Chapter 26: Cafeteria Encounter

1771 Words
Yana's PoV: Ang tunog ng alarm clock ang syang nagtapos sa aking dreamland at nagpagising sa akin. I groaned. Damn. It sucks. I guess, masasabi kong isa sa pinakamahirap na gawin ang gumising sa araw-araw. Well, masarap pa kasing matulog. I remembered na meron pa pala akong klase ngayon. I lazily opened my eyes. Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko nang bumangon at magsimula nang mag-ayos. I did my morning routine. I took a bath, brushed my teeth, eat my breakfast, fixed my things and my uniform. Ilang minuto lang ang nakalipas at tapos na rin agad ako. Now, I'm staring at my reflection in the mirror. "Gosh! You're really gorgeous, Yana.." I said pertaining to myself. Slight makeup lang ang nilagay ko sa aking sarili. Well, maganda naman na ako so no need nang mag-effort. "Kung wala lang itong nasa right side ng face ko." Unti-unting nagbago ang aking mood nang mabawi ang aking tingin sa isa sa mga hate kong side ng aking mukha. Napakuyom ang aking kamao habang matamaang pinagmamasdan iyon. Katamtaman lang ang laki nito ngunit talagang kapansin-pansin. I hate it! I freaking hate it! Pati na rin ang right eye ko. Napakanipis ng pupil na para bang katulad ng sa isang snake. Sila lang talaga ang panira sa mukha ko. I heaved a sigh at pinakalma ang aking sarili. Agad ko itong tinakpan ng bandage. Nagsuot na rin ako ng contact lens na kakulay nung sa left eye ko. "Much better."I said. Ayokong ma-badvibes ang araw ko. Suddenly, chineck ko ang araw ngayon. Automatic na isang ngiti ang sumilay sa aking labi. It's the time of the month again. Great! Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement. Tulad nga nang sinabi ko, twice a month bumibisita si Samantha aa school to check it. Tamang-tama at ngayon ang araw na iyon. Hmm... Ano kayang magandang gawin? I can't wait to see her face that is burning in rage and anger. Ngayon pa lang ay gusto ko nang tumawa. My thoughts were interrupted nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Mukhang si Arshen na 'yun ah. I smiled again. Damn. I don't know why pero mas lalo akong naexcite. Maybe, gusto ko na syang makita? I gathered my things. I once took a last glimpse of myself on the mirror bago tuluyang pumunta sa harapan ng aking pintuan at buksan ito. I didn't forgot to locked the door, of course. Ang nakangiting mukha ni Arshen ang unang-unang bumungad sa akin. "H-Hi... Good Morning." Ramdam na ramdam ko ang hiya sa tono ng kanyang boses. She averted her gaze. Napataas-kilay naman ako. I didn't know na marunong pala syang bumati ng good morning. "Morning too." Masungit kong turan. Sayang naman 'yung effort nya, right? Mukha atang hindi nya 'yun ineexpect dahil halatang nagulat sya. Hindi na ako nag-abala pang magsalita at nilagpasan na lang si Arshen. Mabilis akong nagtungo sa kinalalagyan ng kanyang sasakyan. Katulad ng lagi nyang ginagawa, she opened the door for me. Mabilis akong umupo sa may passenger seat. She started the engine at nagsimula nang magdrive. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa ngunit komportable naman ito sa pakiramdam. I like it though. Napaka-peaceful. Maya maya pa, we're already here in our destination, ang school. Once na makalabas kaming dalawa, mabilis na lumingkis ako kay Arshen. Pinagsaklop ko rin ang dalawa naming kamay. "Why so sudden, Yana?" Nagtataka nitong turan habang nakatingin sa akin. I can also felt that she's tensed up. "Don't ask. Hindi ba't ganto talaga ang plan natin?" Nakataas-kilay kong asik. "Pero— Aish... Maybe, hindi lang ako sanay na ganto ka." "Masanay ka na." Automatic na natuptop ko bigla ang aking bibig nang masabi ko 'yun. Gosh. "What do you mean na masanay na ako? Wait... Don't tell me, gusto mong magtagal tayong maggirlfriend ha?" Arshen said ngunit isang ngisi na ang makikita sa kanyang labi. Isang matalim na irap ang ibinigay ko sa kanya. "Damn. Ang kapal pala ng mukha mo, Arshen. Pwede bang masuntok 'yan?" I saw how her eyes widen. Bigla syang namutla. And I swear! Gusto kong tumawa ngayon. Ang epic ng reaction nya eh. "H-Ha? Nako w-wag naman, Yana. Masakit. Titigil na nga ako." Nauutal nitong turan. Well, It's clear na may takot talaga sya sa akin. Katulad nga nang sinabi ni Arshen, nanatiling tikom ang kanyang bibig. Ngunit pinipisil nya naman ang kamay naming magkasaklop. Hindi naman 'yun masakit, maybe it's just her thing. And I found it cute though. It's been a week since we started dati—— I mean, 'yung ginagawa namin ni Arshen. Hindi pa naman namin directly sinasabi sa lahat that we're already in a relationship. But I guess, nakakahalata na 'yung iba dahil sa aming mga gestures. "Pwede ka nang umalis." Mataray kong turan nang makarating na kami sa aking classroom. Obviously, hinatid nya ako. She nodded her head. Akmang lalakad na sana si Arshen nang bigla syang tumigil. "Wait." "May nakalimutan ka ba?" I asked. "Oo, meron." Sagot nito. Ano naman kaya 'yun? "Ito oh." At mabilis na dinampian ng halik ang aking labi. My mouth gaped. Hindi ko agad naiproseso ang ginawa nya. Mygoodness. This is the first time na nag-initiate sya ng kiss kahit na smack lang 'yun. Huli na ang lahat dahil nakita kong kumaripas na sya ng takbo. Ugh! I lov—— err hate you, Arshen! Magnanakaw! Ang sarap nyang bugbugin! _____//_____ "DITO NA MUNA ako, girls." I said to my friends, Mich and Chloe. Don't worry, naiintindihan nila ako. They nodded their head at nag-aktong chinicheer pa ako. We're here in the cafeteria dahil break time na rin namin. Supposed to be, sila dapat ang kasama ko sa table pero dahil nga may plan ako, ayun muna ang gagawin ko sa ngayon. I mentally smiled nang mamataan ang table nila Arshen. She's with her friends. They're talking ngunit nakatungo ang kanyang ulo. Halatang ayaw nyang magpakita sa akin. I started to make my way towards them habang dala-dala ang aking food. "Hi! Makiki-upo lang uli." I said and I can feel that Arshen froze up on her seat. "Sige lang, Miss Yana, wag ka pong mahiya." "Oo nga, tutal girlfriend ka naman nitong kaibigan namin." Natawa na lang ako sa mga sinabi nila. Pasimpleng tinapunan ko ng tingin ang katabi ko ngayon. Nakatuon lang ang atensyon nito sa kanyang kinakain. Suddenly, something crossed my mind. Automatic na napangisi ako dahil doon. I slowly reached for her hands. Marahang hinaplos-haplos ko ito. I know that it sends a tingling sensation to her. Hindi pa ako nakuntento at agad kong kinuha ang kanyang kamay at nilagay ito sa aking lap. "Yana, ano bang ginagawa mo?" She whispered. Namumula rin ang kanyang mukha. "Hindi mo kasi ako pinapansin, Arshen." I reasoned out. Hindi ko na pinakawalan pa ang kanyang kamay. We're holding each other's hands under the table. That's something. May nafefeel akong kakaiba. I mean, always ko syang nararamdaman basta kasama ko sya. "Love, try this. Masarap sya." I said at itinapat ang aking fork na may caramel cake kay Arshen. Her eyes widen in shock and her mouth gaped. As in gulat na gulat sya. Para syang kamatis sa pula. "W-What?" "I said, try this." Pag-uulit ko pa. Dahan-dahan nitong sinubo ang cake. "W-Wow. Masarap din pala ang flavor na 'yan." She said at mabilis na ngumiti sa akin. "Sana lahat sinusubuan." "Gosh. Nakakakilig naman sila." "When kaya?" Napailing na lang ako sa kawalan. Don't ask me why kung bakit ko ba 'yun ginawa. Gusto ko lang. That's it. I continue feeding Arshen kahit na hindi nya naman sinasabi. Well, nagiging mabait lang naman akong girlfriend sa kanya. Suddenly, namataan ko ang pigura ni Samantha. Mukha dito na sya pupunta. I smirked mischievously. She scanned the surrounding at agad na nakita ang pwesto namin. Ibinalik kong muli ang aking atensyon kay Arshen na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "What's wrong?" Nag-alala nitong tanong. Mabilis na ipinuplupot ko ang aking kamay sa kanyang batok at tinignan sya sa mata. "I love you, Arshen." It feels so good to say that. Feeling ko ay anytime, mahihimatay na si Arshen sa mga pinagsasasabi ko. Gulat na gulat kasi sya. I slightly pinched her nape at mukhang nakahalata rin naman sya. "I love you more, Yana." Saad nito. Hindi ko na mapigilan pang ngumiti. Nasa ganoong posisyon kami nang may magsalita bigla. "What the hell is this, Yana?!" Sabay na napatingin kami sa nagsalita. And there, we saw Samantha. Magkasalubong ang dalawa nitong kilay at halatang halata ang pandidiri sa kanyang mukha. Obviously, homophobic sya. "Ineexpress ko lang ang nararamdaman ko sa girlfriend ko. May masama ba?" I said in my innocent voice. She heaved a deep sigh. Nagpupuyos na sya sa galit. So fun to watch. "I didn't know na pwede na pala ang PDA ngayon dito. Stop it, Yana! Hindi ka ba nandidiri? f**k! Nakakakilabot kayong tignan. So gross!" She said in a low tone. Pinipigilan nito ang kanyang sarili dahil ayaw nyang may makarinig pa na iba. May pinapangalagaan kasing name ang babaeng 'to. "Didn't I said na pera lang ang habol nya sayo? Ano bang nakita mo sa babaeng 'to?" Samantha said ngunit ngayon ay nakatingin na sya kay Arshen. I felt that Arshen's jaw tightened. Oops—— nainis ata ang girlfriend ko ah. "Ilang beses ko rin po bang sasabihin na hindi nga ako runner para habulin ang pera nya?" Pangbabara nito. Gusto kong tumawa. Nice one. "Atsaka, duh. Ang cute ko po kaya. Hindi na talaga lugi sa akin si Yana." Aba't! Ayos na sana eh! Dinagdagan nya pa. Pasimpleng tinapunan ko sya ng masamang tingin. "Ugh! Hindi kayo magtatagal! Magbebreak din kayo! Tandaan nyo 'yan." Ang huling sinabi ni Samantha bago padabog na naglakad papalabas. Damn! I won again. Ang sarap sa pakiramdam. We continued eating. Maya-maya pa ay natapos na rin kami. Nagpahatid na rin ako sa classroom kay Arshen. While walking, narinig kong tumunog ang aking cellphone. Mabilis na kinuha ko ito at agad na chineck. May nagtext pala. From: Dad Dinner later, Yana. I want to ask you something. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa text ni Dad. I wonder kung bakit.... Wait. Mukha atang alam ko na. Just like what I've thought. Lagi pa ring nagsusumbong ang babaeng 'yun kay Dad. Tsk. Tsk. Tsk. Asar-talo talaga sya and never syang mananalo laban sa akin. I poked Arshen. "What is it?" Nakakunot-noo nitong tanong. "Pupunta tayo sa house namin mamaya. Ipapakilala na kita kay Dad." _____//____ Edited - you might have noticed na nawala ang ilang mga comments sa chapter na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD