Lunchbreak at kasalukuyan silang naglulunch ng kanyang boss sa kwarto nito. Nagrequest kasi ito na ipagluto siya ng kalderetang baka. Minsan kasi ay nagbaon siya nito at binigyan ang binata hindi nya alam na paborito pala ng boss niya ang kaldereta. Kahapon ay naglambing ito at nagrequest na ipagluto siya. Naglambing talaga hahaha. Biglang bumukas ang pinto at sabay pa silang napatingin dito para tignan kung sino ang bigla na lang pumapasok ng hindi man lang kumakatok. Ang ex pala ng boss nya ang pumasok sa kwarto.
“What is it?” nakakuot noong tanong ng boss nya sa ex-wife nito.
“oh, yayayain lang sana kitang magluch, pero mukhang nahuli na ako.” maarteng sagot nito.
“If you want can you join us?” sabi ng binata
“No need, si Mark na lang ang yayayain kung maglunch” mataray na sagot ito sabay irap at padabog na labas na ng kwarto.
Nagkatinginan pa silang dalawa ng kanyang boss at sabay pa ng pagtawa.
Natapos ang maghapon at kasalukuyan siyang ihahatid ng kanyang boss sa kanyang tinitirahan. Pareho silang hindi nagsasalita dahil na rin siguro sa maghapon na pagtratrabaho. Pereho kasi silang naging busy ng kanyang boss pagkatapos nilang maglunch. May mga biglaan kasing dumating na mga bisita sila na mga investor na hindi naman nila pwedeng hindi harapin. Kaya ang ending ay pareho silang pagod na pagod. Hindi na namalayan ng dalaga na naidlip na pala siya habang nasa biyahe.
“Babe, babe, we are her.” mahinang boses na narinig ng dalaga.
Nagulat na lang siya ng may mahinang tumapapik sa kanyang balikat.
“Sorry, nakatulog na pala ako.” paumanhin niya.
“It’s okay,” nakangiting sabi ng binata.
Tinatanggal na ni Sophia ang seatbelt nya ng may iabot ang binata sa kanya. Napatingin sya sa sobreng inaabot sa kanya ng binata sa tingin nya ay isa itong invitation. Kinuha nya ito at binuksan tinignan kung ano ang nilalaman ng invitation.
“It’s my younger sister 18th birthday on Saturday and you are invited”
“Bakit?” tanong nya sa binata.
Naka kunot noo ang binata sa naging tanong niya.
“Anong bakit?” balik na tanong din ng binata sa kanya.
“Bakit ako invited? Hindi naman ako kakilala ng family mo.” sagot ni Sophia.
“Ako kilalala kita” maikling sagot naman ni Terrence
“Pwede bang hindi pumunta?” pag-aalangan niyang tanong sa binata.
Hindi kasi sya sanay at komportable sa mga ganitong party lalo na at malamang ay mayayaman ang mga imbitado dito dahil sa istado ng pamilya nito na sikat sa business world.
“Nope! Hindi pwede I need you there.” pagtanggi ng binata sa gusto nya.
“Bakit? kailangan mo ba ng secretary dun? wag mong sabihing marami din pupuntang investor dun at magtratrabaho k pa rin kaya kailangan nandun pa ako? balik tanong nya sa kanyang boss.
Malamang kasi nga na maraming bisita ang mga ito at sa ganitong mga pagkakataon ay lagging kasamang iniimbitahan ang mga investor at client ng mga ito.
“Yah, It’s one thing but mas meron pang ibang dahilan kaya gusto ko na nanduon ka. Chloe will be there. Sigurado akong pupunta siya dun kasi isa ang daddy niya sa mga stockholder ng company. Kaya I need you there.” Mahabang paliwanag nito sa kanya.
“And you promise me na tutulungan mo ko.” nakangiting sabi pa ng binata sa kanya.
Oo nga pala nagpromise sya dito na tutulungan nya ito, at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapanggap na girlfriend nito.
Isang malalim na paghinga muna ang ginawa niya bago sya sumagot sa binata.
“Okay, pupunta na ako.” walang magawang sagot nya sa binata.