Ako naman ay humarap na sa pintoan ko at hinanap ko yung doorknob kaso wala akong mahanap. Tinulak ko yung door kaso hindi ko ma buksan kaya no choice ako kundi katukin si Irish sa loob ng kwarto nya.
Matapos kong katukin yung pintoan nya ay agad itong bumukas at dumungaw yung head nya kaya medjo nagulat ako.
"Yes Daiana may kaylangan ka?" - tanong naman nya agad sa akin.
"Ahh... Pano ko ba ito mabuksan? Walang doorknob kasi e Hindi ko ma buksan."-tanong ko agad sa kanya.
"Teka..." - sabi nya at tila nag-iisip sa isasagot nya.
"Ayon sa nalalaman ko tungkol dyan sa design na yan ay dapat magbigay ka ng kapangyarihan sa kanya para magbukas yan. Tama yun nga. Palabasin mo lang ng kunti yung kapangyarihan mo tapos bubukas na yan ng kusa."-sagot niya naman agad sa aking katanongan.
"Ha? Pano yan wala akong power's?"-pagdadahilan ko naman sa kanya.
Napatingin naman sya sa akin na parang hindi sya makakapaniwala sa sinasabi ko.
"you mean hindi mo alam na may kapangyarihan ka? Ever since hindi ka pa ba nakagamit ng powers mo?"-takang tanong naman niya sa akin.
Umiling na naman ako bilang sagot pero may naalala ako.
"Pano yan hindi mo yan ma buksan pag-.."-pagpapaliwanang naman niya
"May naalala akong parang magic na lumabas sa kamay ko nung nasa Althera pa ako."-me
"oh di yun ang gamitin mo para mabuksan yan."-Irish
Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at agad na humarap sa pintoan ko at pumwesto sa defense na position at agad kong pinag x yung dalawa kong forearms at nang biglang nagkadikit yung dalawang gintong metal sa forearms ko ay naglabas iyon ng napakatinding kapangyarihan.
Sumabog iyon at kumalat sa buong floor. Pagkatapos ay tumayo ako at inayos ang sarili ko.
"Whoaaahhh grabe ang lakas nun ah."-manghang sabi nya sakin habang nakabukas na ngayon ng malaki yung pintoan nya.
"Napasubra ba?" - tanong ko sa kanya.
Tumango naman sya sa akin bilang sagot.
"well sabi ko kunti lang naman diba? Hindi naman kailangang lakasan, kahit nga aura mo lang mabubuksa mo yan."-Irish
"What the hell is that!!!"
"KYYYAAAAAHHHHH!!!!!!"
"TANG INA NAGBIBIHIS AKO SINO NAGBUKAS NG PINTO!!!!"
Sabay naman kaming napatingin ni Irish sa buong paligid.
Nang mailibot ko na ang aking paningin ay nakita kong nakabukas lahat ang pinto. May mga naka sandal sa pintoan may parang natataranta may walang pake at may nagtatakang tumingin sa amin.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa nangyari. Di ko naman kasi inakala na ganun ang mangyayari eh sorry naman.
"Care to Explain Miss Juacion?" - biglang tanong ng isang babae sa kaliwa namin.
Maganda sya. Maputi ang balat at maluwag ang kanyang damit pero ang pinagtataka ko lang ay ang kanyang mga paa. Hindi kasi ito naka lapat sa sahig.
"Well I told her to give a little bit of her power to open that door, a little bit but she give more than I thought. And by the way she is new."-pagpapaliwanag ni Irish don sa babae.
Biglang lumiwanag naman yung mukha nung babae at ngumiti ng napakalaki tsaka lumipad papalapit sa amin.
" Hi I'm Aira Joy Garcia just call me joy and you? "-pagpapakilala naman nya sa kanyang sarili sa akin.
Nagpakilala naman ako sa kanya pagkatapos ay nakipagkamayan na rin ako sa kanya.
Matapos naming magpakilala sa isat-isa ay sinamahan nila ako sa loob ng aking kwarto. Pagkapasok naming tatlo roon ay nag paalam naman si Irish sa aming dalawa at iniwan ako kasama itong si Joy, may mahalagang gagawing importante pa raw kasi si Irish.
Well kahit kakakilala ko lang sa kanila ay ayaw ko naman silang maabala pero itong si Joy ay pinipilit talagang tulongan ako dito sa pag-aayos ng aking kwarto.
Matapos naming maayos ang aking mga gamit ay pinapili nya ako sa isang Gallery di umano para sa design nitong aking silid.
Pero sini-set aside ko nalang muna ang pag-dedesign nitong kwarto ko.
Tinuroan naman nya ako kung ano gagawin pag nakapili na ako. Pagkatapos ay umalis na sya dito sa aking silid.
At dahil kakagising ko lang kanina ay nanghihina na naman ang aking katawan. Feeling ko na drain lahat ng aking lakas ngayong araw na to.
Kaya inayos ko yung aking kama at natulog na.
_________________
A/N:
Sorry sa matagal na update, hopefully nagustohan nyo ang chapter na ito.
Please votes and comment. Thank you ???