%Daiana's POV%
"My name is Captain Steven Parker p-pilot aarrrgghh.... S-s-son o-of m-mikle..."- pigil hiningag salaysay ng lalaking aking niligtas kani-kanina lang sa may tabing dagat.
Tila nahihirapan syang huminga na para bang may kung anong sakit sa pusong dinadama.
Pagkatapos ng mga nangyari kanina sa dalampasigan, at sa pagsagip ko sa muntikan ng mapatay na lalaking ito dahil sa tindi ng galit ng inang reyna at ng mga kasamahang amazona. At ang pagsagip din ng commander sa buhay nya, Ay napagdisisyonan ng lahat na dalhin sya dito sa silid ng hustisya kung saan dinadaos ang mga paglilitis at mga importanting pagtitipon ng mga pinuno at ng reyna.
Kasalukoyang nasa harap kaming dalawa ng inang reyna, habang nakaluhod naman sa harap namin ang istrangherong lalaki. Sa kaliwa nya ay ang commander na nakatayo, Hawak hawak ang isang lasong umiilaw na nakapalibot sa katawan ng lalaki, mula leeg, kamay hanggang hita ay nakapaikot ang lasong iyon.
Sa kanang bahagi naman ay ang isang amazona na nakaposisyon ang hawak na Espada sa kanya, upang kung may ano mang gawing hindi maganda ang estrangherong lalaki ay agad agad nya itong mapaslang.
Sa likoran naman nya ay ang mga mamamana na nakahanda ang mga palasong pakakawalan ano mang oras. Kitang kita rin ang kanilang pagpipigil at tila naghihintay ng hudyat mula sa inang reyna.
Habang ang ibang amazona naman ay nakaupo sa likurang bahagi ng mga archers at tahimik na nakikinig sa paglilitis. Pinapunta rin sila ng inang reyna upang maging saksi sa gaganaping paglilitis sa estrangherong lalaki.
Malaki ang silild na ito, ngunit walang bubong at banayad ang hangin na makakapasok labas sa buong silid.
Napatingin ang lalaki sa commander na nasa kaliwang bahagi nya, na kasalukoyang nakahawak sa lasong umiilaw na nakapulupot sa buo nyang katawan.
"What the hell is this thing?" - kunot noong tanong nya sa commander at pinasadahan ng tingin ang lasong nakapulopot sa kanya.
"The Laso of Hastia, it compels you to reveal the truth." - seryosong sagot ng commander sa kanyang tanong habang hindi hinihiwalay sa kanya ang talim ng tingin nito. "it is painful and it's hard to resist." - pagtutuloy ng Commander sa kanyang sagot.
"That's insane." - hindi makapaniwala bulalas nya sa sarili.
"What is your mission?" - tanong ng inang reyna.
Sahalip na sumagot ay nanatili lang syang nakayuko.
"What is your mission?" - pag-uulit ng commander, sa tanong ng inang reyna.
Napatingin naman ang lalaki sa kanya, at ng akmang magsasalita na sana sya ay biglang tumindi ang liwanag ng laso; at tila nasusunog na ang kanyang mga balat, bahagya pa nga iyong umousok.
" I'm a... I'm a... I'm a..." - hinihingal nyang sagot.
Lalong tumindi ang liwanag ng laso at literal na nasusunog na ang kanyang mga balat, na nadampian nito. Hinihingal at mabilis ang kanyang paghinga na tila inaataki sa puso.
Huminga muna sya ng malalim at humugot ng lakas mula sa kanyang kalooban.
"what is your mission?"-tanong ulit ng comander.
"I'm a... I'm a... I'm a.... SPY!!!!! I'm a spy I'm a spy" - habol hininga nyang sigaw bilang sagot sa mga ibinabatong tanong sa kanya.
Takang tiningnan namin sya at naghihintay sa kanya na magpaliwanag kung bakit sya naging ispiya at saan sya nag iispiya at para kanino sya nag-iispisya.
Tila pansin naman nya ang pananahimik at natatakang mga titig ng lahat sa kanya, kaya kusang nagsalita na lamang sya.
"Galing ako sa isang paaralan, tago ito mula sa mga mata ng kasalukuyang namamahala sa myskiera. Dahil na rin sa tulong ng gawang harang ng mga professor ay nagawang itago kaming mga elementals sa mata ng mga nasa dilim. At dahil na rin sa buong buhay naming pagtatago sa paaralan ay hindi namin alam ang mga binabalak ng mga kalaban. Kaya napagdecisionan ng headmaster at mga professors na magpadala ng ispiya sa kaharian ng myskiera.
Sa aking pananatili sa kuta nila ay napag-alaman kung nais nilang akyatin ang mundo ng mga mortal upang maghasik ng kadiliman at pagharian ang mundo ito. Papaslangin nila ang lahat na mga mortal mapalalaki man, babae, matanda at lakip na ang mga batang walang kamuwang muwang sa mundo.
Lahat ay nais nilang paslangin o di naman kaya ay babahiran nila ng kadiliman ang mga kaluluwa nito upang maging kampon at kung sino man ang hahadlang sa kanilang binabalak ay ipinag-uutos ni haring Archelaos na paslangin at patayin lahat lahat na magiging sagabal sa kanilang nga plano. Pinaghahanap narin nila kaming mga elementals na dating naninirahan sa myskiera at maging ang nawawalang amazona sa kasaysayan na dati ay namumuno sa boung myskiera ay pinaghahanap nila upang paslangin lahat. Pero... "-pinahid ng lalaki ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata at muling humarap sa amin." kung sino man kayo, nanganganib ang inyong buhay, lahat kayo mapabata man o matanda nanganganib tayong lahat"-pagpapatuloy nya.
"ENOUGH!!!" - Biglang sigaw ng inang reyna.
Napatingin kaming lahat sa kanya at bakas sa kanyang mukha ang pagkawalang imosyon niyon na nakatingin sa aming lahat.
"release him. Heal his wounds " - utos ng inang reyna. "and send him back to his hometown." - pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na ang inang reyna at naglakad palabas ng function hall.
Sumunod naman ang mga leaders sa inang reyna palabas at ang ibang mga amazona naman ay pinapakawalan ang lalaki at iginiya sa daang kasalungat nang dinaanan ng inang reyna patungo sa kweba ng punong babaylan para gamotin ang kanyang mga sugat na natamo mula sa mainit at nakakapasong awra na inilabas ng lasong nakapulopot sa kanya kanina.
Sinundan ko naman ang inang reyna. Patakbong tinatahak ko ang daang tinatahak nila upang mabilis ko silang maabotan.
"Mother!" - sigaw ko sa gitna ng aking pagtatakbo.
Huminto naman ang inang reyna at humarap sa akin. Nang makalapit na ako ay hinarap ko naman sya agad.
"After the man said. Hindi natin sya kailangang hayaang umalis nang mag-isa." - pagsasatinig ko sa aking iniisip.
"What are you talking about?" - tanong ng amazonang nasa kaliwa ko. Nilingon ko sya at hinarap at nakilala ang nagsalita.
"Forgive me Center, pagkatapos nang mga narinig natin napagtanto ko na kaylangan nating sumama sa kanya, kaylangan nating lumaban din, hindi nya lang ito laban kundi laban din natin and we know that Sire is behind that war. We need to stop him. We need to stop the god of war upang mapahinto natin ang digmaang ito."
" That was a story Daiana"-pagpuputol ng inang reyna sa mga sinasabi ko habang naka ngiti sa akin. "Man are easily corrupted."
"yeah and Sire is behind that corruption. Zues created People strong and passionate. But Sire poison them so we need to go with them we need to stop Sire"
"I will not deploy our army to fight their own war" - pagtutuloy nya sa kanyang sinasabi.
Napakunot naman ang noo ko habang nagugulohang nakatungin sa inang reyna.
"It's not their war, it's ours, and This is for our ordinance, as an sss, this our Duty. "
"But You are NOT the sss like the rest of us."-tiimbagang pagtutol sa akin ng inang reyna.
"As your Queen i forbid it. No one go across beyond the reef." - maautoridad nyang sabi sa akin bago tumalikod sa akin.
Hindi ako nakapagsalita at hinayaan lang silang maglakad palayo sa akin.
"They are easily corrupted, This much you do not understand."- walang lingong sabi ng inang reyna at nagpatuloy sa paglalakad.
____________________
A/N:
Ayan nakapag-update narin. Maraming salamat sa walang sawang paghihinay sa matagal kong update. Namundok pa kasi ako at kasalukoyang nasa bundok pa ako ngayon hahaha. But don't worry pagsisikapan kong makapag update para sa inyo.
Please vote and comment... ng sa ganoy malalaman ko ang buong supporta nyo sa kwento kong ito.
Maraming salamat sa paghihintay love you all. "0" mwuah!