Chapter 20

804 Words
Friday morning isang text message ang natanggap ni Sophia mula sa kanyang boss. Good morning Babe! I can’t fetch you. I’m on may way to airport going to Davao there is an emergency in our branch there. Please take good care magtaxi ka na para hindi ka mahirapan.. Pagkatapos basahin ang text ng boss ay nagpasiya na siyang maligo para makapasok na sa opisina. Kahit parang tamad na tamad sya dahil hindi nga siya masusundo ng boss. Nasanay na rin kasi sya na halos araw-araw syang sinusundo at hinahatid ng boss na parang meron silang relasyon. Marami syang dapat tawagan na mga ka meeting ng kanyang boss na malamang ay hindi matutuloy dahil sa sinasabi nitong emergency sa isang branch nila sa Davao. Pagdating na pagdating ni Sophia sa opisina ay agad nyang pigtatawagan ang mga dapat na kameeting ng boss. Halos mag lulunch na sya ng matapos sa pagcacancel ng mga meeting ng boss. Naghahanda na ang dalaga para magpunta sa canteen ng biglang dumating ang ex ng kanyang boss. Tuloy-tuloy itong nagpunta sa silid ng kanyang boss kaya naman tinawag niya ang pansin nito dahil wala naman tao sa silid ng kanyang boss. “Excuse me, Ma’am Chloe.” Tawag pansin nya dito. “What?” naiiritang sagot nito sa kanya sabay irap pa sa kanya. “Saan po kayo pupunta? Wala po kasi si Sir Terrence ngayon sa office nya.” Sagot ni Sophia sa nagtataray na ex ng boss nya. “Wala ba talaga o nagtatago lang sa akin ang boss mo? Kanina pa ako tawag ng tawag sa cellphone nya pero hindi nya ako sinasagot. O baka naman hinaharang mo ang mga tawag ko sa kanya.” Sarkastikong sagot sa kanya ng ex ng boss nya. Dahil sa asar ni Sophia sa inasal ng ex ng boss nya ay meron siyang naisip. Aasarin nya ito. “Ma’am wala po talaga si Terrence sa loob nasa Davao po sya ngayon dahil meron pong emergency na nangyari sa branch natin dun. Para maniwala po kayo eto po ang cellphone ko tignan nyo po ang mga text sa akin ni Terrence.” Sadyang tinanggal na nya ang salitang sir sa pagsasabi ng pangalan ng boss. Inabot nya ang kanyang cellphone dito na nakabukas ang mga text message ng boss sa kanya. Hindi naman nito kinuha ang kanyang cellphone pero nakita nya na tinitigan nito ang screen ng phone nya na tila binabasa ang mga text duon. Napangiti na lang si Sophia ng biglang nagbago ang itsura nito. Nakita nya ang pagsimangot nito. Malamang ay nakita nito ang mga text ng boss na mga sweet message sa kanya. Dali dali naman itong padabog na umalis sa kanyang harapan at inirapan pa sya nito bago tuluyang umalis. Napatawa na lang sya sa ginawa nito at naisip na nakaganti rin sya sa katarayan nito sa kanya. Dahil tapos na sya sa kanyang mga ginagawa at wala rin naman ang kanyang boss ay napagpasiyahan niyang umalis ng mas maaga sa opisina. Balak nyang bumili ng isusuot niya para bukas sa debut party ng bunsong kapatid ng boss nya. Hindi nga nya alam kung anong klaseng damit ang kanyang bibilin. Naisip na lang nyang bumili ng pangformal na kasuotan. Pero bago sya maglibot at maghanap ng damit na bibilin ay nagpasiya syang kumain muna dahil hindi sya nakapaglunch kanina dahil sa nangyaring pagpunta ng ex ng boss niya. Kakatapos pa lang nyang kumakain at mag-uumpisa na sana syang maglibot-libot ng tumunog ang kanyang cellphone hudyat ng meron syang natanggap na mensahe. Binasa nya ito galing sa boss ang mensahe. Terrence: Hi! Babe, are you at home now? Hindi alam ni Sophia kung magsasabi ba sya na nasa mall pa sya o hindi. Pero napagpasiyahan nyang sabihin dito na papauwi pa lang sya. Sophia: Not yet I’m on my way home. Bakit? Meron ka pa bang ipapagawa? Terrence: nothing, I want to ask if you received the dress that I send in your home. Sophia: what dress? Terrence: for the party tomorrow, remember? And wag ka na rin pumasok bukas sa office. Sophia: Yah. Tomorrow na nga pala yun, sige itext kita mamaya kung dumating na sa bahay. Thank you! Terrence: Okay, when you came home eat you dinner babe. I miss you, take care Napangiti at kinilig pa sya sa huling sinabi nito. Sophia: Ikaw din kumain ka na rin. Terrence: Yah. Pagnatapos na ang meeting naming. I”ll pick you tomorrow babe. See you. Hindi na sinagot ulit ng dalaga ang huling text nito nasa meeting pa rin pala ito kahit gabi na. Hindi na rin nya ito tinanong kung ano ba ang nangyari sa branch nila sa Davao at bigla na lang itong nagpunta dun. Dali dali naman syang umuwi na, hindi na sya naglibot pa para bumili ng damit dahil meron naman palang damit na ibibigay sa kanya ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD