Chapter 17

945 Words
Katulad ng nakagawian ng dalaga ay maaga siyang pumasok sa opisina. Habang naglalakad siya papunta sa kanyang upuan ay maraming kaopisina niya ang bumabati sa kanya. Ang iba ay nagsasabi na blooming siya ang iba naman ay nagsasabing mukhang ang saya-saya niya. Talaga naman na masaya siya dahil sa nagkaayos na sila ng boss at nalaman na din niya na matagal na pala itong hiwalay sa asawa. Nang makarating sa kanyang pwesto ay nagulat pa siya ng may nakapatong na isang bouquet ng bulaklak. Napalinga linga pa ang dalaga baka sakaling malaman niya kung sino ang nagbigay sa kaniya nito ngunit wala siyang makita. Titignan na niya sana ang nakalagay na card dito ng lumapit sa kanya ang kaopisinang si Clare. “Uy may secret admirer,” nakangiting komento nito. “Alam mo ba kung sino ang naglaganito sa table ko Clare?” “Naku, pagdaan ko kanina dyan nandiyan na yan kaya hindi ko rin alam kung kanino galling yan. Bakit hindi mo tignan ang card na kasama ba merong pangalan kung kanino galling.” turo pa ni Clare sa dalaga. Kinuha naman ni Sophia ang card na naudlot tignan kanina dahil sa paglapit ni Clare. Napangiti ang dalaga ng mabasa ang nakasulat sa card. Hi! Babe, Good Morning! Thank you! ? Alam na agad ng dalaga kung kanino ito galling dahil isang tao lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganito. Naisip naman ng dalaga na ang aga naman nitong pumasok ng opisin. “Babe daw sino yan Sophia?” tanong ni Clare. Nagkibit balikat lang ang dalaga dahil hindi niya pwedeng sabihin dito kung sino ang taong tumatawag sa kaniya ng ganito. Dahil malamang ay maging issue ito. “Hindi ko alam kung sino.” maikling sagot ng dalaga. “Eto nga pala ang pasalubong ko sa inyo pagpasensiyan na niyo hati-hati na lang kyo.” pag-iiba ng usapan ng dalaga sabay abot ng isang paper bag na may mga lamang pasalubong. Pag-alis ng kaopisina ay nagpasya siyang pumasok sa loob ng opisina ng boss. Kinuha muna niya ang extra sandwich na ginawa niya para dito. Malamang naman kasi na hindi pa ito nagbrebreakfast. Kumatok muna siya bago pumasok sa opisina ng boss. Naabutan niya ito na seryosong nakatingin sa laptop na nasa ibabaw ng lamesa nito. Nag-angat naman ito ng mukha ng pumasok siya at kitang kita sa mukha nito ang saya. “Good morning, sir” nakangiting bati ng dalaga sa boss. “Good morning! and please drop the word Sir, di ba napag-usapan na natin na kapag tayong dalawa lang Terrence na lang itawag mo sa akin or mas mabuti kaya ay Babe na rin.” sabi ng boss sabay kindat pa sa dalaga, Tinaasan naman ng kilay ng dalaga ang boss dahil sa sinabi nito. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay kinikilig siya sa sinabi ng boss. “Nagbrakfast ka na ba.” pag-iiba ng usapan ng dalaga. “Nope, hinihintay kita alam ko naman na meron kang dala para sa akin,” paninigurado nitong turan sa dalaga. Natawa na lang ang dalaga sa sinabi nito. Pumunta na ang dalaga sa mini kitchen nito sa loob ng opisina at nagtimpla ng kape at nilagay niya sa isang plato ang dalang sandwich para sa binata. Lumabas siya upang ibigay dito ang breakfast nito, ng maalala ang mga bulaklak na nakita niya sa lamesa niya kanina. Tatanungin niya ang binata kung para saan bai to. “Your coffee and sandwich,” sabay lagay sa gilid ng lamesa ng boss. “And para saan nga pala ang thank you flower sa table ko?” nakangiting tanong ng dalaga. Aalis na sana ang dalaga sa tabi ng boss ng magulat siya dahil sa paghapit nito sa kanyang baywang. muntik pa siyang mitumba dahil sa biglang paghatak nito sa kanya. “Yun ba para sa…. Sasagutin na sana siya ng boss ng biglang pumasok ang kaibigan nitong si Mark. Nakita sila nito sa posisyong nakahawak sa kanyang baywang ang boss. Nagulat ito ngunit nakabawi rin ito agad at pilyong nakangiting palipat lipat na tinignan sila nito lalo na ang kamay ng boss na nakahawak sa kanyang baywang. Agad naman lumayo ang dalaga sa boss upang maalis ang pagkakahapit sa kanyang baywang. “Hindi ka ba talaga marunong kumatok bago ka pumaso!” asik ng binata sa kaibigan na bigla biglang pumapasok sa opisina nito. Tatawa tawa lang ito na naupo sa silyang nasa harap ng binata. “Hows your vacation with miss beautiful?” “MARK!” sigaw nito sa kaibigan. “Ooopps! bawal magalit meron ka pang utang sakin sa bigla bigla mong pagbabakasyo, iniwanan mo ako ng maraming meeting dito.” pagsaway sa binata. Dahil sa pang-aasar ng kaibigan ay napilitan ang boss na paalisin muna siya sa loob ng opisina nito. “You may go, mamaya na lang tayo mag-usap.” halos pabulong na sabi ng boss sa kanya. “Why are you here?” maigsing tanong ng binata. “Bukod sa sasabihin ko na magready ka na dahil parating na ang mga investor at tatanungin ko rin kung kayo na ba ng sekretarya mo” “Nope” “WHAT! hindi kayo pero ilang beses ko na kayong nakita na ganyan…. “ “Im not yet ready to have a relationship right now, have something to fixed.” alanganing sagot nito sa kaibigan. “Bro, ikaw ang bahala baka sa kabagalan mo makahanap yan ng iba. You know Mr. Romeo? nakita ko last Friday tinatanong kung dito pa sa atin nagtratrabaho si Sophia mukhang malakas ang tamas a secretary mo. Ikaw din bahala ka.” pagpapayo nito sa kaibigang si Terrence Paglabas ng kaibigan ay napaisip ang binata sa mga sinabi ng kaibigang si Mark lalong lalo na ang pagka interest ng isang investor dito. Ngunit talagang hindi pa siya handa sa ano mang relasyon sa mga sandaling ito. Marami pang gumugulo sa kanyang isip at puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD