NAPATINGIN si Aria sa kaibigang si Kyla ng tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Napansin naman niyang saglit itong tumitig sa cellphone nito hanggang sa mag-angat ito ng tingin patungo sa kanya. At dahil nakatingin siya dito ay agad na nagtama ang mga mata nila. At base sa ekspresyon ng mukha nito ay alam niya kung sino ang tumatawag dito. Si Angelo o si Aiden. "Aria, asawa mo," wika naman nito sa kanya. Mapait naman siyang napangiti ng banggitin nito ang salitang asawa. Dati-rati kapag binabanggit niya ang salitang asawa ay grabe ang saya ng nararamdaman ng puso niya, hindi lang iyon, grabe din ang t***k ng puso niya kapag nababanggit niya ang salitang asawa. Pero iba na ngayon ang nararamdaman niya, parang kasing may malaking kamay na sumasakal sa puso niya dahil hindi siya maka

