Isleen Fajardo's P. O. V Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Silaw na silaw ako sa liwanag kaya muli kong pinikit ang aking mga mata. "Wife? Are you okay?" tanong ni Aiden. Agad akong napadilat dahil sa boses ng asawa ko. Noon ko biglang naalala lahat ng nangyare sa amin. Buhay siya! Hindi ako makapaniwalang buhay siya! "A-Aiden..." nanghihina kong sabi at napatingin sa mukha niya. Dahan-dahang tumulo ang luha ko dahil sa kaniyang lapnos sa pisngi. Hinawakan ko ito at ngumiti lamang sa akin si Aiden. "Panget na ba ako?" tanong niya. Ngumiti ako at umiling. "T-teka... Akala ko… sino 'yung bangkay na sinabi nilang ikaw?" tanong ko. Punong-puno ng kaguluhan ang utak ko at sobrang labo ng mga nangyayare na para bang walang nagkokonekta. Naupo si Aiden sa tabi ng kama ko. Bigla

