%Daiana's POV %
"Welcome to Myskiera Academy." - masiglang sabi ni steven matapos akong makatayo mula sa pagkakahulog ko sa portal.
Napakasakit ng aking balakang at likoran dulot nang pagtama nito sa matigas na lupang mabato nang mahulog kami sa portal.
Iginiya ko ang aking paningin sa buong paligid hanggang makita mula sa itaas namin ang bagay na hinahanap ko.
Umusbong ang kaba sa aking dibdib at kinikilabotan ako ng mapagtanto ang layo namin mula sa kinaruruonan ng portal sa itaas namin.
Mga sampong kilometro ang layo namin mula sa portal at nagmistulang bola ng volleyball nalang ang liit nito dahil sa layo.
Binaling ko naman ang tingin kay steve na naka tingin lang sa akin.
"D-doon tayo dumaan?" - kinakabahang tanong ko sa kanya.
Maslalo pa akong kinabahan ng tumango sya ng bahagya bilang sagot sa tanong ko.
Biglang umusbong ang galit at inis sa loob loob ko at walang prenong dumapo sa ulo nya ang nakakuyom kong kamay.
Dahil sa lakas ay bahagya pa syang yumoko.
"What the.... Hell!!! Bakit kaba namamatok ha!" - bulyaw nya sa akin.
"Aba! ikaw pa ang may ganang magalit eh muntik muna kong patayin walang hiya ka!" - pinalopalo ko sya sa braso nya dahil sa inis na hindi ko mapigilan.
"Aray!. Aray!. Tama na.. masakit.. Aray!!!" - sigaw nya sa gitna ng pagpapalo ko sa kanya.
"Anong tama na! Kulang pa yan sa sakit na natamo ko kanina ng mahulog tayo. Di ka man lang nagbigay ng babala na ganyan pala ka taas ang babagsakan natin. BWESIT KA!!!" - sinuntok ko sya sa mukha kaso madali nyang naitakip samukha nya ang kamay nya pero hindi ako tumigil at muling binatukan sya ng malakas.
"Sumusubra ka nang Amazona ka!!!"
"Bakit ano, sasaktan mo naman ako ha. Pumapatol ka sa babae. Ano bakla ka ha bakla ka."-ako
"Tumigil ka..." - itinaas naman nya ang kamay nya at akmang sasampalin ako ngunit hindi nya itinuloy ng hindi ako umiwas at mas lalo pang inilapat sa kanya ang mukha ko.
" O Ano? Bakit di mo tinuloy? Naduduwag ka? Utuloy mo? Akala mo matatakot ako sayo? Utuloy mo. Payt me."-Ako
"It seems like the strong icy hard headed little boy found his rival."
Biglang na alerto ang buong katawan ko at bumaling sa likuran ni Steve kung saan nanggagaling yung boses.
Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa malaking puno na nakatingin sa amin habang nakangiti. Nakasuot sya ng kulay berding damit na long-sleeve na hanggang lupa ang haba. Kulay ginto naman ang kanyang buhok at mahaba ito hanggang bewang ang haba.
Kumikinang din ito sa tuwing sumasabay sa hangin. Matutulis naman ang kanyang mga tenga at berdi ang kanyang mga mata. May nakatali ding bandana sa kanyang noo na kulay berdi na may simbolo sa gitna.
Pero ang ikinagulat ko ay ang kanyang mga paa. Hindi ito lumalapat sa lupa na para bang lumulutang sya sa hangin.
"Tsk! Lumabas nga kayo dyan" - inis na sabi ni Steve sa kaharap na kagubatan.
Nagtataka na talaga ako sa lalaking to. Matino pa ba talaga to? Bukas na bukas talaga promise epapa albolaryo ko na talaga to baka na engkanto na to.
Nakarinig naman ako ng mga kaluskos mula sa gubat kaya biglang na alerto ang buong katawang lupa ko.
Inilabas ko ang espadang nakatago sa soot kong cloak at iminuwestra ito sa harapan ko at naghanda para sa biglaang atake.
Pinakiramdaman ko naman ang buong paligid.
Pero imbis na maging alerto tong kasama ko ay board lang syang nakatingin sa pinagmulan ng mga kaluskos.
Maya maya ay lumabas ang ilang nga nilalang mula sa masukal na gubat ang iba ay nagtatago sa mga malalaking puno at ang iba ay sa makakapal na dahon at ang iba ay sa itaas namin.
"Welcome back little boy." - bati ng lalaking nagsalita kanina habang nakangiti.
Biglang sumeryoso naman ang kasama ko at matalim na tiningnan yung lalaking lumulutang sa harapan.
"How many times I told you na huwag mo kong matawag tawag na little boy. Hindi na ako bata!" - sigaw ni Steve sa lalaking kaharap namin.
"Easy. easy Boy. Just relax hindi maganda ang pinapakita mo sa harap ng bisita natin."- nakangiting pagpapakalma ng lalaking lumulutang kay Steve.
Lumutang naman yung lalaki sa harap namin papunta sa kinatatayoan ko.
Bahagya syang yumuko sa harapan ko.
"Maligayang bati sayo magandang binibini. Hayaan mong magpakilala ako sayo." - umayos naman sya sa pagkatayo at ngumiting humarap sa akin.
"Ako si Jeiol. Nilalang ng hangin. Nagmula sa angkan ng mga Sylph isa akong Fey." - magalang na pakilala nya sa kanyang sarili. "And you are?" - tanong nya naman sa akin.
Inilahad naman nya ang kanyang kamay sa harapan ko at tila makikipagshake hands.
Ibinaba ko naman ang aking sandata at umayos sa pagkakatayo at nerelax ang aking katawan. Saka ko binalingan ang kamay nya at hinawakan ito tanda ng pagtanggap ko sa alok nyang magpakilala.
"Daiana!" - Sagot ko sa kanya. " I am Daiana, Princess of Althera, Daughter of Victoria, Queen of sss's." - pagpapakilala ko sa sarili ko sa kanya.
"sss's." - mahina pero tamang bulong lang nya sa sarili nya para marinig ko.
"Yes! sss, is there a Problem with that matter?" - Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
Napatulala naman sya sandali na para bang may iniisip na mahahalagang bagay. Maya maya ay napatango naman sya na parang may na compermang bagay sa isipan nya.
"Jeiol?" - tawag ko sa pangalan nya.
"Yes Princess Daiana? May kailangan ka?" - tanong nya sa akin.
Ibinaba ko naman ang aking tingin sa kamay kong hawak nya.
Yung totoo may balak pa ba syang bitawan ako? Para kasing wala na.
Tumingin naman sya sa tinitignan ko. Pero imbis na bitawan ay lumuhod sya at nilapit sa bibig nya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad.
Napasinghap naman ako sa ginawa nya at wala sa sariling hinila ko ng malakas ang kamay kong hawak nya.
"It's okay Daiana. That's our way to greet a royal blood." - bulong ni Steve sa akin ng mapansin ang ginawa ko.
Tiningnan ko naman silang dalawa na maypagtataka at nagtatanong na tingin.
Tumayo naman si Jeiol sa harapan ko at ngumiti.
Bakit ba ang hilig ngumiti ng lalaking ito? Naengkanto ba to?
"Hey! What's that look for?" - nakangiting tanong naman ni Jeiol.
"You two."-at tinuro ko naman silang dalawa.
Tinuro naman nila ang kanilang sarili na parang may nagawang kasalanan na hindi nila alam. Muntik pa nga akong mapatawa sa naging reaction nila mabuti nalang napigilan ko agad.
"Oo kayong dalawa."-turo ko sa kanilang dalawa. "Baka naman may balak kayong magpaliwanag sa akin kung anong klasing nilalang kayo at kung bakit may portal kung bakit ka lumulutang at kung bakit nandito tayo sa gubat at kung paano nyo nagawa ang lahat ng iyan. Uso share dito dude." - bulyaw ko sa kanilang dalawa.
Napa smirk naman si Steve sa akin at nakangiti lang si Jeiol.
" It's because... "-sagot ni Jeiol." it's for you to find out. "-pagtutuloy nya.
At dahil dun ay hindi ko na napigilan ang mabilis kong kamay na dumapo sa ulo nya.
"Aw!" - usal ni Jeiol habang hinihimas ang parte ng kanyang ulong tinamaan.
"Lang ya ka tinatanong kita ng maayos tapos sasagutin mo lang ako ng hindi tapos." - akmang babatukan ko na naman sya ng lumipad sya papalayo sakin.
"Chilax Princess Chill ka lang."-Jeiol
"Anong chill e kung pirapirasohin kita at ilagay sa chiller ha."-me
"Whooaa scary." - at umaaktong parang natatakot.
Naku! Sarap batukan talaga.
"Yan ang wag mong gagawin dahil Hindi na talaga ako lalapit sayo. Mamimis mo na tong kagwapohan ko." - Nakangiting sabi nya. Nagulat naman ako dahil sa sagot nya.
Pano nya nalaman ang iniisip ko? Mindreader ba sya?
"That's a one of our ability bilang Sylph Princess."-naka ngiting sagot naman nya.
Ohwshit parang wala na akong privacy nito. If you just hear me can you stop reading my mind?
"Masusunod mahal na Prinsesa."-yumoko pa sya na parang isang kawal.
"So ano na? Magpapaliwanag na ba kayo o pipilitin ko kayong magpaliwanag?"-ako
"Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa kung ako kami? Prinsesa?" - bahagya pang namilog ang kanyang mga mata na parang nakakita ng multo.
"Magtatanong ba ako kung alam ko?"-ako ulit.
"Oo nga naman. Well mga elemental kami. Totoong elemental hindi kami katulad ng ibang elemental na nasa Earth. Kami ang tunay na nilalang ng mga elemento." - pagpapaliwanag nya sa akin. "And Welcome to... MYSKIERA ACADEMY!!!" - maligayang sigaw nya.
Napa poker face naman ako sa ka hyperan ng isang to.
"Yeheeyy!!! Ang ganda ng academy nyo puro puno. Akala ko paaralan talaga. Kaso gubat pala. Whooooaaa.... Saya!!!!" - Sigaw ko din para matumbasan yung ka hyperan nya.
"Pansin mo din pala yun!? Hahaha Apir!!!" - Sigaw nya at nag high-five naman kaming dalawa at binatukan ko naman sya agad.
"Whooow whoo... That's enough Daiana. Let's go. follow me. I lead the way." - pag-iinterupt ng bakulaw sa gilid ko.
Aba buhay pa pala tong hinayopak na to? Muntik ko na talagang makalimutan ang existence nito.
Sumunod naman ako sa kanya habang naglalakad sya, si Jeiol naman ay inutusang maiwan dito yung mga kasama nya. Maya maya ay naramdaman kung lumapit sya sa akin at lumulutang lang sa Gilid ko sa may bandang kanan. Pumasok kami sa masukal na gubat. Medjo madilim na rin ang buong paligid dahil narin siguro sa laki at dami ng mga dahon sa mga nagtataasang naglalakihang mga puno.
Patuloy ko paring hinahawi ang mga halamang nadadaanan namin.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang wanang.
Napatingin naman ako sa dulo ng wanang. Kitang kita mula rito ang isang kulay gray na batong Pader. mga isang kilometro yata ang layo mula dito hanggang sa pader.
Napatigil naman ako sa aking pag-iisip ng tingalain ko ang haba nito. Maging sa kaliwat kanan ay hinding hindi ko makikita ang dulo ng mga ito.
Weird.
Tanging usal ko sa sarili. Nag patuloy naman kami sa paglalakad hanggang sa makalapit na kami sa batong pader.
Lumapit dito si Steven at itinapat sa pader ang kamay nya na nagliliwanag. Gumapang naman ang liwanag sa kamay nya at lumipat ito sa pader.
Umikot ito ng umikot hanggang sa nahati ito sa dalawa at gumapang sa magkabilang dereksyon. Gumawa ito ng isang malaking square.
Nag liwanag naman ang mga parteng iyon at tila inaabsorb ang liwanag na gumagapang dito at bigla bigla nalang nahati sa gitna ang malaking Square shape na liwanag. Hanggang sa inabsorb ng pader ang liwanag at bumukas ito. Paunti unti iyon hanggang sa lumaki na parang kasya ang dalawang malalaking elepante.
"Follow me" - sabi ni Steve sa akin at nagpatiunang pumasok sa malaking madilim na parang kweba.
"Come on Daiana. Baka magsara na tong lagusang ito cge ka maraming mababangis na hayop dyan" - pananakot ni Jeiol sa akin.
"Nakakatakot naman." - sarcastic kong sabi bago sumunod sa kanilang dalawa.
Mga limang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay naramdaman ko na ang pag galaw ng batong pinto tanda na magsasara na ito.
Habang gumagalaw yung pinto ay paliit naman ng paliit ang liwanag na nag mumula sa labas. Nagpatuloy lang sa paggalaw ang pinto Hanggang sa mawala ang liwanag sa buong paligid tanda ng pagkasara ng pinto.
Bigla namang may lumitaw na parang bola ng liwanag sa harap ko at lumutang ito sa itaas. Sakto lang ang liwanag na taglay nito para maiwaksi ang kadiliman sa paligid namin at mabigyang linaw ang vision ko.
Nakita ko namang ganun din ang dalawang lalaking kasama ko may bolang lumulutang silang dalawa na nagtataglay ng puting liwanag kagaya ng sa akin.
Binilisan ko naman ang lakad ko ng mapansing medjo malayo na silang dala sa akin.
Ng makalapit na ako sa kanila ay lumiko kami pakanan tapos pakaliwa. At bumongad naman sa amin ang maliit na pinto.
Binuksan naman iyon ni Steven at sumabog ang nakakasilaw na liwanag mula rito. Bahagya pa akong napapikit at ikinurap-kurap ang aking mga mata para makitang mabuti ang paligid.
Napansin kong humakbang papasok sila Steven at Jeiol sa loob ng pinto kaya humakbang rin ako para pumasok kahit hindi pa masyadong malinaw ang aking paningin dahil sa nakakasilaw na liwanag na bumongad sa amin kani-kanina lang ng buksan ni Steven ang pinto.
Ng makapasok na kami sa pinto, ay napalaki naman bigla ang mga mata ko, bahagyang napatago pa ako sa likoran ni Jeiol. Tiningnan naman nya ako ng nakangiti at muling humarap sa harapan namin.
Isang malaking lion na natutulog ang nasaharapan namin ay mali isang heganting lion to be Exact. Sa likod nito ay isang malaking puno ang nakatayo.
Nilingon ko naman ang nilabasan namin ng mapansin kong gumagalaw ito. Nang malingon ko na ay mutik na akong mapasigaw ng makita ang isang malaking bunganga ng buwaya na nakanganga.
Bigla nyang tinikom ang bunganga nya at nakaramdam ako ng takot at panginginig mula sa malakas na tunog na nagawa dulot ng malakasang pagtikom ng bunganga nya at bigla biglang naging bato ang buwaya.
*yawn! * "sarap ng tulog ko"
Bigla naman akong napabaling sa nagsasalitang bagong gising di umano.
Natulos naman ako sa pagkakatayo ng makita ang nagliliyab na mga mata ng lion. Buhay na buhay ito at nakatitig lang sa amin.
"oiew may bisita anong maipaglilikod ko sa inyo mga bata?" - hindi naman ako sumagot at maging ang dalawang lalaking kasama ko ay matalim na tinitingnan lang nila ang liong nagsasalita sa harapan namin.
"Wait a minute... You two are so familiar...." - at tila nag-iisip pa ito habang nakapatong ang mukha nya sa mga palad nya.
"Steven the hardheaded pain of the ass little boy and Jeiol the.."
"Enough!" - sigaw ni Jeiol.
"Hanggang ngayon pa rin pala hindi pa rin pala kayo nagbabago mainitin pa rin ang nga ulo nyo... Well gaya ng dati bago kayo makapasok sagutin nyo muna ang mga palaisipang ito. May limang minuto lang kayo para masagutan ang palaisipang ito. " - ngumiti naman yung higanting lion sa amin.
"Nagsaing si judas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas." - usal ng higanting lion.
"Timer starts... Now!!"-pagtutuloy nya sa pagsasalita para ipaalam sa amin na nagsisimula na ang oras namin para sagutin ang bugtong nya.
"Anong klasing pagsasaing yan bakit naman etatapon ang bigas?" - tanong ko sa higanting lion kaso hindi naman ako sinagot nito.
"Wala na bang mas madali pa sa tanong na yan? Eh ang dali dali lang naman nyan eh.* Gata ng niyog! *" - sigaw ni Jeiol.
"Magaling Jeiol. Ngunit hindi tubig sa langit, hindi tubig ng lupa, tubig sa gitna, nakakasira sa isip ng madla." -sagot naman ng higanting lion.
"Alam ko yan!" - masiglang sigaw ko kaya napabaling naman ang mga mata nilang tatlo sa akin.
Napangiwi naman ako sa paraan ng pagkakatingin nilang tatlo at saka umiwas ng tingin.
"Tuba! O mas kilala sa tawag na Coconut wine." - nakayukong sagot ko dahil sa hiya nang bigla akong sumigaw.
"Magaling pero may isang balong malalim na punong puno ng patalim."
Napatingin naman ako sa dalawang lalaking kasama kong nakatingin rin sa akin. Tumango lang silang dalawa sa akin. Ginantihan ko naman sila ng tango. At binaling namin ang tingin sa heganting lion.
" BUNGANGA/BIBIG/MOUTH!!!. "- Sabay na sigaw naming tatlo.
Nagkatinginan naman kami at biglang tumawa.
Ayan mukha na kaming sira.
"Magaling... Pwedi na kayong pumasok." - Proud na sabi ng lion.
" Maligayang pagdating source."
At ibinuka ng higanting leon ang bibig nya.
Nagtaka naman ako sa ginawa nya.
"Dyan tayo papasok? Sa bunganga nya?" - takang tanong ko sa dalawang lalaking kasama ko.
Bumaling naman si Jeiol sa akin at ngumiti.
"Wait and you will see. Just follow us if you want to stay alive." - at ngumiti naman ito ng nakakaloko.
"Whooah scary" - sarcastic kong sabi sa kanya at nagpatiunang maglakad sa kanya.
Unang pumasok sa bunganga si Steven at nawala. Sumunod naman ako sa kanya at ramdam ko ang pag-iiba ng paligid ko at biglang tumambad sa akin ang napakagandang tanawin.
"And now Welcome to Myskiera Academy!"
_________________
A/N:
Welcome to Academy mga Myskierian.
Stop muna ako sa pagsusulat. Hahanap muna ako ng inspiration sa mga susunod na Chapters.
Please vote and comment po mga minamahal kong readers para magkaka-inspire naman ako hahahah. Love you guys.