NAG-ANGAT ng tingin si Aria patungo sa gawi ng pinto nang maramdaman niya ang pagbukas niyon. At pumasok do'n ang asawa niya. Napansin din niya ang gulat na bumalatay sa mukha nito nang makita siya nitong gising pa. "Why are you still awake?" wika naman nito sa kanya. Bago naman niya ito sagutin ay tiningnan mo na niya ang alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. "Maaga pa kasi at hindi pa ako masyado inaantok," sabi naman niya dito. Alas diyes pa lang naman kasi ng gabi at hindi pa siya inaantok. At habang hindi pa siya inaantok ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng libro. Ibinaba naman ni Aria ang libro na hawak sa bedside table at saka siya bumaba ng kama para lapitan ito. Kinuha naman niya ang coat nito na nakasampay sa balikat nito. "Kamusta ang lakad mo?"

