11 - Perfect

1244 Words
Chapter 11: Perfect Nagtungo kami sa kaliwang bahagi ng school na kung saan makikita ang malaking pader na may mga sulat-sulat na pinta. Napakagat-labi ako at si Fiona naman ay napalawak ang mga mata. We did not expect na ganito pala ang ipagagawa sa amin ni HM. "You have to repaint this wall, lalo na 'yang mga pinta diyan na nakasulat," ngiting usal ni HM. "But-" si Fiona. "Gusto mo bang ikaw na lang mag-isa, Fiona?" sarkastikong tanong ni HM, nakita ko ang paglunok niya. Ngumiti siya ng sobrang pilit. "Heto na nga po, sisimulan na namin," anya at lumapit na sa wall, bago niya gawin ang pagpipinta ay bumaba muna ang balikat niya. Napatingin pa muna ako kay HM at kay Caleb na nasa tabi lang. Tinanguan ko sila bago nila kami nilisan. "Bakit ba kasi pumayag pa ako e inamin mo rin namang kasalanan mo ang lahat," she spoke. Hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi siya habang sinasabi 'yon. "E 'di umalis ka," walang kagatul-gatol na usal ko. "Ngayon pa?" she exclaimed. "Gusto ko ng diretsahang sagot, Fiona," I seriously glared. "B-bakit? Inaano kita?" she stuttered. "Ano bang problema mo sa'kin?" seryosong tanong ko without looking at her kasi alam ko naman na hindi niya matatapatan ang tingin ko. "Mind your own business," anya dahilan upang tingnan ko siya ng masama. "Tell me, kung bakit niyo ako ginaganito? Inaano ko ba kayo?" galit na usal ko. "Gusto mong malaman?" taas-kilay na wika niya. "Kanina ko pa tinatanong!" inis na sigaw ko sa pagmumukha niya. "Pwes! Ayaw ko sa'yo! Masyado kang pabida! Mang-aagaw ng atensyon!" sigaw niya rin sa mukha ko. I was taken aback. Napahinto ako ng ilang saglit. Hindi pa kasi nagsisink-in sa isipan ko ang mga sinasabi niya "Hindi ko naman kasi hinihiling sa'yo o kahit na sinuman dito sa akademya na gustuhin ako, at hindi ako kailanman naging bida-bida lalong-lalo na ang pang-aagaw ng atensyon, hindi ako ganoon," I defensively uttered. She pursed her lips. Imbes na sumagot ay itinuloy na lang niya ang kanyang pagpipinta, pero dahil sa inis ko ay umangat ako, lumipad ako sa hangin. Nagulat pa siya dahil sa ginawa ko. Dumistansya ako ng ilang metro. A purple magical circle started to form below my toes. Itinapat ko ang kamay ko sa malaking wall. "Fase de reversión!" I casted. 'Ibalik sa dati!' My hands glowed. The purple mist flew in the whole surface of the wall. Sinakop nito ang kabuuhang bahagi ng pader at sa isang iglap ay bumalik sa dati nitong anyo. Nawala na ang mga guhit-guhit doon. Nang lumapat ang mga paa ko sa lupa ay nakita ko pa ang malawak na mga mata ni Fiona. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. At tila natatakot siya. 'Yes! I can do that.' "Stop messing with me, Fiona, hindi mahaba ang pasensya ko, at sasabayan kita kung 'yon ang gusto mo, and 'yong nangyari kagabi, palalampasin ko muna pero 'pag may nangyari ulit, hindi ko na alam," banta ko sa kanya na halos mapalunok siya tapos ay iniwan ko na siya roon. Subalit, bago ako makalayo ay may narinig akong sinabi niya na ikinapintig ng tenga ko. Pinaiinit niya talaga ang ulo ko. Ako na nga kasi itong nagpapakumbaba para sa kapakanan niya pero mas pinipili niyang masaktan. "What if ayaw ko?" she sneered. Nilingon ko siya mismo sa kinatatayuan ko. May limang metro na ang layo namin. Ngumisi ako sa sinabi niya. "Bahala ka," I shrugged and grinned. "Wag kang magmagaling dahil hindi lang naman ako ang may galit dito sa'yo," sabi niya pero mariin ko lamang siyang tinanguan, pang-insulto lang. "Okay," usal ko pa. Hindi siya nagsalita ng ilang mga segundo, hanggang sa mapagpasyahan ko na umalis na lang at hindi pansinin ang sinabi niya. Wala rin naman akong pakialam sa sinasabi niya. Sumipol-sipol ako habang tinutungo ang klase namin. Laboratory kami ngayon at ngayon din namin malalaman ang result sa ginawa naming potion kahapon. Pumasok ako, nakatingin pa sa'kin ang lecturer namin at ang mga kaklase namin. I walked inside and bowed my head, nakita ko si Myrtle na nasa likuran kung saan ang desk namin. Nakangiti siya habang tinitingnan akong papalapit. "San ka galing?" she uttered. Tinuro ko ang labasan. She frowned then rolled her eyes annoyingly. "Seriously?" she asked again, mas seryoso. "May tinapos lang na community service," paliwanag ko. "W-what?" she exclaimed. Napalingon tuloy ang mga kaklase namin. "You two, can you lower down your voice there?" Napatungo ako ng ulo dahil sa kahihiyan. Siniko ko si Myrtle. "Ingay mo kasi," I sneered. "Ikaw 'tong mas may issue dito e!" inis na bulong niya sa'kin. "Okay class, ngayon ko na ia-announce sa inyo ang mga pumasa sa potion making, pwede na kayong manggamot using them," turo niya sa mga umiilaw na botelya na nasa gilid. "Gosh! Sana makapasa tayo!" "Oo nga!" "Hala, kinakabahan ako!" Ang over-reacting talaga nila, naiimbyerna tuloy 'yong pandinig ko. "Okay, listen, sa loob ng silid na ito, may dalawang nakakuha ng perfect score," usal pa ng lecturer namin. "Woah!" "Sino kaya?" "Sana tayo!" "Sila ay sina Miss Salamanca at Miss Fyere, let's give them a round of applause!" aniya. Nabingi ako sa tili ni Myrtle, pero mas nabingi yata ako sa result na narinig ko mula kay ma'am. Totoo 'yon? Then, napansin ko 'yong taong nasa pintuan, hindi siya sumisilip, napadaan lang yata pero nakangiti siya sa akin. 'Cute, cute!' "Uyy! Si Caleb oh," bulong ni Myrtle, naramdaman ko pa 'yong init ng hininga niya. "Oo, nakikita ko Myrtle," palatak ko. "Ito naman, seryoso e!" she rolled her eyes. Pero ang saya ko kasi nakuha namin ang perfect score which is sobrang nakakaproud din at the same time. Worth it naman 'yong pagod naming dalawa sa activity na 'yon. I sighed. Umalis na si Caleb, napadaan lang talaga yata siya. "That's all for today, you may go," pagpapahintulot niya sa aming lumabas. Nang makalabas na kami ay tsaka kami nag-fist bump ni Myrtle. After we did that ay tsaka kami nagulantang dahil nasa harapan namin ang dalawang cute na lalaki. Bakit ba? Tuloy, si Brace nagiging cute na rin dahil sa kakasama niya kay Caleb, tsk. "Oh! Kayo pala?" si Myrtle na nagulat. "Kami nga, anyway, pinapasundo pala kayo ni HM," usal ni Caleb while his both hands are in his back. Tinuro ni Myrtle ang sarili niya, "Including me?" Tumango si Caleb. "Hmm." "Bakit daw?" I asked. Tiningnan niya ako tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis. "It's for you two to find out," he meaningfully said. I frowned. Bakit ba ang hilig nilang magpabitin? Ang hilig nila sa misteryo. Konti na lang maiinis na talaga ako. "Let's go?" alok nila. Tumango naman ako ganoon na rin si Myrtle. "Hmm," I agreed. Ano naman kaya ang kailangan sa amin ni HM? Natapos ko naman na 'yong parusa niya sa amin kanina, wala naman akong linabag na kautusan, kaya napapaisip ako kung bakit niya kami pinasusundo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD