pisngi. "I did it. Okay ka na ba?" Umiling sya. "I forgot to tell you, dito pala 'yung gusto ko." At itinuro ang kanyang labi. Feeling ko ay anytime, mahihimatay ako dahil kay Yana. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. She's really unbelievable. "Y-Yana, naman..." Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung gagawin ko ba 'yun o hindi. "Why? Ayaw mo ba? Okay lang naman kung ayaw mo. Naiintindihan ko naman." She said ngunit alam kong kasalungat ang ibig-sabihin nun. I'm battling with my inner self. Oh my! Ang hirap palang mapunta sa ganitong sitwasyon. At lastly, ganto pala feeling ng may jowa. Parang ang hirap naman. I made up my mind. Napapikit ako nang mariin. Bahala na. I leaned closer again and quickly kissed her lips. Smack lang ang gagawin ko. Akmang magbabawi na sana ako nang maramdamang ipinulupot ni Yana ang kanyang kamay sa aking batok. I'm stunned. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanatiling magkadikit ang aming labi ng ilang sandali. Her lips tastes sweet. Maybe, dahil doon sa inorder nyang caramel macchiato. My heart's beating so fast again. At sure akong dahil kay Yana 'yun. Maya-maya pa, naramdaman kong unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakakapit sa akin. "Madali ka lang palang kausap, Arshen." Saad nito. Masasabi kong bumabalik na ang natural nyang mood na isang magandang indikasyon. Hay nako. Ayun lang pala ang gusto nya. We stayed for a while and finished our drinks bago ko sya inihatid sa kanyang house. _____//_____ Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang ganong tagpo. At syempre dahil may pakpak ang balita, mabilis kumalat ang ganong pangyayari. Well, may nagvideo kasi sa amin noong time na 'yun at ayun, nilabas. Kaya updated tuloy ang lahat ng naririto sa campus. I'm really wondering kung bakit parang big deal sa kanila 'yun? Oh, I know now. Sikat naman kasi talaga ang "girlfriend" ko. Gusto ko lang naman maging tahimik ang aking school days pero mukhang hindi ko na ata mafefeel 'yun sa ngayon. "Arsheeennn!!!" My thoughts were interrupted nang marinig kong may tumawag sa akin. Mabilis na nagbaling ako ng tingin sa pinanggagalingan ng nagsalita. And there I saw my two friends, Luxxe and Laney. Humahangos sila papunta sa akin. "Mabuti naman at nakita ka na rin namin, fren." Luxxe said. Nasa tapat ko na silang dalawa. "May utang ka sa aming chika noh." Dagdag pa ni Laney. Bago pa ako makaalma, I just found out that we're heading to the cafeteria. Hindi na ako nag-abalang magreklamo pa since gusto ko na rin namang kumain hihihi. Well, break time kasi namin ngayon. Mabilis kaming pumila at agad na nag-order ng foods. After that ay naghanap na rin kami ng upuan at tamang-tama dahil may nakita kaming available seats. Actually, apatan nga sya eh. "So ano itong naririnig namin, Arshen?" "Magkwento ka naman. Mas maganda kung sayo talaga manggagaling." I smiled. This is one of the things that I love about them. Mas gusto nilang marinig muna ang side ng isa. I heaved a sigh. "Uhmm... It's true. Totoo lahat 'yun." Gusto kong tumawa sa ngayon dahil napaka-epic talaga ng reaction nilang dalawa. Halatang gulat na gulat eh. Suddenly, they squealed loudly. "Owemji! Hindi ka na single, fren! Congrats! Totoo na talaga ito this time." "Sabi na nga ba't babae talaga ang para sayo, Arshen. Lumihis ka na talaga ng daan." Napatungo naman ako dahil doon. I can feel that my cheeks are burning. Maybe because of embarrassment. Kung alam lang talaga nila... Aish. "So, paano ba naging kayo ni Miss Yana? Ikwento mo naman sa amin, Arshen. Baka sakaling magkajowa rin kami." And that caught me off guard. Panic started to envelop my whole system. Hindi ako ready sa tanong na 'yun ah. Suddenly, naramdaman kong may umupo sa aking tabi. Her scent is so familiar. Pati na rin ang presensya nya. I glanced at my friends at mukhang nastar-struck na naman sila. Now, I know kung sino man 'yun. "Makikishare lang ng table, guys. Kung okay lang." Mahinahon nitong turan na parang napakabait ng budhi. "P-Pwedeng-pwede, Miss Yana. Welcome na welcome ka rito." Luxxe said nang makarecover. I continued eating not minding Yana's gaze on me. "Let's go back again sa question. Tamang tama at nandito ka, Miss Yana. Paano ba naging kayo ni Arshen?" Nakangiting turan ni Laney. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Sayang. I'm expecting her to answer pa naman. I faked a cough. "Actually, patay na patay kasi talaga si Yana s—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang may marahas na kumurot sa akin. I bit my lips to prevent myself from producing any noise. Mabilis na tinapunan ko ng tingin ang may gawa nun. Matatalim ang mga tinging ibinabato sa akin ni Yana. Na para bang nagsasabing subukan-mong-ituloy-iyan-look. Mukha atang hindi nya gusto 'yung sagot ko huhuhu. I gulped and faced my friends na inaantay ang aking sagot "Err... Mali pala ako. Ako talaga 'yung patay na patay kay Yana." I said in defeat. Aalisin ko na ang dignidad ko huhuhu. "That's right. I guess, she deserves a chance kaya sinagot ko sya. At mukhang hindi naman ako nagsisisi. Arshen really loves me, diba?" Pag-eextra pa nitong katabi ko. "Y-Yes... I love Yana so much." Alangin kong turan. At ngayon, napakalawak na ng ngising nakapaskil sa kanyang labi. Ugh! Ang babaeng 'to talaga oh. _____//_____ Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD