CHAPTER 2

1089 Words
Napahugot ng isang malalim na buntong-hininga si Shiloh. "Why did you take her with us?" she whisphered at Kyla’s ear. Inginuso niya sa kaibigan ang nahuhuling si Keshia sa kanilang likuran. Nandito sila ngayon sa mall upang bumili ng ire-regalo niya para sa graduation ni Dan bukas. Niyaya niya si Kyla na samahan siya upang tulungan siya nito sa pagpili ngunit hindi niya inaasahan na magsasama rin ito ng iba. "Trust me." Ipinulupot nito ang kamay sa braso niya. "She has a taste for fashion. She can help us." Ngumiwi lamang siya rito. "A taste for fashion o sadyang puro paganda lamang ang alam?" she probed. Minabuti na lamang ni Kyla na manahimik. Kilala nito ang kaibigan, lantarang may masasabi at masasabi ito hangga't tutol sa isang bagay. Soon enough, the secretary's good qualities will be visible to the eyes of her best friend. Huminto sila sa Tiarra's Botique. "Good morning, Ma'am!" nakangiting bati ng staff sa kanila saka sila inaanyayahang pumasok. Pumilantik ang mga daliri ni Kyla sa ere nang lingunin nito si Keshia sa kanilang likuran. "Isha, come here." Shiloh's eyebrow raised in surprised. Hindi niya maalala kung kailan lang ito nag-umpisa magbigay ng nickname sa kapalit nitong sekretarya. They seemed to be close now. Inilibot niya ang mga mata sa loob ng boutique. May namataan siya na isang babaeng namimili na sinusundan ng mga staffs. Agaw atensyon ito sapagkat aligaga ang nakalarawan sa mukha ng mga staffs na nnakasunod dito. "Ano sa palagay mo ang magandang iregalo sa isang college graduate na lalaki?" Kyla asked the Slacker. Hindi niya na hinintay ang sagot nito at nauna nang maglibot. Dan loves his collection of rubber shoes kahit na halos hindi na nito nagagamit ang iba sa mga iyon at display na lamang. Kaya naman iyon ang iniisip niyang iregalo para rito. "Miss, gusto kong makita ang mga bagong designs ng male rubber shoes niyo," blangko ang ekspresyon na utos niya sa babaeng sales lady na nakasunod sa kaniya. "Just follow me, Ma'am." Nauna nang maglakad ang babae upang i-guide siya papunta sa area na hinahanap. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang designs ng rubber shoes na panlalaki. Nalilitong nilingon niya ang staff. "Miss, can you suggest me a design?" Paghingi niya sa opinyon nito. Nakangiti itong tumango saka pinasadahan ng tingin ang mga rubber shoes na nakadisplay. "Ma'am, ito po." Iniabot nito sa kaniya ang kulay puti na high cut ngunit simple lamang ang design. "Simple po siya pero malakas ang dating kapag isinuot. Iyan din po ang pinakabago sa designs ng shop namin for rubber shoes." Ilang segundo niya ding pinakatitigan ang hawak nito saka muling nagsalita. "Thank you. I'll consider your suggestion, Miss." Lumingon siya sa paligid at hinanap si Kyla at ang kaniyang bagong sekretarya para sana hingin din ang opinyon ng mga ito pero hindi niya maapuhap. White is good. Agree siya sa mismong sinabi ng babae ngunit si Dan ang pagbibigyan niya. Her brother always love the limelight. Palibhasa'y spoiled, popular, matalino at talented sa halos lahat ng sports. Asan na ba kasi si Kyla at ang bagong sekretarya nito? "Excuse me," pasintabi niya sa staff at naglakad paalis. Binitbit niya ang isang paa ng rubber shoes saka bumalik sa kaniyang pinanggalingan kanina para sana hanapin ang dalawang kasama. Napahinto siya nang may marinig siyang ingay sa kabilang pasilyo na matatanaw sa bandang kanan niya. "Ako ang unang nakakita niyan, Goober!" rinig niyang pabulyaw na singhal ng isang babae. Napakunot ang kaniyang noo pagkakita kung sino ang sinigawan nito. Walang iba kundi ang empleyado niyang si Slacker. Itinago naman ng empleyado niya ang hawak nitong necktie. "Ano ba, Kris?" nakakunot ang noong tanong nito sa babae. "Ako ang unang nakakuha nito. Bakit mo inaangkin?!" Literal na tumaas ang kaniyang kilay nang mapagtantong magkakilala ang mga ito. Hindi lang iyon, mukhang napakadaming nickname ng Slacker na ito. Nanlalaki ang mga mata ng babae saka may inilabas na card mula sa purse nito. Kung hindi pa nito iyon itinaas sa ere ay hindi niya malalaman kung ano iyon. "Do you have this master card?" patuyang tanong ng babae kay Keshia. Her secretary was taken aback by what the lady showed. "W-Why, y-you're-" agad itong pinutol ng babae. "What?!" halatang nanghahamon talaga ito ng away. "Ituloy mo." Ngumisi ang babae at tinawanan ang sekretarya niya. Asan na ba kasi ang kaibigan niyang si Kyla? Hindi ba at magkasama lamang ang mga ito kanina? Maging ang mga staffs at ibang namimili ay nanonood na sa komosyon ng mga ito. Naglakad siya palapit sa mga ito. "Saka mo na ko kalabanin kung mas mayaman ka na sa'kin, Goober." Itinuro nito ang necktie na hawak ni Keshia. "That necktie can only be bought by the owner of this Black Mastercard. Kaya ibigay mo na sa'kin 'yan kung ayaw mong mapahiya lalo." Mayabang na deklara ng babae. Pakiramdam niya ay mas lalo lamang nag-init ang kaniyang ulo sa sekretarya niya dahil sa nasaksihan. "Really?" hindi papatalong tanong ni Keshia. "Bakit ba napakayabang mo umasta? Para sabihin ko sa'yo, may pera din akong pambili. Hindi ko na kailangang magbitbit ng ganiyang klase na Mastercard para lamang manakot ng ibang tao." Pumalakpak siya. It was a very dramatic entrance. Kahit papaano'y nakabawi agad ito dahil sa sinabi nitong iyon. Iyon ang unang pagkakataon na napabilib siya ng kaniyang bagong sekretarya. Maang na napatitig sa kaniya ang babaeng may bad attitude. "Keshia," mahinang tawag niya rito. Halatang nagulat ito nang lingunin siya. "Nakahanap na ako. You don't have to worry about it anymore. Give it to her. Mas higit ang pangangailangan niya sa hawak mo." Nakangiting sinulyapan niya ang babae at tinanguan ito. Nalaglag ang panga ni Kristha pagkakita sa isang napakasikat na CEO. Pinagpalit-palit nito ang tingin sa babae at sa hampas-lupa na kaklase nito noon. Hindi ito makapaniwalang magkakilala ang mga dalawa at magkasama pa ngayon. Nakangiting nilingon ni Keshia ang malditang babae. "Here," isinabit nito iyon sa kamay ng babae. "Hindi mo na kailangang mag-thank you." Mabilis na naglakad palapit sa kaniya si Keisha. Agad itong yumuko nang makahulugan niya itong titigan. Marahil nakaramdam ito ng hiya. "Thank you, Miss Carisel." Sobrang natutuwa ito sapagkat tinulungan ito ng sariling boss mula sa malditang Krista na iyon. "Kristha!" hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang isang baritonong boses. "Kuya Laurent!" malakas na sambit ni Kristha. Narinig iyon ni Shiloh maging si Keisha kaya naman hinawakan niya ang huli sa balikat. Ngunit kung sinuman iyon ay wala nang pakialam si Shiloh. "Stay still," maagap na utos niya sa huli. "Huwag ka nang lumingon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD