Fabricante Cousins
"What took you so long?" agad na kuwestiyun sa kaniya ng pinsang si Ranso pagkalapit na pagkalapit niya sa mga ito.
Mabilis niyang hinubad ang suot na suit at isinabit iyon sa sandigan ng bakanteng upuan para sa kaniya. "I meet up with Mr. Velasco." Maagap ding tugon niya bago pa ito mainip.
"As usual," sabat ni Warren. Matiim niyang tinapunan ng tingin ang sarkastikong pinsan.
Nanlalaki ang mga mata nila nang biglang may bulaklak na tumama sa mukha nito.
Tila may iisang leeg na nilingon nila ang salarin.
Si Sam iyon. Ang pitong-taong gulang at nag-iisang anak ng kaniyang Uncle Sam. "Oh," englisherong sambit nito. "I'm sorry, Kuya Warren." Takot na umiling ito. "Hindi ko po sinasadya."
Of all people, kay Warren pa talaga iyon tumama. Samantalang napakadami nilang magpipinsan na nakaumpok doon.
Nakangiting lumapit siya kay Sam at marahan niyang ginulo ang buhok nito. "It's okay." Sinulyapan niya ang hindi maipintang mukha ni Warren at sinenyasan itong umayos.
Nagulat siya nang umiling si Sam. "No," tanggi nito sa mahinang boses sabay turo kay Warren. "Kuya Warren is still angry with me." Malungkot itong ngumuso.
Inis na umirap si Warren. Hindi kay Sam, hindi sa kaniya, o kaninuman kundi sa sarili dahil ilag ito sa mga bata. "Look," sambit nito kay Sam. "I am not angry with you, Sam. I swear." Nanlalaki ang mga mata na paliwanag nito sa kanilang pinsan.
Warren is undoubtedly trying his best not to be intimidating but at the end, mukhang mas natakot lalo nito si Sam.
"Uy! G**o," biglang mura ni Craid nang konting-konti na lamang ay mukhang iiyak na si Sam.
Matiim siyang napalingon kay Craid na agad namang napagtanto ang kasalanan sapagkat agad itong nakapag-iwas ng tingin sa kanila para magmaang-maangan.
Mabilis pa sa alas-kuwatro itong nakatanggap ng siko mula sa katabing si Ranso.
"Who cursed?" Maang na napakurap ang inosenteng si Sam habang pinagpapalit-palit ang tingin sa kanila.
Napakamot ito sa gilid ng tainga nang walang sumagot sa simpleng tanong nito. Muntikan na siyang mapangiti sapagkat bigla'y nakalimutan na nito ang takot kay Warren.
Sam folded his arm above his chest. "My Teacher. Father. Mother. And grandma. They say, only evil speak of bad words." Inosenteng pahayag nito sa kanila, dahilan kung bakit nagpipigil sila ngayon ng tawa.
Itinuro ni Zash si Craid. "Then he's an evil, Sam." Pambubuko nito kay Craid.
"Gago ka talaga, Zash." Muling mura ni Craid na mas nagpalaglag lamang sa sarili.
Hindi na sila nakapagpigil at tuluyan nang natawa.
"Is that a compliment?" pang-aasar pa lalo ni Zash na mas ikinaasar ng huli.
Kapag talaga nagsama-sama sila magpipinsan, imposible talagang walang kalokohan na masasangkot. They won't be called Fabricante Cousins if it's not for electatorial position in jerkness.
Biglang sumulpot si Kristha at mabilis na tinakpan ang magkabilang tainga ni Sam gamit ang mga palad. Umikot ang mga mata nito at inisa-isa silang inukulan ng masamang tingin.
"Come with me, Sam. I'll teach you how to play Volleyball." Walang paalam na inakay nito si Sam palayo sa kanilang kinaroroonan.
"What do you think of Sam?" Warren asked out of nowhere, with a palm face.
Hindi niya alam kung bakit nito natanong iyon pero nagkibit-balikat na lamang siyang nagsalin ng wine sa baso.
"Guwapo. Aba'y siyempre, nagmana sa'kin 'yong kaguwapuhan." Nangungunang sagot ni Ranso.
Napangisi siya sa sagot nito. Paano'y, first honor ito palagi kapag dating sa kahambugan.
"Ows," bumilog ang mga labi ni Zash sabay bigay ng thumbs up kay Ranso. "I'm not going to argue with that, Bruh. Your confidence level is always second to no one." May pahabol pang kindat ang loko.
"Natural," mariing komento ni Craid. "Nananalaytay na 'yan sa dugo nating mga Fabricante."
Sa kanilang magpipinsan, si Craid ang pinakamainitin ang ulo. It's easy for him to lose his tempered. Sanay na sila. Kaya nga palaging magkasama ito at si Warren dahil hindi nalalayo ang mga ugali sa isat-isa.
Umismid lamang si Ranso sabay dantay ng likod sa sandalan ng kaniyang upuan.
"He's smart," biglang sambit ni Warren.
At nahulaan niya na ang ibig sabihin nito.
"I think he's like me when I was a kid." Nakangising dugtong nito. Hindi nga siya nagkamali.
Ngumiwi si Zash. "Boring," inikot nito ang mga mata sabay simsim ng alak sa baso nito.
Marahan niyang tinapik si Ranso. "I didn't expect you to be present today... something's wrong?" Naalala niya biglang itanong rito.
Sa kanilang magpipinsan, ito yata ang pinakatamad na dumalo sa kanilang Family Gathering. Simula pa man noong bata pa sila at nabubuhay pa ang kanilang Abuelo, meron talaga silang Family Gathering tuwing sasapit ang Linggo. Si Ranso lamang talaga ang may lakas na loob na umabsent sa kanilang magpipinsan.
Siya naman, madalas siyang ma-late pero humahabol pa din naman siya kahit papaano.
"Tinatanong pa ba 'yan?" napabunghalit ng tawa si Zash habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Ranso.
"Day-off niya," magkapanabay na sambit ni Zash at Warren. Sinundan ng mga ito iyon ng nakakalokong tawa. Laglagan talaga.
Matiim na tingin ang iniukol ni Ranso sa mga ito sabay pulot ng mat na nasa ibabang ng lamesa at agad iyong ibinato sa dalawa.
Sa malas ay si Warren lamang ang tinamaan niyon.
"Uh, three points." Nakangising sambit ni Ranso.
Umismid lamang si Warren sabay bato ng mat sa katabi.
"What the--" inis na inalis iyon ni Zash sa ibabaw ng ulo at itinapon pabalik kay Ranso.
Ngunit nasalo parin iyon ng huli.
"Nakalimutan niyo na bang MVP 'toh." Mayabang na ibinalik nito sa ibabaw ng lamesa ang mat.
"MVP sa pambababae," biglang singit ulit ni Kristha.
"Why are you here? Shoo! Hindi kita kinakausap." Kunot-noong tanong ni Ranso sa kapatid. Halatang hindi ito natutuwa.
Umirap lamang ito, "I don't care."
Lumapit sa likuran niya si Kristha at umakbay sa kaniyang balikat. "I'm here to remind Kuya Cleo na mga bandang alas-tres kami lalarga papuntang mall." Lumawak ang pagkakangiti nito.
"Shopping?" pag-usisa ni Ranso. "With whom? Kay Cleo na naman? Maawa ka naman, Princess. Halos kararating lang ng tao. Makipaglaro ka na lang kay Sam. " Sermon nito sa kapatid.
"I insist, Ranso..." maagap na sagot niya.
Napailing na lamang si Ranso sa kaniyang tinugon. "You're over spoiling this brat."
Ngumuso si Kristha. "Kung ginagaya mo din sana si Kuya Cleo."
"Princess Damulag ka na nga..." komento nito. "Tingnan mo si Sam, talo ka pa ng bata."
Nanlalaki ang mga mata nito. "What?" hindi makapaniwalang sambit nito. "Sa bata mo pa talaga ako ikinumpara. Kung sobrang kagalingan ka pala, bakit hindi mo nabawi 'yong ex mo? Balita ko, ikakasal na siya. So kaya ka nandito ngayon? Nananamlay ka mambabae?" Hindi papatalong kuwestiyon nito nakakatandang kapatid na napasobra yata.
Sina Kristha at Zash ay parang tubig at mantika na hindi puwedeng maghalo. The only common denominator is that they are both unstoppable. Walang preno ang bibig. Dapat nga ay nag-Abagodo ang mga ito.
"Princess!" Halos magkakapanabay na saway nila rito magpipinsan. Huli na sapagkat namutawi na mga labi nito ang dumulas na mga salita.
Tumiim ang bagang ni Ranso at biglang nagdilim ang paningin nito. Padabog nitong ibinagsak ang basong hawak sa ibabaw ng lamesa at walang babalang tumayo.
"Ranso," maagap siyang tumayo at pinigilan ito sa braso.
"K-Kuya, s-sorry..." nauutal na sambit ni Kristha sa nakakatandang kapatid. Huli na nang mapagtanto nitong sumobra ang sinabi.
"Excuse me," anito saka iwinaksi ang kamay niya na nasa balikat nito.
Naglakad si Ranso papasok sa loob ng malaking mansion.
Nanatiling nakayuko si Kristha. "N-Napasobra ba ako?" nanghihina ang boses na tanong nito habang kagat-kagat ang labi.
Tumango si Zash. Nagpace-fall naman si Warren.
"Yep," ani Craid.
Napakamot ito sa ulo. "Sa'n banda, Kuya Craid?" Kinakabahang tanong nito.
Nagkunwaring nag-iisip si Craid. "Doon banda sa hindi kagalingan si Ranso dahil hindi niya nabawi 'yong ex niya na tinutukoy mo." Sinundan nito ng ngisi ang sinasabi.
"Sino ba kasi ang tinutukoy mo, Kristha? At biglang nagalit nang gano'n si Ranso..." Hindi napigilang pag-usisa ni Zash habang humahaplos ang daliri nito sa sariling baba.
Napasulyap siya sa loob ng Mansion. Malamang ay gustong mapag-isa ng pinsan. Halatang hindi nito nagustuhan ang ibinato ng kapatid nito. Sometimes reality is what hurt most talaga.
"Manahimik ka na lamang, Zash." Naiiling na sambit ni Craid rito.
"It's Ate Kyla, his first true love. The only one..." nakayukong sambit nito na ikinasinghap ng mga pinsan nila.
Gulat na napatakip si Zash sa bibig nito.
"F**k! Kyla Zenaida? Hindi ba at ikakasal na 'yon?" Napatayo sa gulat na tanong ni Craid.
"Anong pinagsasabi niyo? How come I didn't know this woman?" Maang na tanong ni Warren sa kanila.
"Busy ka sa pag-aaral niyon, Dude." Halos magkapanabay na sagot nina Craid at Zash.
Natahimik na lamang si Warren sa sulok dahil sa nalaman.
"Akala ko ba, nakalimutan niya na ang babaeng iyon?" malungkot na tanong ni Craid. Nalulungkot ito para kay Ranso.
Nasanay silang nakikita si Ranso na malakas at hindi pinanghihinaan ng loob kaya marahil nakalimutan na nitong magpakita ng kahinaan.
Napabuga siya ng isang malalim na buntong-hininga. "You knew he's a Fabricante... When he decides to keep it, he already mean forever." Aniya sa mga ito.
Kumuyom ang kamao ni Kristha at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa. "And yet, Kyla was dumb to understand it. She didn't deserve my brother in anyways." Galit na sambit nito habang umiigting ang bagang.