Sophia POV
Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na para sa unang araw ng trabaho si Sophia. Pinili nya ang pinaka maayos nyang damit na babagay bilang isang sekretarya. Pinili nya ang isang blouse na tinernuhan nya ng isang skirt na abot hanggang taas ng tuhod nya. Yun na ang sinout nya dahil wala naman syang maraming pormal na damit. Hindi pa kasi sya nakakapasok sa malalaking kompanya at ngayon lang ang unang beses nyang makapag trabaho sa ganito. Bibili na lang sya kapag nakaluwag luwag na sya sa pera.
Naglagay din sya ng manipis na make-up para magmukha syang presentable. Hinayaan nya lang nakalugay ang kanyang buhok. Napangiti sya ng makita nya ang repleksyon nya sa harap ng salamin.
Nagmamadali syang pumasok ng building dahil kahit na maaga syang umalis ng bahay ay natraffic parin sya. Limang minuto na lang at mag 8:00 na kaya nagmamadali. Ang haba pa naman ng pila sa elevator. Nang may biglang humila sa kanyang kamay. Nagulat pa sya ng Makita nya kung sino ito.
“Sir!”
“Follow me! sumabay ka na sa akin.” Sabi ng binata ng nakangiti.
Wala syang magawa kung hindi magpatianod sa binata kahit na pinagtitinginan sila ng ibang mga empleyado. Ayaw man nyang sumama dito ay wala syang magawa dahil hawak na ng binata ang kanyang kamay.
Habang nasa loob ng lift ay hindi nya maiwasang tignan ang repleksyon ng binata sa pinto ng lift. Napaka gwapo talaga nito at napakakisig sa suot nitong suit. Napapansin din nya ang minsan pagsulyap ng binata sa kanya. Hindi na rin nya ito pinansin dahil sa nahihiya sya.
Nang makarating na sila sa floor kung saan nandoon ang opisina ng binata dali-dali syang nagpunta sa kanyang pwesto kung saan naka upo ang sekretarya. Bago pa man sya makaupo ay nagsalita ang binata.
“Follow to my office.”
“Yes Sir” tugon ni Sophia.
Kinuha muna nya ang isang maliit na notebook kung saan nandoon ang mga notes at mga schedule meeting ng binata.
“Please can you give me some coffee first before we can start.” Sabi ng binata
“Yes sir!”
Pagkatapos nyang magtimpla ng kape ay ibinigay na nya ito sa binata.
“Okay we can start.” Sabi ng binata.
Habang nagsasalita ang dalaga ay hindi maiwasan ni Terrence na titigan ito. Mapakaganda nito sa simpleng ayos.
Hindi naman nakaligtas ang pagtitig ng binata sa dalaga. Habang nagsasalita tuloy siya ay pinamumulahan siya ng mukha dahil sa pagtitig ng binata sa kanya. Nang matapos na nyang sabihin lahat ng mga schedule ng binata sa araw na ito ay dali dali syang nagpaalam dahil hindi na nya makayanan ang mga titig nito.
Habang nakaupo sya sa kanyang lugar ay may isang empleyadong lumapit sa kanya.
“Hi! ? Ako nga pala si Clare.” Pakilala nito.
“Ikaw ba ang bagong sekretarya ni boss?”
“Oo.” Sagot ni Sophia na nakangit.
“Ako nga pala si Sophia.” Pagpapakilala nya.
“Hindi naman sa tinatakot kita ha. Ingat kay boss.” Ani Clare sa kanya.
Napakunot noo naman si Sophia sa sinabi ng kaopisina.
“Bakit naman?” tanong nya dito.
“Ay naku walang tumatagal na sekretarya kay boss dahil sa sobrang sungit nyan. Lagi na lang galit. Lahat ng empleyadong pumapasok dyan sa opisina nya ay lumalabas na umiiyak. Pinakamatagal na ata ang isang linggo tumatagal ang sekretarya nya. Kaya Good Luck s’yo.” Nakangiting sabi nito sa kanya.
Hindi naman makapaniwala si Sophia sa mga sinabi nito dahil kapag kaharap naman nya ang binata ay lagi naman itong nakangiti. Hindi rin nya nakitaan ito ng masamang ugali ng una silang nagkita kung tutuusin nga ay napakabait nito dahil hindi nya inaasahan na mas malaking halaga pa ibinigay sa kanya nito kesa sa pinag-usapan nilang halaga. Nakita na lang nya ang halaga ng checke ng nasa banko na sya. Pero naisip nyang dapat din syang mag ingat dahil unang araw pa lang naman nya sa trabaho at hindi pa nya ito nakikilala ng lubusan.