Sophia POV
Katatapos pa lang nyang mag-ayos ng opisina ng boss at ipaghanda ng coffee at sandwitch ang binata para sa kanyang breakfast. Lumabas na sya upang mag-ayos naman sa kanyang lugar upang makapagsimula na rin syang magtrabaho ng biglang may magsalita sa kanyang harapan.
“What is my schedule for today?” sabi ng binata na patuloy lamang sa paglalakad at pumasok sa kanyang opisina.
Agad agad naman syang tumayo at sinundan ito upang sabihin ang mga schedule na gagawin ng boss sa araw na ito. Hindi kasi nya nasabi ang mga schedule nito kahapon dahil sa pagsusungit nito. Sana naman ay okay na ang mood nito ngayon ang panalangin ng dalaga.
Nang matapos na nyang sabihin dito ang lahat ng schedule ay binigay na rin nya ang minutes of the meeting nila ni Mr. Romeo kahapon sa boss.
“Meron akong ipapagawa s’yo para ipadala sa opisina ni Mr. Romeo.”
“Come here!” Sabi ng boss.
Inilihis ng kaonti ng binata papunta kay Sophia ang laptop nito upang makita ang mga ipapagawa nya dito.
Lumapit si Sophia sa gilid ng binata at yumuko upang tignan ang mga ipinagagawa sa kanya ng boss.
Hindi naman maiwasan ng binata na tignan ang dalaga dahil na rin sa angking kagandahan nito at kasimplehan, idagdag pa ang napakabangong naaamoy nya sa tuwing madidikit sya sa dalaga. Parang gusto na nyang halikan at yakapin at ikulong sa kanyang mga bisig ang dalaga katulad ng pagyakap nya ng una nya itong maangkin.
Nang may biglang pumasok sa kwarto ng boss.
“OOhh! What a beautiful scene!”
Bigla ang pag-upo ng maayos ng binata ang marinig ang tinig ng pumasok.
“Tama nga ang balibalita na may bago ka na naman sekretarya at tama sila hindi lang pala maganda kundi napakaganda.” Sabi ng kararating lang na lalaki.
“Why are you her? Hindi ka ba marunong kumatok bago ka pumasok” galit na tanong ng binata.
“Grabe hindi na ba ako welcome ngayon dito sa opisina mo. Kararating ko pa lang sinusungitan mo na ako agad. Hindi mo ba muna ako ipapakilala sa bago mong sekretarya.
“Her name is Sophia Espino.” Malamig na tugon nito.
“HI! Im Mark ang pinaka gwapong bestfriend ng boss mo at kung hindi mo rin alam I’m the VP of this company. Pagyayabang na pagpapakilala nito sa kanya sabay abot ng kamay upang makipagkamay.
Inabot naman ni Sophia ang kamay nito at nakipagkamay. Ngunit hindi agad binitawan ang kanyang kamay ng binata. Narinig na lang nila bigla ang pagtikhim ng boss.
““Eheemm! Take off your hand!” Galit na sabi ng binata.
“Possessive!” natatawang sabi ni Mark.
“Bro! Hindi ko alam na nagkakape ka na pala ngayon at me pa sandwich pa?” Hindi ba ayaw mo ng lasa ng kape? Mukhang masarap magtimpla ng kape si Sophia.” Mapang- asar at tuloy-tuloy na komento at tanong nito sa kaibigan.
“Akin na lang ‘tong sandwich mo hindi ka naman nagbrebreakfast.”
Akmang kukunin na nito ang sandwich ay biglang tinabig ng boss nya ang kamay nito.
“Don’t tounch it! Thats mine!” bulyaw nito sa kaibigan
“Ms. Espino, please leave us for the meantime. I’ll talk to you later.” Utos ng boss na parang naasar sa kausap nito.
“Yes sir.” Sagot niya sa boss at tuluyan na syang lumabas ng kwarto at naiwan ang magkaibigan.
Terrence POV
“How was your vacation?” pag-iiba ng usapan.
“Well okay naman nag enjoy ako. Nagkita nga pala kami ng wife mo sa casino at uuwi daw ulit sya ng Pilipinas.” Sabi ng kaibigan.
“She’s my EX wife already, Mark.” pagdidiin pa nito sa salitang ex.
“Oh! Move-on na ba bro? Samantalang dati rati kapag naririnig mong darating si Choloe dito sa Pilipinas kulang na lang na sunduin mo ng banda sa airport. Meron na bang bago or sabihin natin dahil sa bago mong secretary? Mukhang kakaiba ang mga titig mo kanina sa secretary mo ng datnan ko kayo.” Tanong nito
“No, Nakakapagod na rin kasi I try everything para magkaayos kami pero binabaliwala lang nya lahat. It’s time na siguro na bumitiw nako.” walang emosyon sabi nito.
“It’s good to hear. Marami ka na ring sinakripisyo dahil sa kanya at napabayaan mo na rin ang sarili mo. Tama lang na bumitaw ka na this time. At mukhang tinamaan ka na sa secretary mo. Ituloy mo lang yan she is beautiful and sexy at maalaga pa. At mukhang kaya kang bigyan ng anak. Natatawang sabi pa nito sabay paalam sa kaibigan.
“Sige alis nako at Good Luck bro pagbutihan mo ang panliligaw baka maunahan ka pa ng iba.” pang aasar pa nito sa bestfried.
“Sira Ulo!” natatawa at iiling iling na sabi ni Terrence sa kaibigan.
Pero bigla siyang napaisip. May gusto na nga ba sya sa kanyang sekretarya?