Chapter 15: "Awakening"

3564 Words
WARNING: The Story and the Scenes are all fictional. Any similarities of the actual names, Descriptions of the story are all coincidence only. Please do not mind all the wrong grammars and typos in this story. Edited version will be release as soon as this story completed. It'll need much time and effort so please wait patiently and please do not judge the authors work if you do not like its plot and sequences, for all you know that nobody's perfect and so do I. Thank you for welcoming me in this site and continue being with me for the next years. Thank you. ____________________________ ALL RIGHTS RESERVED The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission. ________________________________________ %Daiana's POV % Source Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Ngunit ng ganap ko ng naimulat ito ay nag taka ako sa aking nakikita. Bahagya ko pang kinusot at pinikit ng ilang beses para makapagadjust ang aking paningin ngunit kahit anong gawin ko ay ganun parin ang aking nakikita. Purong kadiliman lang ang aking nakikita sa buong paligid. Anyari? Sira na yung ilaw? Pero bakit wala akong makitang kahit anong liwanag sa paligid? Di kaya. Bulag na ako? Kinapa-kapa ko yung buong paligid ngunit wala akong ibang makapa kundi ang sulidong malamig na sahig na kinahihigaan ko. Napaisip tuloy ako kung bakit sa sahig ako natulog. Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at naglakad-lakad sa gitna ng kadiliman. Ngunit sa ilang minutong paglalakad ko ay wala parin akong mahagip na kahit anong bagay. Kahit ang pader ay hindi ko mahagilap wala rin akong magagamit na maaaring pagsimulan ng apoy. Source Biglang nagtayoan ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang isang malamya at banayad na boses sa di ko alam kung saang dereksyon. Mahina lang ito ngunit sapat na para marinig at maagaw niyon ang aking attention. Napatingin naman ako sa buong paligid ngunit wala parin akong ibang makita kundi ang purong kadilimang bumabalot sa buong paligid. Source Ani muli ng kaparihong tinig. Medjo may kalakasan na ito ng kaunti kumpara sa unang narinig ko. "May tao ba dyan!" - sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid. Bahagya pa akong nanginig dahil sa nakakatakot na dating niyon. Hinintay ko ang sagot ng kahit na sino ngunit kahit kaluskos man lang ay walang tumugon sa tanong ko. "Hello... May tao po ba dyan!!??" - nilakasan ko pa ng kunti ang aking pagsigaw para marinig nila ngunit gaya ng dati ay wala paring sumagot sa tanong ko. Nanlumo naman ako dahil hanggang ngayon ay wala paring sumasagot sa tanong ko. Mukhang wala nga talagang ibang tao dito maliban lang sa akin. Napaupo nalang ako sa sahig na kinatatayoan ko at niyakap ko ang aking mga tuhod at siniksik sa ilalim ng aking mga braso na nakapatong sa mga tuhod ko ang aking mukha. Nagsilabasan naman ang aking mga luha sa aking mga mata, dahil sa isiping hindi ako makakaalis dito sa lugar na ito. Paano nga ba ako makakaalis dito? Bakit ba ako nandirito? Ano tong lugar na to? Bakit ako nag-iisa dito? Paano ako napunta dito? yan ang mga katanongan na umusbong sa aking isipan habang umiiyak. Siguro kung hindi lang ako umalis ng aming isla siguro hindi ako napadpad sa lugar nato. Siguro kapiling ko si ina ngayon. Nanikip lalo ang aking dibdib dahil sa pangungulilang umusbong sa aking puso. Kahit isang araw pa lang ang lumipas ay aaminin kong labis akong nangungulila sa aking inang reyna. Buong buhay ko ngayon lang ako nahiwalay sa kanya. Kumusta na kaya sya? Okay lang kaya sya? Source Ani muli nung tinig na narinig ko kanina. Muli kong inangat ang aking ulo at pilit hinahanap ang pinang galingan ng boses. Ngunit gaya ng dati ay wala parin akong maaninag na kahit ano maliban lang sa purong kadiliman na bumabalot sa buong paligid. "May tao ba dyan. Kung sino ka man please magpakita ka naman." - naluluhang sigaw ko. Palingalinga lang ako sa buong paligid habang umiiyak. Di nagtagal ay may nakita akong isang maliit na liwanag singliit iyon ng buhangin sa dalampasigan. Nag mula ito sa aking harapan palalapit sa akin. Nang makalapit na ito sa aking harapan ay may sumunod namang isa mula sa kanan ko. Lumapit din ito sa aking harapan at huminto sa tabi nung naunang liwanag. Maya maya ay nagsilabasan ang mga maliliit na ningas mula sa ibat ibang dereksyon at lumalapit ito sa naunang liwanag kanina na nasa harapan ko ngayon. Nang makalapit na ang iba ay dahan dahang Umikot ang mga ito. Umikot ng umikot ang nga ito hanggang sa bumilis iyon ng bumilis. Walang tigil ang paglapit ng ibang ningas at sumasabay sa pag-ikot nung mga naunang ningas. Naging mas Mabilis ang ikot nito hanggang sa pati yung hangin sa paligid ay sumasabay narin. Bahagya pang tinangay ang buhok ko dahil sa hanging umiikot sa paligid. Ganun parin ang pag-ikot ng mga ningas sa harapan ko. Lumalaki ito ng lumalaki hanggang sa maging isang portal na ang mga ito. Bigla akong napaisip kung si Steven kaya ang may gawa nito? Kung ganuy susunduin na nya ako. Biglang umusbong sa isipan ko ang pag-asang makakaalis na ako sa lugar nato. Ngunit nagbago iyon ng lumabas ang isang tao mula sa portal at nagsabog ng napakatinding liwanag na syang dahilan para maipikit ko ang aking mga mata at maitakip ang aking mga braso sa aking mata para maprotektahan ang mga iyon sa nakakasilaw na liwanag. Ng maramdaman kong humihina na ang liwanag ay dahan dahan kong ibinaba ang aking mga braso at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, para makita ang buong paligid. Bahagya ko pang ikinurap-kurap ang aking mga mata para makapag-adjust sa liwanag na nagmumula sa taong nasa aking harapan. Tahimik lang syang nakatayo sa aking harapan habang tinititigan ako ng napaka seryoso. Naka sout siya ng puting cloak na may malaking hood. Nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha ang soot n'yang hood. Bahagya pang umiilaw ng puti ang kanyang mata na nakatitig sa akin. Kahit anong pilit kong aninagin ang kanyang mukha ay hindi ko magawa dahil sa parang may kung anong bagay na nakaharang sa kanyang mukha para hindi sya makikilala ng kung sino man. Bigla naman syang ngumiti sa akin at inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan. Maligayang pagdating... source. Usal nya. Kay tagal kong hinintay ang pagdating ng pagkakataong ito. "Sino ka?... " Hindi ako sinuka. Nilikha ako ng Dios at dumaan sa portal kanina kaya hindi ako sinuka "Ahhh oo nga hindi ka nga sinuka pero ang tanong ko po ay sino ka.. ."-pagtatanong ko ulit sa kanya. Hindi ako sinuka.... "Oo na oo na hindi ka na sinuka nilikha at dumaan sa portal kanina. Pero pwedi bang pataposin mo muna ako sa pagsasalita? Ha pwedi ba?"-medjo inis ko nang sambit dahil sa ka pelosopohan nitong nilalang na ito. Tumango lang sya bilang sagot sa akin kaya pinagpatuloy ko ang aking tanong sa kanya kanina na hindi natapos. "sino ka? In English who are you? What's your name? Pano ako napunta rito?" - tanong ko sa kanya na ikinangiti nya ng malawak. Ahhh yun pala yun dapat inayos mo kasi ang pagsasalita. Anyway... Hindi mo ba ako naaalala? Tanong nya habang ipinapakita sa akin ang isang maliit na kulay gintong sagisag na nagliliwanag sa kanyang noo. Sagisag na sumisimbolo sa ikalimang elemento. Ngunit kahit lumiliwanag ito ay hindi ko parin maaninag ang kanyang mukha. Napaisip naman ako sa aking Nakikita. (Alam ko ang sagisag na yan at iisang nilalang lang ang alam kong nagtataglay ng ganyang simbolo sa noo. Ang tangin nilalang na sumagip sa akin nung muntik na akong makagat ng mga lubo sa gubat. Ang puting lubong muntik ng magbuwis ng buhay para sa akin.) "Seraphim." - kasabay ng pagbanggit ko sa kanyang pangalan ay ang pag-ihip ng malakas na hangin na syang dahilan para maalis ang soot nyang hood mula sa kanyang ulo at ang pagliwanag ng kanyang mukha. Unti-unting nawala ang tila puting ulap na nakatakip sa kanyang mukha na ngayon ko lang na pansin. Hanggang sa mawala ito nang tuloyan at napalitan ito ng mukha ng isang lalaking maputla na may puting buhok at puting kilay at pilik mata. Maging ang kanyang mata ay purong puti. Mabuti at ako pa'y iyong naaalala. Source. Nahila naman ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang kanyang boses. "Paano ito nang yari ? hindi ba't isa kang lobo?" - takang tanong ko sa kanya. Oo lobo ako nung una tayong nagkita ngunit ang lobong iyon ay isa sa mga anyong ginagamit namin kapagka wala kami sa mundo namin. "So ibig sabihin tao ka talaga?"-tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin. Hindi Sagot naman nya sa tanong ko. Nagtataka naman akong napatingin sa buong katawan nya. "So ano ka?" Isa akong spirit Source. Elemental spirit guardian. At nandito ako para gisingin ang natutulog mong kapangyarihan. "kapangyarihan? Ako may kapangyarihan?" - takang tanong ko habang tinuturo ko ang aking sarili. Tumango naman sya sa akin bilang sagot. "Pano nangyari iyon? " Malalaman mo rin sa tamang panahon Source Tumabi naman sya sa akin at hinawakan ang aking balikat. Napatingin naman ako sa liwanag na malaking bolang puti sa aking harapan. Ngayon alam ko na. Hindi pala sa kanya nanggagaling ang liwanag kanina kundi sa bolang ito na natatakpan nya kanina. "Ano naman ang bagay nato?" - takang tanong ko sa kanya habang tinuturo ko yung malaking puting bilog ng liwanag na nasa harapan namin. Iyan? Iyan ang puso ng elemento mo, ang natutulog mong kapangyarihan. Sagot nya sa katanongan ko. Pumasok ka sa loob nyan at hanapin ang puting lubid na nakakunikta sayo at hilahin ito papunta sa iyo. Nagulat naman ako sa sinabi nya. "Ako? Papasok sa loob nyan? Are you kidding me." - bulalas ko sa kanya. Mukha ba akong nagbibiro source? "Wait wait wait... Kanina pa yang source source na yan eh hindi naman source ang pangalan ko ah." Malalaman mo rin sa tamang panahon, ang kailangan mo lang gawin ngayon ay sundin ang ipinapagawa ko At makinig. kailangan mo na ring magmadali dahil kinakailangan ka na ng iyong katawan. Kahit ayaw ko ay napipilitan akong sundin ang iniuutos nya para makaalis na ako sa lugar na to. Humakbang ako papalapit sa malaking bilog ng liwanag at akmang hahakbang na sana ako papasok sa loob nito ng marinig ko ang kanyang nga paalala. Tandaan mong hindi madali ang gagawin mo dahil maaari mo itong ikamatay. Iisang beses mo lang itong maaaring gawin kaya kung mabigo ka man ay buhay mo ang kapalit, kaya huwag na humag mong bibitawan ang lubid na hahatakin mo dahil aatakihin ka nito at papatayin pagnabitawan mo ito. Kaya kahit anong mangyayari ay huwag na huwag mong bibitawan iyon hanggat maaari. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon na naiintindihan ko ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Mag-iingat ka Daiana. Huling habilin nya sa akin. Nginitian ko naman sya ng matamis. "I will." - sagot ko sa kanya at humarap na ako sa aking harapan at pumasok sa loob ng puso ng aking elemento. Nang tuloyan na akong makapasok ay na pa nganga naman ang bibig ko sa aking nakikita. Maraming maliliit na puting ningas na lumilipad sa buong paligid. Sa gitna nitong pabilog sa silid ay ang malaking hugis puso na nagliliwanag ng purong puti. Bahagya itong gumagalaw na parang tumitibok-t***k. Sa itaas nito ay ang mga puting ningas na umiikot pa bilog na parang pinuprotektahan ang hugis puso sa gitna. Maya-maya ay huminto ang mga ito sa pag-ikot at unti-unting lumapit sa akin. Dumapo ang isang ningas sa aking ilong at kumapit ito sa aking balat. Maya maya ay nagsilapitan sa akin yung iba at dahan dahang dumikit sa mga balat ko. Patuloy lang sila sa pag dikit sa akin hanggang sa balutin na ako ng mga ito. Napamangha naman ako dahil literal na umiilaw ang aking buong katawan. Malamig iyon sa katawan at nakakarelax. Pero ang mas ikinagulat ko pa ay ang pagka wala nila sa balat ko na tila inaabsorb sila ng aking katawan. Mabilis ang pag-aabsorb ng aking katawan sa mga ningas na kumakapit dito hanggang sa mawala ang mga ito. Maya maya ay may lumabas na puting liwanag mula sa aking dibdib. Humaba ito ng humaba hanggang sa humulma ito na parang lubid. Patuloy lang ito sa paghaba hanggang sa kumunekta ito sa hugis pusong nasa harapan ko. Ng kumunekta na ito, ay doon ko nakita ang maliit na medjo may kalakihang lubid na nakakunekta sa manipis na lubid na naka kunekta sa aking dibdib. Nilapitan ko naman iyon at sinuri ng mabuti. *Ito na siguro yung tinutukoy ni Seraphim na lubid kanina. Nakakunekta ito sa lubid na nakakunekta sa akin kaya ito na suguro iyon.* Iyan na nga source. Napatingin naman ako sa aking paligid ngunit wala akong mahagilap na Seraphim. Hawakan mo na source at hilahin ito papunta sayo. Makiisa ka sa elemento mo para makaalis ka na sa lugar na to at tandaan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ko nalang sya sinagot bagkos ay hinawakan ko bigla ang lubid sa harapan ko. Nang mahawakan ko na ito ay marahas itong umiiktad na tila ba parang isang ahas na kumakawala sa aking pagkakahawak. Muntik ko na ngang mabitawan dahil sa gulat mabuti nalang at hindi ko talaga na bitawan. Dahil nga sa bawal itong bitawan kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak dito. Hilahin mo na source papunta sayo. Walang pag aatubiling hinila ko ito. Ngunit iba pala ito sa inaasahan ko. Akala ko madali lang gawin to. Akala ko madali lang mahila ang isang to. Ngunit mali pala ako. Ibang-iba ito sa expectations ko. Dahil napakabigat at napakahirap hilahin ang lubid na'to. Para akong humihila ng tuletulinadang guma. Habang hinihila ko ito ay hinihila nya rin ako papunta sa kanya. Pero tinatagan ko ang aking loob at mahigpit na hinahawakan ang lubid sa aking kamay. kahit nahihirapan na ako sa paghihila ay hindi parin mawala sa isipan ko ang determinasyong mag tagumpay sa missyong ito. Buhay ko ang nakasalalay dito, isang pagkakamali ko lang ay buhay ko ang kapalit kaya nararapat lamang na hindi ko ito mabibitawan at mahila na ito papunta sa akin. Habang tumatagal ay lumalakas ng lumalakas ang pagkakakalas nito mula sa pagkakahawak ko. Di nagtagal ay unti-unti kong nararamdaman ang mainit na kabuohan nito. Tumindi ito ng tumindi hanggang sa literal na umuusok ang parte ng aking kamay na nakahawak sa lubid. naramdaman ko naman ang nakakapasong init nito at parang may milyong milyong karayum na tumotosok sa aking mga kamay. Napasigaw naman ako sa sakit na naramdaman ko. ramdam ko ang pagmamanhid na hatid nito sa aking buong katawan. Unti-unting nanghihina na aking ang katawan pati na rin ang aking paningin. Nahihilo na ako at tila namamanhid ang aking buong katawan. Para akong nilalason. Unti unting nawawala ang aking paningin, maging ang aking mga tuhod ay bumigay na rin at napaluhod na ako sa sahig. Pero bago pa man ako mawalan ng malay ay marahas kong hinila ang lubid. Buong kalas ko itong hinila papunta sa akin at idinikit sa aking dibdib. May lumabas namang katulad ng lubid na hawak ko mula sa aking dibdib at marahang tinanggap ito. Bahagyang kinikilala nila ang isat isa at uni-unting nagkaisa. Nang mabuo na ang lubid ay bumuhos sa aking buong katawan ang matinding kapangyarihan. Kumalat ito sa bawat himaymay ng aking katawan at pinagaling nito ang pamamanhid na aking nararamdaman maging ang aking mga sugat sa kamay ay biglang nawala. At ramdam ko ang pagkakaisa ng kaluluwat elemento ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang aking kabuohan. Ramdam ko ang pwersang na buo sa aking katawan at ang pagbabadjang pagsabog niyon. Nang imulat ko ang aking mga mata ay sya ring pagsabog ng matinding liwanag sa aking paligid. And all turn black. ~*"_" *~ %Steven's POV% "Hey men! Watzup."-bungad agad sa akin ni Jeiol ng buksan ko ang pinto ng clinic. Nag-unat naman sya ng katawan bago tumayo mula sa pagkakaupo sa isang sofa na nasa gilid. "Mabuti at dumating ka na. Sa wakas makakapag pahinga na ako." -pagtutuloy nya sa pagsasalita bago lumipad palabas ng clinic. "ikaw na bahala sa kanya. Bye!" - sigaw nyang muli bago nawala sa aking paningin. Tuloyan na akong pumasok sa clinic at maingat kong isinara ang pinto. Ng maisara ko na ay lumapit ako sa kamang kasalokoyang hinihigaan ng babaeng amazona. Mag iisang buwan na bukas, Hanggang ngayon hindi parin nagigising ang babaeng ito. Hindi alam ng mga healer ang dahilan ng kanyang pagkakatulog ng ganito ka haba. Ang ipinagtataka lang nila ay ang mga pinsalang natamo ng babaeng amazona mula sa nangyaring aksedenting pagsabog sa opisina ni headmaster, apat na linggo na ang nakakalipas. Ayon sa kanila hindi nila ito magagamot at hindi rin nila mapapahilom ang mga sugat nya ang tanging nagagawa lang nila ay ang patigilin ang pagdurugo nito ngunit kahit ang paraan ng panggagamot na iyon ay nahirapan din sila sapagkat ang katawan ng babaeng amazona ay diumano may sariling barrier na syang nag po-protekta sa kanyang katawan laban sa ano mang kapangyarihan ang lalapit sa katawan ng babaeng amazona. Pero kamakailan lang ay biglang nawala ang mga sugat ng babaeng amazona at hindi alam ng nga healer ng school nato kung bakit at paano nangyari ang mga iyon na para bang kusang gumagaling ang mga sugat sa kanya katawan. Maging ang ibang nilalang na may kakayahang magpagaling ay hindi rin nila ito maipapaliwanag ng maayos, maging sila ay nagugulohan sapagkat hindi nabibilang sa elemento ng tubig ang kanyang kapangyarihan. At wala pang ni isa sa kasaysayan ng ikalimang elemento ang nakapagpapagaling ng sugat at karamdaman. Maliban nalang sa... Bigla akong napahinto sa pag-iisip ng mapansin ko ang pag-iiba ng atmosphere sa loob ng clinic. Maging ang healer na nakabantay sa clinic ngayon ay natigilan din sa kanyang ginagawa. Biglang nanginig ang aking katawan dahil sa hindi maipapaliwanag na dahilan. napatingin nalang ako sa healer na biglang sumulpot sa aking harapan at humarap sa kama ng babaeng amazona na natatakpan ng mga puting kurtina. Na alerto naman ang aking katawan at maging ang kasama kong healer na nasa aking harapan ay ganun din ang naramdaman. Hinanda ko ang aking sarili at tinawag ang aking Guardian. Agad naman akong sinagot ng aking guardian at lumabas ang black panter sa aking tabi, maging ang Guardian ng kasama kong healer ay lumabas din. Nag liwanag naman ang kanilang katawan at naging isang itim na espada ang aking black panter at cane naman ang kanyang kuneho. Hinawakan ko naman ang hawakan ng aking espada at iniumang sa aking harapan at hinanda ang aking sarili para sa agarang pag-atake. Maya maya ay nakaramdam ako ng napakalakas na enerhiya. Nag mula ito sa kamang hinihigaan ng babaeng amazona. Dahil sa mga kurtinang naka palibot sa kanya ay hindi ko makikita mula rito sa labas ang mga nagyayari sa loob. Kung ano man ang nangyayari sa babaeng Amazona o kung may nangyaring masama sa kanya ay sana hindi iyon makakaapekto sa nakararami. Muli kong naramdaman ang malakas na bugso ng kapangyarihang nagmumula sa babaeng amazona. Bigla akong kinabahan dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ka lakas na kapangyarihan. Hindi ko alam kung anong tawag sa ganito ka lakas na kapangyarihan. "Vigor. " - kampanting usal ng kasama kong healer. Mahina lang yun pero sapat na para marinig ko. Bigla naman akong natigilan dahil sa kanyang sinabi. How come that she can read my mind e hindi naman kabilang sa kanyang elemento ang pagbabasa ng isip ng tao. " Anong sabi mo?" - nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at nagpaliwanag. "Vigor ang tawag sa ganyang kalakas na kapangyarihan. Bihira lang ang may taglay ng mga Vigor tanging piling tao lang ang may vigor, sila ang mga Mystics na naisisilang kada libong taon." - paliwanag nya. "And it seems we have one of them." - nakangiting pagtutuloy nya. "Anong ibig mong sabihin?" - tanong ko naman sa kanya. "semple lang... Dahil sa vigor na iyan ay marahil nandito ang isa sa mga Mystics and parang binibisita nya ang isa sa mga pasyente dito and para makilala sya we need to go there." -tinoro naman nya ang kamang hinihigaan ni Daiana. Tumalikod sya sa akin at maingat na inihakbang ang kanyang mga paa at dahan-dahang lumapit sa mga kurtinang naka palibot sa kama ni Daiana. Sumunod naman ako sa kanya at ng makalapit na ako sa kanya ay bigla bigla nalang nyang binuksan yung mga kurtina. "WHAT THE HECKKK!!!!!!" _____________________ A/N: Hey gayoouuusssss!!!! Ayan namiss ko kayo? and by the way may mga characters na hindi ko pa muna e rereveal sa kwento pero maaari nyo silang makilala sa profile ng kwento maglalagay ako ng mga profile pagkatapos ng chapter na may lalabas na bagong characters. Enjoy reading guys.... And please votes and comments. Dahil sa votes and comments nyo ako mapapasaya. Yun lang po muna sa ngayon. Keep safe mga Myskierian and have a safe night. Lab lab. Mwuah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD