Simula ng makabalik sila ng binata galing sa probinsya ay halos araw-araw na syang sinusundo at hatid ng boss sa kanyang bahay.
Kagagaling lang ni Sophia sa restroom ng maalala nyang kailangan nyang sabihan ang boss tungkol sa lunch meeting nito sa labas dahil baka nakalimutan na nito.
Kumatok muna ng dalawang beses ang dalaga bago pumasok sa kwarto ng boss. Nagulat pa ang dalaga ng makitang may kausap ang binata. Hindi nya alam na may bisita pala ito dahil sa galing nga sya sa restroom ay meron palang dumating na bisita ito at walang iba kundi ang ex-wife ng kanyang boss.
“Sorry, balik na lang ako.” Sabi ng dalaga.
Lalabas na sana ulit si Sophia ng magsalita ang boss nya.
“No, what is it Babe?” diniinan pa talaga ng boss nya ang pagsasabi ng salitang babe.
Biglang napalingon naman sa kanya si Chloe na nakataas ang isang kilay. Narinig pa ni Sophia na nagsalita ito.
“kelan pa naging babe ang tawag ng boss sa kanyang secretary?”
Biglang napangiti ang dalaga dahil sa sinabi ng binata alam na nya ang ibig sabihin nito. Ubod ng tamis na nakangiting naglakad papunta sa kanyang boss si Sophia. Talagang tumabi pa ang dalaga sa gilid ni Terrence. At bigla naman syang hapitin ng binata sa kanyang beywang.
“Babe, ipapakita ko lang tong presentation mo para sa meeting mo mamaya kung okay na.” Pa sweet na pagtatanong nito sa boss.
Dumukwang pa ang dalaga sa binata at sabay pakita ng tablet na hawak nya. Palihim na tinignan ni Sophia ang ex ng kanyang boss. Napapangisi sya sa nakikita nyang reaksyon ng ex ng kanyang boss dahil nakatim bagang ito at hindi halos maipinta ang mukha dahil sa galit na nababakas dito.
“Okay na yan babe.” Nakangiting pag-aproba sa ginawa ng dalaga at talagang nilapit pa ang kanyang mukha sa malapit sa pisngi ng dalaga na halos mahalikan na nito ang dalaga.
Umayos na ng pagkakatayo si Sophia upang magpaalam para lumabas pero bago lumabas ay...
“Babe, baka malate tayo sa lunch meeting mo it’s already 11:00 at baka matraffic pa tyo.” Pagpapaalala pa ng dalaga sa boss.
“Yes babe be ready, give me 5 minutes and we will go.” Tugon ng binata sabay kindat pa nito sa dalaga.
“Okay babe.” Matamis na nakangiting tugon naman ni Sophia sa boss.
Hindi naman nagtagal at lumabas na ang ex-wife ng kanyang boss. Pagdaan nito sa kanyang harapan ay tinignan sya nito ng masama sabay isnab sa kanya.
Kasunod naman nito ang kanyang boss.
“Let’s go babe,” aya ng binata sa kanya
.
Magkasabay silang naglalakad na parehong nakatawa dahil sa ginawa nila kay Chloe.
“ I love the way you called me Babe. Pwede bang yun na lang ang lagi mong itawag sakin?” bulong sa kanya ng boss habang naglalakad sila.
Isang ngiti lang ang isinagot ng dalaga sa kanyang boss. Kaya naman napailing na lang ang binata sa kanya.