“Ipagpipilitan ang sa kanila kahit mali na. Tao lang din naman ang mga iniidolo nila pero handang makipagsiraan. Iyan ba ang gusto nila? Wala namang kwenta.”
---
It’s a date! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng Yohan ko para mag-invite na kumain sa labas. Naks, Yohan ko. Extra sweet siya ngayon, palibhasa ay malapit na ang birthday ko at may pakulo na naman siya. Mahilig siyang mang-surprise kapag birthday ko. Wala pang palya ang pagbibigay niya ng sorpresa. Ako nalang ang manghuhula kung anong klase ang gagawin niya.
Magkasama kami sa kotse ngayon. Hindi ko nga alam na aalis kami. Kay Mommy at Daddy kasi siya nagpaalam kaya kahit tinatamad akong umalis sa bahay ay pinalayas kami ni Daddy. Panay ang pagpaparinig na nga niya na gusto na niyang ikasal kami ni Yohan. Baka nga nape-pressure na ang isang ito kaya sinasabi ko sa kanya na nagbibiro lang si Daddy. Ako nalang kasi ang kasama nila sa bahay kasi nakabukod na si Ate Natie kasama ang pamilya niya at siyempre si Lala, ang cute na cute kong pamangkin, kaya palaging kami ni Yohan ang napagdidiskitahan ni Daddy.
“Bakit biglaan yata ang lakad natin?” pag-uusisa ko sa kanya.
“Bigla kitang namiss, eh.”
Bigla ko tuloy siyang hinampas nang mahina at tiningnan niya lang ako habang nakangiti siya. Lumapit nga ako sa kanya para pagmasdan ang mukha niya. Una kong napansin ang kanyang mga mata. Sobrang catchy kasi talaga. Isa ito sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko siyang pinagmamasdan noon kahit na wala naman siyang ginawa kung hindi sirain ang araw ko.
Mata talaga ang una kong napapansin. Kahit naman sa idol kong si Chance. Hay, naisip na naman kita Chance.
Hinawakan ko ang maganda niyang kilay, minsan nahihiya na ako dahil mas maganda pa ang kilay niya kaysa sa kilay ko! Sunod kong hinawakan ang pointed niyang ilong at ang mga labi niyang nakangiti ngayon.
“Damn it, Nakeisha! What are you doing?” pagtatanong niya sabay harap sa akin noong ihininto niya ang sasakyan. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya!
“Just enjoying my blessing,” sagot ko naman sa kanya sabay hawak sa mukha niya.
“Let me concentrate on driving. You are distracting me. Big time, hon!” Natatawa ako sa kanya. Bago niya paandarin ang sasakyan ay hinalikan ko siya sa labi at bumalik sa puwesto ko.
Nasabi ko na ba sa inyo? Ang guwapo at ang bait ng Yohan ko!
“You are unbelievable. Are you seducing me, Nakeisha Noreen?”
I laughed. “Do I need to seduce you? Kailangan ko bang mag-effort para ma-seduce ka?” pagbibiro ko naman sa kanya, with confidence iyan!
“Stop it! Nakeisha!” he shouted.
“What?” I laughed.
“Just stop it,” paki-usap pa niya. Tinatawanan ko lang siya.
“Got it. Sorry, hon,” sabi ko pa sabay halik sa pisngi niya.
“Sa kabila pa,” request pa niya kaya ginawa ko naman. Spoiled!
Finally, naisipan din niyang paandarin ulit ang sasakyan niya. Akala ko ay sa kotse lang kami mag-stay. Usually naman ay hindi siya nag-i-invite na lumabas nang biglaan dahil parehas kaming busy. So . . . bakit kaya?
“By the way, how’s your work?” I asked.
“Bakit mo naitanong? Ngayon mo lang ako tinanong ng tungkol sa trabaho ko, ah?” Malaking pagtataka niya na kitang-kita sa expression ng kanyang mukha.
“Bawal ba akong magtanong? Kukumustahin ko lang ang manliligaw mo. Hindi ka pa rin ba tinitigilan? Gusto ba niya talagang sumugod ako sa kanya? Nakita ko pang nag-co-comment sa mga pictures natin pero ikaw lang ang pinupuri! Walang respeto!” Bigla kong naalala si Apple! Nakakairita talaga ang mansanas na iyon. College palang kami ay palagi na niyang dinidikitan si Yohan. Nagkataon naman na same company pa rin sila. Ewan ko kung nagkataon lang o baka sinasadya niya na mapalapit kay Yohan.
Kaya noong naghiwalay kami ni Yohan ay masayang-masaya si Apple. Akala siguro niya ay papatulan siya ni Yohan. Sabihin na natin na pinatulan nga ng magaling kong boyfriend dahil nagkaroon sila ng something. At least, hindi naman kami noong mga panahon na iyon. Single siya kaya puwede niyang gawin ang gusto niya. Sobrang lungkot lang daw niya noon at nadala siya sa pang-aakit ni Apple. Si Apple lang daw kasi ang sumasama sa kanya noong nagkahiwalay kami kaya napalapit sila sa isa’t-isa . . . pero hanggang doon lang iyon.
Naiintindihan ko pero nakakaselos din ’no. Nawala lang ako, lumapit na siya kay Apple. Naghahanap lang ito ng timing para maagaw si Yohan, eh. Subukan lang ni Yohan na bumigay at magpadala sa Apple na iyon. Mawawalan siya ng Nakeisha.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Ikaw nga ang mahal ko. Huwag mo na siyang isipin.”
“Hindi kita pinupuntahan sa office niyo pero baka kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa iyo, ah!”
Nakuha pa niyang tumawa! Selos na selos na nga ako! “Nakeisha, walang namamagitan sa aming dalawa noon at ngayon. Ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito kaya huwag kang magselos. Ikaw ang pinili ko at ikaw lang ang pipiliin ko.”
“Ako nga dapat ang magselos sa closeness niyo ni Chance! Kahit na mas matanda siya sa atin! Kung hindi lang siya celebrity ay nabugbog ko na,” dagdag na biro pa niya pero . . . binanggit niya si Chance. Alam naman niyang iniiwasan ko iyon dahil miss na miss ko na. Maraming nangyari pero ramdam pa rin ng puso ko ang pagiging fangirl kapag binabanggit ang pangalan niya. Hindi na yata iyon mawawala ’no?
“Suwerte ko sa iyo, ah. Bakit nga ba ako?” Hindi ko pinansin ang pagbanggit niya kay Chance.
Maraming babae ang may gusto sa kanya noon pero sa akin siya nanligaw. Kaya gandang-ganda rin ako sa sarili ko noong mga panahon na iyon, eh.
Naalala ko na naman ang kabaliwan niya noon.
Here we go again. Vacant time. Niyayaya na naman ako ni Ashley sa gym. Walang katapusang gym!
Ayoko ngang sumama sa kanya dahil makikita ko na naman si Yohan. Bwiset na iyon. Manliligaw sa akin pero kung sino-sinong babae ang makikita kong kasama niya. Sino kayang matutuwa?! Kahit na sikat siyang basketball player sa campus, hindi dapat ganoon kalapit sa isang babae lalo na kung ipinagsigawan niyang liligawan niya ako!
Alam ko naman na maraming nagkakagusto sa kanya kaya hindi ko rin sineseryoso ang panliligaw niya dahil mukha naman talagang pinagtitripan lang niya ako. Naiinis ako dahil nakita ko siyang may kasamang babae!
Ano nalang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita nila iyon? Madadamay na naman ang pangalan ko sa kalokohan niya. Napansin namin na maraming nagtatakbuhan papunta sa gym.
Hinarang ni Ashley si Amanda, classmate namin, para magtanong. “Saan kayo pupunta, Amanda? Bakit kayo nagmamadali?”
“Si Yohan at Ferdie, nag-aaway sa gym! Ang narinig ko lang ay may duguan na sa kanila.”
“Huh!? Bakit sila nag-aaway?” pagtatanong ko noong narinig ko ang pangalan ni Yohan. Si Ferdie ay ang bestfriend niya. Bakit sila mag-aaway?
“Nagkapikunan lang daw sa game nila. Wala raw gustong magpatalo.”
Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil nagmadali na rin akong pumunta sa gym. Mabilis pa naman talagang magkapikunan ang dalawang iyon kapag naglalaro ng basketball.
Pagdating ko sa gym, sobrang daming tao at nakahiga na si Yohan. May dugo sa gilid ng labi.
“Yohan!” Lumapit ako sa kanya at sinamaan ko ng tingin si Ferdie.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ferdie?! Nababaliw ka na ba?”
Nagulat siya sa pagsulpot ko. “Ah . . . wait lang . . . ano kasi, Nakeisha,” nagdadahilan pa siya pero hindi naman itinutuloy.
“Ano?” I asked impatiently.
Naramdaman kong gumalaw si Yohan kaya tiningnan ko siya. Hindi ko napansin na umiiyak na ako sa sama ng loob kay Ferdie! Dumilat si Yohan at gulat na gulat siya dahil nakita niya ako.
“Wait lang! Bakit may extra!?” Biglang may sumigaw tapos tumayo si Yohan na walang sakit na nararamdaman sa katawan.
Pinahid lang niya ang luha ko at niyakap ako.
Ngayon ko lang napansin ang nangyayari. Nakakahiya! Nagtago ako sa bisig ni Yohan dahil naririnig ko ang pang-aasar ng mga schoolmates ko. Nagbubugbugan nga sila pero acting lang para sa project nila sa isang subject! Kailangan ng maraming tao kaya pinapunta nila ang schoolmates namin na willing sumali sa kanila as audience.
Narinig kong tumatawa si Yohan. “Nakeisha, tinakot mo yata si Ferdie. Bakit mo kasi sinigawan?”
Umiiyak pa rin ako, dahil sa kaba at kahihiyan na rin. Pinaalis na ng mga kaibigan niya ang mga nanonood pati na rin ang mga ka-grupo niya kaya kami-kami nalang ang natira. Narinig ko rin na humingi ng paumanhin si Ferdie sa mga kasama nila.
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Naka-aasar! Akala ko talaga ay nasaktan siya kanina. Grabe ang kaba at takot ko. Salamat nalang, hindi totoo ang mga nangyari. Pero . . . napahiya ako roon, ah!
Hinawakan ni Yohan ang mukha ko at pinahid ang luha ko.
“Bakit hindi mo kaagad sinabi na hindi talaga kayo nag-aaway?” pagtatanong ko sa kanya na may kasamang paninisi pa.
Tumawa siya. Nakatatawa bang napahiya ako? “Hindi ko naman alam na makikita mo kami. Pagpasok mo palang sa gym ay makikita mo kaagad ang set-up namin pati na rin ang mga camera.”
“Hindi ko nakita! Ikaw kaagad ang nakita ko, eh!” I shouted.
“Bakit ka umiiyak?”
“Kasi naka-aasar! Akala ko talaga sinaktan ka ni Ferdie!” Pagkabanggit ko sa pangalan ni Ferdie ay sinamaan ko ulit siya ng tingin na nagtago naman sa likod ni Yohan.
Niyakap ulit niya ako. “I’m fine, Nakeisha. At least, nalaman kong iiyak ka kapag nasaktan ako kaya mag-iingat ako palagi.” Pagkatapos ay hinalikan pa ako sa noo. Kinilig ako kaya nagtago ulit ako sa kanya.
Then, I realized it. I already love him.
“Nagulat nga ako sa ginawa niya kanina kasi ayaw niya akong samahan dito sa gym dahil nakita ka raw niya na kasama si Apple at kung sino-sinong babae!” pagsusumbong naman ni Ashley kaya ngumiti si Yohan. “Pero biglang tumakbo papunta rito noong narinig ang pangalan mo!” dagdag pa niya.
“Selosa ka pala?” he asked while smiling. Parang masaya pa siya ’no?
Doon ko na-realize na . . . mahal ko na ang mokong na ito.
Nagpareserve na pala si Yohan sa restaurant na napili niya kaya naka-puwesto at naka-order kaagad kami. Mahalaga sa aming dalawa ang ambience ng restaurant at madalas ay may background music ang napipili namin para romantic.
“Tama nga sila, ang sarap magmahal ng fangirl. Bakit? Kasi nakikita ko ang effort mo sa kanila at nararamdaman ko ang effort mo sa akin. Triple pa sa effort na ginagawa mo sa kanila. Mas ma-suwerte ako sa iyo, Nakeisha,” out of nowhere na sinabi niya pagka-upo naming dalawa.
Sinamaan ko siya ng tingin. “May kasalanan ka ba? Makikipaghiwalay ka na ba sa akin?” pagtatanong ko sa kanya.
“What? Bakit?”
“Ngayon ka lang nag-invite nang biglaan tapos ganiyan ka pa magsalita. Nagtataka lang ako. Sabihin mo lang kung may kasalanan ka.”
“Hon, napa-praning ka na naman. Wala nga, naisip ko lang kasi na busy na tayo kaya nakakalimutan na kitang i-date. Mahirap na, baka magsawa ka sa akin.”
“Kung magsasawa ako sa iyo, noon pa dapat.” Sumimangot lang siya pagkatapos ay dumating na ang orders namin kaya kumain na kami. Hindi siya sweet araw-araw kaya sinusulit ko kapag naglalambing ang isang ito, eh.
Nag-uusap lang ulit kami tungkol sa trabaho ng bawat isa. Bukod sa pagma-manage ng restaurant namin na hindi naman kalakihan, sumasama rin ako kay Richie sa pagiging assistant sa kanya. Si Yohan naman ay isang Mechanical Engineer, madalas ay nasa field kaya sobrang busy niya.
Napahinto lang kami sa pag-uusap dahil tinatanong niya ang muling pagkikita namin ni Chance. Na-kuwento na siguro ni Ashley.
“Kuwentuhan mo naman ako. I waited for you to share it pero mukhang ayaw mong sabihin sa akin. Binabanggit ko na ang pangalan ni Chance pero hindi mo rin pinapansin. Something is bothering you. What happened?”
“Wala naman nangyari, Hon. Nagkatinginan lang kami tapos naglakad lang ulit siya. I was expecting something from him pero baka nga marami na siyang fans to forget me.” Truth hurts. Malaki ang posibilidad na ganoon ang nangyari. Dati kasi ay ngingitian niya ako at malalaman ko na para sa akin ang ngiti niya.
Sayang, akala ko pa naman ay magiging masaya ako sa muling pagkikita namin ni Chance kagaya ng naramdaman ng kaibigan kong si Ashley dahil natandaan siya ni Jason. Nakakalungkot, baka isa siya sa mga sikat ngayon na nakakalimot. Okay lang sana na hindi niya matandaan ang pangalan ko pero . . . siguro naman ay matatandaan niya ang mukha ko ’no? O baka mahirap talaga iyon para sa mga sikat na maraming nakakasalamuha?
As a fan, masakit iyon pero kailangan intindihin.
Hindi naman masama na humingi ng simpleng appreciation and recognition ang isang fan ’di ba? Is it too much to ask?
Sakto naman na tumugtog ang kanta ni Chance kaya hinawakan ni Yohan ang kamay ko.
“Gusto mo ba ulit silang makita?” he asked.
“Gusto ko pero ayoko rin.”
“What do you mean by that?” he asked again.
“Hindi ko alam.”
“Hindi lang naman sila naging miyembro ng fans club ni Chance, Nakeisha. They are also your friends. I’m sure, miss na miss ka na rin nila.”
“Friends? Chance is my friend, too, but he even forgot about me. Hindi ko naman siya masisisi kasi sikat na siya.”
“You should not judged him. Paano kung hindi ka pala niya nakita? Dapat tinawag mo siya.” He has a point.
Para sa ibang tao, walang kuwenta ang pinag-uusapan namin kasi dapat iniintindi ko ang sitwasyon ni Chance. Masyadong marami ang pinagsamahan namin para makalimutan niya ako. Tama naman ’di ba?
Sometimes, being a fangirl can cause you so much pain. Why am I not stopping to be one?
It’s because, I’m a certified fangirl. And will always be.
He gave me so much motivation, inspiration and encouragement that cannot be erased because of this pain.
---