Chapter Twenty Three

2031 Words
CHAPTER 23: BETWEEN RANGE _____________________________________________ ASHER POV (DINO) Nakapout ako habang nakaupo sa selya namin. Tskk.. Kung hindi lang naman kasi Dahil sa kanila Hindi ako mapaparusahan. Tskk.. "Asher Maligayang pagbabalik, ano gusto mo pa bang umulit?" Nangangasar na sabi ni Uniro sa akin habang tumatawa tawa pa. Si Uniro ang Prinsipe ng mga panghimpapawid na mga Hayop. Hayop din kasi mukha niya, Mukhang halimaw sa kapangitan. "Whaaa Asher mabuti nalang at maaga Ang pagbabalik mo kaysa sa sinabi Principalem" sambit naman ni Nima na parang bata kung makayap sa akin. Si Nima naman kasi Ang prinsesa ng mga hayop na Lang lupa. At parang kapatid ko na rin. "Hoy Nima May nagseselos sa likuran mo" sabi naman ni Percy, Ang matalik Kong kaibigan sa mga Royalè. Ang Prinsipe ng mga Propesiya. Nakanguso namang bumitaw si Nima sa akin. "Tsk. Percy binibigyan mo ng ibang kahulugan ehh. Baka kasi Ikaw yun?" Sabi naman ni Nima at umupo sa isang selya. Naramdaman ko naman siya na nasa likuran ko. Ang babaing sa una palang Ay minahal ko. Humarap naman ako sa kaniya at niyakap siya. Ilang Linggo ko rin siyang Hindi Nakita at nakasama Dahil sa Misyon na yun. "Maligayang pagbabalik, mahal ko" sambit niya naman habang makayakap sa akin. Napangiti naman ako sa kaniyang sinambit. "Salamat sa paghihintay, mahal ko" sambit ko naman sa kaniya habang nakangiti na nakayakap sa kaniya. "Alam na alam mo naman na mahal na mahal kita. At kahit na ilang taon pa yan hihintayin kita" sambit niya naman sa akin na aking ikinangiti. Kahit Kailan talaga naiiba siya kaysa sa iba. Hinalikan ko naman siya sa pisngi na agad niya namang ikinapula. "Ehemmm ehem May Mga Imoranian pa Dito howoooo" sambit naman ni Percy habang nakatingin sa kung saan sabay sipol sipol. Nagseselos Lang talaga siya, hayy nako Percy. "Selos ka Lang talaga Percy" sambit naman ni Nima. Umupo naman na kaming dalawa ni Wendie. Si Wendie nga pala Ang aking kasintahan na isang Imoranian na Prinsesa ng Salamangkero. "Marami ng nagbago rito sa Akademya Ash, at isa na rito Ang pagdagdag sa grupo nating mga royalè" sambit naman ni Wendie at ngumiti. "Balita ko galing silang mga malalayong kaharian ng floweria, kolorias, Shauna, Electra, Galicia at Imorania-mofalia" sabi naman ni Percy at uminom ng kung ano na nasa lamesa. "Alam ko na Ang mga iyan. Nasaan nga pala si Bre--" hindi ko na natapos Ang sasabihin ko na may sumigaw sa kung saan na agad ko namang ikinalaki ng mata. Mara. Whaaa si Mara... "Sino ka ba at Ganyan na ganyan ka magsalita? Hindi mo ba ako kilala, huh?" Sigaw na Tanong ni Brena Ang prinsesa ng mga mangangaso at diwata ng mga bundok at matalik na kaibigan ni Wendie. Pero Hindi nagpatinag si Mara at tinaas niya Ang kaniyang kilay. Kahit ba naman rito ay May kaaway parin siya? "Kung ayaw mong kalabanin kita edi wag mong haharangan Ang daanan ko. Dahil sa Ikaw lang ang isa sa mga prinsesa Dito Ay Ganyan ka na makaasta. Alam mo bang prinsesa rin ako? Kung gusto mo talaga ng away daanin nalang natin Ito sa paligsahan. Mahina ka naman" sigaw niya na parang mabibingi na ata ako Dahil sa lakas ng sigaw. Magsasalita na sana ulit siya ng pigilan ko siya. Hindi ko alam na may mas lala pa pala sa ugali niya. Masyado na siyang naging tao. "Ano ba namang kaguluhan to Mara alam at kilala mo ba Ang kinakalaban mo?" Tanong ko sa kaniya, Hindi niya alam Kong ano ang gagawin ni Brena mapapatay pa siya lalo na at parang kapatid na Ang Turing ni Wendie sa kaniya. "Bakit ba?" Tanong niya na parang Ang init na init Ang ulo sa akin Dahil Lang sa Hindi niya ata nailabas Ang galit niya kay Brena. "Asher? Siya ba Ang pinunta mo sa mundo ng mga mortal? Parang malakas Ang loob niyang kalabanin si Brena ahh" natatawang sambit ni Uniro Pero ramdam ko Ang tension rito kahit na Hindi nila sasabihin na nakikinig sila sa usapan ng mga Royalè. "Siya nga. Mara. Mara, wag na wag mo Nang uulitin Ang ginawa mo kay Brenda dahil Hindi mo gugustuhin Ang gagawin niya o namin sayo" pagbabanta ni Wendie ng nakangiti sa kaniya pero Ang kaniyang mga mata Ay parang papatay na. Ano ba kasi Ang nangyayari. "Wendie" sambit ko sa pangalan niya pero pareho silang Hindi natinag sa ginawa ko. Ano ba kasing dapat kung gawin para patigilin na silang lahat? "Bakit? Kahit ba Marami kayo aatrasan ko na kayo? Manigas kayo at hinding Hindi ako aatras lalo na at May mga kakampi na ako ngayon at kahit pa Wala akong kakampi Kayang Kaya ko kayo" nakangisi niyang sambit at lumabas Ang prinsesa ng Galicia at ang Prinsipe ng Electra. Ang bagong miyembro Nang Royalè. "At Hindi ko pa pala naipapakilala Ang Sarali ko, ako nga pala Ang prinsesa ng Imorania-mofalia. Mara" sambit niya at ngumisi sa amin na para bang baliw, tiningnan lang siya ng mga masasama ng iilan. "Ano naman Ang Prinsesa ng Kahariang Galicia, Prinsesa Glacia. Maligayang pagkikita mga Royalè" sambit naman ng Prinsesa ng Galacia na may ngiti sa kaniyang mga labi Pero Hindi nawawala Ang kaniyang masasama ng tingin sa mga dating Royalè. "At ako naman Ang Prinsipe ng Kahariang Electra. Magandang araw mga Royalè. Ako nga pala si Enro" sambit niya naman at ngumiti ng nakakaloko sabay pakita ng kaniyang kapangyarihan sa mga Diwata at Engkantada na nandidito. Pero May Biglang dumating. Mga bagong miyembro din ng Royalè. Ang mga anak ng Hari at Reyna ng mga bumagsak na kaharian kasama Ang Prinsipe ng Shauna. Ano ba kasing nangyayari? Naguguluhan na ako. "Makakalabam niyo muna kami Mahal na Prinsesa Mara. Ako Ang Prinsesa ng Floweria, Ang nag-iisang Prinsesa Lily" saad niya naman at tiningnan Si Mara ng masama Pero tinaas niya lang Ang kaniyang kilay. "Tama Ang sinabi ni Lily Prinsesa Mara. Kailangan mo rin minsan maging mababa. Ano nga pala si Prinsipe Huie Ang Prinsipe ng Kahariang Kolorias" pagpapakilala niya naman at ngumisi Lang Si Mara. Ano ba naman kasi Ang nangyayari? "At Ako naman si Prinsipe Shaon Ang prinsipe ng Kahariang Shauna" pagapapakilala ng papalapit na isang bagong Miyembro ng Royalè. Naguguluhan na ako... "Na---" bago ko pa maituloy Ang sasabihin ko Ay nagsalita naman si Nima. "Parang ako ang nagtataka sa inyo? Ano ba kasing nangyayari? Kampihan?" Tanong ni Nima sa kanila, Wala siyang kinakampihan sa kanila kagaya ko. "Tsk. Alam mo at kilala mo ako Din- ay Asher pala. Hindi ako sumusugos sa laban kung wala akong malalim na dahilan. Hindi ako sumusugod na parang tanga at bobo para sumugod nalang ng basta basta. Alamin niyo Ang dahilan para maintindihan ng maayos" saad naman ni Mara at tiningnan sila isa't isa at napangisi nalang sa kawalan. Hindi talaga siya ngababago, isang pasaway parin siya. Tiningnan ko naman Ang panig na kumakalaban Kay Mara at naintindihan naman nila Ang naisip Kong sabihin. "A--" hindi na natapos ni Lily Ang sasabihin niya Nang magsalita si Galacia. "Gusto nilang Patunayan na may mahika nag Ang prinsesa ng Imorania-mofalia Dahil sa mundo siya ng tao Lumaki. Kung magtatanong ka Asher" sabat naman ni Galicia na nakatingin sa kanila. At paano naman nasali si Brena? "Bakit? Simple Lang naman Ang lahat. Kasi Sita Ang nagpasimuno ng lahat lahat. Siya Ang nagbalak na kagubatan na isa akong inutil at magulang prinsesa. At tungkol naman sa tatlong iyan, sumanib Lang naman sila sa kaniya dahil sa malakas Ang ranggo niya rito sa akademya" sambit niya naman na may galing pang-aasar sa kaniyang mga tingin. Isa ba Ito sa kapangyarihan niya Ang mabasa Ang nasa isip ko? "It's simple Dino I can read minds by their expression and I have my power to posses" saad niya sa utak ko at umalis na habang nakataas Ang kaniyang ulo na para bang Isang makapangyarihan na nilalang rito. Nag-iba na talaga siya, Masungit lang ang Mara na nakilala. Mataas na Ang tingin niya Sa sarili niya. Palagi niyang tinatago Ang mga sakit niya sa loob sa mga kaaway niya. Salita lang siya Pero Hindi pisikalan. Hindi katulad ngayon. "Siya pala Asher, kilala mo siya Hindi ba? Ikaw Ang nagpadala sa kaniya rito. Pakisabihan nalang na kapag inulit niya pa Ang ginawa niya kanina lang mananagot na siya sa akin at Hindi mo gugustuhin Ang gagawin ko sa kaniya" nakangiting saad sa akin ni Brena Pero nataas Ang kaniyang mga kamay na para bang kailangan ko talagang balaan si Mara. "Ash Alam mo naman Ang patakaran ni Brena. Hindi niya magagawa Ang sinasabi ni Mara. Kilala natin siya dahil bata palang tayo ay kasama na natin siya. Sana naman ay paniwalaan mo siya. Mag-usap nalang tayo mamaya, kailangan ko pa siyang kausapin" sambit naman ni Wendie sa akin na may bahid na pag-aalala Ang kaniyang mga mata. "Pero Hindi ko rin Alam Ang magagawa ko kapag sumubra na siya" yan Ang huling sambit niya bago pa man niya sinundan Ang kaniyang kaibigan na si Brena kasabay nun Ang mga Royalè. Samantalang ako naiwan na wala paring naiisip na desisyon. Pati ba naman Si Wendie makikisali rin? Ayokong may mangyaring masama Kay Mara dahil sa akin ibinilin siya nila Pañara at Willo habang Hindi nila nababantayan siya Pero ayaw Kong masaktan si Wendie dahil mahal ko siya. Kabisado ko na talaga si Wendie Pero parang Hindi ko alam Ang susunod niyang gagawin para Kay Mara. Hindi Maganda to. Napapagitnaan ako ng dalawang grupo. "Asher, mahirap ba? Ang galing galing no naman kasi. Ngayon, ano ang gagawin mo para pumayapa Ang mga Royalè?" Tanong naman sa akin ni Percy. Pambihira nagpa-iwan pala Ang isang to rito? Ayaw niya talaga akong tantanan. "Aish, ano ba kasi Ang Dapat kung gawin para Lang magbati Ang Dalawang grupo na yun?" Tanong ko naman sa kaniya .a ikinangiti niya. "Ewan ko, ano ba si Asher? Ikaw Lang Ang makakapagpayapa sa kanilang lahat Asher, Ikaw Lang at wala nang iba. Alam mo yan sa sarili mo bilang tagapamahala ng damaging Royalè ng ating Akademya" sambit niya naman sa akin. Kahit Kailan talaga Wala tong maitutulong sa akin. Tskk, puro nalang ganyan sinasabi niya. "Kailangan ko Nang Tulong Ngayon, Percy. Hindi biro na may pagitan sa samahang Royalè Dahil kapag may mga Misyon tayo tiyak akong may mapapahamak at May mamatay at kapag nangyari hun Hindi ko mapapatawad Ang sarili ko" sambit ko naman sa kaniya at tinapik niya Ang aking mga balikat na para bang senyales na Kumalma ako sa lahat ng problema na pinagdadaanan ko. "Sinabi ko naman na sayo na lahat tayo ay May kakaharaping kapalaran ng aking buhay. At isa na ito sa kapalaran mo, Hindi pa too Ang pinakamahirap para sayo Asher. Wag ka sanang sumuko sa kadahilanang Hindi mo kaya. Gawin mo Ang nararapat Pero patas Ang paningin. Alam Kong malalampasan mo yan, Asher" sambit niya naman sa akin na ikinangiti ko. Tama siya, ako at ako lang Ang makakapagligtas sa lahat. "Salamat" Sabi ko naman sa kaniya at ngumiti. "Basta kung May kailangan ka nandito Lang ako kahit na pareho tayo ng minamahal, Asher" sambit niya naman at nag-umpisa Nang maglakad habang may mga ngiti sa kaniyang labi. Ano Kaya Ang ibig niyang sabihin sa akin? Alam Kong weirdo talaga kausap si Percy Dahil sa Prinsipe siya ng Kahariang nagdadala ng Propesiya at malalalim Ang ginagamit niya na salita kanina. Pero sa tagal naming magkasama ay Alam ko ma kung paano siya maglaro sa tadhana at ikot ng buhay niya. May alam siya sa mga pangyayari Pero pinipigilan niya Ang sarili niya na ilabas Dahil sa mahiwaga Ang mga nakapaloob sa mensahe. Percy, Alam Kong May alam ka... "Magandang araw sa iyo mahal na Prinsipeng Asher ng limang Elemento. Nais ko lang ipabatid sa iyo na tutulungan Kita sa iyong suliranin bilang gantimpala sa pagbabalik ng Prinsesang Mara sa mundo ng Imorania. Iisa Lang Ang sulosyon na kakailanganin para maayos Ang gusot" saad naman ng boses na nasa itaas. Cassiopeia. Regnum Cassiopeia. Narinig niya Ang aking panalangin para maayos Ang gusot sa pagitan ng mga Royalè. "Basta't sundin mo Ang sasabihin ko...." sambit niya naman at ramdam ko naman Ang kaniyang mga ngiti. Ano Kaya Ang sulosyon na gagawin ng Reynang Cassiopeia? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD