Chapter 14: "The Unexpected Reaction"

4462 Words
%Daiana's POV % Nang makapasok na ako sa loob ng bunganga ng higanting lion. Ay hindi ko mapigilan ang mapamangha sa aking nakikita. Bahagya pa akong napanganga at kulang ang salitang wow sa ganda ng tanawing nakikita ko. It's ... "Magical. " - wala sa sariling usal ko habang inilibot ko ang aking mga mata sa boung paligid. "Ang ganda...." Nagkinang ang mga mata ko sa mga kakaibang hayop na makikita sa ibaba, mga malalaki at malalakas na mga hayop no. Mali. Hindi malaki kundi. higanteng mga hayop to be exact. Meron ding heganting mga bulaklak at malalaking mga puno. Di kalayoan sa kinatatayoan namin ay kitang-kita ang parang maliit na syudad. Nagtataasang mga buildings at may parang gumagalaw na hindi ko maaninag. Habang manghang-mangha ako sa nakikita ko at busing-busy sa pag-aappreciate sa angking gandang gawa ng kalikasan ay napatigil ako sa paghakbang ng maramdaman ko ang kamay na mahigpit na humahawak sa aking braso. Bigla naman akong napatingin sa kamay na humawak sa aking braso. At nakita ko ang taong nagmamay-ari niyon na malamig ang tingin na ibinigay sa akin. Nagtaka naman ako sa ipinapakita nya kaya muntik na akong mapatanong kaso naunahan na nya ako. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo babae?" - walang emosyong tanong nya sa akin. "H-ha? Ang alin?" - takang tanong ko naman sa kanya. Habang sya naman ay nakatingin lang sa akin na parang naiinis na dahil sa patanong na sagot ko. "Balak mo bang magpakamatay? Mag sabi ka lang dahil handa akong e tulak ka ngayon din sa bangin na yan sa harap mo."- steven Napatingin naman ako sa aking harapan. Mga sampong hakbang nalang ang layo ko at pag-nagpatuloy pa ako tyak na malalaglag na ako sa bangin. Pero malayo pa naman ah... Tapos aware naman ako na may bangin ah. My gad bakit parang ka big deal? Bigla namang sumulpot si Jeiol sa harap ko at sumipol-sipol pa ito habang lumulutang. "Nga pala Steve. Nalaman na ni Headmaster ang nangyari sa mission mo doon sa kaharian ng ikalimang Elemento. At labis na nag-aalala ang boung academy sa pagkawala mo ng dalawang buwan at wala lang mang bakas o palatandaan para malaman kung buhay kapa. kaya nga nasalabas ako para hanapin ka pero ayon naman sa nakikita ko, okay ka naman, at wala ka namang pinsala. Nga pala, alam na nila headmaster na nandito ka na. Pina dala ko sa hangin ang mensahi kanina at kakatanggap ko lang sa mensahing pinadala ni headmaster. Sabi nya dumiretso kayong dalawa sa office nya. "-sabi ni Jeiol kay steve habang lumulutang sya sa harapan ko. " Anong sabi mo? Dalawang buwan? "-takang tanong ni steven kay Jeiol. " Yeah dalawang buwan ka lang naman na missing little boy. "-enosenting paliwanag na sagot ni Jeiol kay steve habang kinukulikot at nililinisan yung mahahabang kuku nya. napatingin naman ako kay steven. " Ganun ka na katagal nawala?" - takang tanong ko sa kanya. Tumingin naman si steven sa akin na parang nalilito. "bakit parang hindi naman ganun katagal akong nawala. Wait... Kahapon pagkatapos kong marinig yung usapan ng council ni Astharot at malaman ang binabalak nila... Nakita ako ng isang kawal... Hinahabaol ako hanggang sa makarating ako sa isang isla. Na isla nyo. "-turo nya sa akin. Ako naman ay tinitigan ko lang sya sa katangahang ginagawa nya. Iba na talaga feelings ko sa lalaking to. " Tapos nasundan ako ng mga tainted at naging.. Bla bla bla bla. "-sabi nya sa saril hindi ko nalang pinakinggan dahil ayaw kong maalala ang nga nangyari. Sariwa pa kasi eh. Shuta na alala ko tuloy. Napatingin naman si steven sa akin na may pag-aalalang mukha. Dahil sa ayaw kong ma... Letcheng buhay naman to ayaw ko ngang maalala ang shuta tama na! ayaw ko na tama na. Nginitian ko nalang sya nang mapait at umiwas ng tingin. "Pano naging dalawang buwan e dalawang araw palang naman akong nawala ah. Two days pa lang since I was captured by taohan ni astharot. How come na naging dalawang buwan na?"- takang tanong nya kay Jeiol. Si Jeiol naman ay napataas ang kilay. "Seriously? Dalawang araw? Ang tagal mong nawala dude. Dalawang buwan hindi araw." - sarcastic na sabi ni Jeiol. "Yun nga an..." "Tama na nga yan ang mabuti pa ay tulongan nyo kong maghanap dito ng madadaanan para maka pagsimula na tayong maglakad patungo doon at akoy na gugutom na." - pagpuputol ko sa pagsasalita ni steven. Silang dalawa naman ay napatingin sa akin bigla nang magsalita ako. " O ano pang tinutunganga nyo dyan? Dali na bilis! ."-sigaw ko sa kanila. " Kalalaking tao kabagal bagal. "-bulong ko naman sa sarili ko pero nilakasan ko talaga ng kunti para marinig nila. Ganyan ako kasama. Hahahaha di joke lang bait ko kaya. "Nahh.. No need to do that." - natatawang sabi ni Steven sa akin. Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko at humarap sa kanilang dalawa. "Aba paano tayo bababa dito? Tatalon nalang tayo dito? Helo ang taas kaya nitong kinalalagyan natin."-sabi ko sa kanya. "Jeiol can handle us to fly." - at agad agad naman akong pinalibutan ng malakas na hangin. Ramdam ko ang pagdampi nila sa aking balat at maingat nila akong iniangat sa ere. Pagkatapos ay nilipad palalapit sa kanilang dalawa. "Whoa... Wag nyong sabihing lilipad tayo pa Punta doon?" - tinuro ko naman yung gitna nitong lugar kung saan nakatayo diumano ang kanilang academya. "Exactly Princess." - pagtatama ni Jeiol sa sinasabi ko. Bigla akong kinabahan sa ideang nabuo sa aking isipan. Pano kung mawalan ng kontrol si Jeiol pano kung bigla nalang mawala yung hangin. At malaglag kami. "your joking right?" - tanong ko kay Jeiol. "Mukha ba akong nag jojoke?" - tinuro naman nya yung mukha nya. Sabi ko nga hindi Instead na magsalita ay nanahimik nalang ako. "Ready princess?" - tumango naman ako sa kanya bilang pagsagot sa tanong nya. "Then... Fly!"-biglang gumalaw ang hanging nakapalibot sa akin at nilipad ako patungo sa dereksyong tinutungo nila Jeiol at Steven. Doon ko naman na ramdaman ang kakaibang emosyon sa dibdib ko. Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala ang feeling kapag lumilipad ka sa ere. Ang banayad sa pakiramdam. I feel... Freedom. Di nagtagal ay nakarating na kami sa isang gintong gate. Lumapit kami doon. Sa paglapit namin ay inilabas nila Steve ang ID nila at ipinasok yun sa maliit na butas sa gitna ng pinto. Pagkatapos ay nagliwanag ang lupang kinatatayoan namin at lumabas ang liwanag sa itaas ng gate. Dahan dahan itong bumaba hanggang sa matamaan ang ulo namin. Bahagya pa akong napaiwas dahil sa takot. Nakita naman ni Jeiol ang ginawa ko kaya itinayo nya ako ng maayos. Dahandahang bumababa yung ilaw hanggang sa maka abot na ito sa paanan naming tatlo. Kinalabit ko naman si Jeiol. "Ano ang bagay na yan?" - tanong ko sa kanya. "Yan ang tinatawag na Scanner. Iniiscan nya ang boung katawan mo para mahanap sa list of records ng mga students ang records mo. Pero wag..."-jeiol "Warning!!! ALERT!!! Unknown person detected! Unknown person dedicated!!! Alert unknown person dedicated unknown person dedicated." May pinindon namang button si Steven. "She's with me. She's a new student a new freshman of this school starting tomorrow so there's no need to be alert." - sabi nya sa pinto. "I see. Please come in."- at biglang bumukas mag-isa ang pinto. Muli kaming lumipad papasok. Pagpasok namin medjo tahimik ang paligid. Walang katao tao. "Bakit ang tahimik naman yata asan ang mga tao?" - tanong ko naman sa kanilang dalawa. "Nasa kanikanilang mga klase" - sagot ni Jeiol at nagpatuloy kami sa paglikad hanggang sa makaabot kami sa malaking gintong gusali. Wow Usal ko sa isipan ko nang makita ko ang gintong gusali. Malaki ito at mataas mga limang palapag yata ito. Dahan dahan naman akong ibinaba ng hangin at muli kong naramdaman ang lupa sa paanan ko. Binuksan naman ni steven ang pinto at pumasok kami doon. Kahit dito sa loob ang ganda ganda. Kulay ginto yung ilaw. Mala chocolateng sahig, puting dingding at asul na kisame. May mga malalaking paintings at maliliit na naka sabit sa dingding. Meron ding mga statue na nakatayo sa bawat Pilar ng gusali. at mga halamang nakalagay sa paso. Patuloy lang kaming naglalakad sa hallway hanggang sa huminto kami sa puting pinto na may nakalagay na Headmaster's Office sa itaas. Bigla naman itong bumukas at walang pag-alinlangang pumasok sila Steven at Jeiol sa pinto. Sumunod naman ako sa kanilang dalawa. Nang maka pasok kami ay bumungad sa amin ang isang malaking painting ng lalaki. Inilibot ko naman ang aking tingin sa boung silid. Malaki ang silid na to kumpara sa karaniwang office. May maliit na mesa sa may kanan namin. Pina lilibutan ito ng tatlong mahahabat malalaking sofa. At may malaking flat-screen Tv na nakasabit sa wall. May water dispenser naman Sa may corner sa bandang kanan ng flat-screen Tv sa kaliwa naman ay ang maliit na coffee counter na may mga wine na naka display sa wall. Sa kanan naman nitong silid ay ang table nang nagmamaari ng silid nato. Sa likod nya ay isang malaking glass wall na kitang tika ang nasa labas. Biglang Umikot ang swivel chair na nakaharap sa labas paharap sa amin. Nang makaharap na sa amin ay tumambad sa amin ang isang maliit na bata na nasa five years old. Maputi ang kulay ng balat nya. Puti ang kulay ng buhok at kilay abohing mata at nakasuot ng puting toxido at slacks at nakawhite shoes din ito. Bumaba ito sa upuan nya at lumapit sa amin. Dahil sa first time kong makakita ng bata ay nilapitan ko ito. "Owh... Baby...Come here. " - malambing kong sabi sa kanya. Lumapit naman ito sa akin na nakangiti kaya niyakap ko sya ng mahigpit. Ang bango din nya amoy bata talaga sya tapos fresh na fresh siguro bagong ligo ito. "What's your name baby?" - Tanong ko sa bata habang binuhat ko sya. "Third po." - magalang naman na sagot nya. "How old are you?"- tanong ko ulit sa kanya. Di sya sumagot. "Di mo alam kung ilang taon kana?" - takang tanong ko sa kanya. Sa halip na sagutin nya ako ay ngumiti lang ito sa akin ng matamis. "Daiana." - tawag ni Steven sa akin pero di ko sya pinansin sa halip na pansinin ko sya ay tinoon ko ang pansin sa batang karga ko. Bahagya kong kinurot ang pisngi ng bata at kiniliti ito. Tumawa naman ito ng malakas na umalingaw ngaw sa buong silid. "Ang cute cute mo talaga Third. Alam mo ba ngayon lang ako nakakita ng bata sa buong buhay ko. Puro kasi kami babae sa isla namin at ako lang nag-iisang bata dahil yung mga kasama ko sa isla namin ay matanda na lampas limang daang taon na ang mga age nila."- pagkwekwento ko sa kanya. "ano po pala pangalan nyo?"- tanong naman niya sa akin. "Daiana." - tawag ulit ni steve sa pangalan ko. Pero again hindi ko naman sya pinansin. "I'm Daiana, just call me ate ana or ia or aina or Daiana pero i let you kung anong gustong itawag mo sa akin."-sagot ko sa tanong nya. "Daiana."-tawag ulit ni steve sa akin kaya binalingan ko sya. " ano? "-nakataas kilayng tanong ko sa kanya. " Ibaba mo yang batang karga mo. "-sagot nya sakin. " Ayaw ko nga bahala ka diyan. "-binalingan ko naman ng tingin si Third." ayaw bumaba ni Third diba Third." Ngumiti lang ito sa akin bilang sagot. Napa facepalm naman si steve dahil sa sagot ko at umiling nalang. Naramdaman ko naman ang paggalaw ni Third na gusto nyang bumaba kaya ibinaba ko sya. Ng makalapat na sa sahig ang mga paa nya ay ngumiti ito sa akin, saka humarap sa dalawang lalaking kasama ko. "Maligayang pagbabalik Steve labis kong ikinatutuwa ang muli mong pagbabalik dito sa academya. At lubus na nagpapasalamat ako dahil walang masamang nangyayari saiyo." - Sabi ni Third kay Steve. Bahagyang yumuko naman si Steven at Jeiol sa harap ni Third. "Malugod kong tinatanggap ang maiinit na pagbati at ang labis na pag-aalala nyo sa akin headmaster pero wala na po kayong dapat na ipag-aalala dahil okay naman ang lagay ko at hindi naman nila ako napurohan." - nakayukong saad ni Steven. Napatingin naman ako sa likod ko baka kasi nasa likoran ko lang si Headmaster diumano. Pero paglingon ko ay wala akong ibang nakita kundi ang malaking glass wall sa likod ko. Nilapitan ko naman si Jeiol at binulongan. " Multo ba yung headmaster nyo? Bakit parang hindi ko maramdaman? Kayo lang ba nakakakita sa kanya? Bakit ako hindi ko sya makita?" - sunod sunod kong tanong kay Jeiol. Imbis na sumagot sya sa mga katanungan ko ay ngumiti lang ito sa akin. Anong meron sa mga tao ngayon? Bat ang hilig ngumiti. " It's for you to find out. "- naka ngiting sagot ni Jeiol. Ano pa bang maaasahang sagot ko mula sa kanya. kundi it's for you to find out Hahay.. Inirapan ko nalang sya. Nang humarap ako sa may salaming wall ay yumuko rin ako kagaya ng pagyuko ni Steven. At hinanda ang sarili ko para sa aking talumpati. " Magandang umaga po headmaster na hindi makikita. Hindi ko po alam kung saan kayo nakatayo ngayon kaya ginaya ko nalang ang ginawa ni Steve. Sana po kung naririnig nyo po ako. Magpakita po kayo sa akin para makikilala ko rin kayo promise. Mabait po ako di ako katulad ni Steven na masama ang ugali. Wag na po kayong mahiyang magpakita sa akin kahit anong hitsura nyo po kahit pangit po kayo hindi ko po ipagkakalat o ipagsasabi sa kahit na sino safe po yung secrets nyo sakin swear. "-sabi ko sa harap ng glass wall. " at kung multo man kayo wag nyo po sana akong multohin dahil nakakatakot po yun takot pa naman ako sa multo. Peace po tayo ha. "- pagpapatuloy ko Narinig ko naman ang mahinang tawa mula sa harapan ko kaya nangilabot ang katawan ko. nagtayoan din ang lahat ng mga balahibo ko ng marinig ko ang baritonong boses. " humayo ka at magpakilala. "-umalingaw-ngaw naman ang boses nya sa buong silid. Tumayo naman ako at hinanda ang sarili ko sa pagpapakilala. "I am Daiana Altha, Princess of Althera, Daughter of Victoria, Queen of sss, ikinagagalak kong makilala kaayo." - pakilala ko sa sarili. "ikinagagalak ko ding makilala ka." - sagot naman nya sa akin. Binalingan ko naman sila Steve. Na parang natatawa at aliw na aliw na nakatingin lang sa akin maging si Third ay lumalawak ang ngiti ng balingan ko sya ng tingin. " Hali kayo maupo muna kayo. "- at iginiya kami ni Third doon sa malalaking sofa. Sumunod naman ako sa kanilang tatlo. Pagkatapos ay umupo ako sa may kanan malapit sa may water dispenser at sila Steven at Jeiol naman ay sa kaliwa malapit sa mini coffee counter habang si Third ay sa gitna katapat ng malaking Flat-screen TV. "Maaari mo bang isalaysan sa akin ang mga nangyayari?."-tanong ni Third. Pansin ko lang ha. Parang iba magsalita si Third parang ang tanda tanda nyang magsalita. Parang may mali. At isinalay say ni Steven ang mga nangyari sa kanya. Si third naman ay patangutango lang na parang naiintindihan nya lahat ng sinasabi ni Steven. Humarap naman sya sa akin. "And this beautiful woman saves you?" - tanong nya kay Steven habang nakatingin sa akin. "Yes Headmaster." - magalang nyang sabi. "So utang mo ang buhay mo sa kanya. Well ms. Daiana.." - hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng itaas ko ang aking kamay para putolin ang pagsasalita nya. "Sandali!, bakit tinawag mong headmaster si Third? E bata pa lang naman sya a." - tanong ko kay Steve. Sahalip na si Steve ang sumagot ay si Third ang nagsalita. "let me introduce myself to you Princess Daiana ."-tiningnan ko naman si Third. "Sshhhh ka lang dyan Third hindi maganda para sa bata ang makikisabat sa usapan ng matatanda. " - kinuha ko naman yung books sa ilalim ng mesa at ibinigay kay Third. "Yan basahin mo para hindi ka na sasabat sa usapan wag ka ring makinig sa usapan ng mga matatanda dahil bad yun. Naintindihan mo ba Third?" - Tumango naman si Third sa akin. "Daiana! Wag kang ganyan sa headmaster." - ma awtoridad na sigaw ni Steve. si Jeiol naman ay tumatawa lang. "Nababaliw ka na ba Steve e bata pa lang si Third at di pa sya pwedi maging Headmaster."-Me Ginulo naman ni Steve ang buhok nya at inis na humarap sa akin. "Look Daiana hindi na bata yang kaharap mo mas matanda pa yan sayo. Sya ang headmaster namin dito"-steve "Pwedi ba Steve tigil-tigilan mo ko sa mga kahibangan mo. Anong matanda e klarong klaro na bata tong kaharap ko bulag ka ba? Ha."-me "Tssss."-tangig sagot nalang nya sa akin. Binalingan naman nya si Third. "Ipagpaumanhin nyo po ang kalapastanganang ginawa ng babae ito headmaster."-sabi ni Steve kay Third. "Aba ako pa ang naging lapas tangan ngayon. Iba karin no." - angal ko kay Steve. "Enough Children. Wag kayong mag-away sa harap ko." - sabi ni Third. Tiningnan ko naman sya. nagulat naman ako sa nakita ko dahil hindi na si Third ang nasa harap ko kundi isang lalaking nasa 20 above yung age nya. Maputi ang buhok na hanggang bewang ang haba. Matiponong katawan na hubog na hubog ang mga muscles na alagang alaga sa gym at maputi rin ang kanyang balat. makinis ang kutis, malachinitong mga mata na kulay green at matutulis ang tenga. Naka sout sya ng puting toxido at white slacks with white shoes. Siguro sya yung headmaster na tinutokoy nila pero nasaan si Third? Yumuko naman ako sa harap nya. "Ikinagagalak ko pong makitat makilala kayo Headmaster."-pagbati ko naman agad sa kanya. "Ikinagagalak ko rin Daiana." - Sagot nya sa akin at dahil dun ay napagtanto ko na sya nga talaga ang headmaster dahil kaboses nya yung nagsalita kanina. "Ako nga pala si.." -pagpapakilala ko sana sa sarili ko kaso tinaas nya ang kanang kamay nya. "Narinig ko na yan kanina. Ngayon ako naman ang dapat na magpakilala." - sabi nya sa akin. "I'm Cheoljong Deane Leon Landcaster III. from the House of Thralgerian. And I'm the headmaster of this academy." - pag papakilala nya sa akin. "The Third?" - tanong ko habang hinihimas himas ko ang ilalim ng baba ko. "kapangalan mo yung bata kanina. Ay oo nga asan si third?" - tanong ko sa kanila. "Daiana." - tawag ni Steven sa akin. Pero sa halip na magsalita ay tahimik na tiningnan nya lang ako. Napabuntong hininga nalang ako. "I'm sorry."-paghingi ko ng tawad. "It's okay Daiana. No need to say sorry."-nabaling naman ang tingin ko kay headmaster tsaka ko sya nginitian. "yung batang nakita mo kanina ay isa sa mga paborito kong anyo. si third at ako ay iisa." - pagpapaliwanag nya sa akin. Napalaki naman ang mata ko sa gulat ng mapagtanto na sya yung karga ko kanina yung cute na bata. Luhh nakakahiya. T^T bat walang nagsabi sakin huhuhuh. Hate you na talaga. Char. " Anyo? May powers po kayo? "-takang tanong ko. "Exactly!. Ikaw anong klasing kapangyarihan meron ka? Saang house ka nabibilang?" - sunod-sunod nyang tanong sa akin. Patay!. Pano ko ba masasagot ang tanong nya?. Hindi ko alam na salamangkero pala ang mga tao dito. Di man lang ako ininform ni Steve ukol dito. "Hindi ko po alam." - nakayukong sagot ko sa kanya. Totoo naman talaga hindi ko alam kung meron man akong kapangyari dapat ay noon pa lang nagagamit ko na sana nailigtas ko si tiya. Biglang umusbong ang sakit at kirot sa dibdib ko sa alaalang bumabalik sa aking isipan. Pero bago pa man ako mag breakdown sa harap nila ay pinigilan ko ang aking sarili na mapaiyak, maging ang mga luhang nagbabadjang lumabas sa aking mga mata ay pinigilan ko para hindi nila makita. Nginitian ko naman sila para nang sa gayoy hindi nila mahalata ang aking naramdamang sakit. "well may paraan tayo dyan para malaman kung isa kang Elemental katulad amin." - sabi ni headmaster at tumayo mula sa pagkakaupo nya sa sofa. Naglakad naman ito papunta sa Table nya at may pinindot doon sa gitna. Biglang may lumabas na imahe ng isang babaeng naka soot ng itim na pabilog na hat na may patulis na dulo sa itaas. Parang sa witch to be exact. Hinawakan naman ni headmaster yung larawan at hinagis papunta sa kinalalagay namin. Biglang lumaki yung larawan at naging hologram screen. Yung larawan naman ay gumalaw at kita ang buong katawan nong babae. Nakasoot sya ng gown na black na hanggang sahig ang haba. Fit na fit sa kanyang katawan ang soot nya na kitang kita mo ang kurte ng kanyang magandang katawan. Ngumiti naman ito sa amin at nag-wave ng kanyang kamay. Bago yumoko. "Maligayang bati para sa iyo headmaster Third. Ano pong ipaglilingko ko saiyo?." - magalang na sabi nung babae. "Nais kong magtungo ka rito sa office ko at dalhin mo ang Examination Hat dahil may bago tayong Studyante." - ma awtoridad na utos ni headmaster Third sa kanya. Tumayo ng tuwid yung babae at nilagay sa dibdib nya ang kanyang kanang kamay at yumoko. "Masusunod headmaster." - at nawala na agad ang hologram Screen sa gitna namin. Lumapit naman si headmaster sa amin at muling umopo sa kinauupoan nya kanina. Pero bago pa man sya makapagsalita ay may kumatok sa pinto ng tatlong beses. Saka kusa itong bumukas. Ng magbukas na ang pinto ay niluwal nito ang babaeng nasa hologram screen kanina daladala ang isang maliit na mesang lumulutang sa harapan nya may parang matulis na bagay sa ibabaw nito ngunit hindi ko mawari kung ano yun dahil natatakpan ito ng itim na tela. "Owh there she is... Ambilis ah." - nakangiting usal ni headmaster. "nababagot kasi ako sa office kaya lalabas sana ako total naman tapos na ang mga gawain ko. Pero tumawag ka kaya ayon imbis na maglalakad sa labas eh dito nalang ako, palagay ko mag eenjoy naman ako dito dahil nakita ko sa screen kanina na may bagong enroll tama ba? "-mahabang talumpati nung babae. " Oo, tama ka. at sa aking pagkaalala ay sinabi ko rin iyon sa iyo kani-kanina lang bago maputol ang ating pag-uusap... Owh! By the way. Daiana this is... "-natigilan naman si headmaster ng itaas ng babae yung kamay nya. " Ako na. Moment ko to wag mong nakawin sakin. "-bumaling naman sya sa akin habang si headmaster naman ay nakangiti lang. "as usual. Hindi ka parin nagbabago."-bulong ni headmaster sa sarili nya pero rinig na rinig ko naman "May sinasabi ka?" - tanong naman ng babae. "wala wala. Sabi ko nga e ikaw na magpakilala sa sarili mo." - humarap naman sa akin yung babae at ngumiti. Kinilabotan pa nga ako sa paraan ng pagngiti nya e. Nakakatakot. Parang may sapi. "Wag mo namang takotin yung bata." - aliw na aliw na sita ni headmaster sa babae pero sa halip na pansinin niya ang sinabi ni headmaster ay pinagsawalang kibo nalang nya ito. "Hi! Im Arcaena Wong."-at nilahad nya yung kamay nya. "I'm from the house of Leiouness. Nature user at isa akong Elves." - pagpapatuloy nya at ginagalawgalaw nya pa ang kanyang tenga ng masabi na nya ang salitang Elves. "Ikaw anong pangalan mo?" Tinanggap ko naman ang nakalahad nyang kamay para makipagkamayan sa akin. Bahagyang pinisil ko pa iyon. Wala lang gusto ko lang, ang lambot nga eh. "Daiana. Daiana Altha, Princess of Althera. Daughter of Victoria, Queen of sss's." - pakilala ko sa kanya. "Althera? Saan yung althera?" - takang tanong nya sa akin. "It's too far from here." - tipid na sagot ko naman sa kanya. "okay. Ay oo nga pala alamin natin kong saan ka nabibilang. " - at tumalikod na sya sa akin. Lumapit sya doon sa dala nyang maliit na lumulutang na mesa at hinila yung maitim na tela na nakatakip doon at dahil don nakita ko na kung akong nasa loob. Isang itong hat na pabilog na may patulis sa dulo nito sa itaas o mas madaling ihahalintulad sa mga sumbrero ng mga witches or wizards. Hinawakan nya ito at binuhat saka lumapit sa akin. "Dyan ka lang wag kang gagalaw." - maingat naman nyang inilagay sa ulo ko yung hat. Nang mailagay na nya ay bigla itong sumikip sa ulo ko at napaiktad ako ng biglang nagsalita iyon. "lero lero maistro le fam che evem kol tere meh-koh-ROHT. nivem iche kelsali maowna evem kormanac. nevum maik boom salec aiwa ka meh-koh-roht. nevem ere memekuksalem barmanac anok meni, pelpeli karmaonac kremona velmaham sandakok valerian ni kuwanagar egzan, valeria monio wengus nois isa. Nabibilang ka sa House ng Thralgerion. Sa Class Chairo ka dapat papasok dahil hindi ko pa matukoy kung anong klasi kang.... "-natigilan sya sa pagsasalita at parang baliw na nalilito. Nag vibrate pa nga ito sa ulo ko kaya napilitan akong ialis sya mula rito kaso hindi ko sya ma tanggal. " Aaaahhhhhh!!!. "-sigaw ko ng maramdaman ko ang matinding kirot sa buong ulo ko. Humigpit kasi ng humigpit yung kapit ng talking hat sa ulo ko at feel ko anytime hihimatayin na ako sa sikip nito. "B-b-.. Bbb... Bb.. Bbb.. Bb... bbbooo.... boží..." - mas lalong bumilis ang pagvibrate nito at parang anytime sasabog na sa ulo ko yung hat. Ramdam ko kasi yung init nya na namumuo rito. Napatingin naman ako sa reflection ko sa glass table sa aking harapan at kitang kita ko na umuusok na yung hat at tila ba nababaliw ito. Nag panic naman ako maging ang apat na kasama ko sa silid na ito ay nagpapanic na din. "Arcaena gumawa ka ng paraan" - utos ni headmaster kay Arcaena. "I can't... I don't feel my power" - sigaw ni Arcaena. Biglang bumilis yung ikot ng hangin sa loob ng silid feeling ko kagagawan ito ni Jeiol. "Jeiol anong ginawa mo.?" - tanong ni Steven kay Jeiol. "I didn't do anything I can't feel my powers now. This wind is not mine!!" - sigaw ni Jeiol. "Please get this f*****g hat out of my head!!!! . Aaaarrrrgghhh!!!!!" - sigaw ko sa sobrang sakit at biglang nagsabog ng matinding liwanag ang katawan ko. "vvvvvrrrrraaaaaaahh!!!!!!!!!!." - malakas na sigaw nung talking hat na nasa ulo ko kasabay nun ang pag sabog nito. And everything turn black. _______________ A/N: Hey guyooooss!! Kumusta na po kayo dyan? Hope you doing well guys. Please stay safe. Love you guys. Please vote and comments. Thanks.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD