12 - Astral Plane

1210 Words
Chapter 12: Astral Plane While trudging our way to the office, I noticed something odd with Caleb. His aura changed a little bit. Like, he was not with himself. I frowned with my weird realization. I winced. "Ano bang sasabihin sa amin ni HM?" asked Myrtle. Buti na lang at madaldal ang isang 'to, unfortunately, hindi man lang sila sumagot sa kanya. Kanina madada sila peron nang maglakad na kami towards the office ay parang nalagyan ng shoe glue 'yong mga bibig nila. Seryoso sila habang naglalakad, parang robot. Napansin ko ang restraints sa kanilang mga pala-pulsuhan. My brow raised. Hindi ako sure kung restraints ba talaga ang mga 'yon or simpleng mga bracelets lang. Weird thoughts. Nang marating namin ang office ay una kaming pinapasok, sumunod naman silang dalawa after. "Mukhang bumubuti ang performance ninyo," bungad sa amin ni HM. "Hehe," napakamot si Myrtle sa batok niya. "Pinatatawag niyo raw po kami, HM," I spoke. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair habang nakalagay sa kanyang likuran ang dalawang mga kamay. Ngumiti siya sa amin. He motioned his right hand and in a snap, a floating old-antiquated paper appeared in front of us. "Inaatasan ko kayong dalawa na sumama sa unang misyon ng limang Alpha sa taon na ito, gamitin ninyo ang mga natutunan ninyo sa paggawa ng healing potion upang mabigyang lunas ang kung sinuman sa inyo ang magkaroon ng galos o sugat habang nasa gitna ng misyon, tinatanggap niyo ba ang unang hamon sa inyo?" tuluy-tuloy na tanong niya sa amin. I incessantly winked, misyon? "Kyaaah? Really HM?" hindi makapaniwalang tili ni Myrtle. "Hmm," tumango si HM tsaka niya ako nilapatan nang tingin. Imbes na sumagot ay mas pinili ko na lang na tumango sa kanya. I just can't feel this thing right now. I mean, ang bagu-bago pa namin tapos misyon agad? For what? "Mainam, kung ganoon ay maghanda na kayong dalawa dahil bukas ng madaling araw ang alis ninyo, don't worry, idi-discuss ko bukas kung saan at paano, okay?" HM added. "Understood?" dagdag pa niya ulit. Dahil wala kaming choice-I mean wala akong choice ay napasang-ayon na lamang ako, tutal gusto rin naman ito ni Myrtle at kasama rin namin ang mga Alpha. Okay. I sighed. "Yes, HM," we uttered. "Then, you may go," anya at umalis na kami sa office niya. Naiwan naman sina Caleb at Brace. Pagkadating namin sa dorm ay kaagad na nag-ayos ng mga gamit si Myrtle. Ano bang akala niya sa misyon? Bakasyon? Napailing ako. "Ano ginagawa mo?" nanggigil ako bigla. "Nagbabalot, ano pa ba?" she rolled her eyes. "Tss! Misyon ang pupuntahan natin, hindi bakasyunan," umirap din ako. "Ano ba! Like to like!" pumintig na naman ang tenga ko dahil sa ka-conyohan niya. Sumampa ako sa kama ko, "Bahala ka," usal ko tsaka pumikit. Matapos siya roon sa ginagawa niya ay napansin kong nahiga na rin siya, nakatingin sa ceiling. "Ano kaya ang misyon natin?" she asked out of nowhere. I selflessly shrugged. "Ewan ko," sagot ko. Pareho kaming nagmuni-muni, nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa akin. Hindi ko siya nilingon, pinagmasdan ko lang siya through it. Naalala ko ang suot kong amulet na binigay ni lola. Naalala ko na naman siya. "Alam mo ba ang tungkol sa forbidden charm?" she opened up out of the blue. Nilingon ko siya, nakadapa na pala siya while her hands are supporting her head. She raised her left brow while in a state of inquisitive. Mausisa rin ang isang ito. I hemmed. I winced. "I just heard it once from my lola," I replied. "Really? Your lola must be in a high ranking when she studied here," she vigorously said. "She's a retired instructor here," napatingin ako sa ceiling, I really miss her. Parang gusto ko na lang maglaho at pumunta sa kanya ngayon. "Really!?" she unbelievably exclaimed. "Hmm," I answered. Narinig ko ang paggalaw niya roon sa kama niya, umalis siya sa kama niya at sumampa rito sa akin. "Then, you knew about it," she insisted. I frowned, "Sa ano ba?" "Shunga! Doon sa forbidden charm na sinasabi ko!" sinigawan pa talaga ako. "What about doon?" I asked perfunctorily. "Haist! Kabanas ka naman e! Apaka-sutil mo!" galit-galitang usal niya na pumamewang pa. "Ikaw 'tong nagtatanong ta's ikaw pa galet?" I raised my brow. "E wala ka naman yatang interes sa tinatanong ko sa'yo!" "Ngayon mo lang napansin?" I smirked. "Tina!?" "What the hell, Myrtle!" I exclaimed. Paano ba e sinigawan na naman ako na parang bingi akong kausap. Tsk! Kainis 'tong babae na 'to, may topak yata sa ulo o siguro may sayad. Napailing na naman ako. "Diyan ka na nga," anya at umalis sa kama ko, pumunta siya sa kama niya at humiga while facing the other sideof the room. Magsawa siyang kaharap ang pader. Napangisi ako while looking her back. I just don't like or want to talk about that forbidden charm. Wala ako sa mood every time nao-open topic ito and kaya nga forbidden. Everyone should be forbidden to tackle about it or whatever. Bago ko makuha ang antok ko ay napahawak ako sa amulet na suot ko at naalala si lola. "Konting tiis lang ito lola, makakauwi rin ako," I murmured and grasped my drowsiness. Nagpasakop ako sa kadiliman na dulot ng pagsara ng talukap ko habang idinuduyan ako nito sa kawalan. 'Sana hindi tama ang nararamdaman ko sa misyon na magaganap bukas.' Ilang mga oras, sa kailaliman ng gabi, nagising ako. Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko ay nararamdaman ko na ang kakaibang nangyayari sa katawan ko. Nagmulat ako at nabigla nang makitang nakikita ang sarili ko na mahimbing na natutulog sa kama. "What is this?" I asked to myself. Napatingin ako sa sarili, my body was floating at nakikita ko ang pagiging transparent ng katawan ko. See through kumbaga. Naalala ko ang mga sinabi ni lola. "The Astral Dimension, much like the Mirror Dimension, coexists alongside the Material Plane. However, to access it, one must successfully be separated from their physical form, existing in a state of pure energy," naalala kong sabi niya. Sa mga panahong 'yon ay nasa meditation kami. Itinuro niya sa akin ang tungkol dito, especially sa astral dimension at ang mirror dimension or most likely, pareho lang. Sa astral, humihiwalay ang kaluluwa sa totoong katawan habang ang oras ay bumabagal sa pagtakbo, para lang siyang sa lucid dreaming pero sa lucid dreaming ay nasa normal na takbo ang oras unlike sa astral. Sa mirror dimension naman, kapag pumapasok ang isang tulad ko sa dimension na 'yon, kung ano ang nasa material dimension ay naroon din sa mirror pero kung anuman ang nangyayari sa mirror dimension ay hindi nito naaapektuhan ang totoong mundo. Parang parallel universe lang. "So, this is the astral plane," I uttered. Pero ang ipinagtataka ko ay kung papaano ko na-unlock ang astral kung natutulog ako, or maybe I wasn't in the astral plane but in my lucid dream. Kasi pansin ko ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng oras and isa pa, wala ako sa bingit ng kamatayan. 'Gulung-gulo ang isip ko, haist!' Pero kung anuman ang ginagawa ko rito ay maaaring may nais na ipakita sa akin ang kakayahan ko na maaaring magbigay sa akin ng benepisyo sa present time and sa future na mangyayari pa lamang. Kung anuman 'yon ay kailangan kong malaman. So, I left my body sleeping and went outside. Nakapagtataka lang kung bakit napasok ko ito nang hindi ko namamalayan, maybe because, binibigyan ako ng babala ng kapangyarihan ko. 'I should prevent something that is going to happen.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD