“You’re late again,” anunsyo ng inang si Lorena pagkarating ng anak na si Laurent sa Family Mansion ng mga Fabricante.
Agad na nahimigan ni Laurent ang iritasyon sa boses ng kaniyang ina.
Pasimple niyang inilibot ang kaniyang paningin sa paligid ng hardin. Mukhang kompleto na nga ang pamilya at gaya ng dati ay nahuli na naman ang kaniyang dating sa kanilang Family Gathering.
Ngumiti siya sa pinsang si Craid nang magsalubong ang kanilang mga mata at kawayan siya nito. Nasa gilid ito ng pool kung saan nakapuwesto ang isang mahabang lamesa at mga upuan. Kasama nito ang iba pa nilang mga pinsan na naroroon na din.
Himala! Hindi siya makapaniwala na naroroon din ang pinsang si Ranso na ngumisi sa kaniya.
Ibinalik niya ang tingin sa seryosong mukha ng ina. Pasimple niyang ikinamot ang hintuturo sa gilid ng kaliwang kilay bago ibinuka ang bibig upang sagutin ito. “Kinailangan ko pang makipagkita sa isang malaking kliyente, Mom.” Pagod na humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga.
Mas lalo lamang kumunot ang noo nito. “Client?” mariing sambit nito sa mahinang boses. “Who’s that very special client at kinailangan pang ikaw ang umasikaso?” Nanatiling mahina ang boses nito at nag-iingat na walang makarinig na iba sa kanilang usapan.
Napapikit siya nang mariin. “Mom, please…” pakiusap niya rito. “Not now. Let’s talk about this later. At home… Okay?” Lumapit siya rito at maingat na hinawakan ang balikat ng ina bago ito ginawaran ng masuyong halik sa pisngi.
Nakahinga siya nang maluwag nang pilitin nitong ngumiti at hindi na siya kontrahin pa.
Pahabol siya nitong tinawag nang nakakailang hakbang na siya palayo, “Son?”
Muli niya itong nilingon. Hindi pa rin nabubura ang pagkakangiti sa gilid ng mga labi nito.
“Don’t forget to greet your Grandma, hijo. She’s been waiting for you.” Iyon lamang at tumalikod na ito. Nahulaan niya itong papalapit sa kaniyang ama na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga tiyuhin niya.
Tinungo niya ang daan patungo sa kaniyang Abuela at lumapit sa kinaroronan nito.
“Cleo! Hijo…” gulat na sambit ng Uncle Sam niya nang malingunan siya nito. Agad siya nitong hinarang. “My favorite pamangkin.” Lumawak ang kaniyang pagkakangiti nang marahan siya nitong tapikin sa magkabilang balikat.
Kung hindi siya nagkakamali, ilang buwan na din simula nang huli silang magkita magtiyuhin. Gaya ni Ranso ay malimit din itong umattend ng kanilang Family Gathering, palibhasa ay probinsiyano na ito ngayon.
“How’s bachelor’s life?” Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ng kaniyang tiyuhin.
Pasimple niyang ibinulsa ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang suot na pantalon. “Sa awa ng Diyos,” he announced. “Getting old and wise, Uncle Sam.”
Tumangu-tango ito. “Magaling! As expected from you, hijo. Anyway, balita ko’y hindi mo pa raw ipinapakilala ang long-time girlfriend mo. Why is that, huh?” Sumimsim ito ng kopita mula sa baso habang hindi inaalis ang titig sa kaniya. Nagulat siya at maging iyon ay nakarating na agad rito.
“Mangyayari din ‘yan, Uncle.” Makahulugang sagot niya sa kaniyang tiyuhin na ikinatango nito.
“Iyan,” he denoted. “Hindi nga ba at iyan ang sinasabi ko sa inyong magpipinsan palagi? Ganiyan nga dapat, hijo. Huwag masyadong magmadali. Enjoy your bachelor’s years first, while it lasts. Trust me, I’ve been there.” His Uncle Sam’s words always filled with wisdom. Isa ito sa nagugustuhan niya rito.
Nakangisi siyang tumango rito. “I understand, uncle.”
“At ano na namang kalokohan ang itinuro mo sa pamangkin mo, Sam?” biglang sulpot ng kaniyang Tita Clarita na asawa nito. Natutuwang lumapit siya at humalik sa pisngi nito. Wala namang ipinagbago rito.
“How are you, ‘nak?” Mahinahong tanong nito sa kaniya.
Napasulyap siya sa kaniyang tiyuhin. Parang naulit lamang ang usapan nila nito kanina ngayong kaharap niya na ang asawa nito. “I’m fine, Tita.” Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi na sagot niya rito.
Tumango ito saka tinapunan ng sulyap ang asawa. “Samuel, mukhang nalunok mo na yata ang dila mo,” istriktong pagtataray nito nang hindi sagutin ng kaniyang Uncle Samuel ang tanong nito.
Nagkibit-balikat lamang ang kaniyang tiyuhin at itinaas ang hawak na basong may laman na wine sa asawa. “Ibinihagi ko lamang sa pinakapaborito kong pamangkin ang teknik ko noong kabataan at rason kung bakit hindi mo na ako pinakawalan, honey.” Inakbayan nito ang nakakunot-noong asawa at sinenyasan na siyang sumibat.
“Teknik?” labas sa ilong na tanong ng Tiyahin niya sa asawa nito. Inilipat nito ang titig sa kaniya kaya naman hindi siya makapagpaalam. “Huwag kang makikinig sa kalokohan nitong Uncle mo, anak,” kontra nito sa sariling asawa.
Pinanlakihan ng mga mata ang Tiyuhin na animu’y nahihiya. Inalis nito ang kamay na nakaakbay sa asawa. “Why are you contradicting me, Honey?” may himig hinanakit na tanong nito sa asawa. “Look at Cleo. He’s bright and handsome as me when I was in his age. Don’t disagree ‘cause you knew the most, how popular I was to girls before. Pipikutin mo ba ako kung hindi?” Confident nitong tinitigan ang natamemeng tiyahin niya.
Kinabahan tuloy siyang bigla para sa Uncle Sam niya nang pag-ukulan ito nang masamang titig ng kaniyang Tita Clarita.
Naiwang nakaawang ang mga labi ng kaniyang tiyahin dahil sa sinabi ng Uncle Sam niya. “What?” pinikot nito ang tainga ng asawa. “You’re right, Cleo is bright and handsome dahil isa siyang Fabricante, Samuel. Alam na iyan ng lahat at puwede ba huwag mo nang gamitin na pangbuhat sa sarili mong upuan ang mga pamangkin mo?” Salubong ang kilay na sermon nito sa asawa.
Hindi niya alam kung matatawa o maaawa sa kaniyang Uncle Sam. Kagat-labi lamang siyang nakikinig sa asaran ng mag-asawa. Sanay na siya sa mga ito dahil sabi nga ng Grandma niya, gano’n lang daw talaga maglabingan ang dalawang mag-asawa.
Siya naman ang hinarap ng kaniyang tiyahin. “Cleo,” mahinang sambit nito sa pangalan niya. “Huwag kang basta-basta magpapaniwala sa Uncle Sam mo, hijo. Walang magandang babae na katulad ko ang mamimikot sa isang babaerong kagaya ng tiyuhin.” Umikot ang mga mata nito sa ere.
Napakurap siya at pinilit na itinago ang ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi nang makita ang epic na reaksyon sa mukha ng kaniyang tiyuhin.
“Sige po,” alumpihit na sambit niya sa mag-asawa. Sinulyapan niya ang kaniyang tiyuhin na sunod-sunod na napalunok sabay simsim ng alak mula sa kaniyang baso. “Puntahan ko muna si Grandma.” Maagap na paalam niya sa dalawa.
Nakangiting tumango ang kaniyang tiyahin sa kaniya.
“Ikaw talaga, Samuel! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa pamangkin mo.” Rinig niyang sambit ng tiyahin niya habang papalis.
Hindi tuloy maalis ang kaniyang ngiti habang papalapit sa kinaroronan ng kaniyang Grandma. Nakahinga siya nang maluwag pagkarating niya sa harapan ng Abuela. Nakaupo ito katabi ng iba pa nilang mga Tiyahin.