NAGULAT si Aria ng may mainit na kamay na pumulupot sa baywang niya. At hindi naman na niya kailangan lingunin kung sino ang yumakap sa kanya dahil amoy pa lang nito ay kilala na niya. "Morning, babe," wika naman niya dito ng lingunin niya ang asawa sa likod niya. "Morning," medyo groggy ang boses na bati din nito sa kanya. Hindi naman niya maiwasan ang pagtaas ng balahibo niya sa katawan ng maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa batok niya ng magsalita ito. Medyo nakiliti din siya. Saglit naman itong nakayakap sa kanyang likod hanggang sa pakawalan siya nito mula sa pagkakayakap. At nang lumingon siya dito ay nakita niyang kinuha nito ang extra na apron at isinusuot na nito iyon sa katawan nito. "Anong breakfast ang niluluto mo?" tanong naman nito sa kanya "Nothing special,

