Chapter 16: "Dormitory"

4953 Words
%@ the Althera% "My Queen, The prophecy was already fulfilled. What are we going to do?" Muli kong binaling ang aking paningin sa labas ng palasyo. At piniling manahimik nalang kesa sa aking sagutin ang tanong ng ikalawang babaylan. Tumayo ako at naglakad patungo sa terrace ng palasyo. Nilasap ko ang malamig na hanging pumapasok ngayon dito sa loob ng palasyo na marahang dumadampi sa maganda kong mukha. Chos. ?. (Yaan nyo na ngayon lang naman to di naman madalas paminsan minsan lang. Hahahaha.) "Victoria... The Fifth Element has awaken and the seal was broken..." "I know. I know." - putol ko agad sa pananalita ng aking nakababatang kapatid na bigla nalang sinuka ng kapaligiran. "The Time has come and we can't stop it." - pag tutuloy ko sa aking minumungkahi. "Then what are we going to do?" - hinarap ko ang aking kapatid at binigyan ko sya ng matamis na ngiti. "Well... We need to reach her and give her some notice to make her aware for the future." -pagkatapos kong sabihin yun sa kanya ay tinalikuran ko na sya at naglakad papunta sa labas. Balak kong magtungo sa templo na sadja ko pang pinagawa para sa darating na pagkakataong ito. Pinagawa ko ang templong iyon ayon sa hiling ng kanyang ama sa akin, para ng sa gano'y maabot ko sya mula sa malayo sa pamamagitan ng panaghinip. Napabuntong hininga nalang ako habang nag lalakad. Kung pwedi ko lang sanang baguhin ang tadhana hindi sana mangyayari ito. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalapit na ako sa pintuan, pero bago pa man ako makalabas ay narinig kong muli ang boses ng aking kapatid. "How can we reach her? If we are going outside to this island, we may never came back."-Magayon "We use the secret temple." - agarang sagot ko sa kanya. "Just follow me, I need your help to reach her."-me Nag patuloy lang ako sa paglalakad ng tahimik. Ramdam ko naman ang presensya ng aking kapatid na tahimik na sumusunod sa aking likuran. Binalot kami ng katahimikan at wala ni isa sa amin ang bumabasag nito. Ang tanging maririnig mo lang sa paligid ay ang ingay ng mga insectong gising sa gabi. Hindi naman masyadong madilim dahil may buwan ngayong gabing ito, kaya hindi ako nahirapang maglakad na walang dalang ilaw dahil napakaliwanag naman nito. Ng makarating kami sa templo agad kong binuksan ang tarangkahan at marahas na itinilak ito para mabuksan. Nang ganap na itong magbukas ay walang alinlangang pumasok ako. Sumunod naman ang aking kapatid sa pagpasok sa loob. Nang makarating na ako sa rebulto ng aking anak, ay agad kong sinimulan ang dapat kong gawin. Bago ko maipikit ang aking mga mata ay nakita kong nag dasal ang aking kapatid. She cast a spell for the retual. Dahandahang lumabas ang liwanag mula sa kanyang dibdib, tumindi ito ng tumindi hanggang sa magsabog ito ng napakatinding liwanag. After nyang magliwanag ay gumapang ang mga ito sa kanyang paanan patungo sa akin. Naging bilog ang mga ito at nagliwanag ng kulay dilaw na may halong mala chocolateng kulay. Pinikit ko naman ang aking mga mata at inisip ang imahe ng aking nag-iisang anak. Maya maya ay may nakita akong mga ningas na ibat-iba ang kulay sa paligid. May asul, berde, pula, dilaw na may halong malachocolateng kulay at puti. Yung iba purong malinis na mga kulay at yung iba ay may halong mga itim, may ibang kunti lang ang itim, may iba namang kalahati lang at yung iba ay kunti nalang ang nagliliwanag na kulay. Di kalayuan sa akin ay ang isang ningas na kulay puti. Ningas na natatangi sa lahat ng ningas na nasa paligid. Bagamat katulad sya ng kulay ng ibang ningas na sumisimbola sa ikalimang elemento, pero ang ningas na ito ay may angking sariling liwanag na nagpapahiwatag na naiiba ito sa lahat. Nag lakad ako palapit sa ningas na iyon. Nang ako'y makalapit na, napangiti ako at inisip muli ang imahe ng aking nag-iisang anak. Maya maya ay nagsialisan ang ibang ningas sa paligid at unti-unti nawawala hanggang sa maiwan ang nag-iisang ningas na lumiliwanag ng napaka tinding puting liwanag. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at dahan dahang hinawakan ang ningas at kasabay ng paghawak ko nito ay sya ring pagsabog na napakatinding liwanag, bahagya ko pang ipinikit ang aking mga mata para hindi masilaw. Ramdam ko naman ang bahagyang paghila nito sa akin papunta sa isang dereksyon. Di nagtagal ay bigla akong huminto mula sa pagkakahila ng hawak kong liwanag at ng iminulat ko ang aking mga mata ay nasa harap na ako ng natutulog kong anak. ________________________ %Daiana's POV % Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata pero bago ko pa naman maimulat ito ay agad ko namang ipinikit muli dahil sa nakakasilaw na liwanag na bumungad sa akin. Bahagya ko pang kinusot-kusot ang aking mga mata para mawala ang sakit niyon dulot ng pagkakasilaw sa liwanag. Nang medjo bumutibuti na ang aking pakiramdam ay muli kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad naman sa akin ang puting kesame at puting kurtina. Lasap na lasap ko ang amoy sa paligid na nagsasabing nasa iisang lugar lang ako. Walang duda, nasa pagamotan ako, dahil amoy na amoy ko ang amoy ng alcohol at mga herbs, maging ang amoy ng mga panggamot na dahon at potion na gawa ng mga manggagamot ay amoy na amoy ko. May masangsang ang amoy may matapang ang amoy at meron ding banayad ang amoy at yun ang mas nangingibabaw sa lahat. Nakakarelax at talagang napaka bango niyon. siguro sinadja ang gamot na iyon para marelax ang mga pasyente sa pagamotang ito. Napabaling naman ako sa aking soot. Nabigla naman ako ng wala ang aking mga damit at nakasoot lang ako ng clinic gown. Well ano pa bang aasahan ko kapag nagising ako sa loob ng silid ng pagamotan diba? Napabuntong hininga nalang ako at nilibot ang aking paningin sa buong paligid. Napalibotan pala ako ng puting mga kurtina. Sa bandang kanan ko ay ang isang maliit na mesa na may nakapatong na bulaklak na ibat-ibang kulay at parang fresh na fresh from garden. May ibat-ibang prutas naman sa isang basket na katabi ng bulaklak at may naka-sinding kandila. Nabaling naman ang paningin ko sa isang upoan. Doon naka patong ang aking mga damit at mga sandata. Maayos na naka tupi ang aking mga damit at nakapatong naman dito ang aking mga sandata. Umupo ako mula sa aking pagkakahiga at dahan-dahang iginalaw ang aking mga paa. Well maayos naman ang aking pakiramdam pero kahit na wala na akong iniindang sakit eh dahan-dahan parin akong gumagalaw para hindi masyadong mabinat ang aking katawan. Nang makalapat na sa malamig na sahig ang aking mga paa, ay tumayo ako at nag lakad palapit sa aking mga damit. Akmang huhubarin ko na sana ang sout kong Clinic gown ng biglang nahawi ang kurtina. Napabaling naman ang aking tingin sa humawi ng kurtina. kitang kita ko ang gulat na mga mukha nila Steve at ng kasama nitong tagapangalaga ng mga pasyente. (Pano ko nalaman? Well dahil sa soot nya heheheh.) Inilingan ko nalang sila at itutuloy na sana ang paghuhubad. Pero hindi ko pa naman lubusang natanggal ay sumigaw na ng malakas ang tagapangalagang babae na nasa harapan ko. "KKKYYYYAAAAAAHHHHH!!!!!!!!" - Buong lakas nyang sigaw na nagpagulat sa akin. Agad naman syang lumapit sa akin at pinigilan ang aking mga kamay na ibababa na sana ang sout kong hospital gown. "WHAT THE HECK!!! ARE YOU DOING BABAE!!!?" - Malakas na sigaw ni Steven sa akin. Bahagya pa nga akong napatalon sa gulat eh. "Aahhhmmm....... mag huhubad para mag bihis?" - patanong kong sagot sa kanya. Humarap naman sa kanya ang katabi kong babae at nilapitan sya nito. pilit syang pinaharap sa likuran nya at marahang itinulak palabas ng ward ko. "Whoh! whoa! Easy lang nakakasakit ka na." - angal nya sa babae na tumutulak sa kanya. "masasaktan ka talaga kapagtumingin ka sa kanya na nagbibihis. Umalis ka dito at umupo doon. Shu shu." - pagtataboy nung babae kay steven habang tinuturo ang isang maliit na sofa di kalayoan sa amin. Lumapit naman si Steven doon at umupo. "Ano!?" - inis na sigaw ni Steven sa babae na nakatingin sa kanya. "Wag na wag kang lalapit dito hanggat hindi ako lumalabas. Wag kang mamboso kundi matatamaan ka sakin." - banta nung babae at humarap sa akin tapos hinawi yung kurtina pabalik sa dating kinalalagyan nito. Inayos ayos nya ito, at nang matapos na sya sa ginagawa at masigurong maayos na ang kurtina ay humarap ito sa akin. " Tulongan na kita. "- pag-aalok nya ng tulong sa akin. Tumango nalang ako sa kanya kaya lumapit sya sakin at tinulongan na nya akong mag palit ng damit. "Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nahihilo?" - sunod-sunod nyang tanong sa akin. Tiningnan ko naman sya sa mga mata at umiling bilang sagot sa kanyang mga tanong. Ngumiti naman sya sa akin at tumayo ng matapos ko ng masoot ang aking mga damit. Pinulot ko naman ang aking mga sandata at humarap sa kanya. "Well kung may mararamdaman kang kakaiba ay bumalik ka nalang dito para maagapan kaagad. Ok ba?" "Okay."- sagot ko naman sa kanya at nginitian sya ng matamis. "And thank you." Ngumiti naman sya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Wala yun... Tungkolin ko bilang healer ang pangalagaan ang mga naka confine dito kaya wala yun." - nakaramdam naman ako ng pagka proud sa kanyang sagot kaya nginitian ko nalang sya. Tumayo na ako at lumabas ng silid. Paglabas ko ay nakita ko si Steven na nakaupo sa sofa habang hinihintay ako. " kumuista de salud. (kumusta na ang iyong pakiramdam) "- tanong naman nya agad sa akin. Nagulat naman ako sa pagsasalita nya sa lengwahe ng mga taga Aeryndel. "etrashi e aeryndel? (you speak Aeryndelian)" - takang tanong ko sa kanya. "etrashine isa. (You speak it to. )" - sagot naman nya sa akin. "aiklesha Le etrashi handareso ofelangwesha, aire de birtres so andaresmalak neshie govo in bada. (I told you we speak hundreds of languages, we are the bridges of understanding between good and bad)"-sagot ko sa kanya "owh i see." - nagkibit-balikat naman sya at muling tumingin sa paligid. "Well okay naman wala naman akong naramdamang maskit o pagkahilo. Feeling ko okay lang naman ang condition ng katawan ko." - sagot ko naman sa unang tanong nya. Bumaling naman sya sa akin at tumayo. "Well I think it's time to go." - usal nya at naglakad patungong pintoan. "Go where?" - takang tanong ko sa kanya. "To your room."-steven Ay oo nga pala hindi ko pa pala na puntahan yung kwarto ko. Akmang susunod na sana ako sa kanya ng biglang pigilan ako nung babaeng healer na nasa aking likuran. "Pero bago kayo umalis check ko muna yung kalusugan mo okay?" - tumango naman ako sa kanya bilang pagpayag sa gagawin nya. Pinaupo nya ako sa sofa at tumabi naman sya sa akin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at pumikit. Maya maya ay nagliwanag ng kulay asul ang parte ng kanyang dibdib at gumapang ang mga ito sa braso nya hanggang sa umabot ito sa kanyang mga kamay na nakahawak sa aking mga kamay. Bahagya pa akong napatalon ng maramdaman ang malamig na dulot ng asul na liwanag na unti-unting gumagapang sa aking mga kamay. Naramdaman naman iyon ng kaharap kong healer kaya sinabihan nya ako na wag akong matakot at tanggapin ang kapangyarihan nya. Well naninibago pa rin ako sa mga nakikita kong mga kapangyarihang yan. Pero kahit na ganun ay Sinunod ko naman ang kanyang sinabi at ni relax ko ang aking sarili. Ramdam ko naman ang patuloy na paggapang ng asul na liwanag na ayon sa kanya ay kapangyarihan nya diumano. Napakalamig niyon. Singlamig ng tubig sa dalampasigan. Banayad at napakalinaw at ang sarap sa pakiramdam. Ramdam na ramdam kong sinusuri nito bawat himaymay ng aking katawan. Unti-unti naring gumagaan ang aking pakiramdam. Di nagtagal ay unti-unting bumabalik sa kanya ang asul na liwanag. Gumapang ito pabalik hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Gayon pa man ay ramdam ko parin ang lamig at payapang dulot nito sa akin. Nginitian ko naman sya at nagpasalamat sa kanya bago tumayo at sumunod kay Steven na nasa labas na. Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Steven na nakasandal sa isang poste. Nginitian ko naman sya at nilapitan. "Oh bat ganyan ka makatingin sa akin?"-tanong ko agad sa kanya ng makalapit na ako. "Bakit ang tangal mo sumonod?"-steven "Natagalan lang naman ako dahil sinuri pa nung healer ang aking kalusogan pagkatapos chikahan kami ng kunti kaloka feeling close nga eh." - pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi naman sya nagsalita at tumalikod na sa akin, at nagpatiunang maglakad. Well ako naman, ay sumunod lang sa kanya kesa naman maiwan ako rito na mag-isa naku di ko pa naman alam ang buong lugar na ito. Ang laki pa naman ng paaralan na ito baka maligaw pa ako. Tinakbo ko naman ang distansyang namuo sa pagitan naming dalawa at nang makalapit na ako sa kanya ay tinumbasan ko ang bilis ng kanyang pagkakalakad. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa harap ng isang gintong gusali. Pumasok kami doon at naglakad patungo sa di ko alam na dereksyon. Kinalabit ko naman si Steven. "Aahh ano tong lugar na to?" - tanong ko sa kanya. "Ito?... This is the administration building." - sagot nya habang patuloy parin sa paglalakad. "dito sa building na ito matatagpoan ang mga offices ng mga teachers ng bawat houses. Dito rin makikita ang Registration office, cashier office. And even the Headmasters office." pagpapaliwanag nya at huminto sa harap ng isang window glass. Registration Window. Basa ko sa placard sa itaas ng glass window. " Oh anong ginagawa natin dito? "- takang tanong ko sa kanya." Akala ko ba pupunta tayo sa aking. "-me " Hindi pa natin alam ang dorm number mo so please sit there and be a good girl okay? Just behave." - tumalikod na sya sa akin at humarap sa glass window at kinausap nya yung babae sa loob ng registration. Ako naman e sa good girl naman ako e di umupo nalang at nanahimik. Maya maya ay humarap sa akin si Steven at pinalapit ako sa kanya. Lumapit naman ako sa kanya at nang makalapit na ako ay inabot nya sa akin ang isang panulat. At isang transparent na salaming umiilaw. "Lagdaan mo yan para ma register ka na sa School na to." - kinuha ko naman yung inabot nyang panulat at nilagdaan ang isang transparent na salaming umiilaw. Pagkatapos kong malagdaan ay kinuha na nung babae yung transparent na salamin na nilagdaan ko tsaka pinasok sa isang machine. Amazing nga e kasi pagkatapos nyang pinasok yung nilagdaan ko e gumana ng kusa yung machine. Napansin ko ring may lumalabas mula sa machine na kinukolekta nung babae. Di ko nga lang masyadong nakikita. "ahhh steve... Bat may lumalabas doon sa machine? Ano ba yung mga yun." - tanong ko kay Steven habang hindi ko parin hinihiwalay ang aking tingin sa machine. "ahhh yan? Yang mga yan ay ang mga gamit mo dito sa school. Yang machine na yan ay nakakunekta doon sa technology warehouse." - sagot nya sa tanong ko. "Ang technology warehouse ay isang lalagyan ng mga gamit ng bawat istudyante dito sa academyang ito." Napatango nalang ako sa mga sinasabi nya. Well ayos din sya magsagot ha. Infairness nag e explain din sya. Lumapit naman sa amin yung babae at inabot sa amin ang bitbit nyang box na cartoon. Di nga ako makapaniwala eh. Alam nyo yun? Yung pang formal tapos magalang then prebadong opisina tapos aasa ka na aabutan ka ng mga magagarang gamit na nakaayos ang pagkatupi at pagkasunod-sunod tapos ganito? Grabe ano to? Seriously. Tsk. "ito na pala yung mga gamit nya. Lahat ng kaylangan nya nasa loob ng box na to at pasensya di ko inayos naiihi na talaga ako." - pagpapaliwag nya. "Steve paki assist muna sya okay? Bye hindi ko na talaga kaya lalabas na." And ayon *poff* nawala ng bigla sa harapan namin yung babae. Well na aawa pa nga ako sa kanya e. Kung alam ko lang na nagpipigil na pala sya ng ihi, idi sana tinanong ko pa sya ng maraming marami choss. Di biro lang. " Well tara na at ng makapagpahinga ka na rin."-steven Hindi na ako hinintay ni Steve na makapagsalita at naglakad na sya patiuna sa daan. Well ako naman sumusunod lang sa kanyang likuran habang bitbit ko itong kahong ito. Naglakad lang kami hanggang sa makalabas na kami ng building. Paglabas namin ay lumiko kami pakanan at tinahak ang daang patungo sa likurang bahagi ng building. Nang maka-abot na kami sa likuran nitong gintong gusali ay tanaw na tanaw ko ang limang gusali na ibat-iba ang kulay. Pinangungunahan ito ng kulay pulang building mula sa kaliwa. Kasunod nito ang berding building at puting building naman ang kasunod tapos Dilaw na may nakahalong malachocolateng kulay at kasunod nito ang asul na gusali. "Ahhh Steve, bakit ganyan yung kulay ng mga building?" - tanong ko kay steve na nasa unahan ko. "That building is our Dorm, and that colours of the building represents of your elements and families." - pagpapaliwanag nya. "Luhh pano yan di ko pa alam yung elements at families ko." - nangalumbaba naman akong lumapit sa kanya. "it's ok we already know we're you belong." - nakangiting saad nya sa akin. Nginitian ko naman sya nang marinig ko iyun. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng puting building. Humarap naman si Steven sa akin at nagsalita. "This is our dorm. sa kaliwang bahagi nitong gusali ay sa mga babae at sa kanan naman ay sa mga lalaki. Isa sa mga rules and regulations dito sa Dorm na mahigpit na ipinapatupad ni Headmaster ay ang pagbabawal na pumasok ang mga babae sa right wing gayun din ang mga lalaki sa left wing. Kaya hanggang dito nalang tayo magsasama at hindi na kita maihahatid sa kwarto mo dahil bawal akong pumasok sa territoryo nyo. "-pagpapaliwanag nya sakin. " What? Are you nuts? Hahayaan mo kung hanapin ko yung room ko ng mag isa? e di ko nga alam kung saan yung room ko no... hello! , tsk! "-bulalas ko naman sa kanya matapos s'yang mag salita. " Hi guys!!! Sorry natagalan ako may inasikaso lang. " Napatingin naman ako sa nagsasalita sa likuran ni steve. Di ko pa nga sya makita e kasi natatakpan sya nitong asungot na to. Pero alam kong babae sya kasi nga boses babae sya. Humarap naman si steven sa likuran nya at kumaway. " Kanina lang kayo? "-tanong agad nung babae nang makalapit na sya sa amin. "Hindi naman masyado."-sagot ko sa kanyang katanongan. Bumaling naman ang kanilang nga tingin sa akin. Napanganga pa nga ako dahil sa angking gandang taglay ng babaeng nasa aking harapan. Para syang Dyosa. Ay mali anghel pala. Pero literally anghel talaga sya dahil may dalawang malalaking pakpak sya sa likod nyang kulay puti at maging ang kasuotan nya, pati narin ang kanyang buhok puting puti rin na abot hanggang binti ang haba. Ginto naman ang kulay ng kanyang mga mata at ang kinis pa ng kanyang mukha. Ang ganda nya talaga. Kung pwedi lang ligawan liligawan ko na talaga to. "Ohws... sya na ba yung bagong dating.?" - excited na tanong nung anghel. Tumango naman si Steve bilang sagot nya doon sa anghel. Lumawak naman ang ngiti ng anghel at walang pag-aalinlangang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "ow ow ow. OMG ang ganda nya. At ang..." - napatigil naman sya sa pagsasalita at di makapaniwalang tumingin sa mga kamay ko. Sinuri pa nga nya ito ng mabuti eh. "Roughness." - pagtutuloy nya sa kanyang pagsasalita. "anyway... Magaling ka siguro sa pakikipag laban duel tayo minsan ha." -masiglang sabi nya. Ako naman e sa hindi ako sanay sa pakikipaglaban kaya sinagot ko sya ng. "Sure. When?" - o diba hahaha "nga pala, bago ko makalimotan. I'm Irish Janice Juacion. From the house of Thralgerion, you can call me janice, nice, jan, irish, ai, rish, or anything that you may feel comfortable to address me. nice to meet you ."-pagpapakilala nya sa sarili nya bago yumoko. Ginaya ko naman ang kanyang ginawa at nagpakilala rin sa kanya. Pagkatapos naming magpakilala sa isat-isa ay iginiya na nya ako patungo sa aking silid. Nagpaalam narin kami kay Steven na tinatahak ang boys wing. Hindi na nya kami pinansin at nag patuloy nalang kami sa paglalakad. Di nagtagal ay huminto kami sa isang pader. Well malinis dito ah. Infairness Makintab yung ding-ding na kulay asul at kisame na kulay puti. pati na rin tong kulay brown na sahig na may red carpet. (Char may pa redcarpet pa silang nalalaman ha alam kaya nila na darating ako. Well Anyway, si ateng anghel i mean si irish mga guys ang wierd, kinakausap nya yung pader, anong meron kaya dun sa pader. Baka may multo na nakatayo doon, may gad naman ang weird ng mga tao dito ah. Nagsasalita ng mag-isa, kausapin ko din kaya sarili ko ng hindi ako ma board. Ganun din naman si ateng anghel kinakausap nya yung pader.) Humarap naman si Irish sa akin at inilahad nya ang kamay nya. "Akin na ID mo." - paghihingi nya sa ID ko. "Ha aahh.." - patay wala akong ID. Napansin naman nya yung pananahimik ko kaya lumapit sya sa akin at hinalungkat yung daladala kong box. Hinawakan ko naman yun ng mahigpit para hindi malaglag. May nakuha naman syang parang square na white sa box na aking hawak. Feeling ko yun na yung ID na tinutukoy nya. Ay oo nga pala sabi pala nung babae kanina. Lahat ng kaylangan ko na sa box na ito. Mamaya hahalungkatin ko talaga tong box na ito. Matapos nyang kunin yung ID sa Box. Ipinasok nya iyon sa maliit na butas sa pader na para bang pinasadya talaga dahil kunti lang yung butas, parang maliit na guhit lang na kasya yung ID. Matapos mawala yung ID ay umilaw yung pader tapos nahati sa gitna at bumukas, pag-bukas niyon tumambad sa amin ang malaking kwarto. Pumasok naman ako sa loob at inikot ko ang aking paningin sa loob. "ito na ba kwarto ko? Bat walang gamit at higaan? Teka walang bintana? Pano makakapasok yung hangin?" - sunodsunod kong tanong kay irish. "Nop this room is not your room. This room is an elevator!! ." - masiglang sagot nya sa akin. Ano daw? Teka ano yung elevator. Matanong nga. "ano yung elevator?" - tanong ko sa kanya. tiningnan naman nya ako ng may pagtataka. " ahh itong elevator? Ito yung isang silid na kapag gusto mong umakyat sa mataas na palapag ng isang gusali eh hindi kana mahihirapan pang maglakad sa hagdan, dahil gamit ang elevator ay mapapadali ang iyong pag-akyat ng walang kahiraphirap at hindi mo na kina kailangan pang gumamit ng hagdanan."- pagpapaliwanang niya sa akin. (Ahhhh yun pala yun ahhh ok gets ko na, kaya pala elevator yung tawag e from the word elevate e lulutang ka ng walang kahirap hirap.) " Pano naman pag gusto mong bumalik sa baba? Paano ito mapapagana? "-tanong ko sa kanya. Heheh. " semple lang pumasok ka lang dito sa loob at sabihin na bababa ka o aakyat. Kagaya nito." - tumikhim naman sya para siguro ma clear yung lalamonan nya. Tapos pumasok sya sa loob at nagsara yung pinto. " 5th floor please." - biglang sabi nya. "Ms. Juacion are going to the fifth floor how about you young lady?" - medjo nagulat naman ako ng biglang nagsalita itong elevator. "Ahhh she's with me, where going to her room." - sagot agad ni Irish. "ok we're her." - bigla namang tumunog yung para bell na maliit at bumukas yung pinto. Seriously? Parang hindi naman kami gumalaw kanina ah. "thanks for the ride." - pagpapasalamat ni Irish dun sa elevator. "My pleasure Ms. Juacion. Have a nice day." Pagkasira nung elevator agad na kaming tumalikod at muling naglalakad. "So Anong room Number mo?"-tiningnan ko naman sya na may pagtataka. Nang hindi ako sumagot ay sya na ang unang nagsalita sa aming dalawa. "Hindi mo ba alam yung Room number mo?" - tanong na naman nya sa akin. "Room number?"-tanong ko naman sa kanya. "Oo room number yun yung number ng room mo para hindi ka maligaw dito sa dorm at makapasok sa ibang kwarto." - pagpapaliwanag nya naman. "Hindi ko alam yung sinasabi mo."-me "hindi ba sinabi sayo ng registrar kung anong room number mo?"-tanong nya ulit sa akin. Umiling naman ako bilang sagot sa kanyang katanungan. "ok, hawakan mo nalang ng mabuti yang dala mong box at may hahanapin lang ako sa loob n'yan ha, ok lang ba yun sayo?"-pagpapaalam nya sa akin sa gagawin n'yang paghahalungkat sa bitbit kong box. "Ahh o-oo. Oo ok lang." -sagot ko naman sa kanya. Lumapit naman sya sa akin at sinimulang halongkatin tong dala kong box. Maya maya ay sumilay ang matamis nyang ngiti sa kanyang mukha. "gotcha!" - masiglang sabi nya ng may nahanap sya sa loob ng box na aking bitbit. Tiningnan ko naman yun. Simple lang sya parang isang maliit sa parisukat na kasize nung ID ko. Napansin naman nya yung pagtitig ko dun sa hawak nya kaya mas lalong ipinakita nya ito sa akin. "This is your card. Without this you cannot enter to your room and your room number ay nakasulat sa card na ito. But don't you worry after nating ma register itong card mo dito sa dorm mawawala yung lahat ng numbers dito sa mga rooms at mapapalitan iyon ng mga names nyo. "-pagpapaliwanag na naman nya sa akin. Bigla naman akong napaisip doon sa last nyang sinabi. " Mga names? "-naku wag nya sanang sabihing may kasama ako sa isang kwarto. " oo mga names kagaya ko, sa room ko nakasulat yung name ko sa pinto kaya madali lang mahanap dahil narin sa disign na pinili ko sa aking pinto."-pagpapaliwanag nya. "design?" - tanong ko na naman. Hindi ko na talaga to masasaulo nagugulohan na talaga ako sa mga nangyayari sa araw na to. "oo Design, bawat rooms dito at doors ay may mga design, pero nakadepende iyon sa kung sinong naninirahan doon. And it seems your room number is 284 so let's proceed to room 284 para masubukan mo yung mga sina sabi ko." - nakangiting sagot na naman nya ulit sa akin. Matapos ay naglakad na kami sa hallway at hinanap yung room number ko. Pansin ko nga rin na totoo yung mga sinabi nya dahil kapansin-pansin yung mga magagarang desenyo ng mga pintuan dito. Di nagtagal ay nahanap namin yung room number ko. Napatingin naman ako sa door 282. Simble lang sya, purong puti na May mga ulap na desenyo at sa room 283 naman ay kulay ginto lang. Lumapit naman si Irish sa pinto at pinasok sa maliit na butas yung card ko diumano pagkatapos ay humarap sya sa akin at tumabi. "introduce yourself to the door for registration." - utos nya sa akin. Sinunod ko naman sya at pinakilala ko ang aking sarili sa pinto. At habang nagsasalita ako ay lumalabas yung mga letra sa door. Nang matapos ko nang ipakilala ang aking sarili ay biglang may mga larawan ang lumabas sa aking harap. Napatingin naman ako kay Irish upang humingi ng tulong at tila nalaman naman nya yung nais kong ipahiwatig kaya nagsalita siya. "Pumili ka dyan sa mga larawan na yan kung anong gusto mong design sa door mo." - sabi nya sa akin at sinunod ko naman iyun. Agad naman akong pumili dun sa mga larawan sa harap ko kaso wala akong matipohan kaya wala akong napili don sa mga pinapakita na larawan. "May napili ka na ba? Kung wala maaari mong e swipe yung mga larawan pa kaliwa o kanan para makita mo pa yung ibang mga larawan na pagpipilian. Tapos kapag nakapili ka na ay pindotin mo lang yung napili mo." - tumango nalang ako sa kanya at ginawa ang mga sinabi nya. Matapos ang matagal kong pag swa-swipe ay nakakita ako ng isang larawan na nakakuha talaga ng aking attention. Pinindot ko yun at bigla-bigla nalang nag-iba yung pintoan at agad-agad na nawala at napalitan yun ng... "Univers?" - takang tanong ni Irish sa akin habang nakatoon yung paningin nya sa aking pintoan. Ang ganda nga e para kang nasa loob ng spaceship na nasirayung pintoan. Ramdam na ramdam mo panga yung parang pwersa na hinihigop ka palabas ng spaceship. "pano mo na activate yan?" - takang tanong nya sakin. "Ah pinindot ko lang at naging ganyan na sya pagkatapos. Bakit wala pa bang nakakapili sa design na to?" - takang tanong ko na naman sa kanya. "No one can activate that kind of design, because it consume a high stamina and more powers even Headmaster can't activate that design." - napatigil naman sya at naging parang isang baliw na tatango tango. "Sounds interesting." - dagdag nya. "So ikaw na bahala mag-ayos ng gamit mo sa loob ha, at maiiwan na kita rito dahil may gagawin pa ako sa aking silid. Kung may kailangan ka kumatok ka lang dito sa pintoan ko." - sabay turo nya sa pintuan katapat ng kwarto ko na may nakalagay room 285 Irish Janice Juacion. Napatingin naman ako doon. Simple lang yung design, kulay puti na may mga bulaklak na desensyo. Pumasok sya doon at nag paalam sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD