*Daiana's POV*
"Rise and Shine my little Princess" - narinig kong ulat ni inang reyna ng pumasok sya sa loob ng silid ko.
Sahalip na sagutin sya at gawin ang kanyang sinabi ay mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa malambot at mabangong unan ko.
Narinig ko ang ilang yabag ng mga paa ni ina, hudyat na sya ay naglalakad papasok sa loob ng aking silid.
Umupo sya sa gilid ng aking kama at hinawi ang mga buhok na nakatakip sa aking mukha.
"akala mo bang maloloko mo ako" - usal nya sabay sundot ng tagiliran ko dahilan para ako'y bumalikwas sa kama at tumalon palayo habang tumatawa.
"ina naman ehhh... Ang sarap sarap pa kayang matulog"-pagmamaktol ko.
"maligo ka na at sumunod sa akin sa templo"-sabi ng inang reyna at tumayo na sa pagkakaupo nya bago naglakad palabas ng aking silid.
Ng maisara na nya ang pinto ay pumasok na ako ng banyo at ginawa na ang morning retual ko.
Ng matapos kong linisin ang katawan ko ay sinoot ko ang sleeveless na kulay ginto at paldang ginto pati ang armbond ko tsaka tinali ang buhok ko na pang ponytail.
Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at lumapit sa malaking salamin at binuksan ang pintong kinabitan niyon. Inabot ko yung sandal na ginto na may telang lino na nagmemestulang tangkay ng sandalyas para hindi maiwan o hindi matanggal sa paa ko.
Isinara ko yung pinto at umopo sa sahig at tinali yung telang lino sa paa ko. Inikot ko yun sa binti ko hanggang sa maka abot iyon sa ibabaw ng tohod ko at tsaka tinali yun para hindi matanggal.
Ng matapos ako sa ginagawa ay humarap ako sa malaking salamin at pinag masdam ang repleksyon ko doon bago nag pasyang lumabas na ng silid.
Paglabas ko ay sinalobong ako ng isang amazonang nakabantay sa pinto ng silid at nilagay sa balikat ko ang kapang puti na gawa sa telang lino.
Napakanipis ng telang ito at sa bawat ihip ng hangin ay tinatangay nito ang manipis at malambot na telang nakapatong sa balikat ko.
Di nagtagal ay napagpasyahan naming maglakad patungo sa templo kung saan naghihintay ang inang reyna.
Sa loob ng ilang minutong paglalakad sa malaki at mahabang pasilyo ay naka labas narin kami sa wakas ng palasyo at nag lakad ulit patungong templo sa may silangang bahagi ng isla.
At ng makarating kami doon ay nadatnan namin ang inang reyna na nakatayo sa gilid ng malaking pinto ng mataas na templo o mas madaling ilarawa sa isang tower pero mas malaki ito kaysa sa totoong tower kasi nga templo ito you know.
"mahal na reyna nandito na po ang mahal na prinsesa" - nakayukong ulat ng kasama kong kawal.
Pumihit pa harap sa amin ang inang reyna at bahagyang ngumiti ng akoy kanyang masilayan.
Ramdam ko ang pagkamangha at pagkagulat sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin. Maging ang heneral magayon na nakatayo sa likuran nya ay bakas din ang amusement sa kanyang mga mata at tila di makapaniwalang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Nakaramdam naman ako ng hiya sa paraan ng kanilang pagtitig at bahagya kong iniyoko ang aking ulo para hindi nila makita ang pamumula ng aking mukha sa labis na kahihiyang naramdaman.
May mali ba sa soot ko?
Tanong ko sa isip at bahagyang tiningnan ang repleka sa makintab na gintong pinto ng templo.
Bahagya pa akong natigilan at manghang tiningnan ang aking sariling repleksyon sa pinto.
Lumapit ako doon at napatulala.
Panong nangyaring kumikintab ang soot ko? Bat ngayon ko lang namalayang kumukintab pala ang soot ko. Lalo na ang kapa ko.
"Daiana" - malumanay na tawag sa akin ng inang reyna.
Nilingon ko sya at lumapit sa kanya.
"ang ganda" - manghang usal ko sa aking ina.
Ngumiti lang silang dalawa sa akin at binuksan ang gintong pinto ng templo.
Ng tuloyang mabuksan na nila ang pinto ay mas lalo pa akong namangha sa aking ganda ng silid.
"wow... May ganito pala tayo sa ating isla ina?" - manghang tanong ko sa inang reyna.
Sa totoo lang hindi ko alam na ganito pala ka ganda ang loob ng templo. Hindi pa kasi ako nakapasok dito noon. Ngayon lang. Kasi ipinagbabawal ng inang reyna ang pag pasok dito kapagka wala kang importanteng sadya dito o kaya namay pag walang pagsasaolog dito.
At ang tanging makakalabas pasok lang dito ay ang punong babaylan at ang inang reyna.
Nakangiting tumango lang sa akin ang inang reyna at tsaka pumasok sa loob.
Napatingin naman ako sa general na nakatayo lang sa gilid ko.
"hindi po ba kayo papasok tiya" - tanong ko sa kanya.
"paumanhin, gugustohin ko man ngunit hindi maaari sapagkat wala akong basbas ng dyos na tumapak sa loob ng kanyang templo." - paumanhing sagot ng general.
Sya si magayon. Ang nakababatang kapatid ng inang reyna at sya rin ang namumuno sa lahat ng mga mandirigmang amozona dito sa althera.
" naiintindihan ko po"-nakayukong sagot ko sa kanya at tsaka pumasok na sa loob ng templo at naglalakad patungo sa kinatatayoan ng inang reyna.
Nang makalapit na ako sa inang reyna ay iginiya nya ako sa isang mataas na hagdan. Nag patuloy lang kami sa paglalagad hanggang sa marating namin ang dulo ng hagdan at tumambad na naman sa amin ang isang napakalaking Pinto.
Tumambad naman sa amin ang isang malaki at malawak ngunit maaliwalas na balkunahe Nang buksan iyon ng inang reyna.
Kitang kita ang boung bayan sa ibaba nang makalapit ako sa gilid ng balkunahe.
"Ano pong gagawin natin dito ina bakit kaylangan nating magtungo dito?" - takang tanong ko sa inang reyna.
______________________________
%Third Person POV%
"we give thanks to the god's, for giving us this paradise"- usal ng kanyang ina habang nakatingala at nakataas ang mga kamay.
kasalukuyang nasa balkunahe silang mag-ina upang mag alay ng dasal.
"and the god killer? "- dugtong ng batang si Daiana sa sinabi ng kanyang ina.
napatingin naman ang kanyang ina sa kanya na tila iniintindi ang salitang binitawan ng kanyang unika iha.
"the god killer?"- nag-aalinlangang tanong ng reyna sa kanyang anak.
"the weapon has strong enough to kill a god"- nakangiting sagot naman nya sa kanyang ina.
" can i see it?"- dugtong nya sa kanyang sinabi.
humarap ang reyna sa kanyang anak at binuhat ito habang malalim ang iniisip.
*ano ang gagawin ko?, mahabaging bathala. kung nasaan kaman ngayon, kung ako may iyong naririnig, naway iyong pakinggan ang aking panalangin*_ tahimik na dasal ng reyna
*patawad Daiana ngunit hindi ito ang tamang panahon*
ibinaba nya ang kanyang anak at iginiya paalis ng balkunahi.
naglakad sila hanggang sa makarating sila sa labas ng silid.
isang mahabang pasilyo ang tinahak nila na punong-puno ng mga ibat-ibang antik na kagamitan.
may mga larawan ng mga unang magigiting na mga mandirigmang mga amazona, at sa bawat haliging nakatayo na nadadaanan nila ay nakatayo naman ang mga naglalakihan at matatayog na mga rebulto ng mga Dios.
nag patuloy lang sila sa paglalakad hanggang makarating sila sa malaking double door sa dulo ng pasilyo. binuksan ito ng reyna at ng tuluyan ng mabuksan ay tumambad na naman sa kanila ang mahabang pasilyo ngunit iba ito sa unang pasilyong kanilang nadaraanan kanina , dahil wala itong wall at wala rin itong celling, tanging naglalakihang matatayog na mga haligi lang ang tanging nakatayo sa malawak at mahabang pasilyong iyon, banayad at malaya ang hanging pumapasok dito.
sa itaas naman, ay may mga mamahaling puting telang nakalatag na nagsisilbing panangga sa derektahang init ng sikat ng araw, nakatali ang bawat dulo ng mga ito sa bawat haliging nakatayo. may mga mamahaling puting tela naman na nakasabit sa mga haliging nakatayo at tinatangay ito ng hangin.
nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa dulo, lumiko sila sa kanan at bumaba sa paikot na hagdan.
ng makarating sila sa ibaba ay naglakad na naman sila palabas ng templo, sinalubong naman sila ng mga kawal na Amazonang nakasakay sa mga kabayo.
"magandang umaga mahal na reyna at prensesa"- bati sa kanila ng mga ito.
Tiningnan lang sila ng reyna at nag patuloy lang ito sa paglalakad papalapit sa kanyang kabayo.
Unang pinasakay ng reyna ang bata bago ito sumakay sa kabayo.
Nagpatiuna naman ang reyna sa daan papunta sa hilagang bahagi ng isla kung saan ang dungeon ng palasyo, sumunod naman sa kanilang mag-ina ang mga nakahelerang mga Amazonang nakasakay sa kanilang mga kabayo.
"The god give us many gifts , one day you know them all, this great tower, is where we keep them" usal ng reyna habang nakatuon ang atensyon sa malayo.
Habang tinatahak nila ang daan, tahimik lang ang batang si Daiana, hindi ito umiimik ni nagsasalita, nakatuon lang sa unahan nila ang kanyang tingin, at tila ba wala ito sa sarili, na para bang may malalim na iniisip.
Hanggang sa makarating na sila sa dungeon sa hilagang bahagi ng isla ay ganun parin ang ikinikilos ng batang si Daiana.
Bumaba naman silang lahat mula sa pagkakasakay nila sa kanilang mga kabayo. Nang makababa na silang lahat lumapit ang dalawang Amazona sa malaking double door sa kanilang harapan at bahagyang itinulak ang mga ito ng sabay sabay para mabuksan.
Gumawa ito ng napaka creepy na ingay na dumagundong sa boung silid.
Nang mabuksan na ito, pumwesto ang dalawang Amazonang nagbukas ng pinto sa gilid ng pintuan. Unang pumasok ang reyna sa silid at tahimik namang sumunod ang batang si Daiana habang nakatingin sa likod ng kanyang ina.
Nang makapasok na sila sa malaking silid, lumiko naman sila sa kanan tapos sa kaliwa at naglakad ulit sila sa madilim na pasilyo at sa bandang unahan nito ay isang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw sa labas na dumadaan sa maliit na butas sa itaas na bahagi ng silid.
"stay there"- usal ng kanyang ina, tapos lumapit sa liwanag na nasa sahig at ibinagsak ang paa nito ng malakas.
tila natakot pa ang batang si Daiana ng makarinig ng malakas na tunog na dumagundong sa boung silid, dahil sa takot ay napatakbo ito papalapit sa kanyang ina at yumakap sa mg binti nito.
"it's ok, it's ok"- sabi ng kanyang ina.
pagkatapos ay tila gumagalaw yung sahig dala nang vibration mula sa itaas na bahagi ng silid kung saan unti-unting bumubukas ang bubong, nagpatuloy lang ito hanggang sa lumaki ng lumaki ang butas sa itaas.
bigla namang pumasok ang liwanag mula sa itaas at tumama sa sahig at tumama ulit sa kesame bago sa pader hanggang sa bawat sulok ng paligid. naitakip ni Daiana ang kanyang kanang braso sa kanyang mata dahil sa nakakasilaw na liwanag.
nang alisin na nya ang kanyang braso mula sa pagkakatakip ay napa mangha sya sa kanyang nakita.
purong salamin ang nasa kanyang paligid at nagrereflect ang sikat ng araw mula sa itaas papunta sa mga salaming sahig, dengding, kesame at sa bawat sulok ng silid. Naagaw naman ang pansin nya sa kakaibang bagay na kumikinang sa gitna kung saan nagtatagpo ang bawat sinag na nag rereflect sa bawat salamin.
isa itong bilog, malaking bilog. sa gitna nito ay isang kumikinang na espada. lumapit silang mag-ina dito.
" the god killer"- pagkilala ng batang si Daiana doon sa Espada.
" kay ganda" manghang sabi nya "sino ang gagamit nito?"- tanong naman nya sa kanyang ina habang hindi inaalis ang kanyang tingin dito.
"ipagdarasal kung wala ni isa sa atin, ang itinakda lang ang tanging nakatadhana, and that is not you Daiana"- sagot nang reyna sa kanyang anak at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
" you see... your safe... and there's nothing you should concern yourself with"- dagdag ng reyna sa kanyang mga sinabi.
matalim na tinitigan ni Daiana ang espada sa gitna.
*balang araw... magagamit din kita*
"Can I ask you something mother"-Daiana
"Go a head Daiana"- sagot ng kanyang ina.
"Anong tawag sa lugar na ito? Bakit puro salamin?"-Daiana
Napangiti naman ang kanyang ina.
"Ang lugar na ito ay gawa ni bathala. Dito, sa lugar na ito binigay nya ang natatanging bagay na pinakamahalaga sa ating kasaysayan. Ang tawag sa lugar na ito ay..."-napatigil ang kanyang ina sa kanyang ulat at tumingin sa boung paligid bago binalik ulit sa kanyang anak ang tingin.
"Reflet de l'ame"
__________________________________
A/N:
viola!!!!
sorry talaga sa matagal na update sadjang busy lang po talaga sa personal na buhay, sana magustohan nyo ang update na ito.
promise pagsisikapan kung gumawa ulit ng update.
please vote and comments para mas lalong gaganahan ako sa pag a-up-date
thank you *^_^*V